"Ilang beses ba ako makaka-saksi ng ganung eksena?"What a playboy!Naalala ko ang kwento ni Lita tungkol sa pagpa-palit palit ng babae ni sir Conrad na akala mo nagpa-palit lang ng damit.Ganun ba talaga ka-sama ang ugali niya?Kung tama ang hinala ko na hindi alam ni Ate Mia na niloloko siya ni sir Conrad. Panigurado masasaktan siya, hindi niya alam marami pa pala silang pinagsa-sabay ng lalaki na yun!Gustuhin ko man na balaan siya, baka malaman pa niya na nakita ko sila nun ni sir Conrad sa loob ng opisina. Mas nakakahiya yun pag nagkataon.'Siguro naman, hindi mo na sila problema di ba?'Tama!Siguro naman aware si Ate Mia sa relasyon na pinasok niya. At totoo ba yung hinala ko na may ibang ka-halikan si sir Conrad.Tsaka malay ko ba, na baka si Ate Mia yun hindi ko lang na-recognize kaagad yung boses dahil na rin sa malayo ako at hindi ko na nagawa pang alamin.Natigil ako sa pag-iisip ng mag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng bedside table. Gabi na pero hindi ko pa rin magawan
From: RiriAte kapag na-receive mo 'to. Tawagan mo 'ko, kaagad.Nagha-handa na ako ng pag-alis ng mansyon, nang mag-vibrate ang cellphone ko sa text ni Riri. Nag-decide na 'kong umalis ng mansyon, kahit na hindi pa sapat ang ipon ko. Akala ko magtatagal ako dahil mababait naman ang mga tao na nakasama ko dito kaso may isang tao talaga na sisira nun -si sir Conrad.Hindi ko alam kung bakit napaka-init ng ulo sa akin ni sir Conrad at galit na galit siya. Samantalang, wala naman akong ginagawa sa kanya. Siguro nga sadyang masama lang talaga ang ugali.Mabuti na lamang at hindi na ako hinanap pa nila Ma'am Betina, gabi na rin naman. Iisipin lang nila na nagpa-pahinga lang ako, ayokong makita nila na umiiyak ako. Gagawa na lang ako bukas ng dahilan kung bakit aalis ako. Ayoko ng humaba pa ang usapan, patungkol doon.Nang maramdaman ko na wala ng tao sa labas ay nag-pasya akong lumabas para tawagan sila Riri. Kinakabahan kasi ako e, iniisip ko na baka may problema kasi hindi naman magte-t
"I'm sorry, and I mean it this time." sincere na sabi ni sir Conrad.Mean it this time? So yung nang-hingi siya ng tawad noong nakaraan hindi siya sincere? Iba talaga ang ugali ng lalaki na 'to.Mukhang nabasa niya ang naisip ko."Not that I don't mean the last time humingi ako ng sorry sayo. Maybe I really went too far. Hindi ko hinihiling na mapatawad mo 'ko kaagad pero sana mapatawad mo ko."Feel ko talaga sincere siya sa pag-hingi ng tawad sa akin, pero wala e nasaktan ako kaya di ko kayang mag-patawad kaagad. Kung sana ay iniisip niya lang ang sinasabi niya, edi sana hindi siya nakaka-sakit.Pero bakit hindi pa rin tumitigil sa pag-tibok ng mabilis yung puso ko?Hayst! Wala 'to, siguro kinakabahan lang ako kasi nasa harap ko sir Conrad.Nakita ko na binabasa ni sir Conrad ang reaction ko ngunit pina-natili ko ang walang emosyon na mukha bago tumango."G-Gusto niyo po bang kumain? Ipaghahanda ko po." iniba ko ang usapan dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Sir Conr
Talagang iwas na iwas ako kay sir Conrad pagkatapos ng pangyayari na yun. Imagine nakita na nga niya na may dugo yung pants ko at mukhang siya pa ang nagpa-bili ng napkin at pamalit ko na pants.Sobrang nakakahiya, lalo pa't kasama na doon yung underwear na ipinabili pa niya ata sa assistant niya.'Imagine alam niya ang size ko at branded pa. Victoria's secret, samantalang So-En nga lang yung panty ko.'Nakita kaya ng nga tao sa labas kanina yun kaya palagi siyang nasa likuran ko.Tapos yung coat niya na ipinahiram sa akin. My god! mukhang mamahalin pa ata. Kaya nga dinahan-dahan ko lang ang pag-kusot para maibalik din sa kanya kaagad.Bakit kasi hindi ko nalaman na magka-karoon ako ng monthly period e?Ngayon araw ko balak na isoli kay sir Conrad yung coat niya, pagdating ko kasi kahapon ay doon ko pa lang nalabhan at ngayon pa lang natuyo. Hindi pa din ako nakakapag-pasalamat sa kanya, naging busy din ito kahapon sa mga meeting. Ganun din si Madam kaya pagkatapos ko doon ay umuwi ri
Nasa utak ko pa rin ang naging reaksyon ni sir Conrad nang nag-daang gabi hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksyon niya.Ano ba talagang meron sa kanila ni Lucas at ganun ang mood niya palagi?Kaninang umaga ay maagang umalis si sir Conrad kahit na medyo lasing ito kagabi dahil uminom sila ni Vladimir. Si Mary ang nag-asikaso sa kanila dahil day-off namin ni Lita kahapon. Hindi na nagawang kumain ng almusal ng lalaki dahil busy din ito. Isang linggo na lang kasi ay anniversary na ng VAI kaya madaming kailangan asikasuhin sila Madam.Nasabi ko kay Lita ang naging pag-aya ni Lucas sa akin, na-inggit pa siya dahil hindi man lang daw siya ang inaya. At as usual inaasar na naman ako ni Lita dahil iniisip niya na baka kaya ako inaya ni sir Conrad ay dahil gusto ako nito. Inirapan ko na lang siya at iniwan upang ipag-patuloy ang aking ginagawa. Lahat na lang kasi inala-lagyan niya ng malisya."Rara, pwede mo bang ibigay itong files sa office ni sir Conrad? Nakalimutan niya kasi ka
Kinalimutan ko sa aking isipan ang nangyari noong nag-daang gabi. Mukhang wala din namang alam si sir Conrad dito, ako lang talaga yung nag-iisip ng ibang bagay. Busy na ang lahat habang papa-lapit ang araw ng anniversary ng VAI. Hindi nga nag-a almusal ng sabay-sabay sila Madam dahil sa madami itong inaasikaso. Ganun din si sir Conrad na kahit lasing ay nagawa pa ring pumasok ng maaga.Napaka-laking event din kasi ito at taon-taon kung ipagdiwang kaya naman kailangan talagang pag-handaan. Lagi din akong ina-update ni Lucas tungkol sa party at yung isu-suot ko para dito. Nasabi niya sa akin na kung pwede ay maaga niya akong sunduin at ng maayusan ako, ganun din para hindi na niya ipadala ang gown ko sa mansyon.Pumayag ako dahil mas maganda yun, since may anniversary ang VAI ay maaga din matatapos ang trabaho namin. Si Ma'am Betina ay imbitado din sa anniversary gayundin ang iba ko pang ka-samahan pero mas gusto nila na manatili sa mansyon upang makapag-pahinga.Sa party na lang talag
Umiling ako at bahagyang lumayo sa kanya, napansin niya ang pagka-ilang ko kaya ngumiti ako."H-Hindi naman ako nabo-bored."Tumango lamang ito at ngumiti, muling bumaling ang paningin ko kay sir Conrad na matalim pa rin ang matang iginawad sa akin. Umiwas na lamang ako dahil patuloy na bumi-bilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Para maiwasan ang tingin niya ay nag-paalam ako kay Lucas na magre-rest room lang sandali."Okay, go ahead." sabi nito. Gusto pa niya na samahan ako ngunit sinabi ko ay okay lang at magta-tanong na lang kung saan banda ang rest room.Habang nagla-lakad ako papunta ng restroom kung saan itinuro sa akin ng isang staff na tinanungan ko, ramdam ko ang titig ng mga taong nada-daanan ko. Mapa-lalaki man o babae, hindi ko alam kung anong iniisip nila sa akin. Pilit ko pa ngang inaayos ang slit ng suot kong dress dahil may ibang mata-tandang lalaki ang tumi-tingin sa hita ko.Sa loob ng bathroom ko na pinakawalan ang buntong hininga na kanina ko pa pini-pigilan. Pansin k
"The bid is close to one billion pesos." napa-iling na lamang ako ng i-announce iyon ng host.Dahil hindi ko matagalan ang bulung-bulungan ay bumaba ako sa stage at tumakbo palabas ng hall. Alam kong mali yung ginawa ko at nakakahiya pero wala na akong paki-alam pa. Gusto ko ng makawala sa mga tao doon baka kasi doon pa ako mahimatay.Ano ba yung ginawa na yun ni sir Conrad? Bakit siya ganun?Biro ba sa kanya 'to, pwes ako ayoko ng ganito! Yung galit sa matang nakita ko kay Ate Mia, dahil ba iyon sa ginawa ni sir Conrad kanina. Ayokong masira ang pagka-kaibigan namin dahil lang doon. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung gusto niya lang ako parusahan o kung ano pa mang mali ang ginawa ko bakit pa siya gumastos ng isang bilyong piso para doon. Wala na ba talagang halaga ang lahat sa kanya—kahit na ang pera?Si Madam? Si sir Leandro? Baka kung ano ang isipin nila ng dahil lang sa ginawa ng anak nila. Niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ang lamig, dahil na rin sa suot ko ay
I couldn't react to Conrad's confession. I don't even know how to answer him. Kasi kahit ako sa sarili ko ay naguguluhan din. Kahit na hindi ko aminin sa kanya at sa sarili ko, alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.Pero, hindi e. Alam ko sa sarili ko na hanggang dito na lang ang lahat para sa amin.The only thing that connects the two of us is that we have a child. As long as our arrangements are good, I know that Ryker will understand it after a while.Aaminin ko na mahal ko pa rin si Conrad pero hindi dahil ganun pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya ay babalik na ulit kami sa isa't-isa. Marami ng nangyari, hindi na pwede pang ipagpatuloy kung ano man ang naudlot noon.Sa ginawang pag-amin ni Conrad ay medyo naging ilang kami sa isa't-isa. Kapag pumupunta siya sa condo upang makita si Ryker ay talagang iniiwasan ko na magkausap o kahit makapagtitigan kami sa isa't-isa.He also seemed to notice that I didn't want to talk about that matter so he didn't say anything.
