"My friends in the company asking me if I can go out with them tomorrow night. Hindi pa ako nakakapag-yes sa kanila," sabi ko kay Roswell habang kumakain kami ng Dinner.Nakauwi na rin si Vera at kasama namin siya ngayon na mag-dinner. Nag-shopping daw sila maghapon ni Agatha at gumawa ng ibang kids activities sa mall kaya naman sobra siyang napagod at tulog na siya ngayon. Ang sabi ko kay Vera kanina ay bilhin niya lang ang kailangan ni Agatha kaya lang ay mukhang napa-sobra sila sa pagbili."Then why don't you go with them?" kunot noo na tanong sa akin ni Vera.Hindi ako nakapagsalita kaagad at sandali akong napatingin kay Roswell. Nakita ko naman siyang nakatingin sa akin bago tumango sa akin at magsalita."Yeah, you can join with them. Susunduin na lang kita that night," sabi niya sa akin pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Napahugot naman ako nang malalim na hininga dahil hindi ko pa rin alam ang magiging desisyon ko."I'm still thinking about it. Iniisip ko kasi si Agatha," sagot
"Did that girl hurt you again?" tanong sa akin ni Roswell nang makapasok kami sa office niya.Mabilis naman akong napailing dahil hindi naman masyadong masakit ang pagkakabunggo sa akin ni Roxy kanina."Nope. Gusto niya lang talaga akong inisin kaya niya 'yon ginawa. Hindi ko rin alam kung bakit mainit ang dugo niya sa akin lalo na at wala naman akong ginagawang masama sa kaniya," sunod-sunod ko namang paliwanag pagkatapos ay napabuntong hininga.Napatango si Roswell at naupo sa swivel chair niya. Niluwagan niya rin ang suot niyang necktie habang ako ay nakatayo sa harapan ng table niya."If that happen again, I'll fire her. Hindi siya kawalan sa kompanya kung aalisin ko siya," sabi niya gamit ang seryosong boses.Napailing naman ako dahil kahit na lagi akong inaaway ni Roxy ay ayaw ko pa rin siyang mawalan ng trabaho."Let's forget about it. Kakausapin ko na lang siya-""No. 'Wag ka nang lumapit sa kaniya dahil saktan ka lang ulit niya," sabi niya sa akin kaagad kaya natigil ako sa p
Lahat yata ng puri ay narinig ko sa mga kaibigan ko nang makarating kami ni David sa bar. Marami ng tao roon kaya nagsimula na rin silang mag-order ng alak. Hindi rin nakaiwas si David dahil inasar siya nila Renz sa akin. Pinipigilan ko naman sila dahil ayaw kong i-ship nila si David sa akin. Iniisip ko rin kasi si Roswell dahil sigurado akong hindi niya magugustuhan kapag nalaman niya 'yon.Binigyan naman ako agad ni Rita ng tequila at halos mapapikit ako nang gumuhit ang init nito sa lalamunan pababa sa tiyan ko. Nagsigawan naman sila roon kaya napailing na lang ako lalo na nangtawanan sila.Marami kaming alak sa table at nakita ko na malakas silang lahat na uminom ng alak. Mukhang matatalo ako sa kanila dahil hindi mataas ang tolerance ko sa alak. Kahit hindi pa sila lasing ay maingay na sila lalo na si Rita at may mga lalaki na rin siyang kinakausap."Kali."Napatingin naman ako kay David na naupo sa tabi ko habang may hawak siya na isang bote ng beer."David," sabi ko naman pagka
Pagkagising ko kinabukasan ay ramdam ko ang sobrang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa noo ko at halos mapadaing ako kaya naman kahit na ayaw pang bumangon nang katawan ko ay pinilit kong tumayo mula sa kama. Wala na si Roswell sa tabi ko pero may nakita na naman akong isang boquet ng bulaklak sa dulo ng kama. Hindi ko naman na 'yon nagawang tignan agad dahil dumiretsyo ako sa bathroom.Naligo ako kaagad doon at nagbabad sandali sa bathtub. Hindi ko alam ang lahat nang nangyari sa akin kagabi pero ang naaalala ko lang ay ay may stranger na lalaki na lumapit sa akin at tinulungan ako ni David. Inilubog ko ang buo kong katawan kasama ang mukha sa tubig. Nanatili akong nakalubog doon hanggang sa naalala kong sinundo ako ni Roswell kagabi at nagsukha ako sa kotse niya. Napaahon ako at halos habulin ko ang hininga ko nang maalala ko 'yon. Agad din kumalabog ang puso ko dahil sa hiya."My gosh. I can't believe I did that," sabi ko sa sarili ko.Hindi na ako nagtagal sa bathroom dahil nasa i
