Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Kabanata 531 - Kabanata 540

Lahat ng Kabanata ng Married a Secret Billionaire: Kabanata 531 - Kabanata 540

1219 Kabanata

Kabanata 531

Hinawakan ni Zephyr ang mga kamay ni Cordelia at kalmado siyang dinala sa kalsada. Huminto ang ambulansya dalawang kanto mula sa kanila. Binilisan nina Zephyr at Cordelia ang lakad nila at nakita nilang maraming tao ang dumumog sa cafe. Mabilis na kumilos ang paramedics nang may seryosong mukha. Nagulat sila na si Janine pala ang nagmamadaling humabol sa stretcher!“Mom?!” Hindi napigilan ni Zephyr na mapasigaw. Tumingala si Janine at nakita niya silang dalawang gulat na gulat. Kabado si Cordelia. “Aunt Baker, ang nanay ko ba yun—”Bago niya matapos ang sasabihin niya, nakita niya si Xyla na lumabas ng cafe nang ligtas. Nagmadaling lumapit si Cordelia sa kanya para hawakan siya sa braso at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakahinga siya nang maluwag nang nakita niyang hindi blangko ang titig ng nanay niya. Ibig sabihin nito ay hindi siya inatake ng sakit niya. Sa kabila nito, mukha siyang maputla at nanghihina na parang papel na mapupunit sa isang hawak. “Mom, ano
last updateHuling Na-update : 2023-12-03
Magbasa pa

Kabanata 532

”Ah, wala lang.” Kalmado ang boses ni Xyla. “Napansin lang namin na ang bilis ng panahon. Kailangan talaga dapat na alagaan ang sariling kalusugan sa pagtanda.” “Mom…” Kinagat ni Cordelia ang labi niya. Nasa dulo ng sila niya ang tanong, at pagkatapos ng mahabang sandali ay desidido siyang nagtanong, “Nagkita na ba kayo ni Uncle Irwin noon?”Napahinto si Xyla bago tumango. “Oo.”“Pagkakataon nga naman!” Ngumiti si Cordelia sa kanya nang hindi makapaniwala. “Alam mo bang siya ang binabalak kong ipakilala sa'yo? May Siamese cat din si Uncle Irwin at gusto kong magkita kayo kasama ni Ginger!”Naubo si Janine habang nanatiling tahimik si Xyla. Mahigpit pa rin ang hawak ni Zephyr sa kamay ni Cordelia. Nagtaka sandali si Cordelia. Napansin niyang medyo kakaiba ang mga taong ito pero hindi niya matukoy kung anong mali. Metikuloso si Janine. Alam niyang matalino si Cordelia at mapapagtagpi-tagpi niya ang lahat kapag inisip niya ito. Hindi ito mapapanatiling lihim ni Xyla kahit gusto n
last updateHuling Na-update : 2023-12-03
Magbasa pa

Kabanata 533

Bumalik si Clark dala ang isang laptop. Nang natapos kumain si Cordelia, kumaway siya para kunin nang mga katulong ang pinagkainan niya at nilapag ang laptop sa harapan niya. Naisip din na Zephyr na kakaiba ito at tinitigan niya ito nang malapitan. May mga hilera ng impormasyon at nagsisiksikang numero sa screen. “Ito ang accounts, hindi ng kumpanya, kundi ng buong Hamerton Manor.” Simple lang ang tono ni Liam. “Cordelia, tignan mong maigi. Tignan mo kung mayroong mali.”“Lolo—” May gustong sabihin si Zephyr, pero palihim na nilagay ni Cordelia ang kamay niya sa likod ng kamay niya. Tinignan niya siya at mahinang umiling. Alam niyang sinusubukan siya ni Liam. Simula nang natuklasan niyang may koneksyon si Matthew sa illegal trade sa lupain ng western suburbs, nag-iba ang tingin ni Liam sa kanya. Madalas niyang sinasabihan si Zephyr na dalhin siya sa bahay para kumain at minsa'y tinatanong niya siya ng tanong na parang wala siyang pakialam. Kahit na matalino si Cordelia, ma
last updateHuling Na-update : 2023-12-03
Magbasa pa

