Nakapikit ako habang nag-iisip ng kung ano, at ramdam ko pa rin ang tibok ng puso ko roon. Natatakot ako na baka marinig niya 'yon, dahil sobrang tahimik sa loob ng hospital room. Tanging ingay lang ng aircon ang naririnig doon. Pinipigilan ko rin ang paghinga ko, dahil ayaw kong gumawa ng ingay roon."Kali," tawag sa akin ni Roswell.Hindi ako agad nagsalita, dahil akala ko ay nakatulog na siya kaagad."Tulog ka na ba?" tanong niya.I cleared my throat before I speak there."Not yet. Why?" sagot, at tanong ko sa kaniya pabalik.Hindi pa rin naman ako makakatulog kaagad, dahil hindi pa ako dinadapuan ng antok. Pakiramdam ko ay hindi rin ako makakatulog doon nang mabilis. Naninibago ako lalo na at katabi ko siya rito sa sofa bed."May sasabihin sana ako sa'yo kaya lang baka inaantok ka na. Maybe, I can tell it tomorrow," sabi niya.Seriously?! Hindi na nga ako makatulog tapos ay pag-iisipin niya pa ako ngayong gabi kung ano ang dapat niyang sabihin?Umayos ako sa pagkakahiga, at tumiha
Huling Na-update : 2023-09-07 Magbasa pa