Marahang napalingon si Jino matapos marinig ang isang pagtawag sa kaniyang pangalan.Boses iyon ng kaniyang asawa. Tiyak na hinahanap na naman nito siya gaya ng karaniwan nang nangyayari.Napakamot sa ulong tumayo siya at bitbit ang isang tasang pinagkapihan niya kanina.Noon ay ubos na ang hinihithit niyang sigarilyo.Agad na niyang sinalubong ang asawa na parang 'di maipinta ang mukha. Namamawis ito at halatang pagod na pagod sa kakalakad."Bakit? Anong problema?" nag-aalalang tanong niya rito sabay hapit sa sexy nitong beywang.Matulis ang ngusong nagreklamo na naman ito. "Kanina pa kita hinanap!" anitong naging isip bata. "Napagod tuloy ako." reklamo pa nito na kitang-kita ang mga namumuong pawis sa noo at leeg.Pagak siyang tumawa na kaagad niya ding pinigilan dahil nangasim ang hitsura nito bigla."Langhiya ka!" anito sa kaniya sabay hampas sa braso niya. Nagsalubong din ang mga kilay nito. Indikasyon na galit na ito ngayon. "Nakuha mo pa talagang tumawa ha? Sa lagay ko ngayon
Arianne!"Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Jake nang maabutan ang asawa na noon ay binalak na saktan ang sarili sa pamamagitan ng paghiwa ng sariling braso gamit ang isang matalim na kutsilyo. Kagagaling lang niya noon sa opisina at noon ay mag-aalas singko pa lamang ng hapon. Wala pa noon si Kayla Reece dahil tiyak niyang nasa school pa ito ng mga oras na iyon. Wala din ang kanilang Inay Leah dahil busy din ito sa isang Fitness Program na ito ang namamahala. Sa edad ng agwela ay hindi niya maisip na magtuturo pa din ito ng zumba sa mga gustong matuto ng ganitong sayaw. Wala naman siyang naging pagtutol dahil sa mga edad nito ay isang bagay na makakabuti rito ang mga ganoong bagay. Ang panatilihing malus0g at malakas ang pangangatawan sa kabila ng edad nito ay isang maituturing na healthy lifestyle at higit pa roon ay makakatulong ng husto upang labanan ang mga sakit na kakambal ng pagtanda."Arianne, throw that knife away!" Muling sigaw niya upang awatin muli ang asawa dahil bi
MAHIMBING ang tulog ni Jino nang gabing iyon liban kay Naikkah na nanatiling nakatagilid ng higa sa kama nila bilang mag-asawa. Itinukod niya ang kaniyang kaliwang siko upang itaas ang kaniyang ulo habang ang kaniyang kanang kamay naman ay nakadantay sa dibdib ng asawa. Hindi niya alam kung bakit pero kanina pa siya hindi dinadalaw ng antok. Ang kaniyang asawa naman ay mapayapa nang nakatulog kanina pa. Lihim na lamang niyang pinagmasdan ang natutulog na asawa na noon ay walang pang-itaas na damit. Ugali na ito ni Jino tuwing gabi dahil sa sobrang init ng kuwarto nila tuwing gabi. Hindi uso ang kuryente sa kanila dahil malayo sila sa bayan at tanging generator set lamang ang nagbibigay ng elektrisidad sa kanilang Isla. Malas nga lang at wala silang kakayanang bumili ng ganoong bagay kaya naman nasanay na silang nagtitiis sa lampara at kandila tuwing gabi. Tanging mga ilaw ngmga bangkang pampasahero lang ang nagpapatingkad ng Isla tuwing sasapit na ang gabi. Ang iba naman ay mapa
MALALIM ang iniisip ni Naikkah ng mga sandaling iyon habang ang mga mata ay nakapako sa larawan nilang ni Jino. Wala noon ang kaniyang asawa dahil sumama ito kina Itay at Inay niya sa palengke. Naiwan siya sa bahay nang mag-isa at sinumpong ng boring kaya napaginitan niyang magpunas -punas habang hinihintay ang pagdating ng mga ito. Maaga pa kanina umalis ang tatlo at katulad ng karaniwang routine, mga alas diyes ay maaring nasa bahay na ang mga ito depende kung mabenta ang mga nahuli nilang isda. Ang mga kapatid naman niyang sina Tobby Rob at Zeneliah ay pumasok na sa school kaya mag-isa na lang talaga siya sa bahay na iyon. Hindi naman siya natatakot, sadyang bored lang talaga kapag walang kausap kaya naman ay napagdiskitahan niya ang mga inaalikabok ng mga gamit sa loob ng kanilang bahay. Nasa paglilinis siya ng mga kagamitan nang masagi ng paningin niya ang litrato nila na magkasama bilang asawa kahit pa sabihing wala namang naganap na kasalan sa pagitan nilang dalawa ni J
MULA sa itaas na veranda ng malawak na mansion Del Valle ay nakadungaw ang isang malungkot na si Rose Mary. Makikita sa mga mata niya ang nakaguhit na kapanglawan at walang makapagsasabi kung ano ang bagay na gumugulo sa kaniya maliban sa siya lamang ang nakakaalam. It's been three years. Tatlong taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita kay Jino. Kung nasaan at ano na ang nangyari rito ay wala pa ring may alam. Nanatiling sirado ang kaso ng pagkawala ni Jino lalo na sa pamilya Domingo. 'It's been a long time ago, but still... i learned to wait for you to come. I pray that one day, I will see you again with my own eyes and my heart beating faster while you are coming closer... and kissing me again. ' Piping dalangin ng kaniyang puso na siyang pagbagsak na naman muli ng malamig na butil ng tubig. 'Would you please come back to me? I will wait for you here.' Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa mga pa
MULA sa itaas na veranda ng malawak na mansion Del Valle ay nakadungaw ang isang malungkot na si Rose Mary. Makikita sa mga mata niya ang nakaguhit na kapanglawan at walang makapagsasabi kung ano ang bagay na gumugulo sa kaniya maliban sa siya lamang ang nakakaalam.It's been three years. Tatlong taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita kay Jino. Kung nasaan at ano na ang nangyari rito ay wala pa ring may alam. Nanatiling sirado ang kaso ng pagkawala ni Jino lalo na sa pamilya Domingo. 'It's been a long time ago, but still... i learned to wait for you to come. I pray that one day, I will see you again with my own eyes and my heart beating faster. ' Piping dalangin ng kaniyang puso na siyang pagbagsak na naman muli ng malamig na butil ng tubig. 'Would you please come back to me? I will wait for you here.'Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa mga panahong iyon ay hindi pa din siya nawawalan ng pag-asang
"ALAM niyo ba, nang lumuwas ako ng bayan ay nakita ko sa mga nakapaskil na missing sa mga kanto ang mukha ni Jino. Kamukhang-kamukha talaga ng asawa ni Naikkah ang nasa litrato."Tinig iyon ni Marisol na kahit mahina ay dinig na dinig ni Naikkah. Nasa tabing dagat sila ng mga oras na iyon at sinasalubong ang mga mangingisdang kakarating lamang buhat sa laot ng umaga ding iyon. "Ku, eh baka naman nagkakamali ka naman ng pagkakakita." supalpal naman ni ALing Roda sa mga pinagtatalak ng ginang. "Naalala ko pa din ang sinabi mo noon. Iyon bang sabi mo nawawalang asawa ni Carding ay nakita mong nagtatrabaho sa bayan. Nang puntahan ni Carding ang sinsabi mo, Hindi naman pala totoo. May kapal ka ba ng mukha na magsalita ng ganyan?" Natameme ang babae sa sagot ng kausap. Nakaraan lang kasi ang nawawala ang asawa ni Mang Carding at ang hinala ay may kinatagpo ito sa bayan at doon na nagtatrabaho. Kalaunan ay natuklasan na kamukha lang iyon ni Aling Serna, dahil ang totoo ay matagal nang nama
HIndi na alam ni Jino kung nasaan na siya dinala ng kaniyang pagtakas. Ang kaniyang pagod at hapong nararamdaman ay magkasamang gustong tumalo sa natitirang hibla ng kaniyang huling lakas. Gustuhin man niyang magpahinga ay nawala na sa isip niya dahil ang tanging mas matimbang sa isipan niya ay makatakas at ganap na makalayo mula sa mga taong humahabol sa kaniya. Kanina lang ay dinig pa niya ang sigaw at mga yabag na nakasunod sa kaniya hanggang sa tila mga boses ang mga iyon sa kaniyang pandinig na unti-unting namamaos. Hindi na niya ramdam ang mga tinik ng mga dawag na sumasagi sa kaniyang mapino at hindi kaputiang kulay ng balat. Maging ang mga pagdurugo ng mga sugat na likha niyon ay balewala na din sa kaniya. Ang kaniyang mga paa na hindi na mabilang ang mga tinik na nakasalaksak ay parang naging normal na lamang sa kaniyang pakiramdam. Sinubukan niya ang pasaglit na lingon upang tiyakin kung may sumusunod pa sa kaniya. Sa klase ng lugar na pinasukan niya, malabong masundan p
BONUS CHAPTER: GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na pinapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya?May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga pape
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN... "LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo. "Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate. Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat. "Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve D
KAAGAD na sinalakay ng kaba ang dibdib ni Jino nang makita ang muling pagtutok ni Donya Fatima ng baril sa likuran ng ulo ni Naikkah. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya upang sumalakay rito. Hindi niya sinayang ang bawat segundong nalingat si Donya Fatima. Huli na nang makita nito siyang pasugod. "Walang--" Wika nitong naputol dahil matapos niyang tabigin ang baril na hawak nito ay tumama ito sa isang bahagi ng poste. "Ano bang ginagawa mo! Bitawan mo ang baril ko!" Wika ni donya Fatima sa kaniya na patuloy na ayaw patalo sa pakikipag-agawan ng bala. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Naikkah na magmulat at nakita nito siya na patuloy na nakikipag-agawan ng baril sa matanda. "Jino??" Sambit ni Naikkah nang makita siya. Ramdam niya ang kakaibang tuwa sa puso nito nang makitang bumalik siya para rito. "Tumakas ka na, sige na Naikkah. Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin!" Malakas na sigaw niya sa babae na nanatiling pa ding nanonood sa kanila. "Sabi kong bitawan m
GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon. "I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat. Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya. "Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit
HINDI nakaligtas sa mata ni Naikkah ang lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Jino. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatawa nito pero para siyang nainsulto na ewan."Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba?" Mataray na naman niyang wika na gusto pang sapakin si Jino kung hindi lang siya natakot na baka makabig ang manibela sa gagawin niyang iyon sa lalaki.Nilingon naman siya ng lalaki at sinagot. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang tingnan kapag naasar." Tugon nito na pinapungay na naman ang mga mata. Inirapan lamang niya ang lalaki at muling inawas ang tingin. "You look disgusting but i swear, you still beautiful in my eyes."Hirit pa nito na hindi na niya pinansin. Iniwas niya ang mukha hindi dahil ayaw na niyang makita pa si Jino kundi dahil---'My gosh! Why do i blushed?'Sa huli ay dinaig pa din ng kaniyang mataray na mukha ang namumula sanang pisngi niya dahil sa kilig na naramdaman. Bagay pa sa kaniya ang bagay na iyon? Hindi na siya tinedyer para makaramdam noon k
MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na
TAHIMIK na nakasakay lamang si Naikkah sa driver seat katabi si Jino. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din maabsorb ng utak niya ang mga nalaman. Ayon sa mga datos na nakalahay sa folder na ipinakita ni Jino, may mental disorders si Juno. Ito ay matagal nang tinatago ng lalaki sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na may dahilan pala ang bilang pagbabago ng ugali nito paminsan-minsan. Binalewala na lamang niya iyon dahil para sa kaniya, lahat naman ng tao ay may tinatagong moody swing. Imbes na bigyan niya iyon ng maling kahulugan ay inisip na lamang niyang natural na iyon sa mga lalaki.Hindi nakapagtataka kung bakit naging mabigat para sa kaniya na tanggapin na lang bigla ang mga nalaman. Ang isa pa niyang ipinaglalaban ay naniniwala siyang mahal siya ni Jino at hindi siya nito sasaktan ng ganoon-ganoon na lang.Mas nanaig pa din ang pagmamahal niya sa lalaki. Kaya ang nangyari, gusto pa din niyang makauwi sa mansiyon ng mga Dolmenazav upang kahit paano ay mapaghandaan ang ba
NAGULAT si Jino sa naging reaksiyon ni Naikkah matapos nitong mabasa ang nilalaman ng folder na ibinigay niya rito. Tama ang kaniyang hinala, hindi nga nito papaniwalaan ang lahat. Kung hindi nagawang kumbinsihin ng lagda at testify ng police ang babae, then how could he? "Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng iyan!" Tanggi ni Naikkah sa mga rebelasyon at mahigpit na pinunit ang folder. Sinamantala ng babae ang pagkagulat niya kaya nagawa nitong mapunit ang mga papel nang walang kahirap-hirap. "Naikkah!" Tanging nasambit na lamang niya at walang nagawa kundi pagmasdan ang mga nagliliparang pira-piraso ng nasabing police report. Muli siyang nabigla nang bigla itong magpalahaw ng iyak at hesterical na sinasapak ang sariling ulo. "This is not true! It can't be true!Sinisiraan niyo lamang si Juno! pare-pareho lang kayo!" Mabilis niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso upang awatin sa pananakit nito sa sarili. "Naikkah, stop it! You're hurting yourself!"
NARAMDAMAN ni Naikkah ang isang mainit na dampi ng halik sa bandang buhok niya. Maging ang isang tilamsik ng tubig na kung hindi siya magkakamali ay luha ni Jino. Hindi pa siya tulog, nagkukunwari lamang. Malinaw pa nga niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki. Tinakpan lamang niya ang kaniyang mga tainga at mukha dahil ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang una ay hindi niya akalaing ampon lamang si Juno ng pamilya Dolmenazav. Ang hindi pa niya maisip ay kung bakit doon pa talaga sa party nabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Juno. Sa totoo lang kasi ay puwede namang magyari iyon sa ibang panahon? Sumagi sa isipan niya na baka nadulas lamang si Don Edmund sa pagsabi noon dahil sa hindi na ito maawat. Ito namang tungkol sa pagkakatuklas ni Jino sa kalagayan niya ay hindi niya din alam kung paano nito nalaman. Pinaimbestigahan ba siya ng lalaki? Lihim na sinusubaybayan? Ang gulo-gulo ng is