Kabanata 534

”Tapos…” Pinag-isipan ito ni Cordelia. “Magkapatong ang security fee at personal bodyguards fee. Dapat tanggalin din ito.”“Ano?” Huminto si Liam. Kalmadong nagpaliwanag si Cordelia, “Grandpa Liam, nasa Hamerton Manor ang pinakamataas na security system at may pinakamagaling na security staff na nakaistasyon sa buong lugar. Hindi niyo naman kailangan ng personal bodyguards, tama? Dahil personal bodyguards sila, dapat nasa ilalim ito ng personal accounts. Hindi makatuwiran na ang main household ang nagbabayad para rito!”Palihim na natuwa si Zephyr at tinaas niya ang hinlalaki niya sa asawa niya. Ang isyung binanggit ni Cordelia ay tumama mismo kina Matthew at Yale. Sa mga anak ng Hamerton, maliban kay Zephyr na itinuturing ng patriarch na pinakamataas, mayroon siyang mga lalaking pinsan na nagtatrabaho sa main company. Maayos din ang mga pinsan niyang babae sa kanilang mga subsidiary. Si Yale lang ang hindi kumita nang ni-isang sentimo sa pamilya pero napakaluho niyang gumast
last updateHuling Na-update : 2023-12-03
Magbasa pa

Kabanata 535

Natulala si Cordelia. Namula ang mga pisngi niya at tumaas ang gilid ng mga lahi niya. Nakaramdam siya ng mga alon sa puso niya pero hindi niya ito pinakita sa mukha niya at nanatiling napakakalmado. Binabaan ni Liam ang pagiging kalmado niya. “Tatanggapin ko ang katahimikan mo bilang oo,” sabi niya nang nakatawa. “Ikaw naman ang magiging lady of the house pagkatapos mo pakasalan si Zephyr. Ipapasa sa inyong dalawa ang family business. Hah… Aligaga ako buong buhay ko. Sa wakas magkakaroon na rin ako ng kapayapaan!”“Lolo…” Tinignan siya ni Zephyr sa gulat. Sa sobrang saya niya ay halos di siya makapagsalita. “Bakit ganyan ang mukha mo?” Tinitigan siya ni Liam. Ngumiti si Zephyr. “Hindi ba tumututol ka dito? Iniisip ko pa lang na sabihin sa'yo ang tungkol sa proposal ko kay Cordelia nitong nakaraang dalawang araw—”“Ikaw bata ka!” Bago siya nakatapos, tinitigan siya nang masama ni Liam. “Sinong sinasabi mong tumututol?!”Nanigas si Zephyr. “Clark, tumutol ba ako?”“Syempre
last updateHuling Na-update : 2023-12-04
Magbasa pa

Kabanata 536

”Oh.” Tumango si Zephyr. Bumuntong-hininga si Liam at napaisip nang malalim. “Mahusay siya, pero ang pinagmulan niya…”‘Pinagmulan?’Ngumisi si Zephyr. Kahit na minamata niya si Rowan—at mukhang nabaliw na kamakailan ang matandang iyon, tinatrato siya nito na parang kalaban tuwing nakikita siya nito—ang lalaking iyon pa rin ang tunay na ama ni Cordelia. Kaya niya siyang tiisin. Ang pagmamahal ng isang tao ay dapat na umabot sa pamilya nila, tama?Pinakalma ni Zephyr ang sarili niya at binalak niyang sabihin kay Liam ang tungkol sa pamilya ni Cordelia, pero bago may salitang lumabas sa bibig niya, biglang desididong tumingin sa kanya si Liam. “Zephyr, nagpasya akong maghanap ng pamilya para kay Cordelia para magkaroon siya ng godparents!” “Ano?” Nabigla si Zephyr. “Ang marriage of convenience ay pinasa nang maraming henerasyon sa four major families.” May kumplikadong tingin si Liam. “Ito ang patakarang iniwan ng mga ninuno natin. Hindi ito pwedeng masira sa panahon ko.“P
last updateHuling Na-update : 2023-12-04
Magbasa pa

Kabanata 537

Nang bumalik si Zephyr sa Royal Manor, tinuturuan ni Helen si Cordelia sa kusina. Hininaan ni Helen ang apoy habang kumulo ang sabaw sa palayok. Ang bango ng buong bahay at napuno ito ng simpleng init. “Ang huling hakbang ay maglagay ng ganito… at tapos na!” Tinuro ni Helen kay Cordelia ang bawat isang hakbang at seryoso naman siyang natuto. “Yun lang?”“Oo!”“Mm.” Huminga nang malalim si Cordelia. “Mas mabango nga to nang dinagdag mo to.”“Humigop kayo ni Mr. Z ng sabaw na'to. Nagsisimula na ang taglamig at malamig na ang panahon. Oras na para kumain ng masustansyang pagkain.”“Sige,” ngumiti si Cordelia habang tinakpan niya ang palayok at pinatay ang apoy. Nagulat si Helen. “H-Hindi ka hihigop?”“Hihintayin ko siyang bumalik at sabay namin tong kakainin!”“Hindi ba nagpunta si Mr. Z sa manor? Malamang hindi pa siya uuwi! Kunin mo na lang ang sa'yo at tirahan mo siya ng kanya!”“Hindi pwede! Iba ang pakiramdam nang kumain nang mag-isa.” Ngumiti si Cordelia. “Gusto ko si
last updateHuling Na-update : 2023-12-04
Magbasa pa

