NARINIG ko na lamang siyang tumawa. "Ano'ng hindi masakit? Nagdurugo na nga ang iyong pisngi oh," wika ni Uriel habang hawak-hawak ang aking pisngi. Ilang segundo siyang napatitig sa aking mukha. Halatang nabibighani si Uriel kay Thyra."Alam mo Uriel, katulad mo ang gusto kong mapakasalan at syempre... makasiping."Sa sinabi kong iyon ay natumba siya sa kanyang kinauupuan."Sadyang napakainosente at diretso ka kung magsalita, Thyra," nakangiting sambit niya. Naramdaman na lamang namin ang lakas ng tibok ng aming mga puso.Sa mga nagdaraang araw, mas nagkaroon ng oras sa isa't isa at dumating sa punto na may nangyari na kay Thyra at Uriel. Iniisip ni Thyra na si Uriel ang unang lalaki na nagparamdam na siya ay ligtas sa unang pagkakataon.Si Kriselle, "Hindi alam ng lahat na may pabor na hiningi si Thyra kay Uriel, na siya'y itatakas mula sa kanilang grupo. Ang mga babae kasing nalilikom nila ay kanilang gagawing babaeng bayaran sa mga karatig-bayan at ayaw iyon mangyari ni Uriel, dah
Magbasa pa