Semua Bab Married a Secret Billionaire: Bab 1201 - Bab 1210

1219 Bab

Kabanata 1201

Nakakagulat na ganito pala kababaw si Gia, at ang lalo pang nakakagulat ay kung paano ito madaling nalansi ang project manager.Ang impormasyon na ibinigay ni Jacob kay Zuko ay naglalaman ng mga voice recordings. Pagkatapos pakinggan ang mga ito, tumawa si Zuko at hinuha nito, “Ang film studio project ay kailangan ng malawak na lugar. Ang dalawang tao na ito ay binalak na gawing isang commercial residential are ang ilang bahagi nito at gamitin ito bilang isang shell company para kumita mula dito!”“Tama ka.’ Tumango si Jacob. “Subalit, kung itong mga pag-uusap lang nila sa mga recordings ang gagamitin natin na basehan, hindi tayo makakakuha ng isang depenidong konklusyon. Kailangan pa natin mag-ipon ng maraming ebidensya.” “Sige,” sabi ni Zuko ng may malalim na boses, na mukhang humihingi ng tawad. “Kung ganun ay aabalahin pa kita ng konti…” “Kailangan pa ba natin na maging pormal?” tumawa si Jacob. “Ang naabala dito ay si Lina, lalo na’t araw-araw ko siyang nakikita.”‘Hindi mo
Baca selengkapnya

Kabanata 1202

Sa sumunod na gabi, sa welcoming party sa Splendor Hotel, na pagmamay-ari ng Hamerton Group, ay nagsimula sa tamang oras. Ang natatanging disenyo ng midsummer night party ay ginamit ang indoor at outdoor na venue. Ang buong hotel ay napuno ng matingkad na mga ilaw, na para bang mga malaking perlas sa gabi. Ang mga panauhin na dumalo ay mga prominenteng tao mula sa iba’t ibang larangan, kilala sa kanilang yaman o impluwensya. Sa kabila ng lahat, namumukod tangi si Abigail dahil sa pinakita ng Thompson Group ang importansya na hawak niya. Si Lina, na nakasuot ng mapusyaw na pink haute couture na dress na may suot na perlas na kwintas sa kanyang leeg, ay napakaelegante habang walang hirap na nakisalamuha sa mga tao, at hindi nagpakita ng anumang senyales ng pag-aalinlangan. Ang mga bisita ay nagbulungan, pinupuri kung paano kinatawan ni Lina ang mga magandang katangian nila Nicholas at Linda.Nanatili si Abigail sa tabi ni Lina, inaalala na baka mapasobra siya ng inom, at tinangg
Baca selengkapnya

Kabanata 1203

Pagkatapos ng party, kaagad na inutusan ni Lina si Renee na kunin ang lahat ng impormasyon ni Gia pinadala ito kay Abigail. Si Renee, na medyo lasing at nagsimula nang umasta na kagaya ni Toph, ay tumipa sa keyboard habang nagpapanggap na inosente ng may maluha-luha na mga mata. “Hala siya, Lina! Balak mo ba na si Abigail ang bahala sa kanya?”“Insan, napakabait mo naman palagi!”“Masyado naman atang malupit ang balak mo!”Nabigla si Lina at hindi mapigilan na napangiwi na para bang iiyak na ito. Nang makatapos magsalita si Renee, mautak niyang pinindot ang Send button, na may malokong ngiti sa kanyang mga labi. “Insan, sa tingin mo, ano kaya ang gagawin ni Abigail sa kanya?”Tumawa ng malakas si Lina at ginaya ang tono ni Renee. “Renee, nagiging maloko ka na rin! Hindi naman “bahala sa kanya”. Kailangan lang ni Abigail ng isang assistant!”Ang dalawang magpinsan ay hindi na kinaya na pigilan pa ang kanila g tawa at nagyakapan, habang malakas na tumatawa.Sumunod na araw, g
Baca selengkapnya

Kabanata 1204

Hindi tinanggap ng maayos ni Jackie si Gia sa unang araw nito. Kahit na ang assistant na nagkamali ay may karapatan an utusan siya. Habang naghihintay si Abigail sa may lokasyon ng filming, si Gia ay may hawak na payong para sa kanya. Ang oras ng katirikan ng araw ay napakainit at nakakaasiwa. Kapag gumalaw lang ng konti ang payong, kaagad na nakasermon si Jackie, “Anong ginagawa mo?! Kapag ganyan ang hawak mo sa payong, masa-sunburn si Abigail! Kapag ang mahal kong baby ay nangitim at nawala sa kanya ang kanyang sunscreen endorsement deal, kaya mo ba siyang bayarana ng ilang milyong dolyar na nawala sa kanya!?” Walang nagawa si Gia kung hindi tiisin na lang ito at pinagpatuloy na protektahan si Abigail sa ilalim ng payong habang nakabilad sa matinding sikat ng araw. Huli niyang naranasan ang ganitong katinding init ay noon sa Southeast Asiatic nung nabigo siyang makapasok sa palasyo. Ang parehong pangyayari an ito ay marahil konektado kay Lina…Kinagat ni Gia ang kanyang labi,
Baca selengkapnya

Kabanata 1205

Nanatiling gulantang si Abigail sandali ngunit di kalaunan ay ngumiti at sinagot, “Hehe, ang pagkakataon nga naman… nagkataon lang.”Nagsimulang pagpawisan ang ilong ni Jacob. Nakatayo siya habang nakaupo si Abigail at kumuha ng piraso ng cheesecake at marahan itong sinubo, at unti-unting itong ninamnam.Lumakas ang tibok ng kanyang puso, at pakiramdam niya ay para bang nakita niya ang kagandahan ng mundo sa isang iglap. Ngumiti na lang siya bigla, di alintana ang galit na titig ni Gia. "Jacob!"“Ano?” Nagising si Jacob mula sa malalim niyang iniisip. “May… May kailangan ka ba?”Namutla sa galit si Gia. Malapit na sana siyang magwala ngunit napansin niya ang nagbabantang mga tingin sa kanyang ni Jackie. Umatras siya at masunurin na hinawakan ang payong mula sa likuran. Ang payong sapat ang laki para mapayungan sila Abigail at Jacob. Sa paghawak niya dito para sa kanila, nagmukha tuloy si Gia na katulong nila!Natawa na lang si Jackie sa may tabi bago tumayo ng maayos at inayos
Baca selengkapnya

Kabanata 1206

”Kailangan mo magsuot ng nababagay na kasuotan, nauunawaan mo?” binigyang-diin ni Abigail ang salitang ‘nababagay’.Masayang tumawa si Gia, naisip niya ang kanyang sarili na nakikipag-toast at nakikisalamuha sa event, kasama ang mga lalaking sinusuyo siya habang may suot na magandang damit. Lingid sa kanyang kaalaman na ang ibig sabihin ng ‘nababagay’ ay naiiba sa ibig sabihin ni Abigail.-Makalipas ang dalawang araw.Nagtungo si Gia kung saan gaganapin ang event na may suot na strapless fishtail gown at magarbong makeup. Naglabas siya ng salamin sa may loob ng taksi para hangaan ang kanyang itsura, at lalo naging kampante habang tumatagal siyang nakatingin sa kanyang sarili. Ang dress ay isang limited edition mula sa isang top international brand at halos maubos ang inipon niyang pera. Subalit, ayos lang para sa kanya. Makokontento na siya kung makukuha niya ang atensyon ng lahat sa event, lalo na ang mahigitan si Lina. “Miss, andito na tayo.” Ang walang emosyon na boses ng
Baca selengkapnya

Kabanata 1207

Hindi alam ni Gia kung ano ang sasabihin niya. Totoo na walang sinabi si Abigail kung ano ang eksaktong uri ng event ang dadaluhan nila kasama si Mr. Sam, at inakala ni Gia na isa itong piging. Ginastos pa nga niya ang halos lahat ng naipon niya para lang sa dress niya! Pasarkastikong panunukso ni Abigail, “Ha! Ms. Chapman, hindi ang pag-unawa mo ang problema, pero sa halip…”Tinuro ni Abigail ang dibdib ni Gia. “Kung paano ka mag-isip ang problema! Talaga bang inaakala mo na masasapawan mo ang lahat kapag nagsuot ka ng ganyan nung inimbitahan kita sa event ngayong araw na to?”Namutla ang mukha ni Gia, at nanginig siya habang nakahawak siya ng mahigpit sa laylayan ng kanyang dress. Samantala, si Sam, nasa nasa malapit, ay nasaksihan ang eksenang iyon at napailing na lang habang nakasimangot. “Ms. Jenner, pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari dito?” Kinausap niya si Lina ng may limitadong ingles. “Ang kompanya niyo ba, ang thompson Group, ay meron isang unpro
Baca selengkapnya

Kabanata 1208

Pagpapatuloy ni Lina. “Kung wala ang mga patakaran, walang kaayusan. Maging bansa man ito o kumpanya, ang lahat ay dapat nauunawaan ang bagay na ito!”“Ang pagpunta mo dito sa construction site habang nakasuot ng ganyan ay nag-iwan ng isang masamang imahe kay Mr. Sa, at lubha nitong nadungisan ang imahe ng kumpanya! Kaya tama at makatwiran lang na tanggaling ka!”“Nagsalita na si Ms. Jenner, kaya ano pang hinihintay mo?” Gatong ni Abigail, saka nilingon ang mga bodyguards. “Palayasin niyo ang taong to dito! Hoy, isa itong film studio construction site. Baka may mga commercial secrets dito! Bakit natin hahayaan na may mga taga-labas na makita ito?”Ilang mga bodyguards ang lumapit at kaagad na sinama si Gia palabas ng construction site habang nagwawala at nagsisisigaw ito, at pinag babanggit pa nga si Jacob. Ayos lang sana kung hindi nabanggit si Jacob, ngunit nung nabanggit ang pangalan nito, nagpanting ang tenga ni Abigail!“Sa tingin mo ba talaga ay walang muwang si Jacob!?” T
Baca selengkapnya

Kabanata 1209

Nung nakita ni Gia na duguan si Tobias, nabalot siya ng takot, na naging dahilan para mapaupo siya sa lapag at dumausdos sa sahig. “Talaga bang… Talaga bang nasugatan ka!?”Sigaw ni tobias, habang hawak ang kanyang ulo, “Dalian mo at tumawag ka ng ambulansya at dalhin mo ko sa ospital!”Nagulantang sandali si Gia. nang natumba naman si Tobias sa may labasan, bigla siyang nagmadali at humarang sa may pintuan. “Anong ginagawa mo!?” Bumilis ang tibok ng puso ni Tobias, at nahirapan siyang magsalita. “G-Gia…”“Pwede kitang dalhin sa ospital, pero i-pangako mo sa akin… I-pangako mo na hindi ka magsusumbong sa mga pulis!”Nagulat si Tobias. Ang dugo sa kanyang ulo ay patuloy sa pagdaloy, at kapag hindi iuto napigilan kaagad, baka hindi na siya sikatan ng araw!”Ngunit ang suhestiyon ni Gia na huwag isumbong sa pulis ay isang kabaliwan sa mga sandaling iyon. “Sige, sige, hindi ako magsusumbong sa pulis!” Galit na sinabi ni Tobias. “Basta dalhin mo na ako sa ospital! Bwisit…”-Si
Baca selengkapnya

Kabanata 1210

”Parang may mali,” sabi ni nars, tiningnan mula ulo hanggang paa si Gia. “Wala akong narinig na may anak na babae ang pasyente, at siya mismo ang nagsabi na wala siyang anak.”“Ako—”“Pakiusap at huwag mo kaming istorbohin sa aming trabaho dito,” antala ng nars, at nilagpasan si Gia. “Kailangan kong paklitan ang gamot ng iba pang mga pasyente.”Nang maramdam na parang may mali, tumayo si Gia sa harapan ng nurse station. Sinunggaban niya ang pagkakataon nung nabakante ang lugar at palihim na binuklat ang pahina ng mga records ng pasyente. Ang tanging nagawa lang niya ay masilip ang salitang “breast cancer” bago siya may narinig na yapak ng mga paa. Mabilis siyang lumingon sa tabi at nagmamadaling bumaba para lang makita si Linda na nakatayo sa may bukana ng ospital, na mukhang naghihintay sa driver.Sinundan siya ni Gia at magalang na binati ito, inayos ang kanyang ekspresyon sa isang maayos na ngiti. “Kamusta, Mrs. Thompson.”Mukhang nagulat si Linda dahil dito, naramdaman na pa
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
117118119120121122
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status