Home / Romance / Reviving Our Scars / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Reviving Our Scars: Chapter 21 - Chapter 30

58 Chapters

CHAPTER 21

ALIYA'S POVNang gabing iyon ay mag-isa akong lumabas ng aming silid. Hindi ko alam kung nasaan si Gavin kaya lumabas na muna ako. Bakasakaling makita ko siya sa labas.Sa sobrang lawak ng lugar ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa makarating ako sa isang lugar na punong-puno ng mga bulaklak at iba't-ibang klase ng halaman. Kahit gabi na ay malawak naman ang lugar kaya makikita pa rin ang ganda ng paligid. Sa gitna nito ay may duyan na hindi lang isa ang makauupo. Malaki kasi ito ay may mga bulaklak pa sa paligid. Umupo ako rito. Hindi ko na ito ginalaw dahil nakakaramdam talaga ako ng pagkahilo kapag dinuduyan.Malamig ang simoy ng hangin kaya mas lalo kong ibinalot sa aking katawan ang suot na jacket. Tumingala ako at nakita ang kalangitang punong-puno ng mga bituin at ng maliwanag na buwan. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Tila ako'y nangungulila. Para bang may pumipiga sa aking puso. Ramdam ko na lang na may mga luha nang nakawala sa
last updateLast Updated : 2023-10-08
Read more

CHAPTER 22

ALIYA'S POV"Here," inilahad sa akin ni Gavin ang isang basong may lamang mainit na tsokolate. Tumabi ito sa akin. Bumalik na kami sa aming silid pagkatapos ng madamdaming ganap kanina sa katubigan. "Did I really scared you, love?" tanong niya. May pag-aalala pa rin sa boses niya. Nandito kami ngayon sa balkonahe ng aming silid at nakaupo sa malambot na couch habang nakatanaw sa magandang tanawin.Tumango ako. "Balak na nga sana kitang hiwalayan eh. Inisip ko na rin kung saan ako manunuluyan kapag umalis ako sa bahay mo. Ganiyan ako katakot kanina," pahayag ko rito."You did not. . ." saad niya."Kanina lang naman 'yon dahil sobrang takot na takot talaga ako. Akala ko kasi totoong may pating talaga. Tapos, bigla ka na lang naglaho. Hindi ko alam ang gagawin ko. Litong-lito at nagpa-panic na ako. Dagdag mo pa ang hindi ako makaalis sa aking puwesto," paliwanag ko.Mas lumapit si Gavin sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Ang dalawa kong kamay naman ay nakahawak sa tasang may tsok
last updateLast Updated : 2023-10-09
Read more

CHAPTER 23

ALIYA'S POV"Uuwi na tayo ngayon," walang emosiyong bigkas ni Gavin habang kausap si Jacobe. Nasa tabi lang nila ako pero parang ayaw talaga akong pansinin ni Gavin. Ni hindi niya ako magawang sulyapan. Parang wala lang din ako rito sa tabi nila."Akala ko ba ay bukas pa?" tanong ni Jacobe. Nilingon ako ni Gavin at nagtama ang mga mata namin."Nawalan na ako ng gana," wika niya habang nakatitig sa akin. Hindi ako umimik. Pagkatapos ay tinalikuran na niya kami at umalis na."Wanna come?" tanong ni Jacobe sa akin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi ako sasama."Huwag na. Aalis na tayo kaya kailangan ko nang mag-ayos ng mga gamit," sagot ko."Mabilis lang tayo."Tututol pa sana ako pero hinawakan na ako ni Jacobe sa aking pulsuhan at hinila. Alam kong wala na akong magagawa pa kaya nagpahila na lang din ako."Saan ba kasi tayo, Jacobe?" tanong ko rito. Ilang minuto niya na rin akong hila-hila. Malagubat na rin itong dinadaanan namin kaya nagtataka na rin ako. Hindi ko al
last updateLast Updated : 2023-10-09
Read more

