Semua Bab Married a Secret Billionaire: Bab 1011 - Bab 1020

1219 Bab

Kabanata 1011

Hinangaan ni Lina ang mga painting sa phone ni Zuko, lalo na ang matingkad na kulay at makakapal na guhit ng painting ng alitaptap. Pinahayag niya ang paghanga niya at gusto niyang makita ang obrang ito nang personal. Tumawa si Zuko. Kahit na hindi kilalang pintor ang lola ni Zuko, gumawa siya ng pangalan para sa sarili niya sa loob ng artistic circles. Ang painting niyang The Fireflies’ Light ay nakalikom ng tumataginting na $30,000,000 sa isang auction sa Centrolis dalawang dekada ang nakaraan. Kilala ang reputasyon niya sa mga nasa loob ng industriya ngunit hindi masyado sa mga nasa labas ng mundo ng sining. Habang nakatira sa Southeast Aciatic at hindi nagpapapansin sa mga tao, si Xyla, ang lola ni Zuko, ay may limitadong presensya sa internet, kaya mahirap kumalat ang mga obra niya maliban na lang kung titignan ito sa mga eksklusibong platform na nangangailangan ng VIP accounts. Kung kaya't ang pagpapakita sa obra ng lola niya ay napatunayan. bilang pinakamagandang paraan sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-25
Baca selengkapnya

Kabanata 1012

Binuhos ni Lina ang buong gabi sa pagkopya sa The Fireflies' Light. Pagkatapos nitong matuyo, dinala niya ito sa university at nilagay ito sa studio nang may paghanga. Diniin ng lecturer ang kahalagahan ng pagsali sa art exhibition sa gitna ng lecture. “Ang pagsali sa art exhibition ay hindi lang tungkol sa pagpapakita niyo ng talento. Isa itong pagkakataon para paghusayin ang kakayahan niyo at itulak kayo lampas sa limitasyon niyo. At sasabihin ko sa inyo, palaging naghahanap ng nakamamanghang piyesa ang mga prestihiyosong unibersidad sa ibang bansa. Pwedeng mapili ang artwork niyo, na magdadala ng scholarships at pagbabago sa buhay niyo.”…Nang nakangisi, palihim na sinundan ni Lina si Violet pagkatapos ng klase. Kagaya ng inaasahan, nagpunta si Violet sa studio. Pagkatapos maingat na tumingin sa paligid, pumasok si Violet at nilabas ang phone niya para kumuha ng maraming larawan ng The Fireflies' Light.Hindi nagtagal, nagmadaling umalis si Violet. Samantala, kumuha ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-26
Baca selengkapnya

Kabanata 1013

Nanginig ang mga kamay ni Gia habang tinawagan niya ang numero. Sa sandaling kumonekta ang tawag, napuno siya ng takot. “Hello?”“Hay naku, Ms. Gia.” May sarkasmo sa boses ng lalaki. “Mukhang mahilig kang mamili kamakailan!”Namutla ang mukha ni Gia. Alam niya dapat na ang credit cards na binigay sa kanya ay may mga nakasabit na talo. Binabantayan nila ang gastos niya sa umpisa pa lang!“Oo nga, bumili man ako ng ilang limited edition na bag, ilang Cece suits, at ilang magandang cosmetics… Ano naman? Hindi ba ko nararapat para sa mga yun?”“Sa tingin ko di lang yun ang binili mo…” Narinig ni Gia ang tunog ng papel na nililipat sa kabilang linya. “Ayon sa mga resibong ito, bumili ka rin ng luxury car!”“Ayaw kong mag-commute at sumakay ng tren papunta sa university kagaya ng iba. Mas gusto kong bumiyahe nang komportable. Anong problema roon?” sagot ni Gia. Nanatiling tahimik ang ngiti ng lalaki. “N-Nararapat ako sa lahat ng to!” Nanginig ang boses ni Gia. “Kung di ko nakuha a
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-26
Baca selengkapnya

