“Tara, Sir.” At hinila ko ang aking amo papasok sa kabahayan namin na hindi kalakihan.Simple lamang kung ilalarawan. Napansin na agad ni Sir Rhaiven ang maraming mata na nakatingin sa amin. “Lala, sino ‘yan, boyfriend mo?” “Ay! Jackpot ‘yan, ‘te?” “Fafa! Shet ang gwapo, pakilala mo naman kami, Lala.” Iyan ang maririnig sa paligid pero imbes na pag-aksayahan ko ng pansin ay tanging ngiti nalang ang naisagot ko. Hinila ko ang aking amo papasok. “Teka, pa’no ‘yung kotse ko?Baka carnapin nila ‘yun.” Angil ni Rhaiven ng bawiin nito ang kamay sa pagkakahawak ko. “Hindi ‘yun, Sir. Mababait ang mga tao rito, karamihan sa kanila ay kilala ako. Tsaka, ignorante lang mga ‘yun hindi magnanakaw. Sagot kita rito ano ka ba.” “Teka.” Pigil niya ulit sa akin kaya inis na hinarap ko habang nakataas ang mga kilay ko. “Paano ako makakasiguro na hindi ako magkakasakit dito? Look, maalikabok ang lugar niyo.” Ani niya at dinuro pa ang paligid. Nasapo ko ang noo. Bakit ko ba nakalimutan na ubod ng ka
Last Updated : 2023-09-03 Read more