Sa sumunod na gabi, sa welcoming party sa Splendor Hotel, na pagmamay-ari ng Hamerton Group, ay nagsimula sa tamang oras. Ang natatanging disenyo ng midsummer night party ay ginamit ang indoor at outdoor na venue. Ang buong hotel ay napuno ng matingkad na mga ilaw, na para bang mga malaking perlas sa gabi. Ang mga panauhin na dumalo ay mga prominenteng tao mula sa iba’t ibang larangan, kilala sa kanilang yaman o impluwensya. Sa kabila ng lahat, namumukod tangi si Abigail dahil sa pinakita ng Thompson Group ang importansya na hawak niya. Si Lina, na nakasuot ng mapusyaw na pink haute couture na dress na may suot na perlas na kwintas sa kanyang leeg, ay napakaelegante habang walang hirap na nakisalamuha sa mga tao, at hindi nagpakita ng anumang senyales ng pag-aalinlangan. Ang mga bisita ay nagbulungan, pinupuri kung paano kinatawan ni Lina ang mga magandang katangian nila Nicholas at Linda.Nanatili si Abigail sa tabi ni Lina, inaalala na baka mapasobra siya ng inom, at tinangg
Pagkatapos ng party, kaagad na inutusan ni Lina si Renee na kunin ang lahat ng impormasyon ni Gia pinadala ito kay Abigail. Si Renee, na medyo lasing at nagsimula nang umasta na kagaya ni Toph, ay tumipa sa keyboard habang nagpapanggap na inosente ng may maluha-luha na mga mata. “Hala siya, Lina! Balak mo ba na si Abigail ang bahala sa kanya?”“Insan, napakabait mo naman palagi!”“Masyado naman atang malupit ang balak mo!”Nabigla si Lina at hindi mapigilan na napangiwi na para bang iiyak na ito. Nang makatapos magsalita si Renee, mautak niyang pinindot ang Send button, na may malokong ngiti sa kanyang mga labi. “Insan, sa tingin mo, ano kaya ang gagawin ni Abigail sa kanya?”Tumawa ng malakas si Lina at ginaya ang tono ni Renee. “Renee, nagiging maloko ka na rin! Hindi naman “bahala sa kanya”. Kailangan lang ni Abigail ng isang assistant!”Ang dalawang magpinsan ay hindi na kinaya na pigilan pa ang kanila g tawa at nagyakapan, habang malakas na tumatawa.Sumunod na araw, g
Hindi tinanggap ng maayos ni Jackie si Gia sa unang araw nito. Kahit na ang assistant na nagkamali ay may karapatan an utusan siya. Habang naghihintay si Abigail sa may lokasyon ng filming, si Gia ay may hawak na payong para sa kanya. Ang oras ng katirikan ng araw ay napakainit at nakakaasiwa. Kapag gumalaw lang ng konti ang payong, kaagad na nakasermon si Jackie, “Anong ginagawa mo?! Kapag ganyan ang hawak mo sa payong, masa-sunburn si Abigail! Kapag ang mahal kong baby ay nangitim at nawala sa kanya ang kanyang sunscreen endorsement deal, kaya mo ba siyang bayarana ng ilang milyong dolyar na nawala sa kanya!?” Walang nagawa si Gia kung hindi tiisin na lang ito at pinagpatuloy na protektahan si Abigail sa ilalim ng payong habang nakabilad sa matinding sikat ng araw. Huli niyang naranasan ang ganitong katinding init ay noon sa Southeast Asiatic nung nabigo siyang makapasok sa palasyo. Ang parehong pangyayari an ito ay marahil konektado kay Lina…Kinagat ni Gia ang kanyang labi,
Nanatiling gulantang si Abigail sandali ngunit di kalaunan ay ngumiti at sinagot, “Hehe, ang pagkakataon nga naman… nagkataon lang.”Nagsimulang pagpawisan ang ilong ni Jacob. Nakatayo siya habang nakaupo si Abigail at kumuha ng piraso ng cheesecake at marahan itong sinubo, at unti-unting itong ninamnam.Lumakas ang tibok ng kanyang puso, at pakiramdam niya ay para bang nakita niya ang kagandahan ng mundo sa isang iglap. Ngumiti na lang siya bigla, di alintana ang galit na titig ni Gia. "Jacob!"“Ano?” Nagising si Jacob mula sa malalim niyang iniisip. “May… May kailangan ka ba?”Namutla sa galit si Gia. Malapit na sana siyang magwala ngunit napansin niya ang nagbabantang mga tingin sa kanyang ni Jackie. Umatras siya at masunurin na hinawakan ang payong mula sa likuran. Ang payong sapat ang laki para mapayungan sila Abigail at Jacob. Sa paghawak niya dito para sa kanila, nagmukha tuloy si Gia na katulong nila!Natawa na lang si Jackie sa may tabi bago tumayo ng maayos at inayos
