THE CHAIRMAN Ubos ang energy ko nang matapos ang discussion ko. Bwisit! Haggard na naman ako. Sa inaraw-araw kong paulit-ulit ng pagpapalinwanag tungkol sa mga bagay na inaalok ko ay memoryado ko ng tunay, at kahit yata tulog ako ay kaya itong i-recite na parang libro ng Science. Sumandal ako sa upuan at tumitig sa berdeng dahon ng nakadisplay na halaman, para marelax ang mga mata at utak ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Kung oral exam ito, malamang ay sobra pa ako sa pasado. Narito ako sa may waiting area. Dito raw naghihintay ang mga aplikante. Nasa floor din ito ng chairman pero medyo malayo. "Beautiful," tawag sa akin ng lalaki sa may likuran ko. Agad akong lumingon. Naks! Feeling ko yata ay over ako sa self confidence. "Naks!" anang lalaking CFO. Nakapamulsa ito at naglalakad palapit sa akin, “Lingon kaagad.” Cool talaga ito at hindi matapobre. Ang laki ng ngiti nito na parang nang-gu-goodtime pa, dahil sa paglingon ko sa pagtawag niyang beautiful sa akin. Magkahiwala
Huling Na-update : 2024-10-29 Magbasa pa