Share

Yes or No!

"So ikaw pala ang may pakana nang pagkasunog sa bahay namin?"

"Opppss Hinay hinay ka sa pambibintang dear ahahahhaha!"

Isang demonyong tawa na nanunuot sa tenga niya. Kung kaharap niya lang ito gusto niyang dumugin ito. Nakakapanginig laman sa galit!

"Ano bang ginawa kong kasalanan sa inyo para ganituhin niyo ko!"

"Talaga hindi mo alam? Wala pa ni minsan ang nagtangkang salungatin ako. Ngayon bilisan mo ang pag dedecision dahil baka ako'y mainip lalo! Di mo pa alam ang kaya kong gawin! Aantayin ko ang tawag mo sa linggong to!" sabay putol sa tawag.

Hindi man lang nakasagot si Ethyl! Tanging pagsigaw lang ang nagawa niya para mailabas ang galit na naipon sa dibdib niya. Galit sa mga taong walang puso na gaya nang mga Galvantez! Ang matriarka nang nga Galvantez ang kausap niya sa telepono. Di niya lubos akalain na ang simpleng pangarap niya na sana makapag trabaho at magkaroon nang sahod ang magiging mitsa para humantong sa ganitong sitwasyon. Pano na sila nang lola niya? Saan sila pupulutin? Wala silang kamag anak na matatakbuhan dahil ang karamihan sa mga ito ay nasa malalayong probinsya. Naninikip ang dibdib niya at anytime sasabog na ito. Awang awa siya sa kalagayan nila nang lola niya. Di na matigil tigil ang pag agos nang kanyang mga luha.

Ang mga Galvantez ang pinakamayamang pamilya sa lugar nila. Lahat yumuyuko sa mga ito. Kilala sila sa dami nilang mga negosyo at namamayagpag ang pangalan nila sa larangan nang pagnenegosyo. Hindi niya akalain na sa araw na yun makakaharap niya ang matriarka nang pamilya na ayon sa mga usap usapan ay madalang lang ito magpakita sa mga tao. At totoo nga ang mga kwentong naririnig niya na nakakatakot pag ito ay nagalit dahil hindi ka nito titigilan hanggat maglumuhod at magmakaawa. Mix emotion, hindi niya alam kung matatakot o magagalit! Napaka unfair nang mundo! Siyang walang ginagawang masama ay lalong nilulugmok sa paghihirap samantalang yung mga taong walang kunsensiya ay lalong umaangat.

Nasa harapan sila nang isang malaking gate. Nagdadalawang isip si Ethyl kung kakatok o hindi! Wala siyang choice kundi lumapit sa amang kinamumuhian. Kung siya lang titiisin niya ang maghirap kahit sa kalsada na tumira pero hindi niya kayang makitang nahihirapan ang lola niya. Ang lola niya ang pinakaimportanteng tao sa mundo at hindi niya kayang makitang nahihirapan ito. Kaya kahit mabigat sa loob niya , sa loob nang ilang taon na di niya kinakausap ang ama ngayon lang ulit siya lalapit dito at hihingi nang tulong. Hindi naman kasi niya naramdaman na naging tatay ito sa kanya dahil mas pinahalagahan pa nito ang pangalawang asawa at piniling abandunahin siya. Kaya ang lola niya ang nagpalaki sa kanya.

"Apo kung ayaw mo na dito tumira okay lang sa akin, wag mong pilitin ang sarili mo na makitira sa kanila."

"Hindi lola (sabay buntunghininga), mas di ko kayang tiisin na makitang nahihirapan ka kesa sa tiisin ang ugali nang madrasta ko!"

"Okay lang ako apo , kaya ko yan ano ka ba! Malakas pa tong lola mo. Alam ko kasi mahihirapan ka dito eh!"

"Lola hayaan mo na po. Wag ka mag alala pag-iigihan ko makahanap nang trabaho agad para makaalis tayo dito. Hindi ka pwedeng tumira sa kalye lalo ngayon na may sakit ka po. Bawal ka mahamugan baka lumala pa lalo yang nararamdaman niyo.

Nasa kalagitnaan sila nang pag uusap nang biglang may bumusinang sasakyan sabay tutok sa kanila nang ilaw nang sasakyan. Sabay bumaba ang sakay nitong may katabaan na babae na umiindayog sa paglalakad. Tila rumarampa kung ito ay maglakad kaya alam na agad ni Ethyl na ito ang madrasta niya.

Pumapalakpak ang mga kamay nito habang naglalakad palapit sa kanila nang lola niya.

"Bravo! Bravo! Andito pala ang magaling na anak ni Arturo! Sa katigasan nang ulo mo yan ang napapala niyo! Bakit ka andito baka madamay pa kami sa galit nang mga Galvantez!"