”Kailangan mo magsuot ng nababagay na kasuotan, nauunawaan mo?” binigyang-diin ni Abigail ang salitang ‘nababagay’.Masayang tumawa si Gia, naisip niya ang kanyang sarili na nakikipag-toast at nakikisalamuha sa event, kasama ang mga lalaking sinusuyo siya habang may suot na magandang damit. Lingid sa kanyang kaalaman na ang ibig sabihin ng ‘nababagay’ ay naiiba sa ibig sabihin ni Abigail.-Makalipas ang dalawang araw.Nagtungo si Gia kung saan gaganapin ang event na may suot na strapless fishtail gown at magarbong makeup. Naglabas siya ng salamin sa may loob ng taksi para hangaan ang kanyang itsura, at lalo naging kampante habang tumatagal siyang nakatingin sa kanyang sarili. Ang dress ay isang limited edition mula sa isang top international brand at halos maubos ang inipon niyang pera. Subalit, ayos lang para sa kanya. Makokontento na siya kung makukuha niya ang atensyon ng lahat sa event, lalo na ang mahigitan si Lina. “Miss, andito na tayo.” Ang walang emosyon na boses ng
Hindi alam ni Gia kung ano ang sasabihin niya. Totoo na walang sinabi si Abigail kung ano ang eksaktong uri ng event ang dadaluhan nila kasama si Mr. Sam, at inakala ni Gia na isa itong piging. Ginastos pa nga niya ang halos lahat ng naipon niya para lang sa dress niya! Pasarkastikong panunukso ni Abigail, “Ha! Ms. Chapman, hindi ang pag-unawa mo ang problema, pero sa halip…”Tinuro ni Abigail ang dibdib ni Gia. “Kung paano ka mag-isip ang problema! Talaga bang inaakala mo na masasapawan mo ang lahat kapag nagsuot ka ng ganyan nung inimbitahan kita sa event ngayong araw na to?”Namutla ang mukha ni Gia, at nanginig siya habang nakahawak siya ng mahigpit sa laylayan ng kanyang dress. Samantala, si Sam, nasa nasa malapit, ay nasaksihan ang eksenang iyon at napailing na lang habang nakasimangot. “Ms. Jenner, pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari dito?” Kinausap niya si Lina ng may limitadong ingles. “Ang kompanya niyo ba, ang thompson Group, ay meron isang unpro
Pagpapatuloy ni Lina. “Kung wala ang mga patakaran, walang kaayusan. Maging bansa man ito o kumpanya, ang lahat ay dapat nauunawaan ang bagay na ito!”“Ang pagpunta mo dito sa construction site habang nakasuot ng ganyan ay nag-iwan ng isang masamang imahe kay Mr. Sa, at lubha nitong nadungisan ang imahe ng kumpanya! Kaya tama at makatwiran lang na tanggaling ka!”“Nagsalita na si Ms. Jenner, kaya ano pang hinihintay mo?” Gatong ni Abigail, saka nilingon ang mga bodyguards. “Palayasin niyo ang taong to dito! Hoy, isa itong film studio construction site. Baka may mga commercial secrets dito! Bakit natin hahayaan na may mga taga-labas na makita ito?”Ilang mga bodyguards ang lumapit at kaagad na sinama si Gia palabas ng construction site habang nagwawala at nagsisisigaw ito, at pinag babanggit pa nga si Jacob. Ayos lang sana kung hindi nabanggit si Jacob, ngunit nung nabanggit ang pangalan nito, nagpanting ang tenga ni Abigail!“Sa tingin mo ba talaga ay walang muwang si Jacob!?” T
Nung nakita ni Gia na duguan si Tobias, nabalot siya ng takot, na naging dahilan para mapaupo siya sa lapag at dumausdos sa sahig. “Talaga bang… Talaga bang nasugatan ka!?”Sigaw ni tobias, habang hawak ang kanyang ulo, “Dalian mo at tumawag ka ng ambulansya at dalhin mo ko sa ospital!”Nagulantang sandali si Gia. nang natumba naman si Tobias sa may labasan, bigla siyang nagmadali at humarang sa may pintuan. “Anong ginagawa mo!?” Bumilis ang tibok ng puso ni Tobias, at nahirapan siyang magsalita. “G-Gia…”“Pwede kitang dalhin sa ospital, pero i-pangako mo sa akin… I-pangako mo na hindi ka magsusumbong sa mga pulis!”Nagulat si Tobias. Ang dugo sa kanyang ulo ay patuloy sa pagdaloy, at kapag hindi iuto napigilan kaagad, baka hindi na siya sikatan ng araw!”Ngunit ang suhestiyon ni Gia na huwag isumbong sa pulis ay isang kabaliwan sa mga sandaling iyon. “Sige, sige, hindi ako magsusumbong sa pulis!” Galit na sinabi ni Tobias. “Basta dalhin mo na ako sa ospital! Bwisit…”-Si
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala