Home / Romance / Rayne Antonio: The Sugar Baby / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng Rayne Antonio: The Sugar Baby : Kabanata 1 - Kabanata 10

51 Kabanata

Simula

"Manong, malapit na po ba tayo?" tanong ko sa taxi driver na aking sinakyan papunta sa address na ibinigay sa akin ni Ate Mia.Wala akong ibang ideya sa lugar na pupuntahan ko dahil laking probinsya ako. Sanay ako sa payak na pamumuhay kung saan kailangan ko lamang tumawid ng ilog at maglakad ay maka-karating na ako sa aming eskwelahan. Ganun din ang ginagawa ko kapag uuwi na sa amin.Kaya nasanay na rin ako.Pero alam ko iba 'to sa buhay na nakasanayan kong gawin sa probinsya. Kailangan kong sumakay ng eroplano para lamang pumunta dito sa Maynila. Dahil sa trabaho na inalok sa akin ng kapit-bahay namin sa probinsya na si Ate Mia.Nakita ko ang simple pag-sulyap ng driver sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. "Malapit na po, ma'am." tumango ako bilang tugon dito kahit di ito makikita ng driver.Ibinalik ko ang aking tingin sa papel na hawak ko kung saan nakasulat ang pangalan ng agency at address nito na aking pupuntahan.Vasquez Architectural IncorporatedAyala Avenue, cor. E-Squ
last updateHuling Na-update : 2023-08-10
Magbasa pa

Kabanata 1

"Bago ka dito?" tanong sa akin ni Lita.Nalaman ko ang pangalan niya ng minsang narinig ko si Ma'am Betina na tinawag ito para utusan.Sa laki ng mansion ay hindi kami nagkita kahapon lalo pa't minsan din pala siyang isinasama ni Madam sa opisina para utusan. Kaya ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita at magka-kilala. Sa unang araw ko kahapon sa mansion ay masasabi kong hindi naman mahirap ang mga gawain, since ina-assign kami ni Ma'am Betina sa kung ano ang gagawin namin para sa araw na yun. Halos lahat na din ng kasambahay at iba pang empleyado sa mansion na ito ay nakilala ko na.Maliban kay Lita, na mukhang ka-edad ko lamang.Mababait naman silang lahat at hindi ako nahirapang pakisamahan silang lahat. "Ah, oo Rara nga pala." pagpapakilala ko."Lita." simpleng sagot nito at itinuloy na ang pagwa-walis ng bakuran habang ako naman ay nagdi-dilig ng halaman. "Disin-nwebe ka lang, tama?" tanong nito pagka-lipas ng ilang saglit. Tumango ako bilang tugon."Ako naman, be
last updateHuling Na-update : 2023-08-10
Magbasa pa

Kabanata 2

"Mabuti naman at dumating na kayong dalawa." kaagad na salubong sa amin ni Ma'am Betina noong makauwi kami galing sa pag-grocery. Mukhang kanina pa kami, inaantay ni Ma'am Betina kaya ito nasa pinto ng mansyon."Pasensya na po Ma'am Betina, medyo natagalan din ako sa pag-abot ng files kay Madam, at mahaba din ang pila sa supermarket." si Lita habang bitbit ang ilan sa mga pinamili namin.Bitbit ko din ang iba at nag-patulong na din kami kay Kuya Tasyo dahil sa dami naming binili. Mukhang nga may importanteng okasyon dito sa mansyon mamaya kaya napaka-rami namin pinamili.Inisa-isa ni Ma'am Betina ilabas ang mga pinamili namin ni Lita."Kailangan nating mag-handa dahil dadating ang mga business partners at ilang kamag-anak ni Madam at Sir Leandro ngayon." I knew it!May bisita nga sila, ilang kamag-anak at mga business partners nila . Siguradong malaking pagsa-salo ito."M-Mga kamag-anak at business partner po? Sa mansyon po ba sila mag-stay lahat?" curious na tanong ko.Oo malaki ang
last updateHuling Na-update : 2023-08-10
Magbasa pa

Kabanata 3

"How was your chill out last night?" tanong ni Madam sa mga pamangkin niya.Yes, pamangkin.Ito lamang kasi at ilang kaibigan nito ang nagpa-iwan kagabi, kaya sa mansyon na ang mga ito natulog. At ngayon nag-aalmusal sila ng sabay-sabay, isa ako sa nag-aasikaso sa kanila. Nang matapos kasi ako sa pagli-ligpit ng mga pinag-kainan sa garden kagabi ay pinayagan na kami ni Ma'am Betina mag-pahinga.Hindi na rin namin nagawa pang mag-usap ni Lita tungkol sa nangyari kagabi dahil na rin sa siya ang naka-toka na pag-silbihan ang mga naiwang bisita nila Madam. At pareho na rin kaming pagod kaya mas gusto na lang naming mag-pahinga."It was fun, Tita. I hope there will be a next time." may excitement sa tono ni Abby, habang kumukuha ng pagkain. Alam kong medyo hindi maganda ang impression niya sa akin dahil na rin, isa siya sa taong hindi maganda ang tingin sa akin.Yung tipong wala naman akong ginagawa sa kanya ay masama na kaagad ang loob niya."Yes, Tita I really hope there will be a next t
last updateHuling Na-update : 2023-08-10
Magbasa pa

Kabanata 4

"Oh, iho hindi ko alam na dito ka pala umuwi kagabi. Are staying for good?" tanong ni Madam kay sir Conrad habang nag-a almusal sila. Dahil gabi na dumating si sir Conrad ay hindi nakita nila Madam ang pag-uwi nito. Akala rin siguro ng mga ito na uuwi si sir Conrad sa condo nito. Saglit na tumingin si sir Conrad sa kanyang ina bago ibinalik sa pagkain."Maybe." simpleng tugon nito.Nakita ko ang ginhawa sa mata ni Madam, parang mas gusto niya na dito na talaga mag-stay si sir Conrad dahil na rin sa hindi na nila ito nakakasama. Isa pa nag-iisang anak lang si sir Conrad kaya nalulungkot sila dahil hindi pa nila ito kasama."That's good to hear, son. Why?....Are you getting bored living alone?" sabad sa usapan ni Sir Leandro na parang may gustong ipaka-hulugan sa huli nitong tanong.Nakita ko ang pag-igting ng panga ni sir Conrad at hindi sinagot ang kanyang ama. Mukhang napansin ito ni Madam. "Ang gusto lang sabihin ng papa mo ay, wala ka pa bang balak mag-asawa? Son, you are not gett
last updateHuling Na-update : 2023-08-10
Magbasa pa

Kabanata 5

"Hayst! Anong oras na ba?" napa-tayo ako mula sa pagkaka-higa upang silipin ang oras sa aking cellphone.It's already 4am, sobrang aga pa kumpara sa gising ko na 5am dahil kailangan ng mag-asikaso nun ng pang-agahan. Hindi ko alam kung maaga lang ba talaga ako nagising o hindi talaga ako naka-tulog. Hindi kasi mawala sa isip yung narinig ko kahapon, at hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang isipin 'yun.Ano naman sayo Rara kung may relasyon nga sila?Isa pa buhay yun ni sir Conrad at nasa tamang edad na siya para magka-relasyon.At kung si Ate Mia nga iyon, ano naman sayo?Nasa tamang edad na rin si Ate Mia at wala namang masama kung magkaroon man sila ng relasyon ni sir Conrad.Upang mawala ang pag-iisip ko tungkol doon ay nag-pasya na lamang ako lumabas upang mag-jogging dahil paniguradong hindi na rin naman ako makakatulog pang muli. Saktong pag-balik ko mamaya ay maghahanda na ako ng umagahan at baka gising na rin si Ma'am Betina.Madilim pa ang kalangitaan ngunit alam kong sa
last updateHuling Na-update : 2023-08-10
Magbasa pa

Kabanata 6

"Kung hindi ko kaya sila nakita, higit pa kaya doon ang pwedeng mangyari?"Isang linggo na, simula ng makita ko sila Ate Mia at Sir Conrad sa ganoong sitwasyon sa loob ng opisina. Kung dati ay nagkaka-tagpo kami ng landas ni Sir Conrad kahit iniiwasan ko siya. Ngayon ay lahat ng paraan upang hindi kami magkaroon ng interaksyon sa isa't-isa ay ginawa ko na. Hindi ko alam, kung bakit kailangan ko siyang iwasan pagkatapos nun. Samantalang hindi naman niya alam na nakita ko silang dalawa ni Ate Mia. Di rin kasi maganda yung naramdaman ko, after kong makita yun.Dapat nga maging masaya ako dahil, finally may jowa na si Ate Mia at mukhang matutupad na yung pangarap ni Madam na makapag-asawa na si Sir Conrad.Pero, bakit parang di ako masaya?Bakit kumi-kirot yung dibdib ko habang naiisip na may karelasyon na si Sir Conrad?'Selos ka nu'?'Selos? Ako nagse-selos, bakit?E, wala naman kaming relasyon ni sir Conrad. Hindi kami pwede magkaroon ng relasyon, katulong lang ako at siya ang amo 'k
last updateHuling Na-update : 2023-08-17
Magbasa pa

Kabanata 7

"Ilang beses ba ako makaka-saksi ng ganung eksena?"What a playboy!Naalala ko ang kwento ni Lita tungkol sa pagpa-palit palit ng babae ni sir Conrad na akala mo nagpa-palit lang ng damit.Ganun ba talaga ka-sama ang ugali niya?Kung tama ang hinala ko na hindi alam ni Ate Mia na niloloko siya ni sir Conrad. Panigurado masasaktan siya, hindi niya alam marami pa pala silang pinagsa-sabay ng lalaki na yun!Gustuhin ko man na balaan siya, baka malaman pa niya na nakita ko sila nun ni sir Conrad sa loob ng opisina. Mas nakakahiya yun pag nagkataon.'Siguro naman, hindi mo na sila problema di ba?'Tama!Siguro naman aware si Ate Mia sa relasyon na pinasok niya. At totoo ba yung hinala ko na may ibang ka-halikan si sir Conrad.Tsaka malay ko ba, na baka si Ate Mia yun hindi ko lang na-recognize kaagad yung boses dahil na rin sa malayo ako at hindi ko na nagawa pang alamin.Natigil ako sa pag-iisip ng mag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng bedside table. Gabi na pero hindi ko pa rin magawan
last updateHuling Na-update : 2023-08-19
Magbasa pa

Kabanata 8

From: RiriAte kapag na-receive mo 'to. Tawagan mo 'ko, kaagad.Nagha-handa na ako ng pag-alis ng mansyon, nang mag-vibrate ang cellphone ko sa text ni Riri. Nag-decide na 'kong umalis ng mansyon, kahit na hindi pa sapat ang ipon ko. Akala ko magtatagal ako dahil mababait naman ang mga tao na nakasama ko dito kaso may isang tao talaga na sisira nun -si sir Conrad.Hindi ko alam kung bakit napaka-init ng ulo sa akin ni sir Conrad at galit na galit siya. Samantalang, wala naman akong ginagawa sa kanya. Siguro nga sadyang masama lang talaga ang ugali.Mabuti na lamang at hindi na ako hinanap pa nila Ma'am Betina, gabi na rin naman. Iisipin lang nila na nagpa-pahinga lang ako, ayokong makita nila na umiiyak ako. Gagawa na lang ako bukas ng dahilan kung bakit aalis ako. Ayoko ng humaba pa ang usapan, patungkol doon.Nang maramdaman ko na wala ng tao sa labas ay nag-pasya akong lumabas para tawagan sila Riri. Kinakabahan kasi ako e, iniisip ko na baka may problema kasi hindi naman magte-t
last updateHuling Na-update : 2023-08-21
Magbasa pa

Kabanata 9

"I'm sorry, and I mean it this time." sincere na sabi ni sir Conrad.Mean it this time? So yung nang-hingi siya ng tawad noong nakaraan hindi siya sincere? Iba talaga ang ugali ng lalaki na 'to.Mukhang nabasa niya ang naisip ko."Not that I don't mean the last time humingi ako ng sorry sayo. Maybe I really went too far. Hindi ko hinihiling na mapatawad mo 'ko kaagad pero sana mapatawad mo ko."Feel ko talaga sincere siya sa pag-hingi ng tawad sa akin, pero wala e nasaktan ako kaya di ko kayang mag-patawad kaagad. Kung sana ay iniisip niya lang ang sinasabi niya, edi sana hindi siya nakaka-sakit.Pero bakit hindi pa rin tumitigil sa pag-tibok ng mabilis yung puso ko?Hayst! Wala 'to, siguro kinakabahan lang ako kasi nasa harap ko sir Conrad.Nakita ko na binabasa ni sir Conrad ang reaction ko ngunit pina-natili ko ang walang emosyon na mukha bago tumango."G-Gusto niyo po bang kumain? Ipaghahanda ko po." iniba ko ang usapan dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Sir Conr
last updateHuling Na-update : 2023-08-23
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status