"Paris!" sigaw ko sabay balikwas sa kama. Sobrang hiningal ako ngayon na tila'y hinabol ako ng mga brujo't bruja. Napanaginipan ko na naman si Paris, ang masalimuot na nangyari sa kanya. Napalingon ako sa pinto kung saan may biglang pumasok. Mabilis itong lumapit sa akin habang may hawak-hawak ng basong tubig."Ayos ka lang?! Nanaginip ka na naman ba?" nag-aalalang tanong niya, malungkot akong tumango bilang tugon."Heto tubig, uminom ka," patuloy niya at marahan kong ininom ang dala niyang tubig. A few moments later, I closed my eyes because the tears that had formed in the corner of my eyes were slowly released. Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap ni Stalwart habang hinihimas ang aking likod.Mag-iisang buwan na ang nakalipas, Setyembre na't hindi pa rin ako matunawan sa ginawa ni Paris. Tinapos niya ang sariling buhay. Hindi na ako makatulog ng maayos dahil sa araw-araw na masamang panaginip na patungkol sa kanya, kasama na roon ang nararamdaman kong sakit at konsensya.Nang
AGAD akong yumuko nang lumingon siya sa direksyon ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang kanyang hakbang patungong wishing well. Kinuha ko ang pagkakataong iyon makita kung sino siya.Bago siya tumalon sa well, nakangising tumingala siya sa bintana ng aking kwarto. Kahit nakasuot siyang kapa, hindi niya pa rin maitago ang suot niyang uniporme ng Aethelmagia. Mukhang kaedad ko palang siya sa panahong ito. Tumigil ang mundo ko nang makilala ito. I felt tears welling up in my eyes again because I finally got to know who is the culprit. Siya ang mitsa ng lahat ng masasalimuot na nangyari sa buhay ko. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang alisan ng kapangyarihan at gusto kong umiyak siya sa sakit ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatataguan. Animo'y namanhid ang aking katawan sa sobrang pagkamuhi sa kanya."Masaya akong makilala ka, Artemis," nakangising aniya saka tumalon na sa balon.Doon ko napagtanto na hinayaan ko lang siyang gawin ang mga ito sa buhay ko kaya't hindi ako nagd
"Sa tingin mo Artemis, magugustuhan kaya ito ng tiyuhin mong si Maestro?" nakangiting tanong sa akin ni Kriselle habang pinapakita sa akin ang isang sumbrerong dark blue. Napatulala naman ako sa kulay na ito. Bigla kong naaalala ang pangyayari no'ng nakaraang linggo, ang pagkikita namin ng taong naka-kapa."Makipaghiwalay ka kay Stalwart. Kapalit ang pagbawi ko sa bulong ng kamatayan sa iyong magulang. Kung hindi at sinabi mong ako ang taong naka-kapa kay Stalwart, gagamitin ko na ang aking huling alas, ang utusan silang magpakamatay at wala kayong magagawa upang pigilan iyon.""N-Nakaalis na ito... Buti na lang h-hindi niya nakuha ang Salamin ng Panahon.""Nakilala mo ba ito, Artemis?!" Maestra Markisha asked.Napaisip ako sa aking isasagot, kalauna'y napailing-iling ako. Awtomatikong niyakap ako ng mahigpit ni Maestra dahil doon."Salamat dahil ligtas kang nakabalik, Artemis..."Habang yakap ko si Maestra ay napatingin ako sa pintuan ng silid. Nakabukas ito na nagpapahiwatig na kani
"ILANG ARAW ka ng ganyan, Artemis! Pumapayat ka na nga oh, may malaki ka bang problemang kinakaharap?" nakangusong tanong sa akin ni Kriselle.I simply shrugged. "Wala! At dati na akong payat hindi tulad ninyong dalawa..." Kantyaw ko upang kurutin nila ako sa sobrang inis. Natawa na lang ako na parang hindi nasasaktan. Simula ng gabing iyon, nawalan na ako ng gana sa lahat. Unti-unting napapabayaan ko na ang aking sarili. Hindi rin ko nagkakaroon ng pagkakataon para harapin si Arabella. I'm not sure why, but it seems like she is prolonging my agony and remorse. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami agad sa gilid ng lawa ng Burks dahil dito magaganap ang pagsusulit sa asignaturang Duwelo, ang Codo Honoro. Nakasuot kami ng PE uniform Aethelmagia version. White cotton long sleeves on top and white oversized pants then slippers made of abaca. We look like the Engkantos who were chasing Mika in T2 movie. Samantala, sinalubong naman kami ni Janus. "Mukhang hindi ka handa, Artemis
"HALIKA rito, Artemis!" mabilis na aniya upang tumango sa kanya at mabilis na lumapit sa kanyang pwesto. Nakita ko sa kanyang likod si Maestra Markisha na binabantayan ang walang malay kong magulang at sa gilid ang napakaseryoso na si Maestro Estefanio.Walang pakundangan akong tumakbo papalapit kay Stalwart at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko na rin maiwasang umiyak dahil miss na miss ko na ang lalaking ito."Huwag ka nang umiyak, mahal kong Binibini, dahil nandito na ako," wika niya na nagpalambot sa aking puso."Magaling, Artemis! Ang lakas mo!" biglang hiyaw ni Maestra Markisha sa akin. Hinarap naman ako ni Stalwart. Nakangiti kaming dalawa sa isa't isa.Our plan had been successful. We deserve an Oscar award for this.Nagpaalam ako sa kanila na pupuntang cr kahit hindi naman. Dahan-dahan akong tumungo sa opisina ni Maestra Markisha. Nabigla ako nang tumatakbo rin siya patungo sa akin at namilog ang aking mata sa salubong niyang mahigpit na yakap. Medyo nahiya ako dahil naririto
"BAKIT ang lambot?" Wala sa sariling wika ko habang kinakapa ang higaan. Sabay bukas ng aking mga mata, doon ko rin napagtanto na nasa isa akong magarbong kwarto. Yung kwarto ng mga royalties na napapanood ko sa mga movies. W-wait. What the hell.Mabilis akong napabalikwas sa kama at hindi ako nagdalawang kumaripas papuntang pintuan."Buksan niyo ang pintong ito!"Sumisigaw man ngunit hindi ko mapigilan na maluha-luha. I noticed that my dress was still the one I wore on Maestro's birthday."Sandali..."Tinigil ko muna ang pagwawala upang alalahanin ang mga nangyari at kung paano ako napunta rito.Dumaan ako sa isang hagdan kung saan sina Jandel at Prinsipe Jensen tumungo. Nandito na naman sila sa mini library. Buti na lang na walang bantay silang kasama this time para malaya kong marinig ang kanilang usapan.Napangiti ako dahil rinig na rinig mula rito sa labas ang kanilang usapan. Hindi ko na kailangan silipin sila."Ang tigas tigas talaga ng ulo mo, Jandel! Hindi mo sinusunod an
"MAAARING kamukha ko si Tinay ngunit hindi pa rin magbabago ang katotohanan na hindi ako siya. Ako si Mising, mahal na Hari.""Wala akong balak na ilayo ka, Binibini, tulad ng sinabi ko kanina. Gusto ko lang maranasan na siputin ako ni Athena nang gabing iyon." Sa sinabi niyang iyon ay namilog ang aking mata sa gulat."I-Ibig sabihin ay totoo ngang niyaya mo siyang sumama sa'yo noon sa kabila ng kanyang pagiging asawa ng iba?"He slowly nodded. "Kung titignan, ako ang kanyang una sa lahat ng bagay, kasama na roon ang pag-ibig. Ngunit, biglang binitawan ko siya dahil sa aking tungkulin sa Salamanca. Mas pipiliin kong masaktan siya ng panandalian kaysa makamit niya ang marahas na kamatayan. Hindi karapat-dapat na mamatay siya nang dahil lang mahal niya ako. Kung kaya't sinaktan ko siya, ang inaakala niyang tagapaligtas ay hinayaan siyang malunod sa karagatan ng lungkot at paghihinagpis. Buti na lang ay naroon ang iyong Lolo, na siyang matalik kong kaibigan, na hindi nagdalawang isip na
"BAKIT kayo naghahalikan ni Sir Stalwart?!" sabay na sigaw nila sa akin.What the hell. Mababasag ang ear drums ko."A-Ano kasi... Nag-alala siya sa akin ng sobra kaya ganoon," nahihiyang sagot ko.Natawa naman si Kriselle. "Nag-alala rin kami sa'yo ah pero hindi ka naman namin hinalikan!"Sa sagot niyang iyon ay binatukan siya ni Moiselle."Tanga mo talaga, Kriselle! Ginawa nila iyon dahil may namamagitan sa kanila! Alam kong tama ako, Artemis!" sermon ni Moiselle para mapabuntong hininga ako saka tumango.They recoiled in disbelief.I stoop up. "Hindi lang ang salitang namamagitan ang dapat ilarawan sa amin, k-kasintahan si Stalwart. Pasensya na kung nilihim ko sa inyo iyon," nakangusong patuloy ko para manigas sila sa kanilang kinatatayuan."Kelan?!""Paano?!"Hence, I told them my love story with Stalwart in a metaphorical way. I described him as my savior who always overprotective and coming to rescue, and later on, eventually confessed. I was giggling while telling the story. It
"Wishing is not even enough to make our dreams into reality. If you don't do anything to make it happen, the wish will just be a bunch of words." - Artemis Velasquez This novel is dedicated to my younger self, who adored fantasy works to the extent that she wanted to create her own. You did it; you crafted your own world and completed your first book after four years. Thank you self for not giving up, and to my readers who support me all the way and love my characters. I appreciate you all! This is also for you guys! ( ◜‿◝ )♡ See you in the second part of the Into Duology, "Into the Forbidden World"!
MARAHAN kong binaba ang diary ni Stalwart at nagsimulang maglakad palabas sabay hawak sa aking puso. Napaluhod ako, dahan-dahang isinandal ang ulo sa balon at hindi ko na napigilan ang pagbuhos muli ng aking mga luha. "Wishing well, 'pag humiling ba ako ulit sa'yo, matutupad mo ba ulit 'yon? Pwede bang pumunta si Stalwart kahit ngayong araw lang? Kasi ang lungkot ko, kasi masakit, kasi... gusto ko lang naman matupad ang wish ko—to be genuinely happy with him. It's not difficult, isn't it?" I'm still not used to it. I've been with him since I entered Salamanca, and even though he's been gone for two years, it still so painful. Halos humagulhol at guluhin ang buhok dahil sa sakit na nararamdaman. Sa dahilang iyon ay 'di sinasadyang matanggal sa aking ulo ang binigay niyang belo at ito'y mahulog. Mabilis kong sinalo ito ngunit sabay din nito ang pagkahulog ko sa balon. Naramdaman ko na ang sobrang lamig na tubig, sobrang dilim na lugar at sobrang lungkot na pakiramdam. Hinayaan ko lan
WARNING: LONG CHAPTER AHEAD"Ang Ginoo ng Aethelmagia ay si... ang Prinsipe ng Salamanca—Janus Wrikleson!" anunsyo ng host na si Maestra Gemira. Dumagundong ang malakas na hiyawan at sigawan ng lahat dito sa Quadrado. Lalo na ang nasa unahang kambal na hindi na maawat ni Jandel sa kakatalon at kakatili. Kahit kaming mga ibang kalahok ay ganoon din habang ako lang yata ang nakangiti ng malapad. I just smiled, it's so obvious that Janus will win. Not because of his lineage but his presence and appearance. Parang mga kuko lang niya ang mga kalaban mula sa Segundar at Trercer. "Ngayon naman ay ang mga nagagandahang Mutya!" sigaw ni Maestra Gemira upang umabante kaming tatlong kababaihan. Wala silang runner ups dito, isa lang ang nanalo bilang Ginoo at Mutya. Binalot muli ng ingay ang paligid. Ang dalawa kong kalaban mula sa higher levels ay nakangiti pero halatang peke. Alam kong kinakabahan na sila sa akin. They're beginning to acknowledge me as their greatest adversary. "Ang Mutya
SUHAYAG: Isusulat at ipapahayag ang Katotohanan sa mga taga SalamancaPagpatay sa Pang limang Komandante ng Valhalla—daan sa katotohanan, hustisya at kapayapaan!Maraming kaganapan noong nakaraang linggo—muling pag-atake ng mga brujo't bruja sa Lowlands sa kabila ng kanilang pangako na hindi na gagambala sa Salamanca kailanman, paglabas ng sinaunang nilalang na Bakeneko, at ang kakaibang itim na mahika na bumalot sa buong Kaharian. Ito ay pakana ng isang espiya at mamalarang mula sa Valhalla, ang panglimang Komandante ng Valhalla na si Florentin na nagbabalat-kayong personal na kasambahay ni Mutya Mercedes sa bilang Ponty Renti sa loob ng ilang dekada. Siya rin ang nagpasimuno sa biglaang atake ng mga brujo't bruja sa Kaharian at ang pumatay sa yumaong Pangalawang Mutya na si Mutya Susanna noong Disyembre Dalawang libo't walo. Isang patunay na inosente ang dating Punong Armada na si Adolfo Persalez at ang pamilya nito. Hindi ko na tinapos basahin ang buong laman ng diyaryo ng Suh
KUSANG GUMALAW paitaas ang aking mga kamay upang nagsiliparan ang mga nilalang sa ere. Kita sa kanyang mukha ang pagkagulat ngunit napalitan din ito ng isang sarkastikong reaksyon."Hindi ko inaakalang may natitira ka pang lakas, Binibini. Gusto man na makipaglaro pa sa iyo subalit... nagmamadali ako. Hindi dapat ako nag-aaksaya ng panahon dito," aniya sabay paglabas ng napakaraming itim na mahika. Bukod sa nasisira ang mga nadadaanan nito tulad ng mga halaman at bulaklak saka mga brujo at bruja, sobrang lawak din nito upang wala na akong kawala.It's the same attack she did earlier. "Paalam, Binibining Artemis Velasquez!"Muli siyang tumalikod at naglakad papalayo. I should be worrying or do something but my body got stiff as well as my mind seemed blank and thoughtless.Except for killing her.I closed my eyes and opened them, sending her a cold sensation. As a result, all the power she release simply vanished. Nawala ng parang bula. Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon para lapi