Hindi ako nakapagsalita kaagad kaya naman napailing siya at umambang aalis doon kaya naman agad ko siyang hinila pabalik."Wait!" pigil ko sa kaniya.Tamad niya lang akong tinignan habang nakatingala ako sa kaniya."I'm sorry, okay? That's not going to happen again. Hindi na ako ulit sasama sa kanila sa night out," paliwanag ko sa kaniya.Muli siyang napailing sa akin bago magsalita."That's not the problem here, Kali. Ang gusto ko lang naman ay mag-iingat ka sa susunod. What if I didn't came there? Sa tingin mo ba safe ka sa David na 'yon?" sunod-sunod niyang tanong gamit pa rin ang naiinis na boses.Napatango ako sa kaniya dahil naiintindihan ko kung saan nanggaling ang inis niya. "Yeah, I know it's my fault. Hindi ako nakapag-control last night and I'm really sorry," sabi ko sa kaniya gamit ang mahinahong boses ko.Napabuntong hininga siya kaya naman mas lalo akong lumapit sa kaniya. Mas napatingala pa ako sa kaniya kaya humawak ako sa kwelyo ng damit niya para halikan siya."Don'
Nang magsimula ang party ay mas dumami ang mga tao na nakakausap ni Roswell."I'll just talk some ambassadors here. Is it okay if I leave you alone here?" tanong sa akin ni Roswell.Mabilis naman akong napatango sa kaniya bago magsalita."Yeah, sure! Don't worry about me here. I'll just walk around here," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.Napatango naman siya at agad nang sumama sa mga kakilala niya. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan nila pero alam kong tungkol 'yon sa trabaho. Naglakad-lakad muna ako roon at may iilan na nakikipag-usap sa akin. Nang makalabas ako sa gawing pool area kung saan maraming mga tao ay nanatili ako sa isang high table habang umiinom ng wine.Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang ilang mga babae na nag-uusap sa kabilang table lalo na nang marinig ko ang pangalan ni Roswell."He's so awesome and sweet! Sobrang swerte ng secretary niya dahil siya ang madalas na nakakasama ni Mr. Roswell. I'm sure she's also attracted to him."
Ilang buwan ang lumipas hanggang sa tuluyan na akong nakapag-adjust sa bago kong trabaho. Naging madali na lang sa akin ang trabaho ko at hindi na masyadong nahihirapan. Hindi na rin ako nagpapa-apekto sa nakapaligid sa akin lalo na kay Roxy.Nagsimula na rin mag-aral si Agatha at mas nagkakaroon ako ng time sa kaniya kahit na madalas akong busy sa trabaho. Si Roswell naman ay mas naging abala sa mga trabaho niya pero hindi nawawala ang bonding namin.Nakilala ko rin ang iba pang mga kaibigan ni Roswell at mas nakilala ko rin si Damian. Nag-uusap na kami nang mas maayos ngayon at hindi na niya ako madalas inisin kaya grateful naman ako dahil naging magkaibigan kami.Sa sobrang bilis nga ng panahon na lumipas ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na si Eunice at Phil.Simula rin nang magsinungaling ako kay Anthony ay hindi na niya ako ginulo pa at never na siya ulit nagpakita sa akin.Abala ako sa ginagawa ko sa table ko nang may babae na dumating at huminto sa h
Ginawa ko ang sinabi ni Roswell at hindi ko tinigilan na i-convince si Vera kaya lang ay masyado siyang decided na magpatuloy sa pagtatrabaho. Ang sabi niya ay mas gusto niyang i-busy ang isip niya sa pagtatrabaho niya kaya naman hindi ko alam ang dapat kong gawin para makumbinsi ko siya."If that what she wants, then why don't we just let her?" tanong ko kay Roswell.Napatango naman sa akin si Roswell at napabuntong hininga."Alright. I think she can handle herself more. Matalino si Vera at alam niya ang ginagawa niya kaya lang ay hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kaniya," sabi ni Roswell.Napatango rin naman ako dahil naiintindihan ko siya. Kahit ako ay nag-aalala pa rin kay Vera kahit na madalas niyang ipakita sa akin na ayos lang siya at walang iniisip."Don't worry. I'll always check on her. Pupunta ako ngayon sa office niya to bring her snacks," sabi ko kay Roswell.Napangiti naman siya at lumapit sa akin para yakapin ako. Natawa naman ako dahil hindi ko inaasahan 'yon."Ka
"I don't want you to cry, Kali. I'll be okay. I promise," sabi niya habang patuloy na pinapalis ang mga luha sa pisngi ko."I-I'm just worried," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay napahikbi ako.Napatango naman niya sa akin."I know. Kaya nga nahirapan akong sabihin sa'yo dahil ayaw kong mag-alala ka," sabi niya sa akin."Are you crazy? You're important to me, Damian! Kaya mag-aalala talaga ako para sa'yo," inis na sabi ko sa kaniya.Bahagya naman siyang natawa at napatangong muli bago ako muling niyakap. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap doon at aaminin ko na mami-miss ko siya kapag umalis siya.Naupo kami sa dalampasigan habang tinatanaw ang nagbabadyang paglabas ng araw. Tahimik lang kami roon at walang nagsasalita kaya naman humugot ako nang malalim na hininga at tumingin sa kaniya."Can't you extend your days here? Kahit two days pa para naman makapag-prepare ako sa pag-alis mo," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napanguso ako.Bahagya naman siyang natawa at napailing
