Share

Disaster Day

Ethyl Saldamonte an undergraduate mula sa kursong accountancy. Dahil sa nagkasakit ang lola niya nitong taon kaya napilitan siyang tumigil muna sa pag aaral upang maalagaan at masustentuhan ang gamutan nito. Graduating na sana siya sa taong ito kaso wala siyang ibang choice kundi ang piliin maging full time employee. May tatay siya pero may iba na itong pamilya, baby pa lamang siya nang pumanaw ang nanay niya sa sakit na leukemia. Hindi niya kayang mawala ang pinakamamahal niyang lola dahil ito na ang nakagisnan at nakalakihan niya mula nang piliin nang tatay niya ang bago nitong pamilya. Laking pasalamat niya nang magbukas nang job fair ang MRTZ Empire para sa mga non graduated students. Kasabay nang offers nito na kapag nagustuhan ang performance, ang kompanya mismo ang magpapa aral sa kung sino man ang ma hire with allowance monthly. Bongga diba kaya ganun na lang ang pag nanais nang marami na makapasa sa interview.

"You're pass! Tanggap ka na!", paglilinaw pa nito.

"Pe .. pe.. pero? naguguluhan po ako, pano po ako nakapasa eh hindi pa naman kayo nagtatanong,"? takang takang tanong ni ethyl sa mga to. Napaka suspense naman matatanggap ka agad nang hindi ka pa na e interview. Amazing..!!!! Sigaw nang naguguluhang kaluluwa ni Ethyl.

"I did a background check on you already and I think you are perfectly fit for the job!" singit nang matandang babae.

"Anong trabaho po? Killer po ba? Hostess? or Sex slave?", walang prenong pagtatanong niya na napakunot noo sa gwapong lalaki na kaharap niya. Biglang humagalpak nang tawa ang matanda nang marinig ang sinabi niya.

"No iha, more than that.! " sabay sabi nito.

Napalaki bigla ang mga mata ni Ethyl. Dito na siya totoong nataranta, handa na sana siyang tumayo at mag walk out nang magsalita ulit ito.

"I offer you full medical expenses sa lola mong may sakit , A whole year scholarship and after you graduated dito ka magtatrabaho with a high position plus 2million cold cash if you succeeded sa ipapagawa ko sayo." ani nang matanda.

"A.. a ..anong ipapagawa po?" , nakakalula ang offer nang matanda grabe. Ano kaya ang ipapagawa nito sa kanya bakit ganun ka laki ang offer? Mas lalo tuloy siyang kinabahan.

"Be my surrogate mother! Isisilang mo ang anak namin nang asawa ko!" isang mahina at diin na pagkakasabi nang gwapong lalaki pero tila isa itong bomba na sumabog sa tenga niya.

WTF..?? Whattttt..??? Surrogate mother?? " biglang napasigaw sa gulat si ethyl!

"Yes you heard it right, lahat nang sinabi naming offer sayo ibibigay namin yun with contract basta pumayag ka lang na ipagbuntis ang anak namin.!

"Wait! wait! wait!!!! Trabaho lang po ang pinunta ko dito bakit napunta sa pagiging surrogate mom? No Way!! Ayaw ko!!! Hindi ako papayag!! Ano na lang sasabihin nang future husband ko pag malaman niya to!!!" madiing pagtanggi niya. Biruin mo isang napakayamang lalaki di kayang magka anak? Ahahaha nakakatawa talaga ang mundo, kung sino pa ang pinagpala sa mga materyal na bagay sila pa yung hindi biniyayaan nang kakayahang magka anak!

"You don't have a choice actually! Pumirma na ang daddy mo sa kasunduan kapalit nang pagkalinis sa pagkakautang niya sa amin!",

Nanlaki at nagulantang si Ethyl nang marinig niya ang sinabi nito? Daddy niya ? Pinagbili siya? Hah! Hindi na nga ito naging tatay sa kanya pinagbili pa siya sa mga ito!

"No Way ayoko pa rin! Walang karapatan ang tatay ko sa buhay ko! Kahit kelan di siya naging ama sa akin! Ako ang mag dedecxon sa buhay ko! " sabay tayo sa upuan at akmang tatalikod na! Gusto na niyang layasan ang mga to. Di na baling hindi matupad mga pangarap nila nang lola niya kesa ipagbili ang kaluluwa niya sa mga ito!!

"Think of it first iha bago ka tumanggi. Ayaw kitang pilitin pero valid ang kasunduan namin nang tatay mo. May 1week ka para pag isipan ang mga to! And once tumanggi ka pagsisihan mo ang bagay na yan, I'll make your life a living hell!" pagbabanta nang matanda sa kanya.

Tinapunan lang niya ito nang nakakamatay na titig sabay talikod at labas nang pintuan!

"Living hell sa mukha niya! Tatay ko ang gawin nilang surrogate bakit ako pa. Bad trip , panira kasi talaga yung lalaki na yun , hanggang sa interview daladala ko pa rin talaga ang kamalasan na nangyari mula kaninang umaga." pagmamaktol niya sa sarili.

Naalala na naman ni Ethyl ang lalaking nakabungguan niya kanina dahil dito lalong lumalim ang pangungunot nang noo niya! Dumiritso na siya nang uwi dahil gusto niyang itulog yung inis na naramdaman niya kanina. Maalala lang niya mga sinabi nang mga to nabubwesit na siya. Pag dating niya sa kanto papasok nang bahay nila nakita niyang nag umpukan ang mga tao! may mga nagtatakbuhan at merong ingay nang bombero na paparating!

"Ate ate? ano pong nangyari.?,

"Oi Ethyl ikaw pala yan , nakuhh yung bahay niyo nang lola mo nasusunog!",

"Ha.? ." Yun lang ang tangi niyang nasabi sabay takbo papunta sa bahay nila. Nadatnan niya ang lola niyang umiiyak habang yakap yakap nito ang paboritong pusa.

"Lola kumusta po kayo? Hindi ka ba nasaktan? Okay ka lang?"

"Apo (huhuhuhuhu) Apo ko, wala akong naisalbang mga gamit natin (huhhhuhuhuhu)!" Iyak nang iyak ito habang yumayakap sa kanya.

"SHHHHH okay lang yan lola ang mahalaga ligtas po kayo."

"Pero pano na tayo apo,? san tayo titira?" Di pa rin mapigil ang hikbi nito. Naiyak na rin si Ethyl! Kamalas malas namang buhay to! Hindi na nga nakakuha nang trabaho nasunugan pa! Pano na sila nang lola niya. Nang biglang mag ring ang telepono niya....

"Hello?"

"I told you iha, oras na tumanggi ka I'll make your life a living hell!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status