"Manong, malapit na po ba tayo?" tanong ko sa taxi driver na aking sinakyan papunta sa address na ibinigay sa akin ni Ate Mia.
Wala akong ibang ideya sa lugar na pupuntahan ko dahil laking probinsya ako. Sanay ako sa payak na pamumuhay kung saan kailangan ko lamang tumawid ng ilog at maglakad ay maka-karating na ako sa aming eskwelahan. Ganun din ang ginagawa ko kapag uuwi na sa amin.Kaya nasanay na rin ako.Pero alam ko iba 'to sa buhay na nakasanayan kong gawin sa probinsya. Kailangan kong sumakay ng eroplano para lamang pumunta dito sa Maynila. Dahil sa trabaho na inalok sa akin ng kapit-bahay namin sa probinsya na si Ate Mia.Nakita ko ang simple pag-sulyap ng driver sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. "Malapit na po, ma'am." tumango ako bilang tugon dito kahit di ito makikita ng driver.Ibinalik ko ang aking tingin sa papel na hawak ko kung saan nakasulat ang pangalan ng agency at address nito na aking pupuntahan.Vasquez Architectural IncorporatedAyala Avenue, cor. E-Square Park, Makati, CitySana hindi masayang pinunta ko dito, sayang naman ang pag-benta ni Tatay sa kalabaw namin sa probinsya para lamang mayroon akong pamasahe papunta dito. We are not financially stable kaya imbes na mag-tuloy sa pag-aaral ay naisip ko na huminto para makatulong kila Tatay.Sa sobrang hirap ng buhay sa probinsya, kulang ang kinikita ni Tatay sa pagsasaka para sa gastusin namin sa pang-araw araw. Isa pa may sakit din si Nanay kaya kasama din sa kita ni Tatay ang pag-bili ng gamot nito. Kaya bilang panganay nag-desisyon ako na lumuwas ng Maynila mula Negros Oriental.Pero di ko alam kung anong buhay ang nag-hihintay sa akin sa lugar kung saan wala akong isa man lang na kakilala.Kakayanin ko 'to!Para kila nanay at tatay."Andito na po tayo, ma'am." tawag atensyon sa akin ng driver.Kumurap-kurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa laki ng gusali kung saan ako dinala ng driver. Sa libro o sa internet ko lamang nakikita ang lugar na ito.Ganito pala ka-moderno ang Maynila.Kaagad din akong bumaba dala ang maliit na bag na naglalaman ng mga papeles na kailangan ko sa trabaho na pag-aaplayan ko at ilang mga damit. Nag-bayad lamang ako ng eksaktong halaga sa driver at pumunta na sa entrance ng building.Ang sabi ni Ate Mia sa akin sa text ay aantayin niya ako sa lobby ng building kung saan siya nagta-trabaho para mapakilala niya sa HR nila. Kanina ko pa siya na-text na papunta na ako sa address na ibinigay niya ngunit di pa siya nagre-reply."Miss, saan po kayo?" tanong sa akin ng guard sa entrance ng building.Dahil hindi ko ma-kontak si Mia ay magtatanong na lamang ako sa guard na narito.Ngumiti ako sa guard. "A-Ah sa--""Rara!" malakas na tawag atensyon ni Ate Mia sa akin."Ate Mia!""Jusko! Kanina pa kita inaantay, kamusta ang biyahe mo?" saad ni Mia nang makalapit sa akin. "Kuya guard, ako ng bahala dito kaibigan ko po."Tanging tango ang sinagot ng guard kaya hinila na ako ni Mia papasok ng building. Kung mas maganda ang labas mas lalo sa loob ng building. Parang mahihiya ang luma kong sandals sa pag-apak sa malinis na sahig.This is not a dream!"Di mo naman sinabi, Ate na ang ganda pala dito sa pinagta-trabahuan mo." bulalas ko ng hindi tinitignan si Mia dahil busy pa ako sa pag-tingin sa kabuuan ng building.Inaya ako ni Mia sa opisina niya para doon makapag-usap."Naku! ganyang-ganyan din ako ng una akong tumungtong sa lugar na 'to."Pumasok kami ni Mia sa malapit na opisina."Dito muna ang gamit mo, sasamahan kita sa HR head."Na-kwento sa akin noon ni Ate Mia ang trabaho niya sa dito sa Maynila. Isa siya sa head ng Architecture Department, tapos din kasi si Ate Mia ng architecture sa kolehiyo sa probinsya namin bago siya lumuwas para mag-hanap ng trabaho dito sa Maynila."Sige Ate Mia, salamat talaga at nung tinawagan kita para mag-hanap ng trabaho. Ni-rekomenda mo na ako dito kung saan ka nagta-trabaho."Noong nag-desisyon akong huminto muna sa pag-aaral para tulungan si Tatay sa pagta-trabaho si Ate Mia ang isa sa naisip ko na tao para matulungan ako. Mabuti na lang at naghahanap ng janitress sa opisina