Tumingin si Linda sa anak niya, pinigilan ang paghinga niya sa kaba, at halos bumulong, “Anong… Anong tinawag mo sa'min?”“Sinusubukan niyo ko, ha?” Pinigilan ni Lina ang mga luha niya dahil gusto niyang pagaanin ang nakakaiyak na ere. Ngumiti siya at nagsabing, “Syempre, mama at papa! Mama, di naman siguro isang taon pa rin ang tingin mo sa'kin, di ba?”Natulala si Linda bago biglang tumulo ang mga luha sa mukha niya. “P-Pwede mo ba kong tawagin niyan nang isa pang beses?”Humikbi si Lina nang tinawag niya siya, “Mama.”“Gusto ko ulit marinig…”“Mama!”Iniunat ni Linda ang mga braso niya at niyakap nang mahigpit ang anak niya habang humahagulgol ng iyak. Naiiyak din si Nicholas, pinigilan ang mga luha niya, at lumapit para yakapin ang asawa at anak niya. “Sige, wag ka nang umiyak.” Ngumiti siya kahit na naluluha. “Isa tong masayang sandali! Tatawagin na tayong mama at papa ni Lina mula ngayon… Maririnig natin to araw-araw!”Luhaang nagtanong si Linda, “Nicholas, masyadong
Last Updated : 2024-05-11 Read more