Share

Just Another Heist Story
Just Another Heist Story
Author: K.T Trinidad

Chapter 1

Author: K.T Trinidad
last update Last Updated: 2023-10-05 10:10:14

Bumulahaw ang malalakas na sigawan na siyang nagpatikwas sakin mula sa pagkakatulog. Araw-araw na lamang ang maririnig mo ay, "hoy, magnanakaw!" o hindi kaya ay, "P*tanginamo, ano yung chinichismis-chismis mo?!" Isa na lang itong normal na ganap dito sa Tondo. Lalo na sa lugar kung saan ako kasalukuyang nakatira. Ang gulanit-gulanit naming bahay na gawa sa karton at trapal ay nakatirik sa harap ng nakakasulasok na kanal. Madumi, mabaho, at pestehin ng mga daga at ipis. Nakalakihan ko na ang ganitong tirahan, kaya 'di na ko mag-iinarte.

Pagnanakaw, pananalisi, at pangloloko ng tao ang kabuhayan dito. Pero meron namang mga disente ang trabaho tulad ni Mang Tan na naglalako ng taho. Mas mabuti na yon kesa magnakaw. Pangako ng gobyerno, magbibigay sila ng trabaho. Pero wala eh. Ilang taon na ang nagdaan, at ilang pangako na ang 'di natupad kaya naman tuloy sa pagnanakaw. Aanhin mo naman ang moral kung kumakalam na ang sikmura mo diba? At kung buhay ang Diyos, hahayaan niya bang magutom ang mahihirap? Hahayaan niya bang umupo sa pwesto ang mga pulitikong gahaman at kurap na walang ibang ginawa kundi kumamkam ng salapi ng mga tao?

Bumalik ako sa aking wisyo nang humiyaw ang aking ina, "Klarissa! Bumangon ka na dyan! Ano bang akala mo prinsesa ka na nasa palasyo?! Kumain ka na dyan at mag tungo sa Quiapo. Karipas!"

"Kung makasigaw naman kayo, oo! Ang aga-aga yawyaw kayo nang yawyaw! Pesteng buhay 'to," pabalang kong sagot.

"Hoy, babaita ka! Kelan ka pa natutong sumagot, ha? Baka masampal ko iyang bibig mong letse ka! Kumain ka na diyan at nang makaalis ka na dine. Ako'y naaalibadbaran sa iyo,"

Kinain ko na parang walang bukas ang gabundok na kanin na inihain sa akin. Pumunta na ako sa pinaka malapit na poso at napatitig ako sa timba, hindi ko mawari kung bakit nakatitig sakin ang isang dalaga. Ang buhok nya ay hindi lalagpas sa tainga, bilugan ang malalalim nyang mga mata, lubog ang pisngi, at namumutlang mga labi na tila'y binabad sa suka. Tumulo ang isang patak ng tubig sa timba na gumawa ng saluysoy na siyang nagpalabo ng imahe ng babae. Tuluyan ko nang pinadaloy ang tubig sa aking mukha upang makapaghilamos at dumiretso na sa Quiapo. Maghahanap buhay na naman si Klarissa para sa pamilya. Kahit walang perang dala, sinapalaran ko ang pagpunta sa Quiapo. Dali-dali akong sumabit sa mga jeep patungo sa trabaho ko. Ilang minutong sabit at 1-2-3 din ang pinagdaanan ko. Agad akong nagtungo sa Quiapo Church upang magdasal.

"Lord, sana po ay marami akong manakaw ngayon. Para naman may makain kami mamayang gabi. Malaking tulong na po yung di ako mahuli ng pulis. At sana maraming mayaman ang magsimba ngayong linggo. Para tiba-tiba, Lord! Maraming salamat po, Amen!"

Nagsimula na kong magprospect ng mga tulala at walang kamalayan sa paligid. May pailan- ilan sa mga naglalakad na dagat ng tao kaya naman sinimulan ko na ang hustle ko. Marahan kong sinundan ang Ginang na palinga-linga sa paligid nya. Nang makalapit ako sa kanyang likod ay marahan, tahimik, at kalmado kong binuksan ang kanyang mukang mamahaling bag. Mabilisan kong hinablot ang kanyang pitaka na nasa bungad lang at dahan-dahang din akong naglaho naglaho na parang bula.