Kabado ako nang bumalik ako sa labas na para bang walang nangyari. Hindi sumunod sa akin kaagad si Roswell dahil mas nauna akong lumabas kaysa sa kaniya. Magkakasama ang mga boys at girls sa isang table at mukhang nakakarami na ng inom ang mga boys. Napansin ko rin na nakisali si Vera sa inuman nila kaya."Are you drinking with them, Vera?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bahagya akong natawa."Yup! Perks of not being pregnant," sagot niya pagkatapos ay natawa para mang-asar.Napanguso naman ako dahil matagal kaming hindi makaka-inom ng alak ni Eunice, pero wala namang problema 'yon sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig uminom ng alak."Dapat ay magbuntis ka na rin, Vera. Kailan niyo ba balak ni Felix?" tanong naman ni Eunice.Napangisi naman ako at naupo sa isang upuan habang sinisimulan ko na ang pagkain ng nilutong salmon ni Roswell. Tinignan ko naman si Vera at hinintay ang magiging sagot niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung ano nga ba ang plano niya.
Isang linggo muli ang lumipas at gano'n pa rin kami sa dati. Mailap pa rin sa amin si Roswell at napapansin kong iniiwasan niya ako.Sobrang saya ko naman nang bisitahin kami ni Vera, Felix, Eunice, at Phil. Marami silang dala na gamit at mga pagkain at aaminin ko na na-miss ko sila. Tatlong araw lang sila roon at bukas ay uuwi na sila kaya naman nagba-barbecue kami sa labas."Kumusta ka naman dito? Hindi ka ba nabo-bored?" tanong sa akin ni Eunice.Nag-iinuman ang mga boys at mukhang nagkakasiyahan sila hindi kalayuan sa amin. Naka-upo lang kaming mga girls sa lounger habang nagkukwentuhan."Not really. I'm having fun with Roswell and Damian naman. Hindi nila hinahayaan na ma-bored ako rito," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Do you think they're okay now? Hindi ba at may gusto sa'yo si Damian?" tanong naman ni Vera.Napangisi naman ako at nagkibit ng balikat."Gosh! Mag-bestfriend nga talaga silang dalawa. Lagi na lang silang nagkakagusto sa iisang babae. Gan'yan din ang
Dinama ko ang hangin na humahampas sa buong katawan ko at hinayaan kong sumabog ang mahaba kong buhok. Napayuko ako at tinignan ang paa ko na hinahampas ng alon ng dagat. It was peaceful here and I want to stay here for long, pero alam kong hindi 'yon pwede.Sobrang daming nangyari sa buhay ko at hindi ko na 'yon maisa-isa pa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay alam kong safe na kami ng anak ko. Wala ng tao ang gagawa nang hindi maganda sa amin dahil nakulong na si Anthony."Kali."Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Roswell mula sa likuran ko kaya napabaling ako sa kaniya. He was wearing a black t-shirt and gray sweat short. Naka-suot din siya ng shades at inalis niya 'yon nang humarap ako sa kaniya."Nag-utos ako kay Manang at Kuya Lito na mag-grocery sa supermarket. May gusto ka bang ipabili?" tanong niya sa akin.Simula nang nalaman niyang buntis ako ay hindi siya pumayag na hindi ako sumama sa kaniya para sa safety ko. Nasa isang isla kami ngayon at iyon ang napili k
Nagtatakbo lang kami ni Damian palayo roon at sinundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang labas papunta sa labas. Siya ang nakapasok dito kaya sigurado akong alam niya rin kung paano makalabas. Hinihingal ako habang nakahawak sa tiyan ko at halos paimpit akong mapatili nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. "Oh my gosh!" nag-aalalang sabi ko. "I think they're here," sabi ni Damian sa akin. Napakunot naman ang noo ko at pinagpatuloy ang pagsunod sa kaniya habang siya ay abala sa pagtingin sa paligid. Labis ang takot na nararamdaman ko lalo na nang hindi tumigil ang mga pagputok ng baril. "What do you mean? Sinong sila?" curious na tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at agad akong hinila para magtago dahilan nang pagkagulat ko. "Stop asking and keep your mouth close," sabi niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mapairap dahil sa pagsusuplado niya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Sumenyas siya sa akin na 'wag akong maingay at naglakad kami nang d
