Napatayo ako sa kinauupuan ko para makabati sa kapatid ni Roswell. Ang kaninang ngiti sa mga labi niya, ay unti-unting nawala 'yon nang makita ako."Vera, this is Kalilah. Kali, this is Vera, my sister," pakilala ni Roswell.Napangiti naman ako, at bahagyang tumango sa kapatid niya."Nice meeting you, Ma'am Vera," bati ko sa kaniya pagkatapos ay naglahad ako ng kamay.Tinignan niya ang kamay ko na para bang nagdadalawang isip kung tatanggapin ba 'yon or hindi. Nakita ko ang bahagyang pagtulak sa kaniya ni Roswell pagkatapos ay pilit na ngumiti ito sa akin."Miss Vera, not Ma'am. Nakakatanda ang salitang Ma'am," sabi niya pagkatapos ay tuluyang tinanggap ang kamay ko.Nakipag-shake hands siya sa akin nang mabilisan lang pagkatapos ay bumaba ang tingin niya kay Agatha na tahimik na kumakain doon."And, this is Agatha. Kali's daughter," patuloy ni Roswell.Tinignan ko ang reakyon ng kapatid ni Roswell. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Para bang nalungkot siya at may mat
Last Updated : 2023-09-07 Read more