Mangilang ulit kong ginawa ang ganong technique hanggang sa magdilim na. Limang pitaka lang ang nakuha ko sa maghapon. Masaya kong binuksan ang mga pitaka at isa isa kinuha ang mga laman nito.

"Singkwenta, isang daan, isang daan, bente, at tigpi-pisong mga barya," bulong ko.

"Akala ko naman mayaman! Makapag-bag naman ng mukang mahahalin, barya lang naman ang laman ng wallet! Letse. Ni hindi kami mabubusog nito ng isang bung araw e. ₱289? Bigas pa lang kulang pa 'to. Hayaan na atlis may maiuuwi kaysa wala," reklamo ko.

Malalim ang iniisip ko habang naglalakad patungo sa terminal ng mga jeep. Nakarinig ako ng mahinang ungol ng pusa. Nakuha nito ang atensyon ko at naglakad ako sa kinaroroonan niya. Naghihingalo na ito dahil sa pagkakabangga ng mga mabilis na sasakyang dumadaan. Kinuha ko ito upang ilayo sa kalsada, inilapag ko siya sa buhanginan at tinitigan. Naghahabol na ito ng kanyang hininga, maririnig mo ang malamlam nitong iyak mula sa kanyang pinsalang natamo. Paglalipas ng ilang minuto, binawian na ito ng buhay. Kinuha ko itong muli at itinapon sa basurahan.

"Isa ka na lamang laman at buto. Kalaunan mabubulok ka na rin, buti ka pa tapos na ang paghihirap mo. Wala ka na sigurong problema diyan," bulong ko. Dumiretso na ko sa terminal ng jeep upang makauwi na.

Kaswal at walang kabuhay-buhay akong naglakad patungo sa eskinita kung nasaan ang aming mumunting bahay. Ring ang matinis at malakas na boses ng aking ina sa buong eskinita na naghuhumiyaw.

"Matias, gumawa ka naman ng paraan! Halos wala na kaming makain ng anak mo dito! Tapos yung mga nananakaw mo pinangsusugal mo lang! Ipakita mo naman ang talento mo sa pagnanakaw!" Singhal nya sa aking ama.

Agad naman dumpensa sa sarili ang ama na siyang lalong ikinagalit ng aking ina.

"Hoy, Beth! Baka akala mo hindi ko alam mga kalokohang ginagawa mo? Akala mo walang nakakakita sayong pumupunta ka kila pareng Abot tuwing gabi?"

"Hoooy! At least ako may nailalapag na mga de lata sa hapag. Nalalamanan ko sikmura natin! E ikaw? Walang silbi!" Pagmamalaki ng aking ina.

"Puro na lang kayo sigawan! Wala na 'kong ibang narinig kundi puro hiyawan niyo. Kapag namatay ako, ipapanalangin ko talaga sa lahat ng Santo na ipanganak ako sa mayamang pamilya, para lahat ng bagay may solusyon!." Sigaw ko.

"Hay, nako! Iyang nanay mo ang sakit sa ulo. Oo! Dedelihensya na! Manahimik lang yang bibig mong parang sirang plaka! Isasama kon'yang si Klarissa at nang matuto na sa big-time gig. Desiotso naman na yan." Agad na tumahimik ang paligid at hagikhik lamang ng ina ang nangingibabaw sa nakakabinging katahimikan.