Kabanata 1014

Hindi napigilang matawa ng mga nagtipong university students habang nagbubulungan sa eksena. Ngumiti si Lina at sinenyasan si Gia na umupo habang nagpatuloy silang kumain nang kalmado. Namula at namutla ang mukha ni Violet habang nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Gusto niyang sumagot, ngunit kulang siya sa karanasan. Wala siyang nagawa kundi ituro si Lina nang matagal bago bumulong, “Ikaw…”Ang ilang mayayamang estudyanteng may ayaw sa mapagpanggap at aroganteng ugali ni Violet ay kumampi ngayon kay Lina at minaliit si Violet nang tahasan. “Violet, totoo ang sinabi ni Lina. Bakit sobra kang nagagalit?”“Tama. Hindi pumupunta sa cafeteria ang prinsesa. Isang pambihirang eksenang makita siya rito. Kaya pala tinatrato ka nilang parang alaga!”“Hahaha… Tigilan mo yan, baka bigyan ka rin nila ng dog food!”Sa gitna ng tawanan nila, umalis ang mga taong iyon. Ilang beses na huminga nang malalim si Violet bago nilapitan sila Lina at nag-iwan ng huling insulto. “Umayos ka. Hind
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-26
Baca selengkapnya

Kabanata 1015

Naging seryoso ang ekspresyon ni Gia habang sinabi niya ang mga salitang ito. Nabigla si Lina. Naramdaman niyang may lihim na kahulugan sa likod ng pahayag ni Gia. Nang inisip niya ang kakaibang kinikilos ni Gia kamakailan, nagsimula siyang magdudang mayroong mas kumplikadong gumugulo sa kaibigan niya. Gayunpaman, hindi niya maintindihan ang kabuuan ng problema. Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, iniabot ni Lina ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Gia, sabay simpleng nagbitaw ng mabigat na mensahe. “Hindi ako naniniwalang gagawin mo sa'kin ang ganitong bagay.”Nagulat si Gia sa sagot ni Lina. Marahang ngumiti si Lina. “Kung talagang may ginawa kang masama, sana magpigil ka hanggang sa malaman ko. Pakiusap, wag mong iparanas sa'kin ang sakit ng ganitong pagtataksil… Siguro sa ganun, maililigtas pa natin ang pagkakaibigan natin.”Dinilaan ni Gia ang mga labi niya nang may seryosong ekspresyon. Kuminang na parang kristal ang dalisay at tapat na ngiti ni Lina na ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-27
Baca selengkapnya

Kabanata 1016

Dumating ang sumunod na araw, ang araw ng pagpapasa ng gawa nilang sining. Dala ng lahat ng estudyanteng gustong sumali sa art exhibition ang mga painting nila para sa preliminary ng mga judges at offical review bago ito ipasa sa organizing committee para sa final review. Ang nakakagulat, nahuling dumating si Lina na palaging aktibo sa mga okasyon sa university. Nang nakarating siya sa pintuan ng klase, pinigilan siya ng isa niyang kapwa estudyante. "Lina..."“Anong problema?” tanong ni Lina. Nakita ng babaeng ito, na kilala sa katapatan niya, ang painting ni Lina, Ang Fireflies' Light. Sinadya itong ipinakita ni Lina sa kanya. “Lina, dala mo ba ang painting mo?”“Syempre!” Nagpanggap si Lina na walang kaalam-alam. “Ito ang ipapasa ko!”“Pero….” Tumuro ang babae sa classroom. Tumingin si Lina sa loob at nakita niya ang lahat na nagtipon sa paligid ni Violet. Puno siya ng pagmamalaki habang pinapaliwanag ang “sarili niyang gawa”.“Naisip ko ang ideya ng mga alitaptap pag
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-27
Baca selengkapnya

Kabanata 1017

“Sa totoo lang, maganda ang painting na'to. Mataas ang tiyansang ito ang mananalo. Mukhang walang tyansang makuha ni Lina ang premyo.” Mahinang hinila ni Keira ang kamay ni Lina para bigyan siya ng suporta. Ngumiti si Lina sa kanya at umiling para ipakitang ayos lang siya. Totoong ayos lang siya. Ang totoo, gusto niyang ipakita ni Violet ang painting sa mundo. “Anong problema? Wala ka na bang masabi?” pang-iinis ni Violet. “Ha, Lina, kinopya ko ang gawa mo. Nagustuhan mo ba? Haharapin mo ba ako at ibibisto?”Kalmado lang siyang tinignan ni Lina. Pinili niyang hindi sumagot. Tumingin si Violet sa phone niya nang may masiglang ngiti sa mukha niya. “Naipasa na sa mga judge ang painting ko… at lahat ng yun ay dahil sa'yo, Lina! Kapag nanalo ako, ililibre kita ng masarap na pagkain. Gusto mo ba ng dog food?” Pang-aasar ni Violet. “Salamat sa alok mo, pero di ko kailangan ng limos mo.” Sagot ni Lina nang walang emosyon. “Sa'yo na yang dog food mo. Lalo na't mukhang malakas kan
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-27
Baca selengkapnya

Kabanata 1018

“Pero…” Lumakas ang pagdududa ni Lina. “Paano mo nakilala ang ganito kagaling na artist? Paano mo nalaman ang iniisip niya?”Nabigla si Zuko sa mga tanong niya. Nagmadali ang utak niya para makahanap ng posibleng palusot. Bigla na lang, naalala niyaa ng kwento ng kapatid niya tungkol sa kwento ng pagmamahalan ng mga magulang nila noong kabataan nila. Kahit na hindi niya ito masyadong alam, nagdagdag ang kapatid niya ng ilang detalye para gawin itong mas nakakatawag ng interes. Ayon sa kapatid niya, itinago rin ng tatay nila ang tunay niyang pagkatao para lokohin ang nanay nila. Narinig niyang muntik nang nabunyag ng nanay niya ang mga kasinungalingan ng tatay niya nang ilang beses, pero palagi siyang nakakagawa ng palusot.Narinig niya nga…Pero anong sinabi ng tatay nila para makalusot?Kinamot ni Zuko ang tungki ng ilong niya nang kinakabahan. Habang lalo siyang kinakabahan, mas lalo siyang nahihirapang mag-isip ng palusot, lalo na sa harap ng malinaw at matalas na mga mata
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-28
Baca selengkapnya

Kabanata 1019

“Naku, Zeke!” Nadurog ang puso ni Melissa habang nanood siya. Sumigaw siya, “Hindi libre ang mantika, alam mo ba yun!?”Gayunpaman, tinitigan siya ni Zuko nang may mukhang walang ekspresyon. “Dali!” Pinalo niya ang likod niya. “Ibuhos mo ang mantika mula sa kawali papunta sa mangkok…”Nang para bang nakatulala, hawak ni Zuko ang kawala sa isang kamay at ang mangkok naman sa kabila nang hindi sigurado kung anong gagawin.“Diyos ko! Layas!” Inagaw ni Melissa ang mangkok at kawali. “Kapag nagpatuloy to, baka mawalan ako ng kusina…”Nang parang isang puppet, pinalayas si Zuko ni Melissa sa kusina. Umalingawngaw ang boses niya sa isipan niya. Bigla niyang sabi, “Tita, totoo ba sa loob mo ang sabi mo?” Nanlaki ang mga mata ni Melissa. “Ano bang sinabi ko?”“Palitan ang pekeng marriage certificate namin ng tunay…”“Sige, sige, sige na!” Kahit na nanatili pa rin ang galit sa mukha ni Melissa, may ngiti sa gilid ng labi niya. “Pero bayaran mo muna ako para sa olive oil!”Sinara n
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-28
Baca selengkapnya

Kabanata 1020

Sa nagdaang ilang araw, parang dagang tumatawid sa kalsada si Violet—kahit saan siya magpunta, kinukutya siya ng mga tao. Pumunta siya sa university nang walang kahiya-hiya ngunit kailangan niyang balutin ang sarili niya at di siya makilala mula ulo hanggang paa. Sa kabila nito, patuloy na narinig ng tainga niya ang mga nangungutyang boses. Naintindihan na ngayon ng mga tao sa klase na plano ito ni Lina laban sa kanya. Gusto niya silang tumestigo—”Si Lina ang naunang kumopya ng obra ni Xyla Irwin, hindi ako!”“Violet, wag ka nang magsayang ng laway!” Si Keira ang naunang sumagot sa kanya. “Kung hindi dahil sa masamang intensyon mo at inisip mong kopyahin ang gawa ni Lina, hindi sana to mangyayari!” “Mismo…” Singit ng isa. “At saka, sa'yo ang painting na pinasa para sa review, hindi kay Lina! Baka nangopya lang si Lina kasi masaya?”“Nakita naming lahat kung paano madalas inaapi ni Ms. Grist si Lina. Hah… karma yan!”“Ikaw!” Galit na sumigaw si Violet. Mag-isa siya at walang su
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-03-28
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
100101102103104
...
122
DMCA.com Protection Status