Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 871 - Chapter 880

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 871 - Chapter 880

1219 Chapters

Kabanata 871

Namula ang mukha ni Aurelia habang napahiya siyang nakatayo roon. Tumayo si Carmella at umikot sa mahabang mesa para dahan-dahang lumapit kay Aurelia. Tinuro niya ang isa sa mga damit at sinabihan siya, “Isa ito sa gold-couching techniques. Ang materyal na ginamit sa gintong sinulid na ito ay nagmula sa kalapit na bansa ng Southeast Aciatic. Hindi masyadong marami ang produksyon nito kada taon kaya napakamahal nito. Malambot at madaling masira ang sinulid nito kaya kailangang mong maging sobrang maingat para mapanatiling buo ang sinulid.”Narinig na ito ni Aurelia, pero ito ang unang beses niyang narinig ito. “Mataas ang requirements ng istilong ito para sa needlework techniques.” Kalmado siyang tinignan ni Carmella. “Ang balabal lang na'to ay inabot ng lima hanggang anim na buwan at sa pagtutulungan ng ilang beteranong artisans.”Kinagat ni Aurelia ang mga labi niya at nanatiling tahimik. “Ms. Aurelia, hindi ko pinagdududahan ang abilidad mo,” mahinang sabi ni Carmella. “Pero
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

Kabanata 872

Kinagat ni Aurelia ang mga labi niya. Punong-puno ng determinasyon ang magagandang mata niya. “Ms. Aurelia, nakapag-isip ka na ba?”Kampante si Carmella. Sapat na ang pera sa loob ng sobre para mabuhay siya nang maayos nang ilang panahon, at pangarap ng lahat ang isang Southeast Aciatic passport. Makukuha ito pareho ng babaeng ito. Ano pa bang hahanapin niya?Kaya nagulat si Carmella na suminghal si Aurelia. Medyo namumuhi ang walang pakialam na titig niya. “Iniisip niyo ba gamit lang din ang tingin ko kay manong kagaya niyong lahat?”Nagsalubong ang kilay ni Carmella sa pagkaalarma. “Anong sinabi mo?”Dinampot ni Aurelia ang sobre at isa-isang binanggit ang mga salita nang seryosong-seryoso, “Basta't pumayag ako sa mga kondisyon niyo makakakuha ako ng pera at opisyal na Southeast Aciatic citizenship! Tama ka. Kailangan ko to pareho. Pero pagsisikapan ko ang mga kailangan ko. Hindi ko ipagpapalit si Neil para sa mga to!”“Ikaw…”“Mahal na Reyna, mawalang-galang lang po.” Yumu
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

Kabanata 873

Napansin ng palace guard si Alexander at mabilis na kumibo para yumuko.“Kamahalan!”Huminto si Carmella bago niya dahan-dahang binuksan ang nagpapahinga niyang mga mata. Nakatayo na si Alexander sa harapan niya nang nasa gilid ang mga kamay niya habang marespeto niya siyang binati, “Magandang umaga, Tita.”“Hindi na umaga.” Ngumiti si Carmella. “Narinig ko mahilig kayong mga kabataan sa, anong tawag dun… brunch? Hah, may kaunting pagkain ako rito. Isipin mo na lang brunch to. Kumain ka!”“Salamat, Tita. Hindi pa ko gutom.” Tahimik na tumingin si Alexander sa paligid nang may alertong ekspresyon pero di niya nakita si Aurelia. “Alexander, anong hinahanap mo?”“Wala lang…”“May hinahanap ka bang tao?”Nanigas sandali si Alexander bago siya tapat na sumagot, “Narinig kong pinapunta mo si Aurelia dito. May ilang balabal din ako na gustong ipaayos sa kanya. Iniisip ko kung tapos na siya rito.”“Oo.” Simpleng uminom ng tsaa si Carmella. “Pero pinauwi ko na siya.”“Pinauwi?”Kumu
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

Kabanata 874

Kung ganun, nakaalis na ba talaga si Aurelia?“Alexander, dahil nandito na rin tayo sa puntong ito, ipapaalam ko na sa'yo.” Bumuntong-hininga si Carmella. “Gusto ko ngang ipakasal ang kapatid mo kay Neil, at umaasa akong makakaalis si Aurelia ng Southeast Aciatic nang kusa, pero hindi siya pumayag. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin, di ba?“Wag kang mag-alala. Alam ko kung anong dapat at di dapat gawin. Hindi magandang galitin ang Harris family dahil lang kay Aurelia!”Mukhang nagdududa si Alexander, pero tumango siya.Kumaway si Carmella para paalisin siya at kumunot ang noo niya pagkatapos niyang kumalma. Saan nagpunta si Aurelia? May nakasalubong ba siya pagkatapos niyang umalis sa palasyo?Bumilis ang tibok ng puso ni Carmella habang isang pangalan ang lumitaw sa isipan niya. “Ipatawag niyo si Princess Victoria!” malakas niyang utos.…Bumaluktot si Aurelia sa sulok ng pader. Ang nararamdaman niya lang sa lugar na ito ay lamig. Puting pader, puting kwarto, puting rug
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

Kabanata 875

Naglaho si Helene sa isang kurap nanatili si Aurelia nang tahimik sa sulok habang hinimas niya ang manipis na kumot sa likod niya at nakaramdam siya ng init na bumugso sa puso niya. Madalas niyang kinakausap ang mga nomad na kapitbahay niya sa Melorian noon. Mahilig ang mga nomad sa panghuhula at lahat ng klase ng sobrenatural. Sinabi nilang ganun talaga ang tadhana at kapalaran ng mga tao, isang bagay na hindi saklaw ng siyensya o ng batas ng kalikasan. Sa unang beses na pagkikita, may ilang nakakaramdam na parang dati na silang magkaibigan, habang ang ilan ay naiinis sa isa't-isa. Parang ganun rin ang naramdaman ni Aurelia tungkol kina Carmella at Helene. Hindi niya gusto si Carmella kahit na reyna siya. Habang sinugatan siya noon ni Helene, ipinagtanggol niya siya sa loob-loob niya—wala lang sa tamang pag-iisip noon si Princess Lene at di niya intensyong manakit ng tao…Bumuntong-hininga si Aurelia at nag-isip siya ng paraan para makatakas. Hinayaan talaga siyang umalis n
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

Kabanata 876

Misteryosong ngumiti si Zephyr. “Gusto niya siyang panatilihin roon para tumulong.”Huminto si Cordelia bago ito napagtanto pagkatapos ng ilang sandali. Nitong nakaraan, nabanggit ni Rowan na hindi sila makakapagpigil at gugustuhin nilang patayin si Helene, pero hindi siya palaging naroon para magbantay. Ngayong naroon si Aurelia, para siyang isang espiya. Matalino siya at mabilis mag-isip, kaya kaya niyang makipagtulungan kay Rowan. Kung mayroon talagang gustong manakit kay Helene, malalaman nila ito kaagad sa lalong madaling panahon. “Ang talino ni papa, huh!” Tumawa si Cordelia, pero nag-aalala pa rin siya. “Pero gusto ba tong gawin ni Aurelia?”“Naalala ko nanatili si Aurelia sa hotel na tinutuluyan ni Neil noon sa Melorian at kapitbahay niya sina mama at papa, di ba? Maganda ang impresyon nila sa kanya at mabait ka sa kanya. Mapagpasalamat siya kaya pumayag siya kaagad.”“Pero ang sakit ni Princess Lene… Natatakot talaga akong baka saktan niya ulit si Aurelia.”“Siya nga
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

Kabanata 877

Ngumiti si Zephyr. Hindi kailanman sasabihin sa kanya ni Janine ang magandang balitang mayroon siya, kaya palagi niyang tinatawagan si Cordelia para rito. Para kay Janine, ang manugang niya lang ang nag-iisang anak niya habang nadampot niya yata sa kalsada ang anak niyang lalaki. Kilalang-kilala rin ni Zephyr ang nanay niya. Ang magandang balita niya ay walang iba kundi ang pagtaas ng stock price ng kumpanya nila, o and paglawak ng business empire niya, ang pagkawala ng matindi niyang kalaban…Sa kabila nito, mabilis na nagblangko ang utak ni Zephyr nang ilang segundo dahil sa biglaang boses ni Janine. “May boyfriend' na ako… at gusto kong makita niyo siya!”“Ano!?”Kaagad na lumapit si Zephyr. Kung hindi lang mabilis ang kamay ni Cordelia, nauntog na sana siya sa screen ng phone. “Mom, anong sabi mo? May boyfriend ka? Seryoso?”Patuloy siyang tinitignan ni Cordelia para pigilan siyang magdrama, pero paano niya maiintindihan ang pakiramdam niya bilang anak tungkol sa nanay
last updateLast Updated : 2024-02-24
Read more

