Sa itaas na bahagi, tahimik na gumagalaw sila Ace upang maglagay ng mga hidden camera. Nagkahiwalay sila ni Lucas pero nanatili ang connection nila sa pamamagitan ng earbuds. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit nang matunton niya ang CCTV monitoring room, isa lang ang bantay roon at wala ring bantay sa labas. Hindi siya nahirapang patulugin ito sa pamamagitan ng unscented spray pero nakakahilo at matindi ang epekto para makatulog ang makakalanghap. May mask lang siya kaya safe siya.Dali-dali niyang inalam ang bawat sulok ng lugar. Tambakan ng bigas ang nasa ilalim na bahagi nito, tila pang-business rin ang sitwasyon ng lugar, bawat bahagi nito may transaction pero hindi rin maiwasang may makita siyang kakaiba sa monitor. Sa isang kwarto, ngunit lamesa lang ang gamit roon, medyo basa ang sahig, at walang pintura, parang iyon ang hidden place ng lugar na ito. May nakita siyang tatlong lalaki, na tila tinu-torture at habang tinititigan niya ng maigi mas nakikilala niya ang mga
Gusto niyang tumili ngunit mahigpit ang pagkain ng palad nitong may gloves sa bibig niya. Nagtago sila sa mga sako-sakong bigas at dahil hindi siya mapakali at patuloy na nagpupumiglas binulungan siya nito, "Behave."Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang boses nito. Napasinghap siya at nagpaubaya kung saan man siya dalhin nito. Nakaramdam siya ng ginhawa ngunit natatakot pa rin para kay Avery. Sa nakita niya kanina sa isang iglap lang ang pagkuha ni Ace sa kaniya ay parang ganon din ang nangyari kay Avery. Sana nakuha nga ito ni Lucas. Dahan-dahang inalis ni Ace ang palad nito sa bibig niya at narinig niya ang mga takbo ng mga kalalakihang pinaghahanap sila. Hinila siya ni Ace sa alam nitong mas ligtas sila. Nagtiwala siya kahit na kabado. Hinila siya nito patakbo palayo sa mga iyon at nagtago ulit. "Lucas..." bulong nito. Napatingin siya rito at nakahawak ito sa tenga. "Let's meet outside." Mabilis siyang nagtanong ng pabulong, "Si Avery." "Nasa kaniya," bulong na sagot rin n
"Come on...Ace is mad, you can't blame him," mahinahong wika ni Lucas, pero makikita niya sa reaction nito ang frustration."So he's going to show my sister that he has another woman to get revenge?" katwiran naman ni Avery. Alam niyang mali pero sumasang-ayon ang damdamin niya sa sinabi nito. Hindi siya bulag sa nakita niya, sa reaction ng babae halatang may gusto ito kay Ace, hindi niya maiwasang mag-selos pero sa kabila ng ginawa ni Ace may kasalanan din siya ngunit bakit ang pagkakamaling nagawa niya ay hindi sapat para intindihin na hindi niya masisisi si Ace kung bakit hinayaan nito ang babaeng iyon na gawin ang bagay na iyon? At talagang pinakita pa sa kaniya. Ganoon ba ang selos, wala kang kakayahang kontrolin kung matindi na ito? Nagtanong si Lucas at naroon ang frustration, "What are you talking about?""Something that men never understand," sagot naman ni Avery. Huminga siya nang malalim, ayaw niyang pairalin ang selos niya dahil unang-una mali siya at sinabi na lang,
"I'm sorry for taking you along without giving you a chance to clear up the confusion," ani Avery habang nagmamaneho. Patuloy lang siyang umiiyak pero tumango at sinabing, "I need to breathe too. Thank you.""She looks so young. Does Ace's dad have any other siblings besides Uncle Hivo? Or what if she's part of his mom's family?" tanong nito. Napahinto siya sa sa pag-iyak at napatanong rito, "What do you mean?" Sumagot ito, "I mean, umalis tayo na hindi nagtanong kung sino ang babaeng iyon, what if kamag-anak pala siya ni Ace?" Tama ito, pero nagrason siya, "Then kung kamag-anak niya dapat sinabi niya sa akin muna. Masisisi ba niya ako? Edi sisihin niya ako!" Pagmamaktol niya. Huminga ito nang malalim, hindi na nagsalita pa. Tila nagpasya na lang na intindihin siya ngunit maya-maya sinabi nito, "He's chasing." Mapaangat siya ng tingin, "What?" Pagtingin niya kay Avery banda may lumagpas na motorbike at walang helmet si Ace na nagmamaneho no'n, walang choice si Avery kundi ang m
