LoreleiNasa sala kasi kami ni Matthias, ngunit kanina pa ako naiinis dito dahil walang tigil akong pagmasdan.“Sa TV ka nga tumingin naroon ang palabas wala sa mukha ko!” nababanas kong sita kay Matthias dahil kanina pa sa akin nakaharap.Malakas na halakhak ang narinig ko subalit hindi galing kay Matthias na seryoso. Kun'di galing kay Kuya Mattheus na kararating lang.“Kuya Mattheus,”Tumayo ako at sinalubong ito upang mayakap.“Nang ako kahapon, hindi gano'n kainit ang pagsalubong sa akin,” parinig ni Matthias sa amin ng kambal niya subalit hindi ko na lang pinansin.“Ayos kumpleto ang buong angkan ng Martinez,” sabi pa ni Kuya umakbay sa akin sabay na kami bumalik sa sofa.Hindi na ako tumabi kay Matthias. Lumapit ako sa pang-isahang upuan kasi si Kuya Mattheus, umupo sa tabi nito at pabiro pang sinuntok sa balikat ang kambal nito.“Ikaw kasi, bakit nga naman wagas kong makatitig. Nasita ka tuloy ni bunso,” pambubuska ni Kuya Mattheus sa kambal niya.“Kalalaking tao ang chismoso,”
Last Updated : 2024-03-26 Read more