***

Si Matias Salcedo, o mas kilala sa tawag na Golden Hand. Dating mayaman ang kanilang pamilya. Kilala sa Tondo, may kapangyarihan, nirerespeto, ginagalang, at kinakatakutan. Dahil sa reputasyon nila, marami ang gustong makitang bumagsak ang mga Salcedo. Ang yaman nila ay hindi nanggaling sa business, droga, o dahil sa trabaho nila. Ang pundasyon ng yaman ng mga Salcedo ay mula sa malalaking heist. Mula jewelry shops hanggang sa mga bangko. Masasabi ko bang eksperto? Hindi, kundi plantsado ang plano. Isang araw, pumunta si Matias sa isang sikat na Casino sa Pasay upang gumasta ng pera. Sa kabutihang-palad, sa ilang oras niyang paglalaro, hindi naubos ang pera n'ya at nadagdagan pa ito ng ilang milyong salapi na napanalunan n'ya. Madaling araw na, kaya't napagpasyahan nya nang umuwi. Masaya s'yang humihimig habang binaybay ang kalsada ng Tondo, ngunit malayo pa lamang ay tanaw na nya ang makapal, malaki, at maitim na usok malapit sa mansyon nila.

Dali-dali siyang tumakbo kung saan nagmumula ang usok, ayaw niya mang tanggapin ngunit tama ang kanyang kutob, inaabo na nang paunti-unti ang mansyon ng Salcedo. Ang tangi nya lang nagawa ay tumitig sa nakakapaso at naglalagablab apoy. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata na parang ilog nang hindi niya namamalayan. Wala siyang maramdaman. Unti-unting naglaho ang kapangyarihan na meron siya, ang apelyidong ipinundar ng Salcedo sa Tondo ay maglalaho na.

Makalipas ang 14 na oras, naapula na ang sunog. Ang mansyon na matatag na nakatayo ay abo na lamang at ilang pawid ng sunog na kahoy. Natagpuan ang bangkay ng kanyang Lolo, si Lord Bowie Salcedo. Sumunod naman ang kanyang ama't ina na sina Tyron at Lady Anna Salcedo. Sunog, lapnos, at di na makilala ang mga bangkay na inilabas ng mga bombero. Ilan sa mga bangkay ay makikita mo ang laman na umuusok pa at tila niluluto ang kanilang kalamnan. Ngunit ang kapansin-pansin ay lahat sila may gapos ang mga kamay at may busal ang mga bibig. At nang mismong araw ding yon, napanood ng buong Tondo ang pagbagsak ng mga Salcedo.

***

Makalipas ang tatlong araw, dinala ako ng aking ama sa lugar na tinatawag nilang Underground. Isa itong basement mula sa isang bahay na abandonado na nang matagal na panahon. Dito nila pinupuslit ang mga illegal na mga baril at iba't ibang armas. May malalaki, meron din malilit. Meron ding iba't-ibang klase ng granada. At iba pang mga armas na di ko mawari dahil bago lang ang mga ito sa aking paningin. Ang nasa isip ko lang ay malaking pera ang makukuha namin dahil ang The Heimz ang target ng heist na ito. Ang The Heimz ay ang pinaka malaking jewelry shop sa lungsod ng Makati. Dito makikita ang mga nagkikinangang mga diyamante at mga mamahaling bato sa buong mundo. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang iningatan nilang The Hope Diamond. Ito ang pang-apat na pinaka malaking diyamante sa mundo at ang pinaka malaking darkest blue na diamond. Nagkakahalaga ito ng $400,000 sa kasalukuyang panahon. Ang kabuuan ang heist na ito ay nagkakahalaga ng $986,000. Ang pinakamalaking heist sa buong Pilipinas.

Tinipon ng aking ama ang tinatawag nyang troops na makakasama nya sa heist na ito. Pinili ng aking ama ang mga miyembro ng heist na ito mula sa iba't-ibang parte ng Tondo. Anonymous ang pagkakakilanlan ng bawat isa. Mararamdaman mo ang tensyon at pagbasa nila ng kilos ng bawat isa. Mula sa hikab hanggang sa kanilang paghinga. Tanging ang aking ama lamang ang may personal na koneksyon sa lahat. At para maiwasan ang pagkalat ng pagkakakilanlan ng mga kasama, hinayaan nyang pumili ang mga ito ng mga alyas. Agad binasag ng aking ama ang katahimikan at namumuong tensyon sa loob sa ng silid. Agad naman nyang binigay ang mga gampanin ng bawat isa, malugod nyang tinuro ang lalaking na nasa dulo ng silid.