"Pano niyo po nalaman ang tungkol sa mga Galvantez?"

"Haay nakuh Ethyl napakatanga mo talaga! Siyempre laman ka na nang mga usap usapan ngayon dito sa atin kung pano ka nagmalaki sa mga Galvantez! Pinahiya mo ang matriarka nang mga ito kaya ngayon ayan ang napala mo!"

Nagngagalit ang mga bagang ni Ethyl sa galit. FYI isa din ang mga ito kung bakit siya iniipit nang mga Galvantez dahil sa pagperma nang mga ito na pumapayag sila sa kasunduan kapalit nang pagkaka alis sa lahat nang kanilang pagkakautang. Naging bayad pa siya sa mga utang nang mga ito. Sasagot pa sana siya nang bumaba ang tatay niya at lumapit sa lola niya. Pangalawa ito sa mga anak nang lola niya. Pero mula nang nag asawa ito nang bago lumayo loob ni lola sa tatay niya. Pano ba naman mapagpanggap masyado tong maarte niyang madrasta.

Pumayag ang papa niya at asawa nito na sa kanila muna sila makikitira pansamantala. Hindi naman matatanggihan nang papa niya ang lola kaya kahit ayaw na ayaw niito wala itong magagawa. Kapalit nang kondisyon sa pagtira nila ay ang pag isipan na tanggapin ang alok nang mga Galvantez.

Kinabukasan nagsimula nang maghanap nang trabaho si Ethyl. Inagahan niya para marami siyang kompanyang mapuntahan. Pero lahat iwas na iwas sa kanya na para bang may sakit siyang nakakahawa. May iba nga sa kanila sa pintuan pa lang di na siya pinapapasok at hara harapang tinatanggihan ang appliciation niya. Kahit pagiging janitor ay papatusin niya na pero wala pa rin. Walang may gustong ma involve sa kanya lalo't kumakalat ang balitang ginalit niya ang matandang Galvantez. Ano ba kasi universe naging kasalanan niya at siya pa ang napiling mapunta sa ganitong sitwasyon. Unti unti nang nawawalan nang pag asa si Ethyl. Ayaw niyang umuwi na bigo , hirap na hirap ang kalooban niya lalo't alam niyang hindi okay ang lola niya sa kamay nang madrasta. Mabait lang ito pagkaharap ang papa niya pero inaalila nito ang lola niya pag sila na lang ang naiiwan sa bahay.

Napaupo sa isang bench si Ethyl habang walang patid sa pagtulo nang kanyang mga luha. Ayaw nito tumigil sa pag agos. Nang biglang mag ring ang kanyang cellphone. Ang demonyita niyang madrasta ang tumatawag.

"Ethyl bilisan mo sinusugod ang lola mo sa ospital!"

Sapat na ang narinig niya para manginig ang buo niyang katawan. Yung takot na hindi niya minsan naramdaman sa buong buhay niya kahit na saktan siya nang mga Galvantez. Napaupo ulit sa bench si Ethyl tsaka hinawi ang sarili at nagmadaling pumunta sa ospital na sinabi nang madrasta niya.

"Kumusta si lola?" umiiyak na siya habang tinatanong ang stepmom at doktor na kaharap nito.

"Doc ako po ang apo niya, ako po ang guardian ni lola, kumusta po ang kondisyon niya?"

"Iha tatapatin na kita ha, hindi na magtatagal ang buhay nang lola mo pag hindi pa rin siya naoperahan sa lalong madaling panahon! May donor kaming available ngayon at kelangan mong maghanda nang kalahating milyon para sa operasyon kung gusto mong masagip ang buhay nang lola mo."

"Kalahating milyon doc? Saan ko hahagilapin yan..?"

Mas lalong naghysterical ang utak ni Ethyl sa isiping saan niya hahanapin ang ganun kalaking pera sa balat nang lupa.

"Walang ibang option sa ngayon iha para sa lola mo kundi yang operasyon. Kung gusto mong masagip ang buhay nang lola mo paghandaan mo ang operasyon niya. Kelangan sa linggong to ma operahan na siya kundi magiging huli na ang lahat. Excuse me maiiwan ko muna kayo pupuntahan ko muna ang ibang pasyente.!"

Sa pagtalikod nang doctor doon na mas lalong tumulo ang mga luha niya. Ayaw na tumigil sa pagtulo ang mga ito. Hirap na hirap ang kalooban niya na wala siyang magagawa para sa lola niya.

"Kung gusto mong sagipin ang lola mo Ethyl wag ka na magmatigas! Tanggapin mo ang offer nang mga Galvantez! " umaalingawngaw sa buong corridor ang boses nang madrasta niya. Tila isa itong palaso na tumutusok sa puso niya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status