CHAPTER 24

ALIYA'S POVPaggising ko ay takipsilim na. Nag-inat na ako ng aking katawan at bumaba na sa kama. Hinimas ko ang aking tiyan nang tumunog ito. Nag-ayos na muna ako ng aking sarili at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto.Nadatnan ko sina Nanay Elsie sa kusina na naghahanda na para sa hapunan."Anak, nagugutom ka ba?" tanong ni 'Nay Elsie nang makita niya ako. Tumango-tango ako. Paghahandaan na niya ako ng pagkain nang dumating si Jacobe. Andito na yata sila. May dala itong iba't-ibang klase ng pagkain na binili niya sa labas. Tinungo namin ang sala at doon kumain. Nagtawag ako ng ibang kasamahan ni Jacobe pero tumanggi sila.Una kong kinuha ang slice ng pizza. Nanlaki ang mga mata ko nang malasahan ito. Sobrang sarap. Mabilis kong naubos ito at kumuha ulit ng isa. Sinabi ni Jacobe na para raw talaga ito sa akin sa oras na magising ako. Perfect timing."Dahan-dahan lang, Liya. Wala namang mang-aagaw niyan sa 'yo," natatawang turan niya. "Sa 'yo ang lahat ng 'yan."Kukuha na sana ak
last updateLast Updated : 2023-10-09
Read more

CHAPTER 25

ALIYA'S POV"Gusto mong sumama?" tanong ni Gavin sa akin nang magkasalubong kami."Saan?" seryosong tanong ko. Pero sa aking kaloob-looban ay napapangiti ako dahil sa tingin ko ay mamamasiyal kami."Lalabas lang tayo," walang emosiyong sagot niya. Mukhang mamamasiyal nga kami."Saan nga?" naiirita kong tanong. Kunwari naiinis ako para sabihin na niya."Kung ayaw mo eh 'di huwag." Tatalikod na ito nang hawakan ko ang kaniyang kamay."OA nito. Sasama na nga eh," sambit ko. Mukhang hindi tumalab ang pagpapanggap ko ah.Nagbihis na ako at dali-daling lumabas ng bahay. Nadatnan ko si Gavin na nakasandal sa pulang sasakyan. Ito ang magarang kotse na nakita ko noon.Nakangiti ako habang lumalapit sa kaniya."Masyadong halata na excited ka ah." Bahagya itong natawa. "You are not good at hiding your emotions."Binuksan niya ang pulang sasakyan at sinenyasan akong sumakay na.Naiilang na sumakay ako. Ito kasi ang unang beses na makakasakay ako sa ganito kagandang sasakyan. Sumakay na rin si G
last updateLast Updated : 2023-10-11
Read more

CHAPTER 26

ALIYA'S POVPagkatapos naming maghapunan ay ako na ang naghugas ng pinggan. Para naman kahit papaano'y may ambag ako sa mga gawain."Iisa lang ba ang kuwarto rito?" tanong ko nang matapos akong maghugas. Nakaupo siya sa sofa sa may sala at ako'y naupo na rin."Yeah," tipid na sagot niya."Saan ako matutulog? Dito?" Turo ko sa sofa na kinauupuan namin.Nilingon niya ako."Nakita ko na ang lahat-lahat sa 'yo gayon din ikaw sa akin, pero nahihiya ka pa ring tumabi sa akin sa iisang kama?" Ramdam ko ang inis sa boses niya."Hindi naman sa gano'n, Gavin. Halos buong buhay ko kasi ay natutulog akong mag-isa lang. Simula nang mawala ang mga magulang ko, kailanman ay hindi na ulit ako nagkaroon ng katabi sa pagtulog," paliwanag ko. "Atsaka, ilang beses na rin tayong nagtabi pero hinayaan naman kita. Nagtatanong lang naman ako eh. Masama ba?""O-Okay. Kung 'yan ang gusto mo. I'll sleep here instead at ikaw sa kuwarto." May lungkot sa boses ni Gavin nang sabihin niya 'yon. "Mauuna na ako sa ba
last updateLast Updated : 2023-10-11
Read more

CHAPTER 27

ALIYA'S POVNang magising ay mag-isa na lang ako sa kama. Nag-inat na ako ng aking katawan at bumaba na. Inayos ko na ang sarili at lumabas na ng silid.Nadatnan ko si Gavin na nagluluto sa kusina. Nilagpasan ko lang ito at dumiretso ako sa ref. Kumuha lang ako ng tubig atsaka uminom na. Naiinis ako sa kaniya dahil sa ginawa niya kagabi. Feeling ko nagmukha akong tanga.Pansin ko na sinusundan niya ako ng tingin. Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa tinungo ko ang sala at doon tumambay muna. Hindi rin ito nagsalita kaya bahala siya."Let's eat," dinig kong sabi niya pero hindi ako sumagot. "Aliya, let's eat." Ngayon ay madiin na ang pagkakasabi niya pero hindi ko pa rin ito pinansin.Nakarinig na lang ako ng papalapit na yabag at nagulat nang nasa ere na ako. Binuhat niya ako in bridal style."Gavin," kinakabahang sambit ko."Matigas ulo mo ah," dinig kong sabi niya.Naglakad na siya habang buhat-buhat pa rin ako at pinaupo sa upuan sa hapag. Ni hindi ako nagpumiglas habang bin
last updateLast Updated : 2023-10-13
Read more

