Share

Chapter 3

Author: K.T Trinidad
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Kinabukasan, maagang ginising ang mga hostage upang ayusin ang kanilang sarili. Isa-isang pinapasok ang mga ito sa banyo upang maka-ligo at makapag-ayos gamit ang hygiene kits na nasa bag. Ang iba ay mabilis lang naglinis, ang iba naman ay matagal, at ang iilan ay mangiyak-ngiyak pa dahil sitwasyon na kinatatayuan nila.

Mabilis na lumipas ang oras, at nalalapit na rin ang araw ng pagtatapos ng heist. Dapat mabilis, sigurado, at tantiyado ang bawat minuto. Nakakasiguro si Golden na anumang oras aatake na ang pwersa ng kapulisan. Nais nila itong tapusin agad dahil dumarami na ang media, at nakukuha na rin namin ang atensyon ng internasyonal na pahayagan. Lumalawak na ang taga-panood ng pinaka malaking heist sa Pilipinas. At kailangan naming makuha ang simpatya ng madla. Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, ang lahat ay nasa pinaka maayos na nilang itsura. Inilinya naming muli sila nang pahalang at nag-antay ng mga susunod na hakbangin. Samantala, tahimik at dahan-dahan ang pagbaba ni Sly mula sa hagdan mula sa kwarto ni Golden.

"Tulad ng pinangako ko sa inyo kagabe, magkakaroon tayo ng malaking show! Ngayong araw ipapakita natin sa mga pamilya niyo na ayos lang kayo dito sa loob at walang kapahamakan ang nakabanta sa inyo. Simple lang, sasabihin niyo lang na ligtas kayo mula sa pangangalaga namin," paliwanag niya.

"Huwag na tayong magsayang ng oras at simulan na natin," dagdag niya.

Mabilis na sinet-up nina Carbon at Nitrate ang Video Camera para sa live streaming at minention ng mga ito ang iba't-ibang media outlet para sa mas malawak na sakop. Isa-isa nang umupo sa harap ng kamera ang bawat hostage, nagpakilala sila at nagbigay ng mensahe sa kanilang pamilya.

"A-ako si Anna Marie Corpuz, isa akong teacher, ligtas kami sa loob ng The Heimz. Simula nang magsimula ang heist na ito, wala silang sinaktan kahit isang hostage. Pinapakiusapan namin ang pwersa ng kapulisan na mag-cease fire para sa mga civilian na narito pa sa loob," mahabang pagmamakaawa niya.

"P-para sa anak ko, Uuwi na si mommy d'yan. Anak, ang meals kaya mo ng gawin diba? Nasa ref lang ang mga need mo. P-pwede mong tawagan si Lala habang wala pa si mommy ha. Siya muna ang mag-aalaga sayo," lumuluhang paalala niya niya sa kanyang anak. Humagulgol na parang bata ang babae, at umiyak nang walang tinig. Tumayo rin ito at pumalit naman ang isa pang hostage.

"Ako si Jake dela Cruz, estudyante. Natatakot man kami sa kalagayan namin ngayon, tinitiyak naman nila samin na di nila kami sasaktan at ligtas kami dito sa loob. Tulad ng naunang hiling ng hostage sa mga kapulisan, we call for a cease fire hangga't wala pang hostage ang nasasaktan," tugon nito.

"A-at para sa mommy ko. Sorry, ma. Sorry. Hindi ko alam kung makakauwi pa ko kung papasok ang mga pulis dito sa loob. Kaya magpapaalam na 'ko. Sorry ma, dahil di ako naging mabuting anak sa inyo. Pasensya na kung nalulong ako sa mga masamang bisyo at sugal. Sana mapatawad mo 'ko. Alam kong hindi nakaka-proud. A-alam kong magagalit ka kapag nalaman mo, pero kailangan mong malaman. Ma, hindi ko alam kung gaano katagal na pero gusto kong gamitin ang pagkakataon na 'to para sabihin na mahal na mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid ko pati ni Papa. Hinding hindi ko kaya ipagpapalit sa kahit anong kasiyahan sa mundo. At kung mamamatay ako dito, hihiling ako ng isang libong beses sa Panginoon na ipanganak ako na kayo ulit ang magulang ko," pamamaalam ni Jake habang pinupunasan ang sipon at luha na parang musmos na bata, nakatanim na sa kanyang isipan and ideya na hindi na siya makauwi sa tahanan nila.