Kabanata 878

Mahirap paaminin ng kahinaan ang nagmamatigas na lalaking ito, pero malinaw sa reaksyon niya na tama si Cordelia. Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nagsalita na rin sa wakas si Zephyr. “Oo, honey…”Malambing na hinaplos ni Cordelia ang mukha niya. “Mabait sa'kin ang mga magulang ko pagkatapos ng paghihiwalay nila, parehong pamilya nila, pero may parang buhol pa rin sa puso ko. “Anak ang tingin sa'kin ni Tita Cloud, pero kapag nakikita ko sila nina Zennie at dad nang magkakasama minsan, pakiramdam ko isang pamilya sila, at sampid lang ako. “At magkakaroon na rin ng sariling pamilya si mom ngayon…”Ngumiti si Zephyr at tumawa nang nanlulumo. Nahimasmasan siya sandali at tumingin kay Cordelia para magtanong sa pag-aalala, “Tingin mo ba ang babaw ko?”Niyakap siya ni Cordelia. Ang init at bango niya lang ang nag-iisang lunas sa mundo na unti-unting nagpakalma kay Zephyr. “Ikaw talaga.” Umalingawngaw ang mahinang boses niya sa tainga niya. “Hindi ka mababaw. Ang tawag dito ay
last updateLast Updated : 2024-02-24
Read more

Kabanata 879

Kahit na hindi pa sila masyadong nagkikita, hindi nahiya si Zuko at iniunat niya ang matatabang braso niya para pumunta sa lola niya. Si Janine, na kilalang kasing tibay ng bakal, ay natunaw sa maliit na bata. Hinalikan niya ang pisngi niya at maingat siyang dinala sa kotse. Nilagay niya siya sa baby car seat. Pagkatapos maupo ni Zuko, sasakay na si Janine sa kabilang pinto nang naramdaman niyang may humila sa kanya mula sa likuran. “Ano?” Tumingin siya sa anak niya sa pagtataka. Nakangiti si Zephyr habang tahimik niyang sinabi sa nanay niya ang ideya niya, “Iiwan ko si Zuko sa bahay sa susunod na dalawang araw at dadalhin ko si Cordelia sa ibang lugar sa Eropah!”"Huh?"“Mom, tulungan mo ko!” Tinitigan siya ni Zephyr. “Pigilan mo ang sabit na'to, at wag mo siyang hahayaang makalapit kay Cordelia!”Isang pangungusap lang ang kailangan para magalit si Janine. Pagkatapos ay binatukan ni Janine si Zephyr. “Pasaway ka!” Tinitigan siya nang masama ni Janine. “Hindi ka ba naka
last updateLast Updated : 2024-02-24
Read more

Kabanata 880

Tumingin si Cordelia sa labas ng bintana at nagtanong, “Mom, parang di to ang daan pauwi…”“Hindi muna tayo uuwi. Kakain muna tayo!”“Kakain?” May napagtanto si Cordelia, tapos ay lumapit siya nang nakangiti. “Sinong nanglibre, ang mother-in-law ko o ang magiging father-in-law ko?”“Ikaw bata ka!” Masayang tumawa si Janine. Inaasar mo na ko ngayon, ha!?”“Mom, anong klase ng lalaki siya? Interesado ako.”Tumingin si Janine sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Pinanatili niya itong lihim sa ngayon. Huminto sila sa Baker Hotel. Bilang isa sa mga tanyag na gusali sa Melorian, punong-puno ang Baker Hotel ng kondisyon para magtagumpay. Hindi lang ito magara at engrande sa panlabas, hindi rin malalampasan ng ibang hotel ang serbisyo nila. Walang bisita sa gusali ngayon para kina Mr. at Mrs. Hamerton, at personal silang sinalubong ng general manager. “Madam Baker, nakahanda na ang lahat. Doon kayo sa revolving restaurant sa top floor.”“Mm.” Masaya si Janine sa paghahanda nila.
last updateLast Updated : 2024-02-25
Read more
PREV
1
...
8687888990
...
122
DMCA.com Protection Status