"Neon," Agad nitong tugon.

"Ang misyon ko ay ideliver ang jewelry sa napag-kasunduang lugar. Hindi ko misyon ang iligtas kayo. Hindi ako mangingiwing iwan kayo kahit iyon pa ang maging dahilan ng pagkamatay n'yo," malamig nitong tugon.

"Si Neon ang maghahatid sa atin at kukuha ng mga alahas na malilikom natin mula sa likod ng the The Heimz. Dadalhin nya ito sa malayong lugar. Kung saan? Si Neon lang ang nakakaalam," paliwanag ng aking ama.

Si Neon, hindi ko alam ang pangalan nya pero nakita ko na sya sa game room. Dito niya pinaskil ang mga litrato at ilang mga impormasyon ng mga tong pinagbabalakan niyang isama sa heist. Hindi ko malilimutan ang buhok nyang kulay neon na naka-mohawks, tattoo-an ang buong katawan hanggang sa kanyang mukha. Punong-puno rin ng hikaw ang kanyang tenga, ilong, pati na rin ang bibig. Trademark na nya ang sando at ang jacket nyang maong na wari ko ay ilang buwan nang di nalilinisan. Malinis gumawa at lahat ng illegal na transaksyon na dadaan sa pinaka-mataas na security ay kay Neon bumabagsak. Kaya naman walang duda kung bakit sya ang piniling transporter sa heist na ito.

"Pwede nyo kong tawaging Nitrate," sabe ng malaking lalaki gamit ang kanyang malalim na boses. May peklat na pahaba sa kanyang mukha mula kilay, pababa ng kanyang mata, hanggang sa kanyang pisngi. Kapansin-pansin ang kanyang malaking katawan na parang body builder. Sinundan ng isa pang matipunong lalaki ang sinabe nito.

"Carbon," maikli nitong tugon.

Nakatali ang hanggang balikat nitong buhok na pa-pony. Matipuno ang kanyang katawan, moreno, at nang-aakit ang mga mata nito na tila hinihigop ka papalapit sa kanya, mawawari mo na galing sila sa military dati mula sa kanilang tindig at kilos.

Base sa impormasyon sa game room, ang dalawang ito mga dating Heneral sa giyera sa Ukraine. Ngunit agad nilang iniwan ang kanilang mga posisyon at nanirahan na lang sa Tondo. Marami na silang giyerang napagdaanan ngunit ang huling laban nila ang nakapagtanto na walang buhay sa giyera. Kagutuman, kalungkutan, at kamatayan lamang ang meron sa giyera. Walang kaluwalhatian at kapayapaan kahit matapos ang mga sagupaan. Sila ang magging guard laban sa mga kapulisan a reresponde habang kami ay nasa loob ng The Heimz.

"You can call me Sly. A sly freaking fox," wika ng maginoo na naka-tuxedo.

Malinis ang pagkakaayos ng kanyang mahabang puting buhok, mayroon din itong nakakalokong mga ngiti, at maayos ang pagkakalagay ng kanyang kurbata. Isang tingin mo pa lamang ay malalaman mo nang mamahalin ang kanyang magarang kasuotan. Hindi maikakaila ang nag-uumapaw niyang karisma, siya rin ay kolektado at kalmado. Si Sly ang isa sa magiging moderator ng heist. Agad ko namang sinundan ang pagpapakilala niya.

"Tawagin niyo 'kong Little Finger, isa rin ako sa mga magiging moderator ng heist. May desisyon ako sa loob ng The Heimz. Ang anumang pagkilos na ikasisira ng heist ay hindi ko itotolerate. Handa rin ako maglagay ng bala sa loob ng katawan niyo kung hihingiin ng pagkakataon. Hangad ng heist na ito ang walang kaswalidad na misyon at ang maayos nating paglabas ng gusali, kaya naman bilang moderator, tungkulin 'kong kontrolin ang mga pangyayari sa heist na ito,"pagpapakilala ko.

"Golden naman ang itawag niyo sakin sa buong heist na ito. Ako ang pinaka-mangangasiwa sa buong operasyon ngunit kayo ang kikilos sa grounds. Malaking pera, ibig sabihin malaki rin ang risk. Kung ano ang kalalabasan ng heist na 'to? Hindi ko rin alam. Isa lang ang maipapangako ko, yun ay ang mailalabas ko kayo nang buhay," mariing sabe ng aking ama.

Matapos ang paghahanda ng mga armas na gagamitin para sa heist. Agad nang sumakay ang lahat sa van ni Neon. Tumagal din ng ilang oras ang biyahe mula Tondo hanggang Makati.

Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nasa biyahe. Tuwa, kaba, at takot ang pinaka nangibabaw na emosyon ang nararamdaman ko. Tuwa dahil ito ang unang heist na sinalihan ko, kaba dahil kahit ano pwede mangyari, at takot na anumang oras ay pwede pumangit ang sitwasyon. At ang plano?

Walang nakakaalam.

Huminto na ang van senyales na kami ay nasa aming destinasyon na. Mabilis na bumaba ang lahat at pumunta na sa kanilang mga pwesto. Magkasama kami ni Sly na pumasok sa entrance ng The Heimz suot ang aking magarang salamin at magarang mahabang bestida na kulay pula. Pinalamutian din ako ng mga mamahaling hikaw, kwintas, at singing. Tila ngayon ko lang naramdaman ang pagkababae ko. Ganito pala ang pakiramdam na makapagsuot ng magarang kasuotan at kumilos ng mayaman.

Ilang minuto lang ay pumasok na sina Carbon, Nitrate, at Golden na armado ng malalaking baril. Dali-dali namang pinindot ni Sly ang pulang button, dahan-dahang nagsara ang buong The Heimz, ngunit awtomatiko tong nagsesend ng signal sa kapulisan ng Makati kapag ito ay nagsara nang mas maaga sa alas dose ng madaling araw. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong may baril na nakadin sa ulo ko. Agad kong tinignan si Sly at ganon din ang sitwasyon niya, nakatutok ang Colt AR-15 SP1 Semi -automatic rifle ni Carbon sa ulo niya.

"Nitrate? Anong ginagawa mo?" Bulong ko. Ngunit hindi niya ito pinansin.

"Itaas mo ang kamay mo at ilagay mo sa likod ng ulo mo," tugon nya.

"Bilisan mo at sumunod ka na lang," dagdag pa niya.

"S-sandali!" Pagpupumiglas ko. Ngunit bago pa ako makapagsalitang muli ay may matigas na bagay ang pumukol sa ulo ko na siyang dahilan ng aking pagkahilo. Bayolente akong kinaladkad ni Nitrate paakyat sa pangalawang palapag ng gusali. Marahas niya akong inihagis sa sofa, kahit nanghihina ay dahan-dahan kong kinuha ang S&W 686 Plus na nakatago sa hita ko at tinututok kay Nitrate.

"Wala 'to sa plano!" Sigaw ko kay Nitrate.

BANG!

Bumulahaw ang ting ng balang nagpahinto sa bawat isa. Ang iba ay nagulat, natakot, at nagtaka. Agad na namuo ang tensyon sa kwarto kung saan nagmula ang gumagapang na kawalan ng tiwala, kaguluhan, at takot.

Related chapters

  • Just Another Heist Story   Chapter 2

    Bago magsimula ang heist, naunang pumunta ang aming mga kasama sa van, habang naiwan ako at si Golden. Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman kong tumutulo ang luha niya habang yakap-yakap niya ako. Hindi ko maintindihan pero nakaramdaman ako ng kaginhawaan sa init ng yakap niya. Yakap na matagal ko nang hinahanap-hanap, ang kalinga ng isang ama na pagkatapos ng labing walong taon ay ngayon ko lang naramdaman.Pakiramdam ko ay ligtas ako at walang kahit anong makakapanakit sakin. Unti-unti siyang kumawala sa pagkakayakap at hinubad ang kwintas na kanyang suot, marahan niyang isinuot ito sa aking leeg. "Kwintas ng Buhay ang tawag dito," sabe niya habang hinihimas ang kwintas na suot ko."Nagmula pa yan sa mga nauna mong lolo na pinasa lang din sakin. Tingin ko, mas bagay na siya sayo ngayon na matanda ka na. Dalaga na ang prinsesa ko. Sorry anak sa buhay na binigay ko sayo. Patawad sa lahat ng naging kasalanan ko sayo, sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama. Huwag mong iwawala 'y

    Last Updated : 2023-10-05
  • Just Another Heist Story   Chapter 3

    Kinabukasan, maagang ginising ang mga hostage upang ayusin ang kanilang sarili. Isa-isang pinapasok ang mga ito sa banyo upang maka-ligo at makapag-ayos gamit ang hygiene kits na nasa bag. Ang iba ay mabilis lang naglinis, ang iba naman ay matagal, at ang iilan ay mangiyak-ngiyak pa dahil sitwasyon na kinatatayuan nila.Mabilis na lumipas ang oras, at nalalapit na rin ang araw ng pagtatapos ng heist. Dapat mabilis, sigurado, at tantiyado ang bawat minuto. Nakakasiguro si Golden na anumang oras aatake na ang pwersa ng kapulisan. Nais nila itong tapusin agad dahil dumarami na ang media, at nakukuha na rin namin ang atensyon ng internasyonal na pahayagan. Lumalawak na ang taga-panood ng pinaka malaking heist sa Pilipinas. At kailangan naming makuha ang simpatya ng madla. Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, ang lahat ay nasa pinaka maayos na nilang itsura. Inilinya naming muli sila nang pahalang at nag-antay ng mga susunod na hakbangin. Samantala, tahimik at dahan-dahan ang pagbaba n

    Last Updated : 2023-10-05
  • Just Another Heist Story   Chapter 4

    Kinabukasan, suminag na ang araw hudyat ng pagsisimula ng totoong heist. Ang mga taong pinili ang kalayaan ay pinasuot ng mga jumpsuit, baclava mask, at binigyan ng mga pekeng baril. Pinapwesto silang muli sa mga bintana upang maiwasan ang anumang muling pag-atake. Ang mga pumili ng kalayaan ay isa-isang palalabasin sa gusali, ang tulong nila ay hindi na kakailanganin sa buong heist, at wala silang salaping matatanggap pagkatapos ng misyon na ito. Malugod nila itong tinatanggap, bukal sa kanilang puso ang malaya nilang pagpili, at may dignidad silang lalabas sa The Heimz, ang kontrobersyal na pinaka-malaking heist sa buong Pilipinas. Sinenyasan ako ni Sly na lumapit sa kanya. Matulin ang mga naging hakbang ko palapit sa kinatatayuan niya, marahan siyang bumulong, at inutusan akong pagalawin na ang mga bago naming miyembro sa heist upang simulan na ang pagkuha sa mga alahas. "Makinig kayo!" sigaw ko. "Magsisimula na ang pinakahihintay nating lahat. Ang pinaka-payapang araw sa buong

    Last Updated : 2023-10-07
  • Just Another Heist Story   Chapter 5

    Lagi akong may napapanaginipan. Tila isang pelikula na nagsisimulang rumolyo mula pagpikit ng aking mga mata, hanggang sa kahimbingan ng aking pagtulog, at magtatapos sa pagmulat ko. Iisa lang ang palaging laman nito, pinapanood ko ang sarili kong hinahabol ng isang anino hanggang mahulog ako sa isang malalim na bangin, doon ko gugulin ang walang hanggan, hanggang sa magising na lang ako nang nanginginig sa takot. Parang pahiwatig ng isang unos na naghihintay.Ginising ako ni Sly sa mahimbing kong pagkakatulog. Tila hindi karaniwang naglalawa ang pawis ko sa buong katawan, basang-basa ang dibdib ng suot kong mahabang pulang dress na tila inilubog sa tubig, sobrang lagkit sa pakiramdam. Pinunasan ko na rin ang mga laway na kumalat sa aking pisngi, kinuskos ko ang aking mga mata upang maaninag ang paligid. Dahan-dahan akong tumayo at bumalik sa dati kong pwesto upang muling mag-bantay sa mga hostage. Sa kasalukuyan, winawagayway na nila ang puting bandera na simbolo ng pagsuko ng aming