CHAPTER 28

ALIYA'S POV"Wala bang pasiyalan dito? Mga kapitbahay, gano'n?" tanong ko kay Gavin."May mga kabahayan naman pero konti lang. May abandonadong parke rin ilang metro lang mula rito. Gusto mong puntahan natin?""Abandonado?" kinakabahang tanong ko."Yes," maikling sagot niya. "Kaya ko binili ang lugar na ito ay dahil napakatahimik dito. Kaya ako nagpagawa ng rest house dito ay dahil gusto kong mag-rest dito, literal. Pero kung gusto mo ngang pumunta sa parke na 'yon, then we will go there now.""Hindi ba nakakatakot? Abandonado na kasi," pabulong na sambit ko. Kapag abandonadong mga lugar kasi talaga ay nakakatakot. Gaya na lang ng mga palabas sa telebisyon.Mahina siyang natawa."We'll know if we get there. Hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan at pupuntahan."Nagpakurap-kurap ako.Buong buhay ko ay mag-isa lang ako. Pero hindi dahil nabuhay ako nang mag-isa sa ilang taon ay hindi na ako nakakaramdam ng takot. May mga oras talaga na natatakot din ako. Gaya na lang ngay
last updateLast Updated : 2023-10-14
Read more

CHAPTER 29

ALIYA'S POVHindi agad ako nakaimik nang sabihin ni Gavin na sa kuwarto na niya kami matutulog.Simula nang manirahan ako rito ay kailanman hindi pa ako nakakapasok sa kuwarto niya. Hindi ko ito binigyan ng interes dahil baka magalit siya sa akin. Sa tingin ko kasi ay isa ito sa mga silid na hindi basta-bastang pinapasok ng kahit na sino."Hindi ka naman nagbibiro, ano?" naiilang na tanong ko."Mukha ba akong nagbibiro, Liya?" natatawang sambit niya. "Makakabalik ka pa naman sa silid na ito dahil nandito pa naman ang mga gamit mo. You can come here anytime. Pero kapag matutulog na tayo sa gabi, doon na sa kuwarto ko."Tumango-tango na lang ako habang naiilang na tumawa.Pagkatapos ng usapan namin ni Gavin ay lumabas na nga kami ng aking silid at tinungo ang kaniyang silid. Isang silid lang ang pagitan ng mga silid namin.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nasa harapan ng pinto nito."Welcome, love."Tuluyan na ngang binuksan ni Gavin ang pinto at tumambad sa akin ang isan
last updateLast Updated : 2023-10-16
Read more

CHAPTER 30

ALIYA'S POVHindi ko alam kung ano ang mayroon kay Gavin ngayon. May kakaiba kasi sa mga kinikilos niya nitong mga nakaraang araw.Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa kaniyang kompanya. Pero, nagtatrabaho naman siya rito sa bahay. . .sa opisina niya. Mas gusto niya raw na sa bahay muna magtrabaho para mas malapit sa akin. Aba! Landi talaga ng lalaking 'to."Ayos ka lang , Jacobe?" Lumapit ako rito at tumabi. Kanina ko pa napansin ang nakasimangot niyang mukha."I'm bored," walang ganang sagot niya.Sa ilang araw ba naman na pananatili niya sa bahay na ito, hindi siya mainip. Sanay kasi silang labas nang labas kaya ayan. Tulala."Kung naiinip ka na, puwede ka namang manood ng palabas sa telebisyon. Mayroon namang basketball court sa likod ng bahay, puwede kang maglaro doon. O hindi kaya'y mag-swimming ka. Andaming puwedeng gawin, Jacobe," pahayag ko. "Sa laki ng lugar na ito, imposibleng wala kang magawa.""Nagawa ko na ang lahat ng 'yan kahapon at noong isang araw at noong isa p
last updateLast Updated : 2023-10-17
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status