Pagtayo niya ay umupo naman ang isang lalaki na wari ko ay nasa kanyang 50's. Matangkad, at medyo napapanot na rin ang kanyang buhok, matipuno ang katawan, medyo moreno din siya siguro dahil sa matagal na pagtatrabaho sa initan.

"Ready na ho ba?" tanong niya. Tumango lang si Sly sa kanya at nagsimula na siyang magsalita.

"Who wishes to fight must first count the cost," nakangising sabe ng matanda.

Mabilis, matalim, at matalinhaga ang tinuran niya. Siya ay matamlay na tumayo at sumunod na umupo ang isa pang hostage. Pagkatapos ng ilang oras ay nakapagsalita, at nakapagpaalam na ang lahat ng mga hawak namin tao sa The Heimz, ngunit bago magtapos ang live stream, nagsimulang umulan ng bala sa loob ng The Heimz. Malakas, nakakabingi, at nakakatindig balahibo ang sunod-sunod na pagpapaputok ng baril ng kapulisan. Mabilis na nagsidapa ang mga hostage pati na rin ang mga nakabantay sa bintana, sinagot naman ito nila Nitrate at Carbon ng kanilang mga AK-47 na dala, nagpaputok din sila pabalik sa kapulisan bilang sagot sa bayolenteng pag-atake ng mga ito. Lingid sa kaalaman ng lahat, handa na ang SWAT team na buksan ang entrance ng gusali. Nakahanda na ang kanilang mga bomba at naglalakihang mga armas upang magsagawa ng massacre sa loob The Heimz.

Tumagal din ng ilang minuto ang balitaktakan hanggang sa umatras ang pwersa ng gobyerno. Nakuha sa live stream ang buong pangyayari at dahil dito marami ang bumatikos sa gobyerno sa kanilang ginawang operasyon. Nagrally ang pamilya ng mga hostage upang pigilan ang mga susunod pang di makatarungang pag-atake sa loob ng The Heimz dahil sa bilang ng mga sibilyan na maaring masaktan. Ang maling galaw ng gobyerno ay agad na kumalat sa iba't-ibang mga pahayagan. Marami ang nagkondena si 'di makatao nilang kilos. Nagsimula naman ito ng mataas na diskurso ng debate sa mga social media maging sa mga balita.

Samantala, tumalbog ang puso ng mga nang matapos marinig ang isang sigaw na nakakatuhog ng puso at nagpakulta sa aming mga dugo.

***

"AHHHHHH!" nanghihinang sigaw ng binata habang umiiyak sa sakit.

Agad namin siyang pinuntahan upang bigyan ng ayuda. Sa bayolenteng at nakakapanindig-balahibong palitan ng mga bala kanina, isang bala ang bumutas sa kanyang tiyan at bituka,mabilis na nagkulay puti ang kanyang mga labi senyales na siya ay nauubusan na ng maraming dugo.. Kumuha si Carbon ng malinis na tela at idiniin niya ito sa tama ng bala ni Jake. Sinenyasan sila ni Sly na muling iset-up ang VideoCam at itapat ito kay Jake. Nangangatog akong bumaba sa lobby at naghanap ng pwedeng makatulong.

"NURSE?! MAY NURSE BA SA INYO?! DOCTOR?! SUMAGOT KAYO!" taranta kong sigaw sa kanila, ngunit katahimkan at hikbi lang ang sagot na aking natanggap.

Nakaramdam ako ng mainit na likido na tumulo sa aking mga mata. Kinuha ko ang baril ko at tinutok ko sa kanila habang nagtatanong na nakapanlaki at nakapagpa-nginig ng kanilang mga buto.

"ANO?! HINDI KAYO SASAGOT? ! KELANGAN NAMIN NG DOCTOR! Kung meron man sa inyo, iligtas niyo yung batang kasama natin. Uuwi pa siya sa kanila! Tulad niyo, may nag-aantay din sa kanya!" pakiusap ko sa kanila habang tumutulo ang aking mga luha na parang ilog.

Napaupo na lang ako sa madilim na parte ng silid at natulala sa kawalan kasalukuyan. Nanghihina pa ang mga kong nanginginig na tuhod ay pinuntahan ko sila Sly sa ikalawang palapag, sa lapag kung saan naka-latay si Jake. Nanghihina at halos di na siya makagalaw dahil sa dami ng dugo na nawawala sakanya.

"G-gusto kong makausap ulit ang mama ko," nanghihinang sabe nito.

"Jake, uuwi ka pa diba? Malapit ng matapos ang heist na 'to. Pwede ka naming ilabas para magamot ka ng mga doktor," 'di ko pa rin mapigilang mga mainit na likido na kumakalawa sa namumula kong mga mata, hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Jake para bigyan siya nang kaunting lakas at pag-asa.

"H-hindi na rin ako aabot, Little Finger. Gusto ko na m-makausap mama ko," hiling niya. Nakatingin lang siya sa kisame habang dinidiinan ang tama ng baril sa tiyan niya.

"Ma, sana pag namatay ako maging malakas ka. Maging malakas ka para sakin. Mabuhay ka na parang normal pa rin. Lilipas lang ako pero hindi ako mawawala. Kasi mukang di na 'ko makakauwi. S-sana lagi kitang sinasabihan ng mahal na mahal kita noon, nung marami pa tayong oras. M-ma, sana hindi ka sakin galit. Hindi ko na kayo mayayakap. Ma, hindi na kita masasamahan manood ng paborito mong series. At hindi ko na rin matitikman ang siningang mo. Pasensya na kung maiksing panahon lang ang binigay sa atin. Sa susunod na buhay sana tayo pa rin," pumikit na ito nang may ngiti sa kanyang mga labi, napansin kong tumulo ang luha niya sa kanyang pisngi na nagpakirot sa puso ko. Kinuha ko ang kamay niya upang kapain ang pulso nito ngunit...

wala na.

Muli, napanood ng buong mundo ang mga huling sandali ni Jake. Kinondena ang nasyonal na gobyerno ng internasyonal ng mga pahayagan dahil sa pabaya at walang kakayahan nitong humawak ng malalaking krisis. Pinukaw nito ang mga matitinding emosyon ng mga tao, galit, poot, pagkamuhi, awa, lungkot, at iba pa. Ang paglisan ni Jake ang nagpakilos sa mga ito na ihinto ang anumang pag-atake sa The Heimz at magbitaw ang Imbestigador na humahawak ng malaking krisis na ito. Hindi maipinta ang mga mukha na dumating na mamamayan, nagrally ang daan-daang tao sa harap ng The Heimz at mariing pinanagot ang gobyerno sa kapabayaang ito. Ang heist na wala sanang kaswalidad ay hindi na maisasagawa.

Kumuha ng body bag si Carbon at doon inilagay si Jake. Inilagay siya sa kahon at dinasalan siya ng aming mga kasama bago siya ilabas ng gusali. Pagkatapos ng pagbibigay ng dasal at pamamaalam kay Jake, binuksan ni Sly ang The Heimz, habang hinahatid ang bangkay ni Jake sa gitna, Lumabas kaming lima at sabay-sabay kaming nagpaputok ng isang bala na nakututok sa langit. . Nakarinig kami ng malamlam na boses at paunti-unting lumalakas ang himig nito habang sinasabayan ng mga hostage ang kanta, nag-alay ng kanta ang mga hostage sa binatang namayapa habang inilalabas ito ng ihinahatid ang walang buhay nitong bangkay sa kanyang ina.

Isa si Jake sa mga naging collateral damage ng heist na ito. Gusto man naming iwasan, pero 'di mo malalabanan ang tadhana, 'di mo malalabanan ang nakatakda. Hindi rin naman maikakaila na siya ay isang anak, kapatid, at apo, at may inang nawalan ng anak, may kapatid na nawalan ng kuya, at may lolo na nawalan ng apo.

Marahil kailangan na sa taas ng bayani kaya siya kinuha ng maykapal. Baka siya ang anghel na bababa sa tuwing nasa peligro ang pamilya niya. Siguro nga nagkulang lang ng anghel sa taas kaya ka niya agad kinuha.

Kung nagkatagpo lang tayo sa ibang pagkakataon, baka naging matalik tayong magkaibigan. Alam kong mahal na mahal mo ang pamilya mo dahil sa sinseridad ng mga mensahe mo. At sana sa susunod na buhay mo, hanapin mo 'ko, dahil totoo ang kaibigan na tulad mo.

"Lord, sana nakangiting nagpapahinga sa ilalim ng lilim ng malaking puno si Jake sa Paraiso mo ng buhay. Alam ko at naniniwala akong hindi mo siya pababayaan. Sa saglit niyang pananatili sa mundo, nagbigay siya ng ilaw at pagmamahal sa mga taong nakasama at makakasama niya dyan sa taas. Magpahinga ka nang payapa, Jake," mataimtim kong panalangin.

Sa unang pagkakataon, naniwala ako sa isang bagay na para sa akin ay hindi totoo. Ito rin ang unang pagkakataon na nagdasal ako para sa iba, at unang pagkakataon na hindi para sa makamundong kagustuhan at kasalanan. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng pagmamalasakit at nagbigay ako ng katiting na pagmamahal sa iba. At sana ito na ang huling bangkay na makikita ng aking mga namumugtong mata.

Tahimik ang lahat at nagluluksa sa paglisan ng isa naming kasama. Ngunit si Sly, walang panahon na ginugol para dito. Pinapili niya ang mga natitirang hostage kung kalayaan o pera. Ang kalahati ay piniling lumaya at ang kalahati ay pinili ang pera. Pinaghiwalay sila sa dalawang grupo base sa kanilang desisyon upang makilala ang mga matitirang hostage. Nakakabingi pa rin ang katahikan na binasag ng mabibigat na yabag ng isang lalake, si Golden. Pinuntahan niya ang Hope Diamond na mag isang naka-display sa gitna ng kanang bahagi ng lobby sa ilalim ng malaking painting. Nakakasinag ang ganda ng diyamanteng ito. Kasing kulay ng madaling araw sa kahimbingan ng mga tao sa gabi, at kasing ganda ng malalim, malawak at maaliwalas na dagat. Tinignan niya lang ito nang matagal na tila may pinag-iisipan. Dumating naman si Carbon dala ang maliit na box na naglalaman ng diamond knife. Walang sinayang na minuto si Golden at sinimulan na niya ang kanyang trabaho , maingat niyang inukitan ang salamin na nagpoproktekta sa diyamante. Dahan-dahan, masinop, at mayroong matinding pag-iingat ang paglililok niya ng salami , tinatayang aabutin siya ng walong oras sa pagkuha ng pinaka-misyon ng heist na ito: Ang Diamond Hope.

Kung kailan kampante ang lahat na naka-cease fire ang kapulisan, nakaamba naman ang panganib na matiyagang naghihintay sa loob ng The Heimz. Tahimik na nagmamadsid na parang tigreng nagmamatiyag sa kanyang susunod na biktima.

Kaugnay na kabanata

  • Just Another Heist Story   Chapter 4

    Kinabukasan, suminag na ang araw hudyat ng pagsisimula ng totoong heist. Ang mga taong pinili ang kalayaan ay pinasuot ng mga jumpsuit, baclava mask, at binigyan ng mga pekeng baril. Pinapwesto silang muli sa mga bintana upang maiwasan ang anumang muling pag-atake. Ang mga pumili ng kalayaan ay isa-isang palalabasin sa gusali, ang tulong nila ay hindi na kakailanganin sa buong heist, at wala silang salaping matatanggap pagkatapos ng misyon na ito. Malugod nila itong tinatanggap, bukal sa kanilang puso ang malaya nilang pagpili, at may dignidad silang lalabas sa The Heimz, ang kontrobersyal na pinaka-malaking heist sa buong Pilipinas. Sinenyasan ako ni Sly na lumapit sa kanya. Matulin ang mga naging hakbang ko palapit sa kinatatayuan niya, marahan siyang bumulong, at inutusan akong pagalawin na ang mga bago naming miyembro sa heist upang simulan na ang pagkuha sa mga alahas. "Makinig kayo!" sigaw ko. "Magsisimula na ang pinakahihintay nating lahat. Ang pinaka-payapang araw sa buong

  • Just Another Heist Story   Chapter 5

    Lagi akong may napapanaginipan. Tila isang pelikula na nagsisimulang rumolyo mula pagpikit ng aking mga mata, hanggang sa kahimbingan ng aking pagtulog, at magtatapos sa pagmulat ko. Iisa lang ang palaging laman nito, pinapanood ko ang sarili kong hinahabol ng isang anino hanggang mahulog ako sa isang malalim na bangin, doon ko gugulin ang walang hanggan, hanggang sa magising na lang ako nang nanginginig sa takot. Parang pahiwatig ng isang unos na naghihintay.Ginising ako ni Sly sa mahimbing kong pagkakatulog. Tila hindi karaniwang naglalawa ang pawis ko sa buong katawan, basang-basa ang dibdib ng suot kong mahabang pulang dress na tila inilubog sa tubig, sobrang lagkit sa pakiramdam. Pinunasan ko na rin ang mga laway na kumalat sa aking pisngi, kinuskos ko ang aking mga mata upang maaninag ang paligid. Dahan-dahan akong tumayo at bumalik sa dati kong pwesto upang muling mag-bantay sa mga hostage. Sa kasalukuyan, winawagayway na nila ang puting bandera na simbolo ng pagsuko ng aming

  • Just Another Heist Story   Chapter 6

    [YEAR 2012]Dalawang taon bago magsimula ang Ukranian War, nagkakaroon na ng kaliwa't kanang balikatan dahil sa nabubuong tensyon mula sa pagitan ng Russia at Ukraine. Inatasan ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na bumuo ng isang private squad na mayroon lamang sampung miyembro, inaasahan na sa loob ng limang taon na pagsasanay ay maipapadala na sila sa Ukraine upang tumulong sa tumataas na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Naging masugid sa pagpili ng mga miyembro and Department of National Defense, pumili sila ng sampu sa private first class, isang lieutenant, at isang captain para sa private squad. Ang progress ng mga report ay diretsong matatanggap ng General dahil classified na misyon ito.Pagkalipas ng isang Linggo, tinipon ang sampung private first class at inilipad sa isang isolated na isla sa Palawan. Malakas ang hampas ng nagngangalit na dagat sa bangin ng isla. Tanging helicopter o mga sasakyang panghihipawid lang ang tanging paraan para makapasok at makaalis sa isla.

  • Just Another Heist Story   Chapter 7

    "You will wander through the dense forest of this island for 3 days, inside this cylinder jar are sticks that have a number from one through five on its end. You'll be teamed up with a stick that holds the same number as yours," paliwanag ni Lt. Shackelberg. "Now, we shall begin. Pick your sticks and do not show it yet," dagdag pa niya."Those tools in the field are not made for hunting," wika ni Fritz."It's for surviving. Before you choose your weapons, you have to wear these bracelet trackers, so that we can find your body— I mean you." Sagot ni Lt. Shackelberg.Naglakad papalapit ang isang lalaking cadet na may hawak na box at lumapit sa kanila isa-isa upang ibigay ang kanilang bracelet trackers. Marahan nilang isinuot ang mga ito at isa-isa itong umilaw, pahiwatig na activated na ang mga bracelet trackers at lahat ng ito ay gumagana."Ngayon, tignan naman natin ang makakasama niyo sa exercise na ito. Tatawagin ko ang inyong numero at kayo ay aabante ng isang hakbang kung hawak n

  • Just Another Heist Story   Chapter 1

    Bumulahaw ang malalakas na sigawan na siyang nagpatikwas sakin mula sa pagkakatulog. Araw-araw na lamang ang maririnig mo ay, "hoy, magnanakaw!" o hindi kaya ay, "P*tanginamo, ano yung chinichismis-chismis mo?!" Isa na lang itong normal na ganap dito sa Tondo. Lalo na sa lugar kung saan ako kasalukuyang nakatira. Ang gulanit-gulanit naming bahay na gawa sa karton at trapal ay nakatirik sa harap ng nakakasulasok na kanal. Madumi, mabaho, at pestehin ng mga daga at ipis. Nakalakihan ko na ang ganitong tirahan, kaya 'di na ko mag-iinarte.Pagnanakaw, pananalisi, at pangloloko ng tao ang kabuhayan dito. Pero meron namang mga disente ang trabaho tulad ni Mang Tan na naglalako ng taho. Mas mabuti na yon kesa magnakaw. Pangako ng gobyerno, magbibigay sila ng trabaho. Pero wala eh. Ilang taon na ang nagdaan, at ilang pangako na ang 'di natupad kaya naman tuloy sa pagnanakaw. Aanhin mo naman ang moral kung kumakalam na ang sikmura mo diba? At kung buhay ang Diyos, hahayaan niya bang magutom an

  • Just Another Heist Story   Chapter 2

    Bago magsimula ang heist, naunang pumunta ang aming mga kasama sa van, habang naiwan ako at si Golden. Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman kong tumutulo ang luha niya habang yakap-yakap niya ako. Hindi ko maintindihan pero nakaramdaman ako ng kaginhawaan sa init ng yakap niya. Yakap na matagal ko nang hinahanap-hanap, ang kalinga ng isang ama na pagkatapos ng labing walong taon ay ngayon ko lang naramdaman.Pakiramdam ko ay ligtas ako at walang kahit anong makakapanakit sakin. Unti-unti siyang kumawala sa pagkakayakap at hinubad ang kwintas na kanyang suot, marahan niyang isinuot ito sa aking leeg. "Kwintas ng Buhay ang tawag dito," sabe niya habang hinihimas ang kwintas na suot ko."Nagmula pa yan sa mga nauna mong lolo na pinasa lang din sakin. Tingin ko, mas bagay na siya sayo ngayon na matanda ka na. Dalaga na ang prinsesa ko. Sorry anak sa buhay na binigay ko sayo. Patawad sa lahat ng naging kasalanan ko sayo, sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama. Huwag mong iwawala 'y

Pinakabagong kabanata

  • Just Another Heist Story   Chapter 3

    Kinabukasan, maagang ginising ang mga hostage upang ayusin ang kanilang sarili. Isa-isang pinapasok ang mga ito sa banyo upang maka-ligo at makapag-ayos gamit ang hygiene kits na nasa bag. Ang iba ay mabilis lang naglinis, ang iba naman ay matagal, at ang iilan ay mangiyak-ngiyak pa dahil sitwasyon na kinatatayuan nila.Mabilis na lumipas ang oras, at nalalapit na rin ang araw ng pagtatapos ng heist. Dapat mabilis, sigurado, at tantiyado ang bawat minuto. Nakakasiguro si Golden na anumang oras aatake na ang pwersa ng kapulisan. Nais nila itong tapusin agad dahil dumarami na ang media, at nakukuha na rin namin ang atensyon ng internasyonal na pahayagan. Lumalawak na ang taga-panood ng pinaka malaking heist sa Pilipinas. At kailangan naming makuha ang simpatya ng madla. Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, ang lahat ay nasa pinaka maayos na nilang itsura. Inilinya naming muli sila nang pahalang at nag-antay ng mga susunod na hakbangin. Samantala, tahimik at dahan-dahan ang pagbaba n

  • Just Another Heist Story   Chapter 2

    Bago magsimula ang heist, naunang pumunta ang aming mga kasama sa van, habang naiwan ako at si Golden. Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman kong tumutulo ang luha niya habang yakap-yakap niya ako. Hindi ko maintindihan pero nakaramdaman ako ng kaginhawaan sa init ng yakap niya. Yakap na matagal ko nang hinahanap-hanap, ang kalinga ng isang ama na pagkatapos ng labing walong taon ay ngayon ko lang naramdaman.Pakiramdam ko ay ligtas ako at walang kahit anong makakapanakit sakin. Unti-unti siyang kumawala sa pagkakayakap at hinubad ang kwintas na kanyang suot, marahan niyang isinuot ito sa aking leeg. "Kwintas ng Buhay ang tawag dito," sabe niya habang hinihimas ang kwintas na suot ko."Nagmula pa yan sa mga nauna mong lolo na pinasa lang din sakin. Tingin ko, mas bagay na siya sayo ngayon na matanda ka na. Dalaga na ang prinsesa ko. Sorry anak sa buhay na binigay ko sayo. Patawad sa lahat ng naging kasalanan ko sayo, sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama. Huwag mong iwawala 'y

  • Just Another Heist Story   Chapter 1

    Bumulahaw ang malalakas na sigawan na siyang nagpatikwas sakin mula sa pagkakatulog. Araw-araw na lamang ang maririnig mo ay, "hoy, magnanakaw!" o hindi kaya ay, "P*tanginamo, ano yung chinichismis-chismis mo?!" Isa na lang itong normal na ganap dito sa Tondo. Lalo na sa lugar kung saan ako kasalukuyang nakatira. Ang gulanit-gulanit naming bahay na gawa sa karton at trapal ay nakatirik sa harap ng nakakasulasok na kanal. Madumi, mabaho, at pestehin ng mga daga at ipis. Nakalakihan ko na ang ganitong tirahan, kaya 'di na ko mag-iinarte.Pagnanakaw, pananalisi, at pangloloko ng tao ang kabuhayan dito. Pero meron namang mga disente ang trabaho tulad ni Mang Tan na naglalako ng taho. Mas mabuti na yon kesa magnakaw. Pangako ng gobyerno, magbibigay sila ng trabaho. Pero wala eh. Ilang taon na ang nagdaan, at ilang pangako na ang 'di natupad kaya naman tuloy sa pagnanakaw. Aanhin mo naman ang moral kung kumakalam na ang sikmura mo diba? At kung buhay ang Diyos, hahayaan niya bang magutom an

DMCA.com Protection Status