Nang umalis si Ma'am Elizabeth pinuntahan ko si Ante Minda. Nanatiling nakayuko ang kanyang ulo at batid ko umiiyak siya. I didn't say a word. Nagkunwari ako na wala akong alam, wala akong narinig. Hinayaan ko lang siya na umiyak ng tahimik."Ako na dito, Gueene. Ako na maglinis, " aniya ng tulungan ko siyang damputin ang mga basag na banga. "May sugat ka sa kamay, Ante. Gamotin mo muna doon ako na muna magtipon nitong mga nabasag. ""Sige. Kukuha rin ako ng panglinis. "Wala akong karapatan para husgahan si Ante dahil wala naman akong alam sa mga nangyari sa kanila. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maawa kay Ma'am Elizabeth. Kung gaano ka sakit para sa kanya na sarili niyang kaibigan niloko siya, trinaydor at inagaw pa ang kaligayahan sa buong pagkatao niya. Kahit siya na ang sinaktan at niloko, nagawa niya paring patuluyin sa pamamahay niya ang dating kaibigan dahil iyon ang gusto ng kanyang asawa at para sa kinabukasan ng bata na bunga ng kanilang mga kasalanan. Hindi ko maimag
Last Updated : 2023-08-08 Read more