"TATLONG araw na lang ay gabi ng Sangria na! Kailangan na nating bumili ng maisusuot," nguso ni Kriselle."Pagkatapos ng ating klase ngayon ay pumunta na tayo sa Kamiseta!" Hiyaw naman ni Moiselle.I pouted. "Wala naman akong pera pambili e!"Ayaw ko naman humingi kay Stalwart dahil malalaman niya na pupunta ako roon. Kay Maestro kaya? Napailing-iling ako, mas nakakahiya."Ako na ang bahala sa pambayad, Artemis," singit naman ni Janus sa amin mula sa likod.I gave him a bored look. "Ano ka ba? Problemahin mo lang ang sa'yo, ako na ang bahala sa aking sarili."Wala naman siyang nagawa kundi tumango."Uuwi na muna ako sa Windorf para humingi ng pera." Palusot ko."Ibig sabihin ay bukas na lang tayo bibili sa Kamiseta?" tanong ni Kriselle upang sabay kaming tumango kami ni Moiselle."Sama ako!" ngiti naman ni Janus ngunit mabilis siyang hinarap ng kambal."Bawal! Makikita mo na agad ang susuotin ng iyong kapareha," buwelta ni Moiselle sa kanyang pinsan."Oo nga Pinsan, bawal ang gano'n.
WHAT GIVES light to the whole place are the large chandeliers, long golden curtains that serve as a design on the wall, in the front is a mini stage with an orchestra playing, round tables covered with white cloth in all corners and in the middle of the hall was the dancefloor where Janus was waiting for me.Tinanggap ko ang kanyang kamay upang umusbong ang masigabong palakpakan at hiyawan ng mga taong naririto. Pumunta naman kaming pairs sa gilid para maghanda sa paunang sayaw, ang La Honradez.Nasa kabilang side ang kambal. Si Kriselle na hawak ang braso ni Luigi habang si Moiselle naman ay kay Jandel. Hinawakan ko naman ang braso ni Janus para mapalingon siya sa akin. Binigyan naman niya ako ng kanyang usual na ngiti. Ngumiti rin ako pabalik.Tumunog muli ang trumpeta na nagpapahiwatig na magsisimula na ang sayaw naming mga Primer. Sumibol naman ang aking kaba upang mas humigpit ang pagkakahawak ko kay Janus."Ikalma mo lang ang iyong sarili at hayaan mong gumalaw ng kusa ang iyong
KINAKABAHAN naman akong lumingon sa likod dahil alam niya ang totoo kong katauhan ngunit napangiti ako kung sino ito."Tatanggapin mo ba o hindi?"Tinanggap ko naman ang kanyang kamay. "Oo naman, Maestro Estefanio!"Napatili ako upang matawa siya saka dinala ako sa dance floor. Sadyang napakalambing ng musika ng orchestra."Nakakatouch naman Maestro! Importante pala ako sa buhay mo, ako rin Maestro! Sobrang importante ka rin sa buhay ko.""Oo naman! Ngunit madaya kayong mga kababaihan," he pouted. "At bakit naman Maestro?""Kaming mga kalalakihan ay tatlo lang pwede namig maisayaw, kayong mga kababaihan ay depende sa magyayaya sa'yo. Kung sampu ang nagyaya sa'yo ay maaari," reklamo niya."Gusto mo kasi maraming chix kang maisayaw?" I grinned."Ganyan ang tingin mo sa akin, iha?!" bulyaw niya, mas lalo naman akong natatawa."Parang gano'n na nga!"Ang buong sayaw namin ni Maestro Estefanio ay puro katatawanan at asaran. Mas lalo siyang naaasar nang sinabi kong tinuturing ko siyang pan
"KANINA ka pa riyan sa veranda na parang may hinihintay kang dumating."Napalingon ako sa aking likod at naabutang nakapamewang sa akin si Lola."Wala akong hinihintay, Lola. I was just watching the garden!" palusot ko sa kanya upang napakibit-balikat na lamang siya at muling pumasok sa loob.Pagkatapos ng gabi ng Sangria kagabi ay umuwi na ako kaagad rito sa Earth dahil wala namang pasok sa Aethelmagia ngayong araw. Pahinga na muna raw ang araw na ito ayon kay Maestro Estefanio sa lahat.Naupo ako sa isang upuan dito habang hindi ko maalis ang aking tingin sa parte ng balon kung saan maaaring bumagsak si Stalwart. Napangiti ako dahil ngayong araw kasi ay balak niyang ipaalam ako kay Lola Athena saka kay Mom at Dad kahit wala pa itong mga malay.My smile widened as I remembered our scene last night while going home.Imbes na bumalik kami sa bulwagan para sa gabi ng Sangria, napagdesisyonan namin na umuwi na. At ngayong dis oras na ng gabi ay wala ng katao-tao sa paligid kaya't malaya
DUMAAN muna kami saglit sa bahay para kumain, pagkatapos ay naririto muli kami sa kalesa patungong Aethelmagia. Alas dyis pa ng umaga ang pasok namin kaya may dalawang oras pa akong matulog pagdating ko roon."I-explain mo nga sa akin ng mabuti kung paano mo nakausap sina Arabella at ang kanyang tatay sa pagliban mo sa kasunduang kasal? Just making sure!"Napaisip naman siya."Dumiretso muna ako sa kanyang ama at nag-usap ng masinsinan. Si Sir Aliergo ay ang tumayong ama nang mag-isa akong namuhay rito sa Salamanca kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dumaan ang taon, nakikita niyang ako raw ang papalit sa kanya bilang Punong Konseho balang araw kaya't napagdesisyonan niyang maging anak ako sa papel bilang maging asawa ng kanyang anak na si Arabella na siya ring matalik kong kaibigan. Dati, pumayag ako sa kasunduang kasal dahil bukod sa personal na hiling ito ni Sir Aliergo, prayoridad ko rin na makakuha ng mataas na posisyon sa Konseho para makuha ang hustisya kay Lolo Ompong.
