ALIYA'S POV"Wala bang pasiyalan dito? Mga kapitbahay, gano'n?" tanong ko kay Gavin."May mga kabahayan naman pero konti lang. May abandonadong parke rin ilang metro lang mula rito. Gusto mong puntahan natin?""Abandonado?" kinakabahang tanong ko."Yes," maikling sagot niya. "Kaya ko binili ang lugar na ito ay dahil napakatahimik dito. Kaya ako nagpagawa ng rest house dito ay dahil gusto kong mag-rest dito, literal. Pero kung gusto mo ngang pumunta sa parke na 'yon, then we will go there now.""Hindi ba nakakatakot? Abandonado na kasi," pabulong na sambit ko. Kapag abandonadong mga lugar kasi talaga ay nakakatakot. Gaya na lang ng mga palabas sa telebisyon.Mahina siyang natawa."We'll know if we get there. Hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan at pupuntahan."Nagpakurap-kurap ako.Buong buhay ko ay mag-isa lang ako. Pero hindi dahil nabuhay ako nang mag-isa sa ilang taon ay hindi na ako nakakaramdam ng takot. May mga oras talaga na natatakot din ako. Gaya na lang ngay
ALIYA'S POVHindi agad ako nakaimik nang sabihin ni Gavin na sa kuwarto na niya kami matutulog.Simula nang manirahan ako rito ay kailanman hindi pa ako nakakapasok sa kuwarto niya. Hindi ko ito binigyan ng interes dahil baka magalit siya sa akin. Sa tingin ko kasi ay isa ito sa mga silid na hindi basta-bastang pinapasok ng kahit na sino."Hindi ka naman nagbibiro, ano?" naiilang na tanong ko."Mukha ba akong nagbibiro, Liya?" natatawang sambit niya. "Makakabalik ka pa naman sa silid na ito dahil nandito pa naman ang mga gamit mo. You can come here anytime. Pero kapag matutulog na tayo sa gabi, doon na sa kuwarto ko."Tumango-tango na lang ako habang naiilang na tumawa.Pagkatapos ng usapan namin ni Gavin ay lumabas na nga kami ng aking silid at tinungo ang kaniyang silid. Isang silid lang ang pagitan ng mga silid namin.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nasa harapan ng pinto nito."Welcome, love."Tuluyan na ngang binuksan ni Gavin ang pinto at tumambad sa akin ang isan
ALIYA'S POVHindi ko alam kung ano ang mayroon kay Gavin ngayon. May kakaiba kasi sa mga kinikilos niya nitong mga nakaraang araw.Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa kaniyang kompanya. Pero, nagtatrabaho naman siya rito sa bahay. . .sa opisina niya. Mas gusto niya raw na sa bahay muna magtrabaho para mas malapit sa akin. Aba! Landi talaga ng lalaking 'to."Ayos ka lang , Jacobe?" Lumapit ako rito at tumabi. Kanina ko pa napansin ang nakasimangot niyang mukha."I'm bored," walang ganang sagot niya.Sa ilang araw ba naman na pananatili niya sa bahay na ito, hindi siya mainip. Sanay kasi silang labas nang labas kaya ayan. Tulala."Kung naiinip ka na, puwede ka namang manood ng palabas sa telebisyon. Mayroon namang basketball court sa likod ng bahay, puwede kang maglaro doon. O hindi kaya'y mag-swimming ka. Andaming puwedeng gawin, Jacobe," pahayag ko. "Sa laki ng lugar na ito, imposibleng wala kang magawa.""Nagawa ko na ang lahat ng 'yan kahapon at noong isang araw at noong isa p
DEAN GAVIN'S POVIlang minuto mula nang lumabas si Aliya ay tumunog ang aking cellphone hudyat na may nag-text dito."Hello! Kuya Dean. We're coming back to the Philippines. I'm very excited to see you and Kuya Jacobe again. Tomorrow's our flight and sana ay kayo na ni Kuya Jacobe ang magsundo sa amin. We'll see you po."JasmineI let out a heavy sigh. They are now coming back here after staying for years in the US. Hindi ako sigurado kung matutuwa ba si Jacobe tungkol dito. And hindi rin ako sigurado ay kung alam na ni Jacobe na babalik na sila.Jacobe's family is coming back."That's great to know. I'll make sure to fetch you when you arrive. See you." I replied.Binalik ko na sa bed side table ang cellphone at ibinalik na ulit ang atensiyon sa ginagawa."JACOBE," tawag ko rito. He's roaming around the garden kaya nang tawagin ko ay lumingon ito. "You already knew?"Seryoso ang gumuhit sa kaniyang mukha."Yeah," malamig na sagot niya."What's your plan? Sasama ka ba sa akin para sund
DEAN GAVIN'S POVAng isang baso ay nadagdagan pa ng isa."Let's dance, pinsan," aya ni Jacobe sa akin. Dahil wala naman akong talent sa pagsasayaw ay umiling ako.Iniwan na muna ako ni Jacobe dahil kanina pa raw niya gustong sumayaw. Hinayaan ko na ito kaya naiwan akong mag-isa sa aming puwesto.Ramdam ko na ang hilo pero nakakausap pa naman ako nang maayos."Hi," bati ng isang boses ng babae. Nilingon ko ito. "Do you mind if I join you here?" tanong niya sabay turo sa bakanteng upuan na katabi ko.Pinasadahan ko siya ng tingin at hindi napigilang mamangha sa hubog ng katawan nito. She's wearing a black backless dress, fitting her beautiful curved body."Yeah! Sure," tipid na sagot ko. Inalis ko na ang titig sa kaniya at ibinalik sa harapan ang tingin."Mag-isa ka lang ba rito?" tanong muli nito.Hindi ko na ito nilingon pa."Kasama ko ang pinsan ko," malamig na sagot ko."And. . .where is he? Or should I say, where is she?""He," tamad na sagot ko. "He's on the dancefloor.""Oh!" Ila
ALIYA'S POV"Hi," nakangiting wika ko nang salubungin ko sina Gavin at Jacobe sa gate.Buti naman nakauwi na sila.Nakangiti rin nila akong sinalubong. Binigyan nito ng halik ang aking noo at ako'y niyakap."I am sorry," malumanay na sambit niya sa gitna ng yakapan namin.Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Sorry para saan? Para sa hindi ba nila pag-uwi kagabi?"Para saan, Gavin?" tanong ko."For everything," maikling tugon niya.Tiningnan ko si Jacobe na nasa tabi lang namin. Walang emosiyon ang mukha nito. Bakit parang hindi maganda ang kutob ko sa dalawang ito. May nangyari kayang hindi maganda sa pagitan nilang dalawa?Kumalas na si Gavin sa aming yakapan.Naningkit ang mga mata ko nang makita ang pasa sa gilid ng mga labi nito."Ano ang nangyari dito, Gavin?" tanong ko sabay mahinang hinaplos ang kaniyang pasa."Just. . .something happened lang. Pero not a big deal naman," sagot niya."Puwede ko bang malaman ang something na tinutukoy mo?"Nilingon ni Gavin si Jac
DEAN GAVIN'S POVNatuod ako sa aking upuan. Ni hindi ko nagawang pigilan siya palabas.He is making me insane right now, and I am still f*cking hard down there. I just let out a deep sigh.Tumayo na ako at agad na tinungo ang banyo. Sumasakit ang puson ko dahil sa pambibitin niya.I let out a loud moan after releasing the hot, white liquid. Pagkatapos ay pinunasan ko na ito ng tissue."HAVE you seen, Aliya?" I asked Kuya Elmer nang makita ito sa hardin."Hindi, boss," maikling tugon nito.Tinanong ko rin ang ibang tauhan ko pero pare-parehas lang ang mga sagot nila. . .hindi nila alam kung nasaan si Aliya.Pumasok ako kanina sa silid niya pero walang bakas na pumunta siya roon. Kahit sa silid ko ay wala siya.Where are you, Liya?Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko siya mahagilap.Nilakad ko ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie at hinanap siya roon. Gaya ng sagot ng aking mga tauhan ay hindi rin nila alam kung nasaan ito. Hindi raw ito pumunta sa kanila ngayong araw.Pabali
DEAN GAVIN'S POVKinuha ko ang tumutunog na cellphone na nakapatong sa aking mesa.Bumalik na ako sa aking opisina dito sa kompanya. May pagkabahala pa rin naman ako pero walang patutunguhan kung sa bahay lang ako mamamalagi.Sinagot ko na ang tawag. It was from an unknown number again. Pero hindi ito ang numero ng nag-text sa akin nitong nakaraang mga araw."Dean." I heard a familiar female voice. "How are you?" she asked me. Ilang taon na din nang huli kong marinig ang boses niya."Genevieve," banggit ko sa pangalan nito."Nakikilala mo pa pala ako, Dean. Thank goodness! Akala ko kasi ay nakalimutan mo na ako. It's been years since the last time we saw each other," wika niya. "And oo nga pala, this is my new number. You can save it if you want. At pasensiya na sa istorbo sakaling busy ka. Buti na lang talaga at nakita ko si Jasmine sa mall kaya naitanong ko sa kaniya ang number mo. I am glad na ibinigay niya sa akin." Kaya pala may numero ako nito. She's Genevieve Barlowe, a childh
THIRD PERSON'S POV"Kailan ang balik mo?" tanong ni Aliya kay Jacobe. Aalis kasi ang binata dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.Lumapit ang binata at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "Hindi pa ako umaalis eh nami-miss mo na ako agad," pagbibiro nito."Mami-miss talaga kita." Ngumuso pa siya.Nanlaki ang mga mata ni Jacobe dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga. Nababaliw na naman sa bilis ang tibok ng kaniyang puso."Ilang araw lang, Liya. Babalik din ako kaagad. Huwag kang magpapasaway rito ah. Huwag matigas ang ulo habang wala ako," paalala niya."Bilisan mo ang pagbalik, dahil wala pa naman akong ibang kakampi rito kapag inaaway ako ni Gavin."Bahagyang natawa ang binata. "Isumbong mo kay Nanay Elsie. Kakampi mo rin 'yon.""Sige na, umalis ka na. Kapag nagtagal ka pa, baka humagulgol na ako rito."Lumapit ito sa kaniya at siya'y niyakap. "Mag-iingat ka rito dahil babalik ako kaagad."NAKAUPO si Aliya sa ilalim ng punong mayabong habang nagsusulat sa ka
THIRD PERSON'S POVMaagang nagising si Aliya. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay namamaga ang kaniyang mga mata."Epekto ng sobrang iyak kagabi," sambit niya sa sarili.Inayos na niya ang sarili at lumabas na ng silid.Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas nang makasalubong niya rito si Gavin. Nagkatitigan sila ng ilang segundo pero agad din iyong pinutol ng binata. Talagang malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.Hindi niya na lang ito pinansin. Kumuha na lang siya ng tasa, gatas at asukal.Pagkatapos magtimpla ay umupo siya sa isang stool at dahan-dahang uminom. Silang dalawa lang ng binata ang nasa kusina. Umiinom ito ng kape habang nakasandal sa countertop.Ilang pulgada lang ang layo nila pero parang hindi nila kilala ang isa't-isa.Napanguso si Aliya nang makaramdam ng gutom. Wala pa sina Nanay Elsie kaya tiyak na wala pang lutong pagkain sa kusina. Dahil dito, ang ginawa niya ay iniwan ang iniinom na gatas at naghanap ng puwedeng kainin sa kusina.Binu
THIRD PERSON'S POVKanina pa palibot-libot sa buong silid niya si Aliya. Gusto na niyang makumpirma ang mga nangyayari sa katawan niya. Pero ano ang magagawa niya? Hindi siya puwedeng lumabas at pumunta sa ospital.Umupo siya sa sofa at may hinanap na pangalan sa kaniyang contacts. Ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya ngayon."Hello, Liya. Napatawag ka?" tanong nito sa kaniya.Napakagat siya ng kaniyang kuko at nag-iipon ng lakas ng loob kung paano sasabihin ito sa binata."J-Jacobe, nasaan ka?" tanong niya rito."Nasa hardin, bakit?""M-May request lang sana ako sa 'yo. May ipag-uutos ako sa 'yo kung hindi ka naman busy.""Okay! What is it?""Ano kasi. . .uhmm. . .puwede bang dito na lang tayo sa silid mag-usap? Importante lang, Jacobe.""Sige. Papunta na ako diyan."Pinatay na niya ang tawag at ilang minuto rin nang makarinig ng katok.Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang binata. . .pinapasok niya ito."Siguradong hindi ka busy ah?" paninigurado niya."Siguradong-sigur
THIRD PERSON'S POVPagkagising na pagkagising ni Aliya ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Sa silid niya sa mansion siya natulog dahil hindi naman umuwi ang binata.Mabilis siyang humarap sa lababo at doon sumuka. Parang may kung ano sa sikmura niya na dahilan ng kaniyang pagsusuka.Malalalim ang kaniyang paghinga. Binuksan niya ang gripo at nagmumog. Pagkatapos ay pinatay na niya ito at tinitigan ang sarili sa salamin. Iba ang kutob niya rito kaya bigla siyang kinabahan.Inayos na muna niya ang sarili bago lumabas nang tuluyan sa silid."Good morning po, 'nay, Ate Trina at Ate Irma," masiglang bati niya sa mga ito. Nasa kusina ang mga ito at naghahanda ng pagkain."Magandang umaga, Liya," ani ni Trina."Good morning din, Liya," bati naman ni Irma."Magandang umaga rin, anak. Gutom ka na ba? May luto nang pagkain kaya puwede ka nang kumain kung gusto mo," sambit ni Nanay Elsie."Sasabay na po ako kanila Jacobe, 'nay. Magtitimpla na po muna ako ng kape."Kumuha na siya ng tasa at kinuha
THIRD PERSON'S POVHalos ilang minuto rin ang itinagal ng iyak ng dalaga hanggang sa makatulog ito sa mga braso ng binata."Aliya?" tawag niya rito pero wala siyang nakuhang sagot. "Liya?" At wala pa ring sagot. Dito niya napagtanto na nakatulog na ito.Binuhat niya ang dalaga at binaybay ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie.Tinawag niya ang matanda na ilang saglit lang ay binuksan ang pinto."Bakit, Jacobe?" tanong nito sa binata. "Harujusko! Ano'ng nangyari diyan!?""Nakatulog po sa mga braso ko, 'nay. Dito ko po muna siya patutulugin," sagot niya."B-Bakit naman?" Makahulugan itong tiningnan ng binata na agad naman nitong naintindihan. "Ang dalawang 'yan talaga. Parang lagi na lang nag-aaway ah. Kawawa tuloy itong Aliya ko.""Saan ko po siya ilalagay, 'nay?" tanong niya nang makapasok na sila sa silid ng matanda."Dito na sa kama." Inayos ito ng matanda bago inilapag ni Jacobe ang dalaga.Bahagya pang gumalaw ang dalaga nang mailapag na ito ng binata, pero kaagad din naman i
THIRD PERSON'S POVJust like Jacobe said, pinuntahan ulit nila ang hotel kinabukasan para tingnan ang CCTV. . .kasama sina Miko at Erol. Sa una ay hindi pumayag ang security management because of security protocols, pero sa huli ay pumayag din. Ang may-ari kasi ng hotel ay kaibigan ng ama ni Jacobe kaya tinawagan nito ang ama para pakiusapan ang kaibigan nito. Sa una ay ayaw pumayag ng ama na kalauna'y pumayag na rin. Kahit may alitan, ay anak niya pa rin ito, at ramdam niyang importante ang bagay na ito sa anak dahil kinausap siya nito para lang dito.Masinsinan nilang tinutukan ang CCTV footage. Sinabi nila ang oras ng pangyayari at ang lugar kung saan iyon nakita ng dalaga.Pinahinto ni Gavin ang video nang mapansin niya ang isang kahina-hinalang lalaki. Katulad na katulad iyon sa deskripsiyon ng dalaga rito."Puwede niyo bang sundan ang bawat lugar na dinaanan ng lalaking ito?" utos niya sa mga security personnel na agad naman nilang sinunod.'Paano siya nakalusot sa mga security
THIRD PERSON'S POVNaglibot nga sila sa mall habang kasama ang iilan sa tauhan ng binata.Pinagmamasdan lang siya ng binata habang namimili."The color looks great on you, love," he complimented her nang sukatin niya ang isang pares ng stiletto. It was color beige that suited her fair complexion.Naiilang na ngumiti siya. Gusto man niya pero nalula siya sa presyo.Nilapitan niya ang binata. "Gavin, masiyadong mahal kaya pili na lang tayo ng iba," bulong niya rito.Hindi nito pinakinggan ang dalaga. "We'll get this one," sambit ng binata sa isa sa mga staff. "And also, we will get every color of that stiletto you have. Same size and style," dagdag pa nito."Gavin!" reklamo niya pero wala na siyang magagawa dahil mapilit ang binata.Namili na rin siya ng ilang mga damit na mula sa iilang sikat na mga kompanya. . .mga luxury brands. Pipili siya and then complain after because of the price. Ngunit, walang pagdadalawang-isip na binibili ito ng binata."Tama na ito, Gavin. Masiyado nang ma
THIRD PERSON'S POVAraw-araw ginugulo si Gavin ng text mula sa unknown number. Dahil dito, pinipilit niyang mag-focus sa mga gawain nila at nang matapos kaagad.'I saw your girl kanina sa hardin. She really has this aura na gusto kong matikman. She's pretty and seems like delicious enough for me. Nangangati ang mga daliri ko sa kaniya.'He crumpled the paper he's holding. Nangangalaiti siya sa galit. Pinangako niya sa sarili na sa oras na makita at makilala niya ito ay hindi na niya ito hahayaan pang huminga. "WE'LL start now. Wala tayong sasayanging oras. Tapusin ang dapat tapusin. Kung maaari ay mag-overtime tayo para matapos kaagad," ma-otoridad na turan niya sa mga ito.Sumang-ayon naman ang lahat sa kaniya.Panglimang araw na nila rito at nagagalak si Gavin na malapit na silang matapos. Balak na niyang tapusin ngayon at nang makauwi na sila bukas.Malalaking ngiti at malalakas na palakpakan ang namayani sa loob ng silid nang tuluyan na nga silang matapos. Kahit si Gavin ay malawa
THIRD PERSON'S POVTakipsilim na nang tumawag ulit si Gavin."Good evening, love. Sorry ngayon lang napatawag, kagigising ko lang kasi," imporma nito."Ayos lang. Wala namang problema," magiliw na tugon ng dalaga."What are you doing?" tanong nito."Nakaupo lang dito sa balkonahe habang nagpapahangin.""Bukas pa magsisimula ang totoong pakay namin dito kaya nakatambay muna ako sa kuwarto. Ayaw ko rin namang makihalubilo masiyado sa kanila dahil mga matatanda na. Hindi ako makasabay," pagbibiro nito."Kapag tumanda ka tulad nila, ganiyan ka rin naman. Para bang sila ang future mo," natatawang saad ni Aliya."Yeah! Tapos ikaw ang kasama ko sa pagtandang iyon."Aliya's heart beats crazily. Para siyang hindi makahinga dahil sa bilis no'n."I hope so, Gavin. Hindi natin puwedeng pangunahan ang panahon. Kung tayo nga, ay tayo talaga.""I know, love. I just want you to know na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Ayaw ko ng iba.""So do I. Pero sa ngayon, pagtuunan muna natin a