Tumama ang unan sa mukha ni Ace nang batuhin ito ni Avery at binara, "Dapat sinabi mo sa amin!" Hindi gumanti si Ace pero nangatwiran, "Umalis kayo agad!" "Sa sasakyan pa lang sana!" katwiran naman ni Ave. "Naiinis pa ako no'n, mahirap magsalita ng casual at mas gusto ko na lang manahimik kaisa magsalita!" katwiran naman ni Ace. Napabuga na lang siya ng hininga at humiga. Natahimik si Ave tila sinaway ito ni Lucas. Inis rin itong humiga sa tabi niya at bumulong-bulong pa, "You shouldn't have let her hug you." Binato rin ito ni Ace ng unan. "Bakit ikaw iyong selos na selos diyan?" Bumangon si Ave at nangatwiran din, "Kasi hindi marunong magsalita ito!" Tinuro siya nito. "Narinig mo bang may sinabi? Narinig mo siyang sinabi niya na masama ang loob niya? Sa ating apat ako lang nakakaintindi ng ganoong pakiramdam, Ace. At kahit hindi nagsasalita iyan nasasaktan iyan, at ang nararamdaman niya kinikimkim niya lang!" Dahil sa sinabi nito mas tumulo ang luha niya, dumugtong pa ang kapat
Nagising siyang wala sa tabi niya si Ace. Tiningnan niya ang kaniyang sarili kung may suot ba siyang damit, at meron nga, inasahan kasi niyang wala na naman. Ngunit nang bumangon siya at tumingin sa kabila nakita niya si Avery, tulog na tulog pero nakayakap kay Lucas. Napangisi siya at napabulong, "Paayaw-ayaw ka pa, yayakap lang din pala." Tumayo siya at sinabi pang, "Good luck sa paggising mo." Nakita niyang kumurba ang ngiti sa labi ni Lucas, halatang gising ito at narinig ang sinabi niya. "Hey Lucas."Pero ang sabi nito, "Sshh!" Umirap siya at napatingin sa sahig. May nakahandang kulay pink na slipper bed, tila bago pa. Malamig ang sahig at tamang-tama lang isuot ang malambot na slipper bed na iyon. Tinupi lang niya ang kumot na ginamit nila at inayos ang mga kalat na unan saka lumabas. Dinig na dinig mula sa kusina sa ibaba ang tunog ng mantika at amoy masarap na pagkain."Pahingi ulit!" boses ng babae. Agad na nangibabaw ang boses ni Ace. "Tama na, that's for my baby.""Ma
Tinawagan ni Ace ang dad niya pagkabalik nila sa hotel at ang reaction nito, "They're just kids but they're already involved in that group..." Tumangu-tango siya at sinabing, "Mas mahirap kumuha ng ibedensya ngayon kasi masyado silang marami. Hindi na namin alam kung alin doon sa kanila ang lima." "Remember si Avery ay 19 pa lang noon. Kung may mga member silang studyante malaki ang posibilidad na tuma-target pa rin sila ngayon ng mga biktima," anito sa kabilang linya. Tumango-tango siya nagtanong pa ulit ito. "Kamusta ang transaction niyo kagabi? Nagawa niyo?" Naalala niya ang nangyari kaya huminga siya nang malalim. Sumagot siya, "Nailagay namin lahat ng hidden cam pero hindi ko sure kung mananatiling walang alam ang mga tao doon. Something's happened." "Something's happened what?" animo'y nagtataka nitong tanong."Sumunod sila Gwy, at nakalaban namin ang ilan sa mga iyon. Actually hinabol kami," sagot niya. Dinig niya ang paghinga nito sa kabilang linya. "You can't blame the
Pagkatapos ng ilang beses na pagdadalawang isip, nakabuo rin sila ng plano. Tutol si Ace sa idea ni Avery, kahit siya ganoon din pero wala silang mahihita kung magpapatuloy sa pagnakaw ng pagkakataon ang dalawang ito para sumugod sa mga lungga ng mga kaaway. Ngayon, ito na mismo ang lumalapit sa kanila. Alam nila maaaring patibong iyon pero handa silang gawin ang lahat malusutan lamang iyon. Pinuntahan nila ang lugar na sinabi ng sender oras ng alas-syete ng gabi. Kabado silang pareho pera buo ang tiwala niya sa mga kasama nila ngayon. Isang abandonadong lugar, tila bahay, luma na pero malaki ang inilaan na lugar para sa kanila. Dahil doon malinaw na may hindi magandang sorpresang naghihintay sa kanila ngunit tumuloy pa rin. Napahawak siya sa kuwentas niya at huminga nang malalim. Si Avery naman, tinawagan na ang numero na binigay sa kanila at ang sabi nito, "Nandito na ako, nasaan ka?" Pinagmasdan niya ito, at nakita niya itong tumango-tango. "Kapatid ko lang ang kasama ko kaya h
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain