Home / Romance / Art of Destiny / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Art of Destiny: Chapter 41 - Chapter 50

116 Chapters

Art of Destiny XL

TAHAN na! Jino will be fine, I believe." Malayo pa ay narinig na niya ang mga salitang iyon mula sa asawa ni Arianne na si Jake. Yakap nito ang asawa at patuloy na hinahaplos ang likod na para bang binibigyan ito ng comfort. Sa kaniyang pagtataka ay agad siyang nangusisa siya sa katulong ng mansiyon na matagal nang naninilbihan sa pamilyang ito. "Ano'ng nangyayari?" nagtataka at kunot ang noong tanong niya sa katulong na nagbabakasakaling may makuhang sagot. Mahigpit na umiling ang kausap. "Hindi ko din po alam Ma'am. Ang alam ko lang po ay may problema ang pamilya tungkol kay Jino." Bigla ay nakaramdam siya ng pagkabahala nang marinig ang pangalan ni Jino. Sari-saring negatibong bagay din ang biglang nagsalimbayan sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon. 'Ano kaya ang nangyari sa pamangkin niya?' isang tanong na pumurma sa isipan n Parang iba kasi sa pandinig nya ang pag-alo ng asawa nito. It sounds terrible what happened to her nephew. "Sige, kung hindi mo masamain ay
last updateLast Updated : 2024-06-08
Read more

Art of Destiny XLI

HINGAL na hingal na si Naikkah sa ginawang paghila sa katawang na lalaking mas lalong bumigat dahil sa basang-basa ito sa tubig papuntang pampang. Noon niya narealized na kaya pala nagpapakita sa kaniya si Jino ay dahil pala sa lalaking ito na iyon nga ay naabutan niyang palutang-lutang sa pampang. Sa pamamagitan ng sariling lakas ay sinikap niyang hilahin ang katawan ng naturang lalaki upang dalhin sa pampang. Medyo malalim pa kasi sa bandang iyon kaya sinikap niyang hilahin ito sa mas mababaw malapit sa pampang. Gustuhin niya sanang sumigaw upang humingi ng saklolo at upang tulungan na din siya sa paghila rito subalit naisip niyang walang posibleng tao ang naroon malapit sa kaniyang lokasyon. Isolated ang nasabing lugar at halos madalang ang mga taga isla ang nagagawi roon. Ewan lang ba at kung bakit siya ay napadpad sa bahaging iyon ng mangroves area nang walang nararamdamang anuman kahit panganib. Hirap na hirap man ay sinikap niyang muling hilahin ang lalaki. Naging dahila
last updateLast Updated : 2024-06-09
Read more

Art of Destiny XLII

LIHIM siyang napangiti nang muli namang maalala iyon kahit pa para na naman siyang niyakap ng isang malamig na hangin. Ang lamig din na ibinibigay ng tubig sa kaniyang katawan habang patuloy na hinihila ang mabigat at basang katawan ng estrangherong ito ay mas lalong nanuot sa buo niyang kalamnan. Sinubukan niyang sulyapan ang nasa unahan. Sandali na lamang at makakaahon na sila pareho sa malamig na tubig na ito. Ilang pagsisikap na lang ay nasa tabing dagat na sila. Noon sumagi sa isip niya ang kondisyon ng naturang lalaki. Kanina ay sinubukan niya ito pulsuhan kung humihinga pa at doon nga ay natiyak niya na buhay pa ito kaya mabilis niyang hinila. Hindi niya maintindihan kung anong mahika ang biglang lumukob sa kaniya nang makita ang katawan nitong palutang-lutang. Instant na binigyan siya ng command sa isip na kumilos kaya naman patakbo pa niyang nilangoy ang nasabing nilalang para tiyakin kung humihinga pa at para mailigtas sa pagkalunod. Hindi naman siya nakapag-aral ng nursin
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more

Art of Destiny XLIII

Marahang napalingon si Jino matapos marinig ang isang pagtawag sa kaniyang pangalan.Boses iyon ng kaniyang asawa. Tiyak na hinahanap na naman nito siya gaya ng karaniwan nang nangyayari.Napakamot sa ulong tumayo siya at bitbit ang isang tasang pinagkapihan niya kanina.Noon ay ubos na ang hinihithit niyang sigarilyo.Agad na niyang sinalubong ang asawa na parang 'di maipinta ang mukha. Namamawis ito at halatang pagod na pagod sa kakalakad."Bakit? Anong problema?" nag-aalalang tanong niya rito sabay hapit sa sexy nitong beywang.Matulis ang ngusong nagreklamo na naman ito. "Kanina pa kita hinanap!" anitong naging isip bata. "Napagod tuloy ako." reklamo pa nito na kitang-kita ang mga namumuong pawis sa noo at leeg.Pagak siyang tumawa na kaagad niya ding pinigilan dahil nangasim ang hitsura nito bigla."Langhiya ka!" anito sa kaniya sabay hampas sa braso niya. Nagsalubong din ang mga kilay nito. Indikasyon na galit na ito ngayon. "Nakuha mo pa talagang tumawa ha? Sa lagay ko ngayon
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more

Art of Destiny XLIV

Arianne!"Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Jake nang maabutan ang asawa na noon ay binalak na saktan ang sarili sa pamamagitan ng paghiwa ng sariling braso gamit ang isang matalim na kutsilyo. Kagagaling lang niya noon sa opisina at noon ay mag-aalas singko pa lamang ng hapon. Wala pa noon si Kayla Reece dahil tiyak niyang nasa school pa ito ng mga oras na iyon. Wala din ang kanilang Inay Leah dahil busy din ito sa isang Fitness Program na ito ang namamahala. Sa edad ng agwela ay hindi niya maisip na magtuturo pa din ito ng zumba sa mga gustong matuto ng ganitong sayaw. Wala naman siyang naging pagtutol dahil sa mga edad nito ay isang bagay na makakabuti rito ang mga ganoong bagay. Ang panatilihing malus0g at malakas ang pangangatawan sa kabila ng edad nito ay isang maituturing na healthy lifestyle at higit pa roon ay makakatulong ng husto upang labanan ang mga sakit na kakambal ng pagtanda."Arianne, throw that knife away!" Muling sigaw niya upang awatin muli ang asawa dahil bi
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more

Art of Destiny XLV

MAHIMBING ang tulog ni Jino nang gabing iyon liban kay Naikkah na nanatiling nakatagilid ng higa sa kama nila bilang mag-asawa. Itinukod niya ang kaniyang kaliwang siko upang itaas ang kaniyang ulo habang ang kaniyang kanang kamay naman ay nakadantay sa dibdib ng asawa. Hindi niya alam kung bakit pero kanina pa siya hindi dinadalaw ng antok. Ang kaniyang asawa naman ay mapayapa nang nakatulog kanina pa. Lihim na lamang niyang pinagmasdan ang natutulog na asawa na noon ay walang pang-itaas na damit. Ugali na ito ni Jino tuwing gabi dahil sa sobrang init ng kuwarto nila tuwing gabi. Hindi uso ang kuryente sa kanila dahil malayo sila sa bayan at tanging generator set lamang ang nagbibigay ng elektrisidad sa kanilang Isla. Malas nga lang at wala silang kakayanang bumili ng ganoong bagay kaya naman nasanay na silang nagtitiis sa lampara at kandila tuwing gabi. Tanging mga ilaw ngmga bangkang pampasahero lang ang nagpapatingkad ng Isla tuwing sasapit na ang gabi. Ang iba naman ay mapa
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more

Art of Destiny XLVI

MALALIM ang iniisip ni Naikkah ng mga sandaling iyon habang ang mga mata ay nakapako sa larawan nilang ni Jino. Wala noon ang kaniyang asawa dahil sumama ito kina Itay at Inay niya sa palengke. Naiwan siya sa bahay nang mag-isa at sinumpong ng boring kaya napaginitan niyang magpunas -punas habang hinihintay ang pagdating ng mga ito. Maaga pa kanina umalis ang tatlo at katulad ng karaniwang routine, mga alas diyes ay maaring nasa bahay na ang mga ito depende kung mabenta ang mga nahuli nilang isda. Ang mga kapatid naman niyang sina Tobby Rob at Zeneliah ay pumasok na sa school kaya mag-isa na lang talaga siya sa bahay na iyon. Hindi naman siya natatakot, sadyang bored lang talaga kapag walang kausap kaya naman ay napagdiskitahan niya ang mga inaalikabok ng mga gamit sa loob ng kanilang bahay. Nasa paglilinis siya ng mga kagamitan nang masagi ng paningin niya ang litrato nila na magkasama bilang asawa kahit pa sabihing wala namang naganap na kasalan sa pagitan nilang dalawa ni J
last updateLast Updated : 2024-06-22
Read more

Art of Destiny XLVII

MULA sa itaas na veranda ng malawak na mansion Del Valle ay nakadungaw ang isang malungkot na si Rose Mary. Makikita sa mga mata niya ang nakaguhit na kapanglawan at walang makapagsasabi kung ano ang bagay na gumugulo sa kaniya maliban sa siya lamang ang nakakaalam. It's been three years. Tatlong taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita kay Jino. Kung nasaan at ano na ang nangyari rito ay wala pa ring may alam. Nanatiling sirado ang kaso ng pagkawala ni Jino lalo na sa pamilya Domingo. 'It's been a long time ago, but still... i learned to wait for you to come. I pray that one day, I will see you again with my own eyes and my heart beating faster while you are coming closer... and kissing me again. ' Piping dalangin ng kaniyang puso na siyang pagbagsak na naman muli ng malamig na butil ng tubig. 'Would you please come back to me? I will wait for you here.' Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa mga pa
last updateLast Updated : 2024-06-23
Read more

Art of Destiny XLVIII

MULA sa itaas na veranda ng malawak na mansion Del Valle ay nakadungaw ang isang malungkot na si Rose Mary. Makikita sa mga mata niya ang nakaguhit na kapanglawan at walang makapagsasabi kung ano ang bagay na gumugulo sa kaniya maliban sa siya lamang ang nakakaalam.It's been three years. Tatlong taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita kay Jino. Kung nasaan at ano na ang nangyari rito ay wala pa ring may alam. Nanatiling sirado ang kaso ng pagkawala ni Jino lalo na sa pamilya Domingo. 'It's been a long time ago, but still... i learned to wait for you to come. I pray that one day, I will see you again with my own eyes and my heart beating faster. ' Piping dalangin ng kaniyang puso na siyang pagbagsak na naman muli ng malamig na butil ng tubig. 'Would you please come back to me? I will wait for you here.'Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa mga panahong iyon ay hindi pa din siya nawawalan ng pag-asang
last updateLast Updated : 2024-06-23
Read more

Art of Destiny XLX

"ALAM niyo ba, nang lumuwas ako ng bayan ay nakita ko sa mga nakapaskil na missing sa mga kanto ang mukha ni Jino. Kamukhang-kamukha talaga ng asawa ni Naikkah ang nasa litrato."Tinig iyon ni Marisol na kahit mahina ay dinig na dinig ni Naikkah. Nasa tabing dagat sila ng mga oras na iyon at sinasalubong ang mga mangingisdang kakarating lamang buhat sa laot ng umaga ding iyon. "Ku, eh baka naman nagkakamali ka naman ng pagkakakita." supalpal naman ni ALing Roda sa mga pinagtatalak ng ginang. "Naalala ko pa din ang sinabi mo noon. Iyon bang sabi mo nawawalang asawa ni Carding ay nakita mong nagtatrabaho sa bayan. Nang puntahan ni Carding ang sinsabi mo, Hindi naman pala totoo. May kapal ka ba ng mukha na magsalita ng ganyan?" Natameme ang babae sa sagot ng kausap. Nakaraan lang kasi ang nawawala ang asawa ni Mang Carding at ang hinala ay may kinatagpo ito sa bayan at doon na nagtatrabaho. Kalaunan ay natuklasan na kamukha lang iyon ni Aling Serna, dahil ang totoo ay matagal nang nama
last updateLast Updated : 2024-06-23
Read more
PREV
1
...
34567
...
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status