nila at malaki na din ang sweldo kaya di na ako nag-dalawang isip pa para mag-apply."Naku, wala yun mabuti na lang talaga may hiring dito. Tsaka masipag ka naman, matalino pa." hinawakan ni Ate Mia ang kamay ko at ngumiti. "Kung tutuusin hindi bagay sa isang tulad mong honors student ang pagiging janitress. Pero ayun lang kasi ang hiring dito e."Okay lang naman sa akin kahit anong trabaho basta marangal at malaki ang kikitain ko para sa pamilya ko.Isa pa wala din akong alam sa kung anong trabaho ang ginagawa nila dito sa building na ito. Ang alam ko architecture firm ito, e wala naman akong idea when it comes to architecture.Pwede ko siyang aralin?Oo pwede, kaso I know na may mga degree at may alam lang sa architecture ang kinukuha nila.Ano bang alam ko doon di ba?Kapag naka-ipon na ako ng sapat na pera babalik ulit ako sa pag-aaral para sa pamilya ko."Ano ka ba Ate, okay lang. Kahit anong trabaho pa yan, tsaka wala din akong ideya sa kung anong trabaho ang ginagawa mo dito. Okay na ko sa pagiging janitress." naka-ngiti si Ate Mia ng sinabi ko 'yon at inaya na ako sa HR department para sa pag-aaplayan ko.Dala ang aking resume at ilang mga dokumento ay sinamahan ako ni Ate Mia sa opisina ng HR, na nasa 15th floor ng building.Sana naman matanggap ako dito.Nang makarating sa 15th floor ay inayos ko ng kaunti ang aking damit. Kumatok si Ate Mia sa tapat ng opisina at makaraan ang ilang saglit ay binuksan din ito. "Mrs. Santos?"Dahil naka-sunod lang ako kay Ate Mia at nasa labas lamang ako ng opisina. Hindi ko makita kung sino ang tinutukoy niyang si Mrs. Santos."Oh, Mia ano ang sadya mo rito?" rinig kong tanong ng isang babae sa loob.Sinenyasan ako ni Mia na pumasok at nakita ko sa loob ang dalawang babae na sa hula ko ay mukhang nasa mid fifties ang edad. Ang isang babae lamang ang nakatayo kaya ang hinuha ko ay ito ang tinatawag ni Ate Mia na si Mrs. Santos.Ngumiti ako sa babaeng nakatayo bago dumako ang tingin sa isa pang tao naroon. Simula ng pumunta ako dito sa Maynila ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba. Hinuha ko lamang nasa late fifties siya dahil kapag tinignan mo siya ng malapitan ay aakalain mong ilang taon lamang ang pagitan nila ni Ate Mia.She looks so intimidating.Nagkatinginan kaming dalawa, nakita ko ang pag-angat ng isang kilay nito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nito sa akin. Sana naman ma-hired nila ako.Napaiwas na lamang ako ng tingin.Napatingin din si Ate Mia sa babaeng naka-upo na mukhang kausap ni Mrs. Santos bago kami dumating."Good afternoon Madam, sorry for disturbing you. We'll just get back later."Madam?Is she the wife of the owner?Or maybe she's the owner of this company!Kaya pala ganun na lang kung ma-intimidate ako. Siya naman pala ang may-ari ng building na 'to. Sana naman hindi niya ako ma-mis interpret . Oo probinsyana ako pero kaya ko naman kung anong trabaho ang available dito.Paalabas na sana kami ni Ate Mia ng magsalita ang tinawag ni Ate Mia na Madam. "No, Ms. Ocampo go ahead. Tell, Lily what you need from her." walang emosyon saad ng babae at naging busy na sa pag-tipa sa kanyang telepono."Sino siya Mia?" tanong ni Mrs. Santos sabay baling sa akin.Hinawakan ako ni Ate Mia at lumapit sa lamesa ni Mrs. Santos."Ah, si Rayne po, yung ini-rekomenda ko po para maging isang janitress. Nabanggit ko po kasi sa kanya na nagkaroon tayo ng hiring, sakto po naghahanap siya ng trabaho." ibinigay ang dala kong resume.Tinignan nito ang resume ganun din ako na parang sinu-suri. "Maganda ang credentials mo iha, you graduated in senior high school with high honors. Sigurado ka bang janitress ang gusto mong kunin?""O-Opo ma'am, alam ko din po na ayun lang yung trabaho na pwede sa natapos ko."Nakita ko sa gilid ang simpleng pag-sulyap ni Madam sa akin."Don't worry Mrs. Santos, masipag itong si Rayne maasahan mo siya kapag may event ang VAI." pangungumbinse ni Ate Mia sa HR head.Sana talaga, makuha ko ang trabaho na 'to.Naghihinayang na tumingin sa akin si Mrs. Santos. "Kaya lang Mia, Rayne tapos na akong mag-hired ng mga employee para sa cleaning and maintenance. Sobra-sobrang tao na rin ang nakuha ko para sa posisyon na 'yun. Pasensya ka na iha."Mapait akong ngumiti sa ginang at malungkot din akong tinignan ni Ate Mia.Sayang!Trabaho na naging bato pa!Mukhang pang-probinsya lang talaga ako, siguro nga hindi pang Maynila ang kakayahan ko. Sayang naman ang pag-benta ni Tatay sa kalabaw niya para lang may pamasahe ako dito, pwede na yung pandagdag sa gamot ni Nanay.Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti."Okay lang po, salamat po." tinignan ko na si Ate Mia para umalis na sa lugar na iyon."Sige po Mrs. Santos mauuna na po kami. Salama--""I can hire her as one of our maids in the mansion." out of nowhere na saad ni Madam kaya napabaling kaming lahat dito.Ano daw?Kukunin niya akong maid sa mansyon nila?Tumayo pa ito."Ayun ay kung papayag ka, iha. Don't worry, marami kayong maids sa mansyon. It just happened that someone left so I thought you could take over." offer nito sa akin.Akala ko masungit si Madam, ayun naman pala mabait siya. At nag-offer pa talaga siya ng trabaho para sa akin.Sino ba naman ako para tumanggi di ba?Makakatulong pa ito para sa gastusin ng pamilya ko sa probinsya."Talaga po, Madam? Oo naman po, kahit ano pong trabaho gagawin ko. " tuwang-tuwa na sagot ko.Ngumiti ito sa akin."Okay, you may start tomorrow morning. Mag-pasama ka na lang kay Ms. Ocampo bukas papunta sa mansion."Naka-ngiting tumango ako at nakangiti rin si Mia sa akin. "Maraming salamat po, Madam."Tango ang naging tugon nito at bumaling kay Mrs. Santos. "Lily, I'll go ahead, may kailangan pa akong puntahan. Thanks for the update.""You're welcome, Madam. Take care!"Tuluyan ng umalis si Madam sa opisina na iyon at hindi napigilan ni Mia ang pag-tili. "Grabe ka! Rara, iba ka talaga, akalain mong si Madam pa ang nag-offer sa'yo ng trabaho at sa mansyon pa! Iba talaga ang charisma mo."Naiiling nang naka-ngiti ako sa naging reaction ni Ate Mia sa magiging trabaho ko. Akala mo siya yung natanggap sa trabaho, samantalang ang ganda ng trabaho niya dito kumpara sa magiging trabaho ko."Maraming salamat po, Mrs. Santos mauna na po kami." paalam ni Mia sa HR head at bumalik na kami sa opisina niya.Dahil hapon na rin yun ay inintay ko lang si Ate Mia na matapos ang trabaho niya dahil malapit na rin naman matapos ang office hours at konti na lang ang kailangan niyang gawin. Nag-offer din sa akin si Ate Mia na doon muna tumuloy sa apartment kung saan siya nakatira.Pumayag na rin ako dahil wala naman akong ibang kakilala dito sa Maynila bukod sa kanya. Sasamahan niya na rin daw ako bukas sa mansion ng mga Vasquez kung saan ako magta-trabaho.Imagine the fact na mas maganda ang company nila, what more yung mansion nila.Sana talaga maging maayos ang magiging buhay ko sa mansion."For sure, magiging maayos ang trabaho mo sa mansion. Sipagan mo lang, di naman siguro mahirap ang trabaho dun since marami naman kayo. Tsaka malay mo kapag naka-ipon ka, pwede kang bumalik sa pag-aaral, bata ka pa naman e." saad ni Ate Mia habang nag-hahapunan kami.That's definitely my plan.Makahanap lang ako ng trabaho at makapag-ipon talagang itutuloy ko ang pag-aaral.Pero alam kong hindi ito magiging madali.Hindi madali.Hindi ko maalis ang tingin ko sa magandang bahay na tinitignan ko ngayon.Ay wait!Mali...Hindi ito isang malaking bahay kundi isang malaki at magandang mansion.Literal na mansion talaga!"Ikaw ba si Rayne?" tanong sa akin ng isang ginang na mukhang nasa late 50's ang edad na sumalubong sa akin sa labas ng mansion.Ngumiti ako sa ginang. "Ako nga po.""Kanina ka pa, inintay ni Madam. Halika at pumasok ka na." paanyaya sa akin ng ginang, papasok sa loob ng mansyon.Hinatid lamang ako ni Ate Mia saglit sa Mansion ng mga Vasquez, at hindi na siya bumaba pa sa taxi dahil kailangan niya na ring pumasok sa trabaho.Pinaalalahanan niya ako na kapag kailangan kong tulong ay tumawag lamang ako sa kanya. Habang naka-sunod sa babae dala ang aking bag ay patuloy lang sa pag-gala ang mata ko sa magandang disenyo ng kanilang bahay. Bawat muwebles at kagamitan sa loob ng bahay na iyon ay nagsu-sumigaw ng karangyaan.No