"Paris!" sigaw ko sabay balikwas sa kama. Sobrang hiningal ako ngayon na tila'y hinabol ako ng mga brujo't bruja. Napanaginipan ko na naman si Paris, ang masalimuot na nangyari sa kanya. Napalingon ako sa pinto kung saan may biglang pumasok. Mabilis itong lumapit sa akin habang may hawak-hawak ng basong tubig."Ayos ka lang?! Nanaginip ka na naman ba?" nag-aalalang tanong niya, malungkot akong tumango bilang tugon."Heto tubig, uminom ka," patuloy niya at marahan kong ininom ang dala niyang tubig. A few moments later, I closed my eyes because the tears that had formed in the corner of my eyes were slowly released. Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap ni Stalwart habang hinihimas ang aking likod.Mag-iisang buwan na ang nakalipas, Setyembre na't hindi pa rin ako matunawan sa ginawa ni Paris. Tinapos niya ang sariling buhay. Hindi na ako makatulog ng maayos dahil sa araw-araw na masamang panaginip na patungkol sa kanya, kasama na roon ang nararamdaman kong sakit at konsensya.Nang
AGAD akong yumuko nang lumingon siya sa direksyon ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang kanyang hakbang patungong wishing well. Kinuha ko ang pagkakataong iyon makita kung sino siya.Bago siya tumalon sa well, nakangising tumingala siya sa bintana ng aking kwarto. Kahit nakasuot siyang kapa, hindi niya pa rin maitago ang suot niyang uniporme ng Aethelmagia. Mukhang kaedad ko palang siya sa panahong ito. Tumigil ang mundo ko nang makilala ito. I felt tears welling up in my eyes again because I finally got to know who is the culprit. Siya ang mitsa ng lahat ng masasalimuot na nangyari sa buhay ko. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang alisan ng kapangyarihan at gusto kong umiyak siya sa sakit ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatataguan. Animo'y namanhid ang aking katawan sa sobrang pagkamuhi sa kanya."Masaya akong makilala ka, Artemis," nakangising aniya saka tumalon na sa balon.Doon ko napagtanto na hinayaan ko lang siyang gawin ang mga ito sa buhay ko kaya't hindi ako nagd
"Sa tingin mo Artemis, magugustuhan kaya ito ng tiyuhin mong si Maestro?" nakangiting tanong sa akin ni Kriselle habang pinapakita sa akin ang isang sumbrerong dark blue. Napatulala naman ako sa kulay na ito. Bigla kong naaalala ang pangyayari no'ng nakaraang linggo, ang pagkikita namin ng taong naka-kapa."Makipaghiwalay ka kay Stalwart. Kapalit ang pagbawi ko sa bulong ng kamatayan sa iyong magulang. Kung hindi at sinabi mong ako ang taong naka-kapa kay Stalwart, gagamitin ko na ang aking huling alas, ang utusan silang magpakamatay at wala kayong magagawa upang pigilan iyon.""N-Nakaalis na ito... Buti na lang h-hindi niya nakuha ang Salamin ng Panahon.""Nakilala mo ba ito, Artemis?!" Maestra Markisha asked.Napaisip ako sa aking isasagot, kalauna'y napailing-iling ako. Awtomatikong niyakap ako ng mahigpit ni Maestra dahil doon."Salamat dahil ligtas kang nakabalik, Artemis..."Habang yakap ko si Maestra ay napatingin ako sa pintuan ng silid. Nakabukas ito na nagpapahiwatig na kani