Bumulahaw ang malalakas na sigawan na siyang nagpatikwas sakin mula sa pagkakatulog. Araw-araw na lamang ang maririnig mo ay, "hoy, magnanakaw!" o hindi kaya ay, "P*tanginamo, ano yung chinichismis-chismis mo?!" Isa na lang itong normal na ganap dito sa Tondo. Lalo na sa lugar kung saan ako kasalukuyang nakatira. Ang gulanit-gulanit naming bahay na gawa sa karton at trapal ay nakatirik sa harap ng nakakasulasok na kanal. Madumi, mabaho, at pestehin ng mga daga at ipis. Nakalakihan ko na ang ganitong tirahan, kaya 'di na ko mag-iinarte.Pagnanakaw, pananalisi, at pangloloko ng tao ang kabuhayan dito. Pero meron namang mga disente ang trabaho tulad ni Mang Tan na naglalako ng taho. Mas mabuti na yon kesa magnakaw. Pangako ng gobyerno, magbibigay sila ng trabaho. Pero wala eh. Ilang taon na ang nagdaan, at ilang pangako na ang 'di natupad kaya naman tuloy sa pagnanakaw. Aanhin mo naman ang moral kung kumakalam na ang sikmura mo diba? At kung buhay ang Diyos, hahayaan niya bang magutom an
Baca selengkapnya