Halos maikot na naman ang dalawa kong mata nang naupo ako sa table ko. Iyon ang halos makalimutan ko nang pumayag akong pumasok sa buhay ni Roswell. Well, hindi ko naman na maiaalis na kaibigan niya ang mayabang na lalaki na 'yon."Kali, ano'ng ginawa mo? Hindi mo ba kilala ang kausap mo?" tanong sa akin ni Miss Karen."Miss Karen, first day ko pa lang dito. So, paano ko naman makikilala ang lalaking 'yon?" tanong ko kahit na ang totoo ay kilala ko naman talaga siya.Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Miss Karen pagkatapos ay bahagyang tinapik ang kamay ko."Hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig sa'yo. Boss din natin 'yang si Sir Damian at kaibigan siya ni Sir Roswell," sabi niya sa akin.Napabuntong hininga naman ako dahil ngayon lang ako aware na boss ko rin pala ang lalaking 'yon. Well, wala naman akong pakialam dahil kay Roswell ako nagtatrabaho at hindi sa kaniya."Ganito na lang ang gawin mo. Pagkatapos mo sa pinapagawa sa'yo ni Sir Roswell ay mag-research ka about the c
Last Updated : 2023-09-23 Read more