Home / Romance / REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE : Kabanata 11 - Kabanata 20

27 Kabanata

Kabanata 11 - May Pamilya Siya?

Eloise's Point of ViewIsang buwan na ang nakalipas, simula nang umuwi ako ng Pilipinas. Nangungupahan lamang ako sa isang malaking apartment, sapat na iyon para sa amin ng aking magiging anak. Ilang buwan na rin akong hindi kinukulit ni Brynne tungkol sa plano niya. Hindi ko pa nababanggit dito na nakauwi na ako ng Pilipinas.Humarap ako sa malaking salamin, nakasuot ako ngayong ng mahaba at maluwang na bestida. Marahan kong hinaplos ang aking bilog na bilog na tiyan, isang buwan na lamang at manganganak na ako.Kailangan kong magpunta ngayon ng ospital para sa check-up."Nicole, ikaw na muna ang bahala sa bahay. Magpacheck-up lamang ako. Huwag kang magpapasok ng hindi mo kilala."Siya ang katulong ko sa mga gawain bahay at ang mag-aalaga sa aking anak."Okay po, ate." Masayang saad ni Nicole. Abala ito sa panunuod ng Korean drama. "Mag-iingat ho kayo." Pagkarating ko sa Clinic ay marami ng mga taong naroroon. Ang ibang mga buntis doon ay kasama ang kanilang mga asawa. Maliban sa
last updateHuling Na-update : 2023-10-23
Magbasa pa

Kabanata 12 - Ang Muling Pagkikita ni Eloise at Elijah

Eloise's Point of ViewPinagmasdan kong mabuti ang aking sarili sa harap ng salamin, formal attire ang napili kong isuot para sa aking interview. Naglagay lamang ako ng manipis na make-up at itinaas ko ang aking buhok.Sa nakalipas na limang taon ay napagpasiyahan ko nang humanap ng trabaho. Lumalaki na ang aking anak at mag-aaral na ito sa sunod na pasukan.Bago ako umalis ay sinilip ko muna ang aking anak sa kanyang kwarto. Mahimbing pa rin itong natutulog kaya hindi ko na ito ginising."Ate, kumain ho muna kayo, ipinaghanda ko na kayo nang umagahan." Ani ni Nicole. Kagagaling lamang nito sa kusina."Salamat, sa labas na lamang ako kakain. Mahuhuli na ako sa aking interview. Ikaw na muna ang bahala dito." Kakamot-kamot naman sa ulo si Nicole. Gumising pa naman siya nang maaga upang ipagluto ang kanyang amo. "Sige ho, ate. Ako na lamang ang kakain nito. Sayang eh!"Nagmadali na akong umalis. Mabuti na lamang at may sarili akong sasakyan. 'Sana'y hindi traffic ngayon.' Sa isip-isip
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Kabanata 13 - Okay lang, Mommy!

Eloise's Point of ViewBigla na lamang niya akong kinabig papalapit sa kanya at saka marahan na hinalikan ang aking mga labi. Ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig at saka marahas akong siniil nang halik. Halos angkinin niya iyon na para bang kanyang pag-aari ito."A-anong nangyayari dito, Elijah?"Gulat kong naitulak si Elijah. Dumilim naman ang awra ng kanyang mukha dahil tila nabitin ito. Sabay kaming napalingon sa bagong dating. Halos mamutla ang babae sa kanyang nakita. Ang mga kamay nito ay nakatabon sa mga mata ng batang kasama nito.Nanlaki ang aking mga mata. Kung hindi ako nagkakamali, Sofia ang pangalan nito. Siya ang babaeng nakilala ko sa Ospital limang taon na ang nakakaraan. Hindi ako makatingin nang diretso sa babae. Kung pumupunta dito ang babae, maaaring may relasyon sila ni Elijah. Siya ang karibal ni Brynne sa lalaki.'Sana'y hindi niya ako natatandaan.' Bulong ko sa aking sarili. Parang balewala naman kay Elijah kung naroroon ang babae at ang ana
last updateHuling Na-update : 2023-10-25
Magbasa pa

Kabanata 14 - Plano mo bang akitin ako?

Eloise's POV"Wake up, mommy. It's your first day at work. You can't be late." Boses iyon ni Avery.Umakyat siya sa aking kama at marahan na niyugyog ang aking mga balikat. Maaga itong nagigising dahil gustong gusto nitong tumulong sa pagluluto kay Nicole. Naniniwala si Avery na ang tunay na princess ay marunong sa mga gawaing bahay. "Mhmm.. babangon na si mommy, sweety." Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Unang araw ko nga pala ngayon sa trabaho kaya hindi ako pwedeng ma-late."Okay, mommy. Bilisan mo lang maligo dahil lalamig na ang pagkain." Humalik muna si Avery sa akin bago bumaba ito mula sa aking kama. Pagkalabas ni Avery ng aking kwarto ay mabilis ko nang kinuha ang aking tuwalya at saka patakbong tinungo ang CR.Hindi ako eksayted sa aking trabaho dahil sa mga plano ni Brynne. Ngayon pa lang kinakabahan na ako dahil baka nalaman ng lalaki na may kaugnayan si Brynne sa akin.Habang naliligo ako muling pumasok si Avery sa aking kwarto. Hindi na ito makapaghintay na mata
last updateHuling Na-update : 2023-10-27
Magbasa pa

Kabanata 15 - Gusto kita

Eloise's Point of ViewLumipas ang ilang araw at malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ni Elijah. Mas pabor sa akin iyon para magawa ko nang maayos ang aking trabaho.Maaga akong nagising upang ipaghanda ng almusal ang aking anak, subalit naabutan ko ito sa kusina na tumutulong sa pagluluto kay Nicole."Good morning, honey." Bati ko sa aking anak. Naghugas muna ito ng kanyang kamay bago lumapit sa akin at yumakap."Good morning, mommy! Kami na po ni Ate Nicole ang naghanda ng pagkain." Nakangiting saad naman ni Avery. Kapag tumatawa ito ay lalong nagiging kamukha siya ng kanyang ama. Napasimangot naman ako nang maalala ko ang lalaki."Okay ka lang, ate? Bakit bigla ka na lang sumimangot diyan?" Nagtatakang tanong ni Nicole. Hindi niya maintaindihan ang mood ng kanyang amo."Okay lang ako, may naalala lang akong nakakainis na tao." Tugon ko naman kay Nicole. Nahihiya akong tumingin sa akin anak dahil ang ama nito ang tinutukoy ko."Sino naman siya, ate. Gwapo ho ba?" Usisa naman ni Ni
last updateHuling Na-update : 2023-11-05
Magbasa pa

Kabanata 16 - Siya ang daddy ko.

Eloise's Point of ViewNakangiti ako habang naglalakad patungo sa aking sasakyan. Naalala ko ang gulat na gulat mukha ni Elijah nang halikan ko ito.Nakita kong lumabas ng sasakyan si Nicole at tila may hinahanap. Nagtataka itong lumapit sa akin. "Ate, hindi ba kayo nagkita ni Avery?" Nagtatakang tanong ni Nicole. Mag-isa lang kasi ang kanyang amo at hindi nito kasama si Avery.Nangunot naman ang aking noo kay Nicole. "Anong ibig mong sabihin, Nicole? Nasaan si Avery?" Kinakabahan kong tanong dito. Napatingin ako sa loob ng sasakyan wala doon ang aking anak. Sinamaan ko nang tingin si Nicole. Kakamot-kamot naman sa kanyang ulo si Nicole. "Ah, eh! Nainip ho kasi si Avery sa kahihintay sa'yo, kaya sabi niya susunduin ka na lang daw ho niya. Pinayagan ko naman kasi alam naman niya kung nasaan kayo kanina. H-Hindi nyo ho ba nakita?""H-Hindi ko siya nakita." Saglit naman akong natigilan. Oo nga pala, sa gilid ng mall ako dumaan, hindi sa mismong harapan kaya hindi ko napansin ang akin
last updateHuling Na-update : 2023-11-07
Magbasa pa

Kabanata 17 - Ang Plano ni Brynne

Eloise's Point of ViewWala pa rin imik si Avery hanggang sa makarating kami sa apartment. Agad itong nagderetso sa kanyang kwarto at saka nagkulong.Naupo ako sa sofa. Bigla na lamang kong pinanghina. Napatingin ako sa saradong kwarto ng aking anak. Nagkukulong lamang ito kapag nagtatampo ito o kaya naman ay masama ang loob. Nahigit ko ang aking hininga. Mamaya ko na lamang siguro kakausapin si Avery."Mukhang umasa si Avery na tatay niya ang lalaking nakita niya kanina, ate." Ani Nicole habang inaayos nito ang mga gamit na aming pinamili."Ayaw kong umaasa ang aking anak, Nicole. Kung maari, layuan ninyo ang lalaking iyon. Hindi tayo nakasisiguro kong mabuti ba siyang tao." Mariin kong paalala kay Nicole. Sana'y hindi na muling magkasalubong ng landas ang aking anak at si Elijah."Pero nagtataka lamang ako sa'yo, ate. Bakit ka nagtago noong nakita mo ang lalaki? Sigurado ka bang hindi siya ang tatay ni Avery?" Usisa naman ni Nicole.Awtomatikong napalingon ako kay Nicole. Seryoso i
last updateHuling Na-update : 2023-11-09
Magbasa pa

Kabanata 18 - Be my Girlfriend

Eloise's Point of ViewNapilitan akong bumangon nang maaga dahil unang araw nang pasukan ni Avery. Ihahatid ko pa ito sa kanyang school bago ako pumasok sa trabaho.Mas pinili kong ipasok ito sa sikat na school dahil sigurado ang seguridad doon ng aking anak.Medyo inaantok pa ako dahil magdamag akong hindi nakatulog kagabi. Matagal kong pinag-isipan ang plano ni Brynne. At hindi ko kaya ang pinagagawa nito sa akin, lalo pa at ama ito ng aking anak.Mahal ko si Brynne at ayaw ko itong mapahamak kaya napagdesisyunan kong hindi na ituloy ang binabalak nito. Kinuha ko sa aking bag ang binigay sa akin ni Brynne na gamot at pinagmasdan iyon. Kailangan ko itong itapon.Mabilis ko naman itinago iyon nang may kumatok sa aking kwarto."Good morning, mommy. Ready na po akong pumasok." Masayang saad ni Avery. Nagtaka naman si Avery dahil tila hindi pa naliligo ang kanyang mommy. "Kagigising nyo lang po ba, mommy?"Napatango naman ako kay Avery. Masyado yatang eksayted ang aking anak pumasok. Ma
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Kabanata 19 - She is my daughter

Eloise's Point of View"Daddy!" Sigaw ni Amelia at Avery nang makita nila si Elijah.Napansin kong nangunot naman ang noo ni Elijah nang makita niya si Avery. Hindi siguro niya inaasahan na makikita niyang muli ang aking anak. Mas lalo pang bumakas ang pagtataka nito nang lumapit sa akin si Avery.Parang napako si Elijah sa kanyang kinatatayuan. Kunot-noong nakatitig lamang ito sa aming dalawa ni Avery."Anak mo ba siya, Eloise?" Malamig ang boses na tanong ni Elijah. Madilim ang awra nito at halatang pinipigilan ang sariling hindi magalit."O-oo, a-anak ko siya, Mr. Montereal." Nauutal kong tugon dito.Napatango-tango naman si Elijah. At tila may malalim na iniisip."Daddy Elijah, mabuti po at dumating kayo." Saad ni Amelia kay Elijah subalit wala ang atensyon ng lalaki sa bata. Napansin ni Amelia na nakatitig ang kanyang daddy Elijah kay Avery. Nanlaki naman ang mga mata nito nang mapansin na magkamukha ang dalawa.Nag-iwas naman ako nang tingin sa nakatutunaw na tingin ni Elijah. Al
last updateHuling Na-update : 2023-11-20
Magbasa pa

Kabanata 20 - Nagseselos ako

Eloise's Point of ViewDahil sa pangyayari kahapon ay hindi ko muna pinapasok si Avery. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nito at ayaw ko nang maulit pa iyon.Abala ako sa aking trabaho nang dumating si Elijah. Kasama nito si Sofia at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil hindi minlang nagawang tumingin sa akin ng lalaki.Mapakla akong napangiti sa aking sarili.Ano bang inaasahan ko sa kanya? Ama lamang siya ng aking anak at 'yon lamang ang nag-uugnay sa aming dalawa. Bakit ba kasi siya ang nasa isip ko? Hayss.. Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala sa aking isipan ang lalaki. Pinilit ko ang aking sarili na pagtuunan nang pansin ang aking trabaho ngunit kahit anong gawin ko ay walang pumapasok sa aking utak.Dalawang oras ng nasa loob ang dalawa ngunit hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon.'Ano kayang ginagawa nila sa loob at saka bakit ang tagal naman nilang mag-usap?' Himutok ko sa aking sarili.Ang sabi niya sa akin ay ngayon namin pag-uusapan ang tungkol kay Avery per
last updateHuling Na-update : 2023-11-22
Magbasa pa
PREV
123
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status