Narito kami ngayon sa tabing dagat. Pinalilibutan namin ang apoy sabay kwentuhan. Hindi ko na naman maiwasan ang mainis. Tabi na naman kasi sila at saktong sa harapan ko pa. Tsk! Kailangan ba nilang ipamukha na inlove sila sa isa’t isa? Damn.“Kuya, baka may gusto kang ishare sa’min?” Gulat ako ng marinig ang tugon ni Rhaivee. Nakangisi pa ito at mukhang sinadya niyang tawagin ako. Nakita niya kaya ang pagiging lutang ko? Psh.“Nothing.” Umiling pa ako. Hindi ako interesado. Mas gusto ko nalang tumahimik at makinig.Kung may ikukuwento man ako ay puro anime. At syempre, mga napapansin kong nakornihan ni Kenneth.“Ang kj mo naman, Kuya. C’mon, join us.” Pagpupumilit nito sa’kin. Nagpaawa effects pa siya para makuha nito ang loob ko.“Rhaivee, did I’m look like interested? Tsk!” Itinungga ko ang nakalatang alak sa inis. Ayoko pa naman ‘yung pinipilit ako.Natahimik ito at napanguso. Nagkatinginan naman silang lahat dahil sa inasta ko. Alam naman na nila ang ugali kong ganito. Hindi na
Hawak-hawak ko ang isang baso ng gatas papunta sa kwarto nina Sir. Kahit pa man wala kami sa mansiyon ay kinakailangan ko pa ring bantayan ang alaga ko. Hindi pwedeng walang gatas na inumin ‘yun bago matulog. Hindi na ako nag-abalang kumatok at nagdiretso nalang. Nakuha ko lahat ng tingin nila lalo na si Kenneth na ang lapad ng ngiti. Kinikilig na naman siguro siya sa presensya ko. Ang lakas talaga ng tama nito sa’kin.“Goodevening.” Bati ko sa kanila. Si Kenneth na ang nag-abalang magsara ng pintong pinasukan ko. Nginitian ko naman siya pabalik. Pumunta ako roon sa may mesa upang ilapag ang dala kong gatas. Pagkatapos at bumalik sa gawi ni Kenneth. Sinalubong niya kasi ako kanina.“Walang maganda sa gabi kung puro na naman kayo harutan sa harap namin.” Biro ni Chris. Nakahiga kasi ito sa kama at mukhang may kachat.Natawa kami parehas ni Kenneth gayundin si Luis na nasa sarili rin siyang kama. May hawak siyang libro. Napansin kong wala si Sir.“Sira! Nandito ako para tignan ‘yung a
KINABUKASAN. Pakiramdam ko ay napakaganda ng aking gising. Epekto siguro ng ganap sa’min ni Haila kagabi. Hindi ko maiwasan ang kiligin sa paglapit ng mukha namin at pinagkiskis ang aming mga ilong. Hindi ko man siya nahalikan, naramdaman ko naman na malapit ko na siyang makuha. Ramdam na ramdam ko na.Kagabi ay nadatnan kong nasa labas si Rhaiven. Inisip ko tuloy na sinundan niya kami pero galing siya sa kwarto nina Haila. Mukhang binisita nito si Rhaivee. Hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi niya no’ng naiwan kaming dalawa sa kwarto. Kahit biro ‘yun ay nadala ako.Sana lamang totoong suportado ka sa’min, Rhaiven dahil kung may iba kang ibig sabihin, doon mo makikita ang totoong ako.Nadatnan kong mag-isa na lamang ako dito sa kwarto na kinaroroonan naming magkakaibigan. Hindi na nakapagtataka kung bakit ako nalang ang narito. Malamang, hindi na sila nag-abalang gisingin ako. Naligo muna ako at inayos ang sarili. Pagkatapos ay pumaroon sa dining table. For sure nando’n silang lahat b
“Oh, Sir, ba’t naparito ka? May iuutos ka ba sa’kin?” Sinikap niyang makiusap sa’kin ng maayos kahit ramdam ang kaba sa kaniya.“Ah, wala. Na-naisipan ko lang kasi na puntahan si Rhaivee, may pinapasabi kasi si Mommy e.” Palusot ko. Ayokong malaman nila na hindi ‘yun ang ipinunta ko. Tahimik lang ako na pinagmamasdan ni Kenneth. Mukhang sinusuri niya kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo o hindi.“Ay. Naliligo siya, Sir. Kakapasok nga lang e. Kung gusto mo, hintayin mo na lang siya.” Inalok niya pa akong umupo sa sofa.“Hindi na. Mamaya ko na sasabihin. I need to go.” Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto nila at naglakad pabalik. Sana pala hindi na ako pumunta do’n.Hindi ko akalain na nando’n ang Kenneth na ‘yun. Ang bilis naman yata niyang naligo? Tsk! Talagang binabakuran niya si Haila. Todo bantay ang asungot. Nakakainis.Padabog kong isinarado ang pintuan ng makabalik ako dito sa kwarto namin nina Luis. Sakto naman na lumabas na sila galing ban
“Grabe ‘yung concern mo sa kaniya no, may halong landi.” Hindi ko inaasahan na sasabihin ‘yun ni Kenneth sa’kin. Nawala ang ngiti sa labi ko.Nakatingin lang siya sa dagat. Ssinulyapan ko siya bago napailing.“Ano sa tingin mo ‘yang mga sinasabi mo?” “Tss! Huwag mo na akong lokohin, Rhaiven, pansin ko naman na e. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa kaniya ka pa nagkagusto.”“Tsk! Sinasabi mo bang epal ako sa inyo?”“Kung ‘yun ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko.”“Wala akong ginagawang masama.” “Are you sure? C’mon, Rhaiven, hindi ako magiging ganito kung ‘di mo sinimulan.”“Ano bang sinasabi mo? Kasalanan ko bang praning ka? Kenneth, pasalamat ka hindi pa ako umaamin sa kaniya dahil kung hindi baka ikamatay mo na.” Nasa tono na ng boses ko ang inis. Tinignan ko siya ng masama at saktong nagtama ang tingin namin.Napailing ito at bahagya pang natawa.” So totoo ngang may gusto ka sa kaniya?” “Bakit, natatakot ka bang malamangan?”“Tsk! Gusto ko lang maging aware ka na ako ‘yung n
Hindi ko alam kung tama ba na sinundan ko si Kenneth pero nakakaramdam ako ng inis kay Sir. Nainis ako sa mga inasta niya kahit pa man laro lang dapat ‘yun. Sa mga sinabi niya kay Kenneth ay hindi maganda sa pandinig ko. Alam kong naprapraning na naman si Kenneth. Kailangan ko siyang puntahan.Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa. Parehas silang mali kung tutuusin. Nainis rin ako sa pagiging pikon ni Kenneth. Hindi siya dapat umasta ng gano’n. Pansin ko ang pag-iiwasan nilang dalawa. Kung ano man ang dahilan nila ay hindi ko na alam. Nakakahalata na ako. Hindi sila okay at mukhang may pinag-aawayan silang dalawa. “Kenneth, mag-usap tayo, please.” Ramdam ko ang tensyon sa kaniya lalo ng makita ko ang ang kamao niyang nakayukom. Galit nga siya.Imbes na lingunin ako ay nagdiretso lang siya sa paglakad. Kaya naman mas binilisan ko pa ang paghabol sa kaniya. Nahirapan ako dahil malalaki ang hakbang na ginawa niya. Sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa tumigil ito. Nakatalikod s
“Tara, Sir.” At hinila ko ang aking amo papasok sa kabahayan namin na hindi kalakihan.Simple lamang kung ilalarawan. Napansin na agad ni Sir Rhaiven ang maraming mata na nakatingin sa amin. “Lala, sino ‘yan, boyfriend mo?” “Ay! Jackpot ‘yan, ‘te?” “Fafa! Shet ang gwapo, pakilala mo naman kami, Lala.” Iyan ang maririnig sa paligid pero imbes na pag-aksayahan ko ng pansin ay tanging ngiti nalang ang naisagot ko. Hinila ko ang aking amo papasok. “Teka, pa’no ‘yung kotse ko?Baka carnapin nila ‘yun.” Angil ni Rhaiven ng bawiin nito ang kamay sa pagkakahawak ko. “Hindi ‘yun, Sir. Mababait ang mga tao rito, karamihan sa kanila ay kilala ako. Tsaka, ignorante lang mga ‘yun hindi magnanakaw. Sagot kita rito ano ka ba.” “Teka.” Pigil niya ulit sa akin kaya inis na hinarap ko habang nakataas ang mga kilay ko. “Paano ako makakasiguro na hindi ako magkakasakit dito? Look, maalikabok ang lugar niyo.” Ani niya at dinuro pa ang paligid. Nasapo ko ang noo. Bakit ko ba nakalimutan na ubod ng ka
“Lala?” Nangibabaw ang tinig na ‘yun sa kabuuan ng munting bahay na kinaroroonan namin. Lahat kami ay napatingin sa may pintuan kung saan naroon ang tinig ng isang lalaki. May kasama itong babae na kung susuriin ay magkasing edad lamang sila. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha ni Haila nang makita ang bulto ng lalaki. Napatayo ito at patakbong niyakap. Nakakunot ang noo ko dahil nagmumukha akong mangmang sa mga oras na ito sapagkat wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. “Kuya!” Emosyonal na ani Haila na ikinagulat ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng malaman na Kuya niya pala ang bagong dating. Totoo ba ‘to? “Hindi ko akalain na totoo ang chismis diyan sa labas na umuwi ka. Masaya ako na makita kita, bunso.” Napakahigpit ng kanilang yakapan. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pagkagulat. “Akala ko ba sa susunod na taon ka pa uuwi?” “Hahaha! Excited na kasi akong pakasalan ang Ate Marie mo.” Kumalas ito sa pagkakayakap at hinila ang nobya na
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.