NAUNAHAN KAMI ni Ponty nang gumawa siya ng harang na nakapalibot sa sarili at may itim na usok ang lumabas sa kanyang mga kamay. Unti-unting namilog ang aming mata dahil ang mga usok na ito ay nagkakaroon ng hugis at kalauna'y anyo. "Mapalad kayong apat dahil masasaksihan ninyo ang tatlong pinakamalakas at pinakamaliksi na Brujo at Bruja ng Valhalla!"My eyes couldn't follow. Everyone is now in chaos. Agresibong inatake ng mga bagong labas na nilalang ang tatlong kasama kong lalaki. Bagama't itim din ang kanilang suot na kapa ngunit kakaiba ang mga itsura nito. Hindi nakakadiri at nakakatakot ang kanilang mukha ngunit ang pagkakaiba nito ay wala silang bibig. Ang kanilang mahahabang kamay at paa ay korteng espada na sobrang talas ang dulo na kanilang ginagamit ngayon sa pakikipaglaban. Sobrang liksi at lakas din ang bawat hampas upang mahirapan ang tatlo na gamitin ang kanilang mahika at tanging magawa ay umilag o umiwas na lamang. Nang makita kong nasisiyahan si Ponty sa nakikita,
NANG BUMALIK na ang lahat sa dati, katahimikan ang naghari sa buong hardin. Tila'y tumigil ang aming buong sistema nang nadiskubre na namin ang espiya sa Kaharian. Buong akala ni Stalwart ay simpleng tagapagsilbi lamang ito ng Mutya ng Salamanca, buong akala ni Ate Maria at Lola Tinay ay bukod sa pagiging tagapagsilbi ay suki lamang ito noon sa Kamiseta, buong akala ni Jandel ay isa ito sa mga tumayong ina sa loob ng Kaharian, at higit sa lahat, buong akala ni Janus ay ito ay matapat at may malasakit na nanilbihan ito sa kanilang pamilya sa loob ng maraming dekada. Puro akala, ngayon ay hindi na makapaniwala.Siya pa naman ang unang taong nakadiskubre ng aking kapangyarihan. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko. She has taken more advantage when she witness my natural magic last time. "Nawala ang mahika ko! Ibalik mo ito!" galit na aniya at sinampal ako ulit pero ganoon pa rin, wala pa ring epekto. I was a little confused because I couldn't understand him as he was yelling at me to
SA PAMAMAGITAN ng isang palakpak, napatigil niya ang kumosyon sa ancestral house. Sabay sabay na bumagsak sa sahig ang lahat ng lumulutang at nagwawalang kalat saka mga gamit. Napangiti kami sa isa't isa dahil nagawa naming makaalis doon."M-Mas malala pala ang ganoong pangyayari kaysa makipaglaban sa mga halimaw. Hindi mo alam kung makakabalik ka pa sa iyong tunay na kalawakan o hindi na," masayang wika niya habang magkahawak aming mga kamay. Mas hinigpitan ko ito saka ngumiti, "Oo nga! Nagulat ako na isa kang corporate person doon. Bongga. Gano'n pala ang other self mo sa ibang universe!"Hindi man maintindihan ngunit tumango-tango na lamang ito. That was actually a one time opportunity to see Janus living in my realm. Working as a corporate person suits him well. He'd be one of the most popular bachelors in town!Narinig naman namin ang mga papalapit at nag-aalala na sina Lola Tinay, Ate Maria, saka Stalwart. "Maraming salamat at ligtas kayo! Naniniwala talaga ako na kaya mo ta
"MAESTRA TINAY?"Tumango ako.His eyes widened. "Maestra Athena Fuertemente Persalez?!"I chuckled then nodded again. Mentioning Lola Tinay's full name touches my heart. Napaatras at napalingon-lingon siya sa paligid sa sobrang hindi makapaniwala."Sasali raw siya sa ating alyansa. Matagal na raw siyang nanahimik. Oras na para bumalik ang pinakamagaling na mangagamot na tumapak sa Salamanca," I smiled. As a result, a series of tears fell in Janus's eyes. Those tears filled with longing and happiness at the same time. "H-Hindi siya galit sa akin?" halos pumipiyok na tanong niya. "Hindi 'no! Kailanman ay hindi iyon nagalit sa iyo. P-Pero nainis siya ng kaunti kay Lolo Ompong..."Mabilis niya akong nilapitan, "B-Bakit kay Maestro?"I grinned. "Nainis siya sa kanyang asawa dahil hindi man lang daw nito binanggit ang totoong pangalan ni Boljak!"Hindi naman niya mapigilan na tumawa habang umiiyak. It is a tradition in Salamanca to introduce new members of the Kingdom when they reach