"Ninang Rayne!" Chloe ran to me and hugged me when she saw me.I immediately hugged him back to when I recover from the shock. I did not expect that Tita Christine and Tito Leandro would bring her to visit here. I didn't know if, nasabi na nila sa bata ang totoo.O alam na din ba ito ni Mia?"Sorry iha, for the sudden notice." she kissed me on the cheek. "I just want to visit Ryker, because Conrad doesn't want to take him to the mansion either."Tumango lamang ako at pilit na ngumiti.Ayoko rin naman ang ideya kung sakali na bumisita si Ryker sa mansyon. "Good evening iha." si Tito Leandro at bumaling kay Tatay. "Magandang gabi,"Tatay remained silent and ignored Tito Leandro's greeting. I looked at Tito Leandro and asked for forgiveness because of Tatay's behavior. Naiintindihan naman nila siguro lalo pa't, galit din ito dahil sa nangyari noon."Nagpaluto ako ng food kay Manang Betina," nilagay nito sa lamesa ang dalang tray ng food.I invited them to come to the table to eat. I a
Wala na akong nagawa ng pinilit ni Conrad na sumama sa aming condo unit. Nagpumilit pa siya noong una na sa kotse niya kami sumakay. But I didn't agree because I had my car with me.Kaya ang ending ay sa kotse ko din siya sumakay, imbes na ipakarga niya si Ryker kay Ate Lindy ay hinayaan niya na matulog ito ng tuluyan sa kanyang balikat. I was in the driver's seat, driving while Ate Lindy was in the backseat."Ate, nakauwi na pala kay— Kuya Conrad?" Since I didn't tell Riri about this, she was just shocked to see Conrad with me. She looked at me questioning what this man was doing here.I just mouthed that I will explain to her later."Ate Lindy, pakisamahan na lang siya sa kwarto namin ni Ryker." tumango naman si Ate Lindy at iginiya na si Conrad sa aming kwarto upang mailapag na nito si Ryker.Conrad glanced at me once before following Ate Lindy.Riri dragged me inside the kitchen when Conrad entered our room."Ano yun, Ate!?" pagalit na bulong niya. "Bakit siya andito?""He alrea
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa takot nang muli kong makita ang mga taong naging dahilan ng paghihirap ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na ngayon kaharap ko na sila at kasama ko pa ang anak kong si Ryker.Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na iyon kasama ang anak ko para hindi nila malaman kung sino si Ryker. Pero, hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko para gawin iyon. Tila napako ako sa lugar na iyon, at kahit ang paghakbang ay hirap akong gawin.I stood up from kneeling while holding my son's hand tightly. I looked at their reaction, surprise registered on the faces of Tita Christine and Tito Leandro. They looked back and forth between me and Ryker who was still crying.And when I looked at Conrad, I only saw him frowning and full of wonder while looking at my son."Jusko kang bata!" si Ate Lindy at lumapit kay Ryker na nanatili lamang sa aking tabi. "Nag-alala kami sa'yo.Wag ka na ulit aalis ng ganun,"She tried to grab Ryker to stop him from crying bu
Isang linggo, simula ng umuwi ako sa Pilipinas ay iniwasan ko na magtagpo ang landas namin ni Conrad. After our talk, sa kanyang condo unit ay pinuntahan niya pa ako sa aking boutique upang makausap. Ngunit hindi ko siya hinarap, sinabi lang nang mga tauhan ko na wala ako sa lugar na iyon at umuwi na sa Pilipinas.I don't know how to deal with him after our conversation.Ang sakit pala na malaman na halos nabubuhay ako sa kasinungalingan sa loob ng apat na taon na relasyon naming dalawa. Na handang-handa na akong makasama siya habang buhay tapos sa huli maghihiwalay lang din pala kami.I think, Conrad was only part of my past that thought me how to love. And how to be loved. That even if it's not you in the end you still learn to love.I don't know but I feel like something is missing from the conversation I had with Conrad. I felt relieved because I had said everything I wanted to say.But, why does it seem like something is missing?Paano kapag nalaman ni Conrad ang tungkol kay Ryke
Kahit na nahihilo ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga upang malaman kung nasaan ako. Medyo maskait pa ang aking ulo dahil sa labis na pag-iinom. Hindi ako pamilyar sa kabuuan ng kwarto kaya nangangamba ako kung nasaan ako. Shit! Where the hell am I?Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at yumuko nang makaramdam ng labis na hilo. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako at kung sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Kaya kailangan kong makaalis sa lugar na 'to bago pa may mangyari sa akin na masama.Tumayo ako upang makalapit sa pinto ng kwarto na iyon para makalabas. Dahan dahan pa ang ginawa kong lakad dahil hindi ako sigurado kung may kasama ba ako sa lugar na iyon. Pipihitin ko na sana pabukas ang pinto ng biglang may pamilyar na boses na nag-salita mula sa aking likuran. "Where are you going?"I almost closed my eyes after I recognize the familiar baritone voice of the person behind me now. I just remembered that he was the last person I talked to before I passed out outsid
"Woohoooooo! Cheers!" they all said in chorus as they each took and raised their glasses.Wala na din ako nagawa kung hindi gayahin sila, ayoko namang matawag na KJ kapag di ko ginawa ang gusto nila. Also, they do this for me so I need to at least enjoy it.Mabilis kong nilagok ang aking inumin na kaagad kong pinag-sisihan dahil naramdaman ko ang mainit na hagod nito sa aking lalamunan.Shit. Kahit kailan talaga hindi ako masasanay sa lasa ng alak.As the conversation and drinking continued, I got to know them all better, I know that I have a few other staff that I'm not very close to because we don't often have this kind of party. Ang iba naman ay bagong hired pa lang kaya naman ngayon ko pa lang nakilala. Mas marami akong nadi-discover na ugali at personality sa kanilang lahat taliwas kung sino sila sa trabaho.It's like I got closer to them and don't consider them my staff-but of course they are my family.May isang oras na din kaming umiinom doon, kaya naman medyo nararamdaman ko
As expected, my return to America was very stressful. I spent a day before I took care of everything I had to do. I had to rest first because I was so tired from the trip.I already informed Lea, tungkol sa pagbabalik ko, gusto pa niya na bisitahin ako. Pero, dahil magkikita naman kami bukas sa shop ay hindi na siya tumuloy pa.I also talked to the owner of the condo unit we lived in because I can't live in it anymore. Maybe, I'll just let the housekeepers maintain the cleanliness of the room. So that when we think of going on vacation here in America, we have a place to stay in.I don't want to sell it, this condo has so many memories.Isa din sa iniiwasan ko na mangyari kaya hindi ako pumunta kaagad sa aking boutique ay dahil baka magkita na naman kami ulit ni Conrad. If tama ang hinala ko na business nga ang ipinunta niya dito ay malamang ilang araw lang siya magtatagal dito.Kaya siguro naman ay hindi na kami magkikita pang dalawa.Using my car key, I open my car parked in the bas
One week, after signing the contract, some miniminal adjustments were also started for my main branch. I don't know if it's just a coincidence, but the entire design of the building is perfect for a boutique shop.Hindi ko alam kung ano talagang plano ng may-ari kaya nila itinayo ang building na ito pero masaya ako na sa akin niya napiling ipagbili ito.Speaking of the owner, I haven't even met him or her yet because I only spoke to Ms. Celine and her lawyer. Kasama ko rin ang isa sa mga abogado for some legal purposes. Maybe it would be better if I also met the owner so that I could somehow thank him/ her for selling me the land.Pero, I hope I'll meet him or her one of this day.Sa bawat araw ay wala akong sinayang even the interior design ay ako ang nag asikaso. Sa kung saan ko ilalagay ang mga damit na gagawin o tapos ko ng gawin. At kahit na ano pa man, na alam kong magugustuhan ng mga tao. I'm very hands on pagdating sa pag aasikaso ng aking boutique."O, saan naman ang punta mo