    Last Updated : 2023-10-07
  • Just Another Heist Story   Chapter 6

    [YEAR 2012]Dalawang taon bago magsimula ang Ukranian War, nagkakaroon na ng kaliwa't kanang balikatan dahil sa nabubuong tensyon mula sa pagitan ng Russia at Ukraine. Inatasan ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na bumuo ng isang private squad na mayroon lamang sampung miyembro, inaasahan na sa loob ng limang taon na pagsasanay ay maipapadala na sila sa Ukraine upang tumulong sa tumataas na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Naging masugid sa pagpili ng mga miyembro and Department of National Defense, pumili sila ng sampu sa private first class, isang lieutenant, at isang captain para sa private squad. Ang progress ng mga report ay diretsong matatanggap ng General dahil classified na misyon ito.Pagkalipas ng isang Linggo, tinipon ang sampung private first class at inilipad sa isang isolated na isla sa Palawan. Malakas ang hampas ng nagngangalit na dagat sa bangin ng isla. Tanging helicopter o mga sasakyang panghihipawid lang ang tanging paraan para makapasok at makaalis sa isla.

    Last Updated : 2023-10-11
  • Just Another Heist Story   Chapter 7

    "You will wander through the dense forest of this island for 3 days, inside this cylinder jar are sticks that have a number from one through five on its end. You'll be teamed up with a stick that holds the same number as yours," paliwanag ni Lt. Shackelberg. "Now, we shall begin. Pick your sticks and do not show it yet," dagdag pa niya."Those tools in the field are not made for hunting," wika ni Fritz."It's for surviving. Before you choose your weapons, you have to wear these bracelet trackers, so that we can find your body— I mean you." Sagot ni Lt. Shackelberg.Naglakad papalapit ang isang lalaking cadet na may hawak na box at lumapit sa kanila isa-isa upang ibigay ang kanilang bracelet trackers. Marahan nilang isinuot ang mga ito at isa-isa itong umilaw, pahiwatig na activated na ang mga bracelet trackers at lahat ng ito ay gumagana."Ngayon, tignan naman natin ang makakasama niyo sa exercise na ito. Tatawagin ko ang inyong numero at kayo ay aabante ng isang hakbang kung hawak n

    Last Updated : 2023-11-18

Latest chapter

  • Just Another Heist Story   Chapter 1

    Bumulahaw ang malalakas na sigawan na siyang nagpatikwas sakin mula sa pagkakatulog. Araw-araw na lamang ang maririnig mo ay, "hoy, magnanakaw!" o hindi kaya ay, "P*tanginamo, ano yung chinichismis-chismis mo?!" Isa na lang itong normal na ganap dito sa Tondo. Lalo na sa lugar kung saan ako kasalukuyang nakatira. Ang gulanit-gulanit naming bahay na gawa sa karton at trapal ay nakatirik sa harap ng nakakasulasok na kanal. Madumi, mabaho, at pestehin ng mga daga at ipis. Nakalakihan ko na ang ganitong tirahan, kaya 'di na ko mag-iinarte.Pagnanakaw, pananalisi, at pangloloko ng tao ang kabuhayan dito. Pero meron namang mga disente ang trabaho tulad ni Mang Tan na naglalako ng taho. Mas mabuti na yon kesa magnakaw. Pangako ng gobyerno, magbibigay sila ng trabaho. Pero wala eh. Ilang taon na ang nagdaan, at ilang pangako na ang 'di natupad kaya naman tuloy sa pagnanakaw. Aanhin mo naman ang moral kung kumakalam na ang sikmura mo diba? At kung buhay ang Diyos, hahayaan niya bang magutom an

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status