“Anong silbi ng mga award? Hindi ko kayang makipagsabayan sa pagkakaroon ng isang guardian angel!"Naririnig ni Frederic ang panunuya sa tono ni Millie at alam niya kung gaano kakomplikado ang entertainment industry. Kailangang umasa ni Michelle kay Trinity para mabuhay. Maingat niyang sinulyapan si Trinity ngunit nakita niya ang kanyang namumulang mga mata at naramdaman niyang kumirot ang puso niya nang walang dahilan.Naglakad si Cordelia palapit kay Michelle. "Kamusta ang set life, Ms. Carmichael?"Masaya si Frederic nang makita niya na nag-aalala si Cordelia para kay Michelle at agad siyang sumenyas kay Michelle na dalasan ang pakikipag-usap kay Cordelia.Sa kabila nito, halatang puno ng inggit at takot ang tingin ni Michelle kay Cordelia.“Dinalhan kita ng isang unique na set ng tsaa.” Ikinumpas ni Cordelia ang kanyang kamay ng nakangiti, at mayroong tao sa likod niya na naglabas ng nilalaman ng maliit na basket.Ang dessert na nasa magandang porselana ay hugis ahas.“Ms. C
Tumingin si Trinity sa mga mata ni Cordelia at ngumiti, at nilakasan niya ang kanyang loob.“Maghanda na kayo.” Dinampot niya ang walkie-talkie at seryoso siyang tumingin sa screen. “Action!”“P*ta ka!” Noong nag-zoom in ang camera kay Millie, hindi sila binigo ng award-winning actress. Inangat niya ang kanyang kamay at sinampal niya si Michelle!Nagulat si Michelle at agad siyang napahawak sa kanyang pisngi, nakakita siya ng mga bituin sa sobrang sakit.Magulo ang buhok ni Millie, at nakabukas ang mga butones ng kanyang kolyar. Isinasabuhay niya ang kanyang karakter—isang matapang na babae. Dinuro niya si Michelle at mariin niyang pinagsabihan si Michelle, “P*ta ka! Paano mo nagawang agawin ang lalaki ko!? Tingnan mo nga ang sarili mo!”Naramdaman ni Millie ang sinabi niya. Nadala siya ng kanyang damdamin, inisip niya na siya si Trinity habang tinitingnan niya ng masama si Michelle.“Ayos, magaling!” Nagsalita ang assistant director mula sa gilid, “Bantayan niyo ang mga emosyon
”Salamat.”“Mabuti tayong magkaibigan, hindi ba? Huwag kang mag-alala!” Tumawa si Frederic at iniyuko niya ang kanyang ulo upang tumingin kay Trinity. “Uh… hindi ka na galit ngayon?”“Huh?”“Alam ko na isa kang rational at mature na babae. Palakaibigan ka at tapat ka din. Kaya… Malamang may ginawang mali si Michelle para magalit ka ng ganun. Hihingi ako ng tawad para sa kanya. Huwag ka nang magalit, okay?”Nanigas si Trinity. Muling bumalik ang ulap na kahuhupa pa lang.Samakatuwid, ibinigay sa kanya ni Frederic ang charm na ito dahil kay Michelle.Makatwiran siya sa kanya, kaya dapat ang makatwiran ang maging mapagpatawad at maunawain, mabait at maawain, hindi tuso kahit na ginawan sila ng mali—dahil tanging mga bata lang na nagmamaktol ang binibigyan ng mga candy!Hindi kaya ni Trinity na umarte ng parang si Michelle. Ayaw din niya ‘yun.Iyon ang dahilan kung bakit hinding-hindi niya mapapantayan si Michelle sa paningin ni Frederic.Mayroong mapait na ngiti sa mukha ni Trini
“Z…”Nanikip ang lalamunan ni Frederic. Madalas ay magaling siyang magsalita ngunit wala siyang magawa kundi pagpawisan ng malamig sa harap ni Zephyr ngayon. Higit pa rito, hindi pa niya nakitang ganito kaseryoso si Zephyr.“Hindi masamang magustuhan mo ang isang tao, pero dapat malaman mo kung anong klaseng tao ang gusto mo!” Ang seryosong sinabi ni Zephyr, “Malalaman mo lang kung karapatdapat bang mahalin ang isang tao kung kilala mo kung sino talaga sila!”“Z.” Natawa si Frederic at inubos niya ang kanyang wine. “Nagdesisyon ka bang mahalin si Cordelia pagkatapos mong malaman kung sino talaga siya? Hindi! Pupusta ako na nagustuhan mo siya agad noong una mo siyang makita!”Dumilim ang tingin ni Zephyr. “Anong sinusubukan mong sabihin?”Hindi sumagot si Frederic ngunit nagsalin siya ng alak sa kanyang baso.“Hindi katulad ng babaeng ‘yun si Cordelia!” Malamig ang boses ni Cordelia. “Huwag mo silang ipagkumpara!”“Ano?” Suminghal si Frederic, sinamantala niya ang kalasingan niya
Tiningnan ni Yale si Frederic mula ulo hanggang baba. Humakbang siya pahara para magtanong nang makita niyang nanatiling tahimik si Frederic. "Mr. Constable, pinag-isipan mo ba ang tungkol dito?""Wala kang pakialam sa problema ko." Malamig na tumingin sa kanya si Frederic. "Yung totoo, dapat mong alagaan ang sarili mo kung wala kang ginagawa, Mr. Yale. Hah, mukhang hindi maganda ang itsura mo. Nahihirapan ka bang patayuin ‘to nitong mga nakaraang araw?"“Sino ba ang tinutukoy mo!?”"Makakabuti kung kokontrolin mo ng maayos ang sarili mo!" Ngumisi si Frederic at tinapik ang balikat ng lalaki. "Sayang naman kung mababaog at makakalbo ka lalo na’t napakabata mo pa. Ipapahiya mo ang mga Hamerton kung ganun!"“Ikaw—”Gusto ni Yale na lumaban ng pisikal, ngunit hinawakan ni Frederic ang kanyang braso at inihagis siya palayo. Laing siya, ngunit malakas siya.Ngumiti si Frederic at naglakad siya paalis sa car park.Alam ni Yale na hindi mahihina ang malalapit na kaibigan ni Zephyr, ngu
”Huwag ka nang umarte!” Nagalit si Xyla. “Rowan, iniisip mo ba na ikaw lang ang nag-iisang eksperto sa mga gamot? Kaya mo bang lokohin ang isang tao na hindi ko kasing talino?”Itinuro niya ang kanyang braso. Natatawa siya sa galit. “Tingnan mo! Ang pwesto na tinusok mo at ang pwestong tinusok ko ay hindi iisang acupoint.“Xyla…”Nanghihina siyang tinawag ni Rowan, at pagkatapos ay ngumiti siya ng parang isang tanga.Bakit hindi pa rin siya nagbago gaya noong bata pa siya?Natatandaan niya na tinutusok siya ni Xyla ng karayom sa tuwing nagagalit siya. Minsan, sampung beses siyang matutusok kapag nakikipag-usap siya sa ibang babae. Mamamanhid ang kalahati ng kanyang katawan.Naisip niya na nakakapagtaka na kaya ng isang babaeng nasa 10 taong gulang na itusok ang isang karayom ng ganun.Napagtanto niyang may katuturan ito. Siya ang prinsesa ng mga Irwin. Ang pamilya ay naging mga doktor ng mga royalty sa mga nakalipas na henerasyon. Siya ay biniyayaan ng talento at kaalaman sa medi
Nakaramdam ng kirot si Rowan sa kanyang puso.“Oo, alam kong huli na ang lahat. Dapat ay kinuha ko na kayo ni Cordelia mula sa Jangasas noong ipinanganak siya!"Gayunpaman, ang mga Irwin ay nagkakagulo noon. Ang ilang mga tao sa pamilya ay minamaliit siya dahil kinuha niya ang kapangyarihan. Nagalit sila sa kanya at sinubukan nila siyang itaboy gamit ang mga external sources.Hinaharap niya ang mga problemang ito habang nagsasaliksik ng bagong gamot.Higit pa dito, hindi niya pwedeng hayaang bumalik si Xyla sa kritikal na oras na iyon. Kapag ginawa niya iyon, siguradong pupuntiryahin siya ng mga taong iyon. Gagamitin nila siya o maaaring kunin nila siya at ang kanilang anak na hostage para pilitin siyang gawin ang gusto nila.Subalit, pinagsisisihan niya ito ngayon.Dapat ay kinuha niya siya sa halip na iwan siyang mag-isa sa Jangasas, hinayaan niya siyang makasalubong ang hayop na William na ‘yun!Dapat ay binigyan niya ng mas magandang buhay ang kanilang mga anak sa halip na h
“Mom…” Ang mahinang tawag ni Cordelia pagkaraan ng ilang sandali. Pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang ina. “A-Ayos ka lang ba?”Punong-puno ng enerhiya si Xyla. "Mm-hmm, ayos lang ako!" Dinala niya ang mansanas na hindi pa niya natatapos balatan habang nagsasalita. Tinusok niya ang kutsilyo sa mansanas—napakaganda nito.Nanatiling tahimik si Cordelia.Sa pagkakatanda niya, malambot na tao ang kanyang ina, bukod pa noong siya ay may sakit.Gayunpaman, magulo ang kanyang isip noon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ginawa kapag siya ay nagwawala.Hindi pa siya naging ganito kahigpit mula nang gumaan ang pakiramdam niya ngayon.Napatingin si Xyla kay Rowan, na naging mabait na bata sa kanyang sigaw. Tahimik niyang iniyuko ang kanyang ulo habang nakaupo sa tabi ng kama at hinihimas ang kanyang mga palad. Medyo mataas ang kama, at ang kanilang mga binti ay hindi nakadikit sa sahig. Nakalaylay ang kanilang mga binti.Para siyang si Ginger kapag sinisigawan ito ni Zephyr.Tinakpa
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala