Share

THE DECISION

Nakabalik nang kanyang opisina si Sefero na puno nang galit at inis. Pano ba naman biglang naglahong parang bula yung babae kanina sa cafe. Alam niya may laman yung mga sinabi nito. Galit na galit na inutusan niya lahat nang bodyguards para suyurin ang buong cafe upang hanapin ito pero hindi nila mahagilap. Pati mga cctv cameras walang malinaw na kuha na tila alam nito iwasan lahat nang mga camera sa paligid. Galit na galit niyang sinuntok ang mesa. Buti na lang gawa sa matibay na kahoy ito kung nagkataon baka basag na ito sa lakas nang pagkakatama nang kanyang mga kamao. Bahagyang nagdugo ito kaya dali daling pumasok sa loob ang sekretarya para linisan ang sugat niya. Nang matapos ay binigyan siya nito nang tsaa na pampakalma. Alam na alam na nang sekretarya niya ang gagawin pagdating sa mga ganitong eksena. Buti na lang nagtiis ito sa kanya. Ilang minuto pa lang mula nang lumabas ito nang pumasok ulit at inagaw ang kanyang atensiyon.

"Sir , nandiyan si Ms Ethyl Saldamonte. Hinahanap po kayo."

Laking gulat niya na marinig ang pangalan nito. Bakit nagpunta ito sa opisina niya? Wala na itong dahilan para magpunta pagka't bayad na ang ospital nito. Nag iisip pa nga lang siya kung pano ito mapapaamo pero ito na ang babae sa opisina niya at kusa nang lumalapit?

"Sige, let her in!"

Napaka Seryoso nang mukha nito nang pumasok na tila susugod sa isang gyera. Mararamdaman mo ang bigat nang aura niya. Gayunpaman hindi kayang takpan nito ang taglay niyang kagandahan. Ngayon lang lubos na natitigan ni Sefero ang dalaga. Kaya siguro ito ang napili nang mamu niya dahil maliban sa nakaka impress nitong educational background ay may angkin itong alindog na walang lalaki ang makakatanggi. Likas ang natural na ganda ni Ethyl na makakaakit nang anak ni Adan. Bumagay ang mahaba nitong pakulot kulot na buhok sa manipis nitong mukha. Naka ponytail lamang to na lalong nagpa labas nang magandang guhit nang kanyang mukha. May mga mata itong nangungusap na pakiwari mo andami nitong gustong sabihin sayo. Andami pa sanang gustong mapansin ni Sefero pero binasag ni Ethyl ang pagkakatitig nito dito.

"Ahem, para ka atang nakakita nang multo at titig na titig ka jan!"

"Im sorry, Hindi ko lang inaasahan ang iyong pagdating." Bawi niya sa isang napaka seryoaong boses. First time niya ginawa yun na tumitig nang matagal sa isang babae. Alam niya na may kakaiba sa babaeng ito dahil nakuha nito ang atensiyon niya.

"Wow, hindi mo talaga inaasahan? Kakaiba rin kayo magpanggap nuh. Ang galing!"

Sarkastiko nitong pagkaka bigkas. Nakapamulsa ang dalawang kamay ni Ethyl habang nakatayo sa harapan ni Sefero. Isang boyish gesture yet feminine look. Andaming napupuna si Sefero kaya't tumalikod muna siya at pumikit nang mariin. Nagulat si Sefero sa sarili pagka't unang pagkakataon lamang to nangyari na napapansin niya ang karakter o makuha ang atensiyon niya lalo sa isang babae. Tinawag niya ang sekretarya para dalhan nang maiinom si Ethyl at pinaupo ito sa couch na nasa harapan nang kanyang mesa.

Tinitigan lamang nang babae ang kape at hinarap siya nito.

"Payag na ako sa kontrata!"

Bombang sumabog sa pandinig ni Sefero ang sinabi nang dalaga. Nalilitong napaisip siya kung anong nangyari at biglang nagbago ang decision nito nang walang kahirap hirap. Kaya bakas sa mukha ni Sefero ang pagtataka. Nagpang abot ang dalawang Kilay niya. Kunot na kunot ang mga noo.

"Sigurado ka na ba diyan Miss Saldamonte? Wala nang bawian to!" Paninugurado ni Sefero dahil baka nagkamali lang siya nang pandinig.

"As if naman may choice ako!"

Dahil sa sinabi nito lalo pang nagkunot ang mga noo niya. Ano kayang ginawa nang mamu niya na magpabago sa decision nito? Nang nagsalita ito muli para masagot ang mga katanungan sa isip niya.

"Binayaran niyo ang ospital. Tapos nang ma operahan si lola at di ko naman maibabalik agad ang pera. Hindi ko ipagpapasalamat sa inyo ang pera na yun dahil may kabayaran yun.'

Tumpak! Ngayon naiintindihan na ni Sefero kung bakit ito nakapag decision. Tama nga naman , siya lang ang kilala nitong Sefero kaya iisipin talaga nito na siya ang nagbayad. Tumawag agad si Sefero para ipahanda sa kanyang sekretarya ang kontrata. Pagkakataon nga naman walang kahirap hirap pala na mapapayag ang babae na to.

"Bago ko permahan ang kontrata na yan may gusto akong idagdag sa agreement na yan. Pagkatapos nang lahat gusto kong bigyan mo ko nang posisyon sa kompanya na ito. Isang mataas na posisyon."

Wow, namangha si Sefero sa taas nang tiwala nito sa sarili. Ito ang isang babae na hindi basta basta naalipusta. May katalinuhan ding taglay.

Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Sefero dito.

"At bakit ko gagawin yun? Sobra-sobra na ang perang ibabayad namin sayo!"

Diin ni Sefero. Napakalakas naman nang loob nang babaeng to para mag demand sa kanya nang ganun.

"Pag hindi mo ginawa yan isisiwalat ko ang sekreto niyo.!"

"At di mo na maabutang buhay ang lola mo!" Bulyaw niya dito. Galit na galit si Sefero sa pambabantang narinig niya mula sa babaeng ito.

"Wala pa ni isang nagtangkang magbanta sa akin nang harap harapan Miss Saldamonte!"

Rinig na rinig ang pagngangalit nang mga ngipin nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status