Home / Romance / THE HEIR'S OBSESSION / Kabanata 81 - Kabanata 90

Lahat ng Kabanata ng THE HEIR'S OBSESSION : Kabanata 81 - Kabanata 90

135 Kabanata

Chapter 81: COINCIDENCE

Base sa kwentong narinig ni Gwy mula sa matandang Sansmith, si Samantha Hulterar ay ang kaisa-isahang anak ng mga magulang nito. Nakatakas ito kasama ng ina at hindi na nagparamdam 27 years ago. 27 years ago masyado nang matagal at payapa na ang buhay ng mga Sansmith at ngayon na nakita niya ang mukha nito, nararamdaman niya ang takot. Matapos makipag-usa si Ace sa pamilya nito, bumalik ito sa pagmomonitor ng laptop ngunit minsan tulala, tila nag-iisip. Si Avery naka upo lang sa couch, tulala rin at tila stress na stress. May hawak itong baso ng juice na unti-unti lang nitong iniinom. Si Lucas naman ay nakatayo sa pintuan papuntang terasa at nakatingin sa malayo. Tila nag-iisip rin pero para sa kaniya wala siyang nakitang dahilan nito para maguluhan sa sitwasyon ng dalawang panig. Kung baga labas ito sa problema pero parang mas namomroblema pa ito sa lahat. Gabi na, kahit sino sa kanila walang planong matulog. Dala niya ang tray na may dalawang tasa ng kape mula sa kusina at para i
last updateHuling Na-update : 2023-10-16
Magbasa pa

Chapter 82: UNTRUSTWORTHY

Hindi nagustuhan ni Avery ang ginawa ng mga ito, pero wala siyang masabi at dinaan na lang niya sa pananahimik ang inis. Nag-cross lamang siya ng mga braso habang pinapakinggan ang pagkatok ni Ace sa pintuan ng kwarto ng mga ito. Sang-ayon siya sa pagtampo ni Gwy, ang buong akala kasi nila magkikipagkita ang mga ito sa mga taong iyon. Iyon din naman kasi ang sinabi ng mga ito. Kahit nakikita nila sa monitor ang location ng mga ito, naniwala pa rin sila sa salitang makikipagkita. Iyon pala sobra na roon ang ginawa ng mga ito. Kanina, hindi sumagi sa isipan niya ang magduda kung paano nakuha ng mga ito ang ebidensya na iyon, tila maging si Gwy ganoon din kaya hindi nito naisipang magtanong at mas nangingibabaw ang interes na makita ang laman ng note book. Tahimik lang si Lucas na nakaupo sa couch. Kanina gusto nitong matawa sa pagkurot ni Gwy sa tainga ni Ace pero ngayon mas pinili nitong sumeryoso since wala namang biro sa sitwasyon. Binalingan niya ito nang masamang tingin at nagtan
last updateHuling Na-update : 2023-10-16
Magbasa pa

Chapter 83: DANGEROUS TERRITORY

Binalot nang matinding pag-aalala si Gwy sa sinabi ni Avery. Masyadong delikado ang ginagawa nila Ace, lalo na't grupo ang sinasalakay ng mga ito. Kung ginagawa ng mga ito ang bagay na iyon para kay Avery walang silbi kung magtiwala lang ang ambag niya. Pareho nilang gusto ang hustisya, kaya hindi pwedeng manahimik lang siya. Sumang-ayon si Avery sa gusto niya. Agad silang naghanda, nagsuot ng mga damit na mas mapadali ang pagkilos, gumamit rin sila ng mask upang mas maprotektahan ang kanilang identity. Puro iyon ang mga suot nila, sapat na para mas hindi sila makita sa dilim. Bago sila umalis, ni-activate nila sa kanilang phone ang monitor map, at iniwang nakabukas lang ang laptop. Dali-dali silang umalis sa lugar na iyon, at si Avery ang nagmaneho. Kung saan sila Ace tumungo doon din sila pumunta pero alam niyang sa pagkakataong iyon nakarating na ang mga ito sa lugar na iyon at mas lalo siyang kinakabahan. "Saan Gwy? Dalawa ang daan dito," tanong ni Avery nang huminto ito kaya
last updateHuling Na-update : 2023-10-17
Magbasa pa

Chapter 84: DANGER

Sa itaas na bahagi, tahimik na gumagalaw sila Ace upang maglagay ng mga hidden camera. Nagkahiwalay sila ni Lucas pero nanatili ang connection nila sa pamamagitan ng earbuds. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit nang matunton niya ang CCTV monitoring room, isa lang ang bantay roon at wala ring bantay sa labas. Hindi siya nahirapang patulugin ito sa pamamagitan ng unscented spray pero nakakahilo at matindi ang epekto para makatulog ang makakalanghap. May mask lang siya kaya safe siya.Dali-dali niyang inalam ang bawat sulok ng lugar. Tambakan ng bigas ang nasa ilalim na bahagi nito, tila pang-business rin ang sitwasyon ng lugar, bawat bahagi nito may transaction pero hindi rin maiwasang may makita siyang kakaiba sa monitor. Sa isang kwarto, ngunit lamesa lang ang gamit roon, medyo basa ang sahig, at walang pintura, parang iyon ang hidden place ng lugar na ito. May nakita siyang tatlong lalaki, na tila tinu-torture at habang tinititigan niya ng maigi mas nakikilala niya ang mga
last updateHuling Na-update : 2023-10-17
Magbasa pa

Chapter 85: ESCAPING

Gusto niyang tumili ngunit mahigpit ang pagkain ng palad nitong may gloves sa bibig niya. Nagtago sila sa mga sako-sakong bigas at dahil hindi siya mapakali at patuloy na nagpupumiglas binulungan siya nito, "Behave."Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang boses nito. Napasinghap siya at nagpaubaya kung saan man siya dalhin nito. Nakaramdam siya ng ginhawa ngunit natatakot pa rin para kay Avery. Sa nakita niya kanina sa isang iglap lang ang pagkuha ni Ace sa kaniya ay parang ganon din ang nangyari kay Avery. Sana nakuha nga ito ni Lucas. Dahan-dahang inalis ni Ace ang palad nito sa bibig niya at narinig niya ang mga takbo ng mga kalalakihang pinaghahanap sila. Hinila siya ni Ace sa alam nitong mas ligtas sila. Nagtiwala siya kahit na kabado. Hinila siya nito patakbo palayo sa mga iyon at nagtago ulit. "Lucas..." bulong nito. Napatingin siya rito at nakahawak ito sa tenga. "Let's meet outside." Mabilis siyang nagtanong ng pabulong, "Si Avery." "Nasa kaniya," bulong na sagot rin n
last updateHuling Na-update : 2023-10-17
Magbasa pa

Chapter 86: NEVER HIDE SECRETS

"Come on...Ace is mad, you can't blame him," mahinahong wika ni Lucas, pero makikita niya sa reaction nito ang frustration."So he's going to show my sister that he has another woman to get revenge?" katwiran naman ni Avery. Alam niyang mali pero sumasang-ayon ang damdamin niya sa sinabi nito. Hindi siya bulag sa nakita niya, sa reaction ng babae halatang may gusto ito kay Ace, hindi niya maiwasang mag-selos pero sa kabila ng ginawa ni Ace may kasalanan din siya ngunit bakit ang pagkakamaling nagawa niya ay hindi sapat para intindihin na hindi niya masisisi si Ace kung bakit hinayaan nito ang babaeng iyon na gawin ang bagay na iyon? At talagang pinakita pa sa kaniya. Ganoon ba ang selos, wala kang kakayahang kontrolin kung matindi na ito? Nagtanong si Lucas at naroon ang frustration, "What are you talking about?""Something that men never understand," sagot naman ni Avery. Huminga siya nang malalim, ayaw niyang pairalin ang selos niya dahil unang-una mali siya at sinabi na lang,
last updateHuling Na-update : 2023-10-18
Magbasa pa

Chapter 87: MISUNDERSTANDING

"I'm sorry for taking you along without giving you a chance to clear up the confusion," ani Avery habang nagmamaneho. Patuloy lang siyang umiiyak pero tumango at sinabing, "I need to breathe too. Thank you.""She looks so young. Does Ace's dad have any other siblings besides Uncle Hivo? Or what if she's part of his mom's family?" tanong nito. Napahinto siya sa sa pag-iyak at napatanong rito, "What do you mean?" Sumagot ito, "I mean, umalis tayo na hindi nagtanong kung sino ang babaeng iyon, what if kamag-anak pala siya ni Ace?" Tama ito, pero nagrason siya, "Then kung kamag-anak niya dapat sinabi niya sa akin muna. Masisisi ba niya ako? Edi sisihin niya ako!" Pagmamaktol niya. Huminga ito nang malalim, hindi na nagsalita pa. Tila nagpasya na lang na intindihin siya ngunit maya-maya sinabi nito, "He's chasing." Mapaangat siya ng tingin, "What?" Pagtingin niya kay Avery banda may lumagpas na motorbike at walang helmet si Ace na nagmamaneho no'n, walang choice si Avery kundi ang m
last updateHuling Na-update : 2023-10-18
Magbasa pa

Chapter 88: SECRETS

Tumama ang unan sa mukha ni Ace nang batuhin ito ni Avery at binara, "Dapat sinabi mo sa amin!" Hindi gumanti si Ace pero nangatwiran, "Umalis kayo agad!" "Sa sasakyan pa lang sana!" katwiran naman ni Ave. "Naiinis pa ako no'n, mahirap magsalita ng casual at mas gusto ko na lang manahimik kaisa magsalita!" katwiran naman ni Ace. Napabuga na lang siya ng hininga at humiga. Natahimik si Ave tila sinaway ito ni Lucas. Inis rin itong humiga sa tabi niya at bumulong-bulong pa, "You shouldn't have let her hug you." Binato rin ito ni Ace ng unan. "Bakit ikaw iyong selos na selos diyan?" Bumangon si Ave at nangatwiran din, "Kasi hindi marunong magsalita ito!" Tinuro siya nito. "Narinig mo bang may sinabi? Narinig mo siyang sinabi niya na masama ang loob niya? Sa ating apat ako lang nakakaintindi ng ganoong pakiramdam, Ace. At kahit hindi nagsasalita iyan nasasaktan iyan, at ang nararamdaman niya kinikimkim niya lang!" Dahil sa sinabi nito mas tumulo ang luha niya, dumugtong pa ang kapat
last updateHuling Na-update : 2023-10-18
Magbasa pa

Chapter 89: ACCOMPLICES

Nagising siyang wala sa tabi niya si Ace. Tiningnan niya ang kaniyang sarili kung may suot ba siyang damit, at meron nga, inasahan kasi niyang wala na naman. Ngunit nang bumangon siya at tumingin sa kabila nakita niya si Avery, tulog na tulog pero nakayakap kay Lucas. Napangisi siya at napabulong, "Paayaw-ayaw ka pa, yayakap lang din pala." Tumayo siya at sinabi pang, "Good luck sa paggising mo." Nakita niyang kumurba ang ngiti sa labi ni Lucas, halatang gising ito at narinig ang sinabi niya. "Hey Lucas."Pero ang sabi nito, "Sshh!" Umirap siya at napatingin sa sahig. May nakahandang kulay pink na slipper bed, tila bago pa. Malamig ang sahig at tamang-tama lang isuot ang malambot na slipper bed na iyon. Tinupi lang niya ang kumot na ginamit nila at inayos ang mga kalat na unan saka lumabas. Dinig na dinig mula sa kusina sa ibaba ang tunog ng mantika at amoy masarap na pagkain."Pahingi ulit!" boses ng babae. Agad na nangibabaw ang boses ni Ace. "Tama na, that's for my baby.""Ma
last updateHuling Na-update : 2023-10-19
Magbasa pa

Chapter 90: LUCKY TOMATOES

Tinawagan ni Ace ang dad niya pagkabalik nila sa hotel at ang reaction nito, "They're just kids but they're already involved in that group..." Tumangu-tango siya at sinabing, "Mas mahirap kumuha ng ibedensya ngayon kasi masyado silang marami. Hindi na namin alam kung alin doon sa kanila ang lima." "Remember si Avery ay 19 pa lang noon. Kung may mga member silang studyante malaki ang posibilidad na tuma-target pa rin sila ngayon ng mga biktima," anito sa kabilang linya. Tumango-tango siya nagtanong pa ulit ito. "Kamusta ang transaction niyo kagabi? Nagawa niyo?" Naalala niya ang nangyari kaya huminga siya nang malalim. Sumagot siya, "Nailagay namin lahat ng hidden cam pero hindi ko sure kung mananatiling walang alam ang mga tao doon. Something's happened." "Something's happened what?" animo'y nagtataka nitong tanong."Sumunod sila Gwy, at nakalaban namin ang ilan sa mga iyon. Actually hinabol kami," sagot niya. Dinig niya ang paghinga nito sa kabilang linya. "You can't blame the
last updateHuling Na-update : 2023-10-19
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
14
DMCA.com Protection Status