Kabanata 538

”Ms. Lulham!” May sumigaw nang may landi sa tono at maarteng naglakad papunta kay Trinity. Tumingin siya sa kanya nang may mapang-akit na simangot at pabagsak na umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. “Ano yun?” Pinisil ni Trinity ang espasyo sa pagitan ng kilay niya. Mukha siyang pagod. Ang taong iyon ay si Millie Hill. Maraming taon niyang nakatrabaho nang masaya si Trinity at isa rin siyang sikat na award-winning actress sa industriya. Isa siya sa magagaling na aktres nang nagtulungan ang mga babaeng artista para ipahiya si Michelle sa event ng mga Tanner. Kahit na maarte siya at paminsan-minsang nangangarap na magkaroon ng sugar daddy, walang makakatalo sa talento at galing niya. May parte siya sa ilang pelikula ni Trinity na nanalo ng awards. Sa madaling salita, pareho silang nagbigay ng malaking kontribusyon sa karera ng isa't-isa papunta sa araw na ito. “Ibig kong sabihin, pwede mo bang palitan ang second lead?” Prangka si Millie. “Sa lagay ng filming natin ngayon, k
last updateHuling Na-update : 2023-12-04
Magbasa pa

Kabanata 539

Lumapit si Trinity para tignan nang seryoso si Michelle. “Michelle, ang eksenang to ay isang close-up shot, kaya kailangan namin ang kooperasyon mo.“Ibig sabihin ay ang take na'to… ay may totoong sampal.”“Ano?!” Nanlumo ang mukha ni Michelle. Tumawa siya pagkatapos ng isang sandali, “Hah, ito lang ba ang alam ng sikat na direktor na si Ms. Trinity Lulham? Bakit kailangan totoo ang sampal?”Sinubukan ni Trinity na manatiling kalmado. “Sinabi ko na sa'yo. Isa tong close-up shot. Para makuha ang pinakamagandang effect, kailangan nitong maging totoong sampal. Pero wag kang mag-alala, isang batikang aktres si Millie. Madalas niyang gawin ang ganito sa filming nitong huli. Alam niya kung paano kontrolin ang sarili niya.”“Imposible!” Tinitigan siya nang masama ni Michelle. “Trinity, sinasadya mo to, ano? Kailangan ko bang hayaang masahasaan ng kotse sa isang accident scene kung kailangan kong masampal nang totoo sa slapping scene?”Walang nasabi si Trinity sa sandaling iyon. Noon…
last updateHuling Na-update : 2023-12-05
Magbasa pa

Kabanata 540

Nanigas si Trinity at dahan-dahang lumingon sa pintuan. Kagaya ng inasahan, nakatayo roon si Frederic. Marami ring crew members doon. Nakita ni Trinity ang dismaya sa mata ni Frederic. Gusto niyang magpaliwanag pero di siya makapagsalita. Kumilos ang mga labi niya pero wala siyang nagawang tunog. Niyakap ni Michelle si Frederic sa harapan ng lahat. Nanigas si Frederic. Nag-alangan ang kamay niya bago niya tinapik ang balikat ni Michelle. “Frederic, makinig ka…” kinagat ni Trinity ang labi niya. “Kanina lang…”“Narinig ko ang tungkol dito ngayon lang, at nakita ko rin.” Kalmado ang boses ni Frederic nang walang bakas ng emosyon, pero malinaw na punong-puno ng dismaya para sa kanya ang mga mata niya. Kumirot ang puso ni Trinity at kumalat ang sakit sa buong katawan niya. Lumapit si Frederic sa kanya ang may kumplikadong titig. “Trinity, isang singer si Michelle at kakalipat niya lang sa pag-arte. Hindi niya siguro alam ang maraming patakaran. Pagtiyagaan mo siyang turuan,
last updateHuling Na-update : 2023-12-05
Magbasa pa
PREV
1
...
5253545556
...
122
DMCA.com Protection Status