"Alam mo? Kung tumawag ka na lang sana nang tuloy ay sana kanina pa tayo wala rito!" reklamo ko kay Damian.Imbis na matutulungan niya akong makaalis dito ay pati siya nadamay na kuhanin ni Anthony. Nawalan lang tuloy ako nang pag-asa na makakalabas pa rito!"Wow, Kali! Ngayon pa talaga tayo magsisisihan?" sarkastikong tanong niya kaya naman napairap ako.Hindi na ako nagsalita dahil nakakaramdam na ako ng pagod. Hindi kami nakatali, pero nakakulong kami roon kaya naman lumapit ako sa pintuan para tignan kung makakagawa ba kami ng paraan para makalabas doon habang si Damian ay nanatiling tahimik na naka-upo sa sahig.Napabuntong hininga ako at bumagsak ang dalawa kong palad nang ma-realize ko na wala talaga kaming magagawang ibang paraan para makalabas doon. Naka-lock ang pintuan mula sa labas at may rehas naman ang bintana kaya hindi kami makakalabas doon."Buntis ka pala. Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Damian mula sa likuran ko.Napairap akong muli at humarap sa kaniya ba
Sobrang saya namin ni Eunice kaya naman nagyakapan kaming dalawa. Masaya ako para sa amin dahil kahit na may nawala sa amin ay binigyan pa rin kami ng panibagong blessings."Congratulations to the both of you, but Eunice I still have something to discuss with you and your husband. I'll discuss the do's and don'ts," sabi ni ng OB ni Eunice."Oh, alright, Doc!" Excited na sabi naman ni Eunice pagkatapos ay napatingin siya sa akin.Napangiti at napatango naman ako sa kanila dahil kailangan nga 'yon ipaliwanag sa kanila ng Doctor."Take your time. I'll just use comfort room," sabi ko sa kanila.Agad naman tumango sa akin si Eunice kaya hinayaan ko muna silang makapasok sa loob ng room bago ako tuluyang umalis doon para pumunta sa comfort room.Nakasuot ako ng oversized sweater at maternity leggings. Kapag gano'n ang suot ko ay hindi halata ang baby bump ko. Iyon muna ang sinusuot ko kapag lumalabas ako dahil takot akong malaman nila na buntis ako. Ayaw kong mapahamak kami ng baby ko.Tahi
"Kali, hindi pwedeng laging ganito. Manghingi na tayo nang tulong kay Roswell," sabi sa akin ni Eunice.Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya at mabilis akong napailing. Nakahiga lang ako sa kama ngayon habang nakayakap sa favorite stuff toy ni Agatha. Wala akong gana na bumangon at ang tanging ginagawa ko lang ay umiyak lalo na nang makabalik kami sa Manila.It's been a five weeks since Agatha passed away and I can't still accept it. Every night I sleep it haunts me. Alam kong hindi deserve ni Agatha ang mawala nang maaga. I still have a lot of dreams for her. Gusto ko pang makita kung paano siya maging teenager at kung paano siya magpapakilala sa akin ng boyfriend niya.After what happened, hindi na naging mapayapa ang isip at buhay ko. Lagi akong nakakatanggap ng death threats at alam kong si Anthony ang nasa likod nito. Hindi ko alam kung ano ba ang mapapala niya sa pananakot sa akin, pero hindi niya talaga ako tinitigilan.Simula nang makabalik ako sa Manila ay hindi ko na ulit
"Roswell, ano ba?! Don't touch me!" reklamong sabi ko sa kaniya para makaalis sa yakap niya.Hindi siya nagsalita at hindi rin niya inalis ang pagkakayakap sa akin kaya naman bumuhos ang mga luha ko. This all I need right now, his hug! But I know this is wrong because he has already a wife."Can't you see it? I'm not Kylie! I'm not your wife!" sunod-sunod na sabi ko sa kaniya pagkatapos ay pilit ko siyang tinulak palayo sa akin.I heard him sobbing while hugging me. Ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya dahil sa pag-iyak niya."I-I know, and it hurts me so bad, Kali. I'm so sorry," sabi niya habang umiiyak.Napakagat ako sa labi ko at napapikit. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa pag-iyak ko."Vera told me a long time a go that she discovered that you're not Kylie, pero hindi ako naniwala dahil akala ko ay gumagawa lang siya nang paraan para hindi ka na pabalikin sa buhay ko," pagsisimula niya sa pagkukwento."Naniwala ako na ikaw si Kylie dahil wala naman akong ibang idea na m