wonder, architecture ang business nila.Siguro isa ito sa mga i-dinesenyo nila.Huminto ang ginang sa harap ng hapag-kainan kung saan, naroon si Madam kasama ang isang lalaki na nasa mid 50's ang edad.Ito kaya ang asawa ni Madam?Kasama niya itong nag-aalmusal, at ng makita ni Madam ang pag-pasok namin ng ginang ay napa-tayo pa ito mula sa kinauupuan. Kaagad namang sumulyap ang lalaki na kasama nito, na walang emosyon sa mukha."Oh iha, you're here!" masiglang bati ni Madam at lumapit sa akin at hinila ako palapit sa dining table."Magandang umaga po, Madam.""Leandro, siya yung sinasabi ko sa'yong bago nating maid. Galing pa siyang probinsya at nag-aapply sa company natin bilang janitress kaso wala ng hiring. Kaya naman kinuha ko na." kwento nito sa lalaki na katabi niya.Tama ang hinuha ko.Asawa nga ito ni Madam.Tinignan ako ng lalaki ng nanunuring mga mata."She looks young, how old are you iha?"Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba sa harap ng lalaki. "N-Nineteen po, sir." kinakabahang saad ko.Kapag ba bata, hindi na nila ako kukunin?Kaya ko naman ang mga trabaho na ipapagawa nila sa akin e."Sa edad mo dapat nag-aaral ka pa a. Ano bang natapos mo?" tanong nito.Tumikhim ako bago sumagot."S-Senior high school pa lang po sir, pero kapag po naka-ipon ako ng pera babalik po ako sa pag-aaral."Sir, tanggapin niyo na po ako. Para sa nanay at tatay ko."Enough with questions, I know kaya naman ni Ray--. What's your name again?" tanong ni Madam mukhang di niya maalala ang pangalan ko."Rayne po! Pero Rara na lang po, Madam.""Oh right Rayne, I mean Rara." may accent pa sa pagkaka-bigkas nito ng pangalan ko. "Sorry, sign of aging hindi na good ang memory ko sa pag-tanda ng pangalan. Anyway, alam kong kaya mo ang trabaho dito kaya naman kinuha kita. Don't worry, mas malaki ang sweldo mo dito kaysa sa company. Alam mo naman siguro ang mga household chores, di ba?""Yes po, Madam. Maasahan niyo po ako dito sa mansyon.""Good! Betina samahan mo si Rara sa magiging kwarto niya. At ituro mo na din sa kanya ang gagawin niya." sabi ni Madam sa babaeng sumalubong sa akin kanina."Okay po, Madam!""Maraming salamat po Madam, Sir." tanging tango ang isinagot ng asawa ni Madam at bumalik na sa pagkain.Sumunod na ako kay Ma'am Betina na iginiya ako sa isang maliit na silid na malapit lamang sa ilalim ng hagdan. Maraming mga kwarto doon, siguro ay iyon ang maids quarter.Pagka-bukas ng kwarto ay sumalubong sa akin ang isang maliit na kama na tamang tama lamang para sa akin. May lamesa din sa gilid ng kama at mayroon ding cabinet na pwede kong pag-lagyan ng gamit ko."Eto, ang magiging silid mo iha. Lahat ng kasambahay dito ay may kanya-kanyang kwarto." tanging tango lang ang isinagot ko kay Ma'am Betina. "Ako nga pala, si Betina ang mayordoma ng mansyon ng mga Vasquez.""Rayne po, pero Rara na lang po." magalang na pagpapakilala ko.Mukhang mabait naman si Ma'am Betina, kaya di ako mahihirapan na makisama sa kanila dito.Tumango ito. "Sige Rara, asikasuhin mo muna ang mga gamit mo at sumunod ka sa akin mamaya sa kusina.""Sige po." tanging sagot ko at umalis na ito."Kakayanin ko, para sa pamilya ko."This is it!Finally, makakatulong na rin ako kila Tatay.Sana maging maayos ang pananatili ko dito sa mansyon.....*******************"Bago ka dito?" tanong sa akin ni Lita.Nalaman ko ang pangalan niya ng minsang narinig ko si Ma'am Betina na tinawag ito para utusan.Sa laki ng mansion ay hindi kami nagkita kahapon lalo pa't minsan din pala siyang isinasama ni Madam sa opisina para utusan. Kaya ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita at magka-kilala. Sa unang araw ko kahapon sa mansion ay masasabi kong hindi naman mahirap ang mga gawain, since ina-assign kami ni Ma'am Betina sa kung ano ang gagawin namin para sa araw na yun. Halos lahat na din ng kasambahay at iba pang empleyado sa mansion na ito ay nakilala ko na.Maliban kay Lita, na mukhang ka-edad ko lamang.Mababait naman silang lahat at hindi ako nahirapang pakisamahan silang lahat. "Ah, oo Rara nga pala." pagpapakilala ko."Lita." simpleng sagot nito at itinuloy na ang pagwa-walis ng bakuran habang ako naman ay nagdi-dilig ng halaman. "Disin-nwebe ka lang, tama?" tanong nito pagka-lipas ng ilang saglit. Tumango ako bilang tugon."Ako naman, be
"Mabuti naman at dumating na kayong dalawa." kaagad na salubong sa amin ni Ma'am Betina noong makauwi kami galing sa pag-grocery. Mukhang kanina pa kami, inaantay ni Ma'am Betina kaya ito nasa pinto ng mansyon."Pasensya na po Ma'am Betina, medyo natagalan din ako sa pag-abot ng files kay Madam, at mahaba din ang pila sa supermarket." si Lita habang bitbit ang ilan sa mga pinamili namin.Bitbit ko din ang iba at nag-patulong na din kami kay Kuya Tasyo dahil sa dami naming binili. Mukhang nga may importanteng okasyon dito sa mansyon mamaya kaya napaka-rami namin pinamili.Inisa-isa ni Ma'am Betina ilabas ang mga pinamili namin ni Lita."Kailangan nating mag-handa dahil dadating ang mga business partners at ilang kamag-anak ni Madam at Sir Leandro ngayon." I knew it!May bisita nga sila, ilang kamag-anak at mga business partners nila . Siguradong malaking pagsa-salo ito."M-Mga kamag-anak at business partner po? Sa mansyon po ba sila mag-stay lahat?" curious na tanong ko.Oo malaki ang
"How was your chill out last night?" tanong ni Madam sa mga pamangkin niya.Yes, pamangkin.Ito lamang kasi at ilang kaibigan nito ang nagpa-iwan kagabi, kaya sa mansyon na ang mga ito natulog. At ngayon nag-aalmusal sila ng sabay-sabay, isa ako sa nag-aasikaso sa kanila. Nang matapos kasi ako sa pagli-ligpit ng mga pinag-kainan sa garden kagabi ay pinayagan na kami ni Ma'am Betina mag-pahinga.Hindi na rin namin nagawa pang mag-usap ni Lita tungkol sa nangyari kagabi dahil na rin sa siya ang naka-toka na pag-silbihan ang mga naiwang bisita nila Madam. At pareho na rin kaming pagod kaya mas gusto na lang naming mag-pahinga."It was fun, Tita. I hope there will be a next time." may excitement sa tono ni Abby, habang kumukuha ng pagkain. Alam kong medyo hindi maganda ang impression niya sa akin dahil na rin, isa siya sa taong hindi maganda ang tingin sa akin.Yung tipong wala naman akong ginagawa sa kanya ay masama na kaagad ang loob niya."Yes, Tita I really hope there will be a next t
"Oh, iho hindi ko alam na dito ka pala umuwi kagabi. Are staying for good?" tanong ni Madam kay sir Conrad habang nag-a almusal sila. Dahil gabi na dumating si sir Conrad ay hindi nakita nila Madam ang pag-uwi nito. Akala rin siguro ng mga ito na uuwi si sir Conrad sa condo nito. Saglit na tumingin si sir Conrad sa kanyang ina bago ibinalik sa pagkain."Maybe." simpleng tugon nito.Nakita ko ang ginhawa sa mata ni Madam, parang mas gusto niya na dito na talaga mag-stay si sir Conrad dahil na rin sa hindi na nila ito nakakasama. Isa pa nag-iisang anak lang si sir Conrad kaya nalulungkot sila dahil hindi pa nila ito kasama."That's good to hear, son. Why?....Are you getting bored living alone?" sabad sa usapan ni Sir Leandro na parang may gustong ipaka-hulugan sa huli nitong tanong.Nakita ko ang pag-igting ng panga ni sir Conrad at hindi sinagot ang kanyang ama. Mukhang napansin ito ni Madam. "Ang gusto lang sabihin ng papa mo ay, wala ka pa bang balak mag-asawa? Son, you are not gett
"Hayst! Anong oras na ba?" napa-tayo ako mula sa pagkaka-higa upang silipin ang oras sa aking cellphone.It's already 4am, sobrang aga pa kumpara sa gising ko na 5am dahil kailangan ng mag-asikaso nun ng pang-agahan. Hindi ko alam kung maaga lang ba talaga ako nagising o hindi talaga ako naka-tulog. Hindi kasi mawala sa isip yung narinig ko kahapon, at hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang isipin 'yun.Ano naman sayo Rara kung may relasyon nga sila?Isa pa buhay yun ni sir Conrad at nasa tamang edad na siya para magka-relasyon.At kung si Ate Mia nga iyon, ano naman sayo?Nasa tamang edad na rin si Ate Mia at wala namang masama kung magkaroon man sila ng relasyon ni sir Conrad.Upang mawala ang pag-iisip ko tungkol doon ay nag-pasya na lamang ako lumabas upang mag-jogging dahil paniguradong hindi na rin naman ako makakatulog pang muli. Saktong pag-balik ko mamaya ay maghahanda na ako ng umagahan at baka gising na rin si Ma'am Betina.Madilim pa ang kalangitaan ngunit alam kong sa
"Kung hindi ko kaya sila nakita, higit pa kaya doon ang pwedeng mangyari?"Isang linggo na, simula ng makita ko sila Ate Mia at Sir Conrad sa ganoong sitwasyon sa loob ng opisina. Kung dati ay nagkaka-tagpo kami ng landas ni Sir Conrad kahit iniiwasan ko siya. Ngayon ay lahat ng paraan upang hindi kami magkaroon ng interaksyon sa isa't-isa ay ginawa ko na. Hindi ko alam, kung bakit kailangan ko siyang iwasan pagkatapos nun. Samantalang hindi naman niya alam na nakita ko silang dalawa ni Ate Mia. Di rin kasi maganda yung naramdaman ko, after kong makita yun.Dapat nga maging masaya ako dahil, finally may jowa na si Ate Mia at mukhang matutupad na yung pangarap ni Madam na makapag-asawa na si Sir Conrad.Pero, bakit parang di ako masaya?Bakit kumi-kirot yung dibdib ko habang naiisip na may karelasyon na si Sir Conrad?'Selos ka nu'?'Selos? Ako nagse-selos, bakit?E, wala naman kaming relasyon ni sir Conrad. Hindi kami pwede magkaroon ng relasyon, katulong lang ako at siya ang amo 'k
"Ilang beses ba ako makaka-saksi ng ganung eksena?"What a playboy!Naalala ko ang kwento ni Lita tungkol sa pagpa-palit palit ng babae ni sir Conrad na akala mo nagpa-palit lang ng damit.Ganun ba talaga ka-sama ang ugali niya?Kung tama ang hinala ko na hindi alam ni Ate Mia na niloloko siya ni sir Conrad. Panigurado masasaktan siya, hindi niya alam marami pa pala silang pinagsa-sabay ng lalaki na yun!Gustuhin ko man na balaan siya, baka malaman pa niya na nakita ko sila nun ni sir Conrad sa loob ng opisina. Mas nakakahiya yun pag nagkataon.'Siguro naman, hindi mo na sila problema di ba?'Tama!Siguro naman aware si Ate Mia sa relasyon na pinasok niya. At totoo ba yung hinala ko na may ibang ka-halikan si sir Conrad.Tsaka malay ko ba, na baka si Ate Mia yun hindi ko lang na-recognize kaagad yung boses dahil na rin sa malayo ako at hindi ko na nagawa pang alamin.Natigil ako sa pag-iisip ng mag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng bedside table. Gabi na pero hindi ko pa rin magawan
From: RiriAte kapag na-receive mo 'to. Tawagan mo 'ko, kaagad.Nagha-handa na ako ng pag-alis ng mansyon, nang mag-vibrate ang cellphone ko sa text ni Riri. Nag-decide na 'kong umalis ng mansyon, kahit na hindi pa sapat ang ipon ko. Akala ko magtatagal ako dahil mababait naman ang mga tao na nakasama ko dito kaso may isang tao talaga na sisira nun -si sir Conrad.Hindi ko alam kung bakit napaka-init ng ulo sa akin ni sir Conrad at galit na galit siya. Samantalang, wala naman akong ginagawa sa kanya. Siguro nga sadyang masama lang talaga ang ugali.Mabuti na lamang at hindi na ako hinanap pa nila Ma'am Betina, gabi na rin naman. Iisipin lang nila na nagpa-pahinga lang ako, ayokong makita nila na umiiyak ako. Gagawa na lang ako bukas ng dahilan kung bakit aalis ako. Ayoko ng humaba pa ang usapan, patungkol doon.Nang maramdaman ko na wala ng tao sa labas ay nag-pasya akong lumabas para tawagan sila Riri. Kinakabahan kasi ako e, iniisip ko na baka may problema kasi hindi naman magte-t
I couldn't react to Conrad's confession. I don't even know how to answer him. Kasi kahit ako sa sarili ko ay naguguluhan din. Kahit na hindi ko aminin sa kanya at sa sarili ko, alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.Pero, hindi e. Alam ko sa sarili ko na hanggang dito na lang ang lahat para sa amin.The only thing that connects the two of us is that we have a child. As long as our arrangements are good, I know that Ryker will understand it after a while.Aaminin ko na mahal ko pa rin si Conrad pero hindi dahil ganun pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya ay babalik na ulit kami sa isa't-isa. Marami ng nangyari, hindi na pwede pang ipagpatuloy kung ano man ang naudlot noon.Sa ginawang pag-amin ni Conrad ay medyo naging ilang kami sa isa't-isa. Kapag pumupunta siya sa condo upang makita si Ryker ay talagang iniiwasan ko na magkausap o kahit makapagtitigan kami sa isa't-isa.He also seemed to notice that I didn't want to talk about that matter so he didn't say anything.
"Ninang Rayne!" Chloe ran to me and hugged me when she saw me.I immediately hugged him back to when I recover from the shock. I did not expect that Tita Christine and Tito Leandro would bring her to visit here. I didn't know if, nasabi na nila sa bata ang totoo.O alam na din ba ito ni Mia?"Sorry iha, for the sudden notice." she kissed me on the cheek. "I just want to visit Ryker, because Conrad doesn't want to take him to the mansion either."Tumango lamang ako at pilit na ngumiti.Ayoko rin naman ang ideya kung sakali na bumisita si Ryker sa mansyon. "Good evening iha." si Tito Leandro at bumaling kay Tatay. "Magandang gabi,"Tatay remained silent and ignored Tito Leandro's greeting. I looked at Tito Leandro and asked for forgiveness because of Tatay's behavior. Naiintindihan naman nila siguro lalo pa't, galit din ito dahil sa nangyari noon."Nagpaluto ako ng food kay Manang Betina," nilagay nito sa lamesa ang dalang tray ng food.I invited them to come to the table to eat. I a
Wala na akong nagawa ng pinilit ni Conrad na sumama sa aming condo unit. Nagpumilit pa siya noong una na sa kotse niya kami sumakay. But I didn't agree because I had my car with me.Kaya ang ending ay sa kotse ko din siya sumakay, imbes na ipakarga niya si Ryker kay Ate Lindy ay hinayaan niya na matulog ito ng tuluyan sa kanyang balikat. I was in the driver's seat, driving while Ate Lindy was in the backseat."Ate, nakauwi na pala kay— Kuya Conrad?" Since I didn't tell Riri about this, she was just shocked to see Conrad with me. She looked at me questioning what this man was doing here.I just mouthed that I will explain to her later."Ate Lindy, pakisamahan na lang siya sa kwarto namin ni Ryker." tumango naman si Ate Lindy at iginiya na si Conrad sa aming kwarto upang mailapag na nito si Ryker.Conrad glanced at me once before following Ate Lindy.Riri dragged me inside the kitchen when Conrad entered our room."Ano yun, Ate!?" pagalit na bulong niya. "Bakit siya andito?""He alrea
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa takot nang muli kong makita ang mga taong naging dahilan ng paghihirap ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na ngayon kaharap ko na sila at kasama ko pa ang anak kong si Ryker.Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na iyon kasama ang anak ko para hindi nila malaman kung sino si Ryker. Pero, hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko para gawin iyon. Tila napako ako sa lugar na iyon, at kahit ang paghakbang ay hirap akong gawin.I stood up from kneeling while holding my son's hand tightly. I looked at their reaction, surprise registered on the faces of Tita Christine and Tito Leandro. They looked back and forth between me and Ryker who was still crying.And when I looked at Conrad, I only saw him frowning and full of wonder while looking at my son."Jusko kang bata!" si Ate Lindy at lumapit kay Ryker na nanatili lamang sa aking tabi. "Nag-alala kami sa'yo.Wag ka na ulit aalis ng ganun,"She tried to grab Ryker to stop him from crying bu
Isang linggo, simula ng umuwi ako sa Pilipinas ay iniwasan ko na magtagpo ang landas namin ni Conrad. After our talk, sa kanyang condo unit ay pinuntahan niya pa ako sa aking boutique upang makausap. Ngunit hindi ko siya hinarap, sinabi lang nang mga tauhan ko na wala ako sa lugar na iyon at umuwi na sa Pilipinas.I don't know how to deal with him after our conversation.Ang sakit pala na malaman na halos nabubuhay ako sa kasinungalingan sa loob ng apat na taon na relasyon naming dalawa. Na handang-handa na akong makasama siya habang buhay tapos sa huli maghihiwalay lang din pala kami.I think, Conrad was only part of my past that thought me how to love. And how to be loved. That even if it's not you in the end you still learn to love.I don't know but I feel like something is missing from the conversation I had with Conrad. I felt relieved because I had said everything I wanted to say.But, why does it seem like something is missing?Paano kapag nalaman ni Conrad ang tungkol kay Ryke
Kahit na nahihilo ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga upang malaman kung nasaan ako. Medyo maskait pa ang aking ulo dahil sa labis na pag-iinom. Hindi ako pamilyar sa kabuuan ng kwarto kaya nangangamba ako kung nasaan ako. Shit! Where the hell am I?Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at yumuko nang makaramdam ng labis na hilo. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako at kung sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Kaya kailangan kong makaalis sa lugar na 'to bago pa may mangyari sa akin na masama.Tumayo ako upang makalapit sa pinto ng kwarto na iyon para makalabas. Dahan dahan pa ang ginawa kong lakad dahil hindi ako sigurado kung may kasama ba ako sa lugar na iyon. Pipihitin ko na sana pabukas ang pinto ng biglang may pamilyar na boses na nag-salita mula sa aking likuran. "Where are you going?"I almost closed my eyes after I recognize the familiar baritone voice of the person behind me now. I just remembered that he was the last person I talked to before I passed out outsid
"Woohoooooo! Cheers!" they all said in chorus as they each took and raised their glasses.Wala na din ako nagawa kung hindi gayahin sila, ayoko namang matawag na KJ kapag di ko ginawa ang gusto nila. Also, they do this for me so I need to at least enjoy it.Mabilis kong nilagok ang aking inumin na kaagad kong pinag-sisihan dahil naramdaman ko ang mainit na hagod nito sa aking lalamunan.Shit. Kahit kailan talaga hindi ako masasanay sa lasa ng alak.As the conversation and drinking continued, I got to know them all better, I know that I have a few other staff that I'm not very close to because we don't often have this kind of party. Ang iba naman ay bagong hired pa lang kaya naman ngayon ko pa lang nakilala. Mas marami akong nadi-discover na ugali at personality sa kanilang lahat taliwas kung sino sila sa trabaho.It's like I got closer to them and don't consider them my staff-but of course they are my family.May isang oras na din kaming umiinom doon, kaya naman medyo nararamdaman ko
As expected, my return to America was very stressful. I spent a day before I took care of everything I had to do. I had to rest first because I was so tired from the trip.I already informed Lea, tungkol sa pagbabalik ko, gusto pa niya na bisitahin ako. Pero, dahil magkikita naman kami bukas sa shop ay hindi na siya tumuloy pa.I also talked to the owner of the condo unit we lived in because I can't live in it anymore. Maybe, I'll just let the housekeepers maintain the cleanliness of the room. So that when we think of going on vacation here in America, we have a place to stay in.I don't want to sell it, this condo has so many memories.Isa din sa iniiwasan ko na mangyari kaya hindi ako pumunta kaagad sa aking boutique ay dahil baka magkita na naman kami ulit ni Conrad. If tama ang hinala ko na business nga ang ipinunta niya dito ay malamang ilang araw lang siya magtatagal dito.Kaya siguro naman ay hindi na kami magkikita pang dalawa.Using my car key, I open my car parked in the bas
One week, after signing the contract, some miniminal adjustments were also started for my main branch. I don't know if it's just a coincidence, but the entire design of the building is perfect for a boutique shop.Hindi ko alam kung ano talagang plano ng may-ari kaya nila itinayo ang building na ito pero masaya ako na sa akin niya napiling ipagbili ito.Speaking of the owner, I haven't even met him or her yet because I only spoke to Ms. Celine and her lawyer. Kasama ko rin ang isa sa mga abogado for some legal purposes. Maybe it would be better if I also met the owner so that I could somehow thank him/ her for selling me the land.Pero, I hope I'll meet him or her one of this day.Sa bawat araw ay wala akong sinayang even the interior design ay ako ang nag asikaso. Sa kung saan ko ilalagay ang mga damit na gagawin o tapos ko ng gawin. At kahit na ano pa man, na alam kong magugustuhan ng mga tao. I'm very hands on pagdating sa pag aasikaso ng aking boutique."O, saan naman ang punta mo