Home / Romance / Contract Marriage To Mr. Billionaire / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Contract Marriage To Mr. Billionaire: Kabanata 31 - Kabanata 40

53 Kabanata

Chapter 31

Mabilis na pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mata. Malakas ako kaya hindi ako pwedeng umiyak. At simula ngayon ipapangako ko sa aking sarili na hindi na ako magpapaapekto sa nararamdaman ko kapag uunahin ni Razen si Chloe. Maingat na tumayo ako upang ligpitin ang pinagkainan. Hindi ko iyon kayang hugasan kaya inilagay ko nalang sa dishwasher. Ang mga natirang pagkain pinagkasya ko sa ref. Ilang minuto na ang lumipas hindi parin bumabalik si Razen. Kaya nagpasyahan ko na lang na umakyat at doon sa kwarto siya hintayin. Kung kanina madali lang sa akin ang makababa, ngayon nahihirapan na akong humakbang paakyat. Tiniis ko. Kinaya ko. Kasi sarili ko lang ang mayroon ako. Mahigit isang buwan na akong inaalagaan ni Razen at nakadepende sa kanya, tama na siguro iyon para tumayo naman ako sa sarili kong mga paa. Kaya ko naman na gumalaw na walang siya na naka alalay. I felt relief nang makarating ako sa kwarto. Nagawa ko. Tuwang-tuwa ako kasi nagawa ko ang bagay na iyon. Humiga kaa
last updateHuling Na-update : 2023-09-16
Magbasa pa

Chapter 32

Chloe point of view:I heard Razen got married last month. Kaya umuwi ako ng Pilipinas na hindi alam ng mga parents ko. It hurts, knowing that my love is married to someone else. Buong biyahe dilat ako. Hindi ako mapakali gusto ko ng makarating kaagad at makita siya. Sampung taon mahigit na noong huli ko siyang nakita at nakasama para i-pursue ang modeling career ko sa US. At ito ang muling pagkikita naming dalawa. Kahit pagod at puyat sa biyahe, nagawa kong magmaneho papunta sa Isla kung saan sila naninirahan ngayon ng asawa niya. As usual, hindi naka lock ang kanyang bahay. Hindi parin siya nagbabago. Noon kasi bigla nalang ako susulpot sa mansyon nila tapos natataon na wala siya, ang nangyari madalas niya akong naaabutan na tulog sa kanilang sala o di kaya sa gasebo habang hinihintay siya. So he decided na hindi nalang i-lock ang kanyang kwarto para kapag napadalaw ako at wala siya, doon ako sa kwarto niya maghihintay. Napangiti na nilibot ko ng tingin ang buong bahay. This ho
last updateHuling Na-update : 2023-09-19
Magbasa pa

Chapter 33

Chloe pov:Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng marinig ko muli ang boses ni Tita. Nang silipin ko, umawang ang aking labi nang makita kung paano niya marahas na hawakan ang buhok ni Gueene. Natapon pa ang tubig sa baso na hawak nito. Ngunit wala man lang siyang reaksyon sa ginawa ni Tita. Para malaman kung ano ahg dahilan kung bakit ganito ang trato niya kay Gueene, pumasok na ako ng tuluyan. "Tita?!" You're here, " doon lang siya bumitaw sa buhok ni Gueene at hinarap ako. "Oh, my god. I missed you", niyakap ko siya. " It's been a long time since we see each other. ""Chloe? Oh god, dear. I didn't recognize you. You've changed a lot. Your so beautiful. " Nangingislap ang mga mata nito sa paghanga habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan ko. Ang kanyang matamis na ngiti ay agad na nabura ng balingan niya ng tingin si Gueene na nakatayo parin sa kanyang kinatayuan bitbit ang baso. "Go! Prepare us a snack. Nang magkasilbi ka. Hindi iyong tumunganga ka na lang riyan! "Parang aso na s
last updateHuling Na-update : 2023-09-20
Magbasa pa

Chapter 34

Gueene pov:Ramdam ko ang pamumutla ko. Bakit niya alam ang tungkol sa bagay na iyon? Paano niya nalaman? At bakit niya binabantaan ang buhay ko? Hindi ko naman nanakawan si Razen. At kung gagawin ko naman iyon, anong pakialam niya? Hindi niya naman iyon pera. Pinatigas ko ang aking mukha at taas-noo na hinarap siya. "Alam ni Razen ang bagay na iyon. Bago niya ako pinakasalan, inalam niya muna ang buong pagkatao ko" lumagitgit ang ngipin niya, naasar sa sagot ko. "At saka, hindi ko kailangan pang nakawan si Razen... Nasa akin ang black card niya. Binigay niya sa akin. " Tinalikuran ko siya at dumiretso sa kusina. Hindi ako natatakot o nasisindak sa kanya, ayaw ko lang ng gulo sa pagitan naming dalawa dahil alam ko, siya ang kakampihan ni Razen at hindi ako. May special treatment si Razen sa kanya bagay na hindi ko iyon naramdaman sa lalaki. Pero ayos lang, alam ko naman ang lugar ko sa buhay ni Razen. Nakaraang araw pa ako naka uwi dito. Hindi niya siguro nabasa ang mensahe ko ka
last updateHuling Na-update : 2023-09-25
Magbasa pa

Chapter 35

Akala ko tulad ng iba huhusgahan niya rin ako sa pagiging disgrasyada ko, sa mga pagkamali ko, pero hindi iyon ang narinig ko mula sa kanya. Malaki ang epekto sa akin ang sinabi niya dahil isa siya sa mga taong nagsabi na proud siya sa kabila ng mga maling ginawa ko noon. "And also, thank you for saving my business earlier. Naikwento sa akin ng mga tauhan doon ang ginawa mo kanina," napanguso ako ng guluhin niya ang buhok ko "kung nagkataon na wala ka doon, kawawa ang mga small businesses na umaasa at nagtitiwala sa akin. "Ako na naman ang nakikinig ngayon sa kanya. Mukhang nawalan siya ng gana kumain nang maalala ang mga problema niya. Panay ang pagbuntonghininga niya at malalim ang iniisip. "Ayaw ni dad magpa heart surgery, " he took a deep sigh. " And about our wedding... May nakaalam. At gusto nilang malaman kung totoo ba iyon. Kaya hindi ako tumuloy sa Spain kahapon. ""P-Paanong may naka alam? " tigagal na usal ko. "Hindi ko pa nalaman kung sino ang nagbigay ng impormasyon n
last updateHuling Na-update : 2023-09-27
Magbasa pa

Chapter 36

Gueene pov:Piniling ko ang aking ulo sa mga haka-hakang naisip. Narinig ko lang ang pangalan na yun nag-assume kaagad ako na si Razen iyon."Hey, you! Nasaan si Razen? "Hindi ko pinansin si Chloe at nagtuloy sa pagbaba at nilagpasan. Natigil ako sa paghakbang nang may tumama sa likod ko. "Kinakausap kita, " mariing wika niya. Blangko ang tingin na hinarap ko siya. Ang throw pillow na nasa aking paanan na binato niya sa akin ay sinipa ko pabalik sa kanya. Malakas siyang napasinghap nanlaki ang mga mata. "Hindi 'hey you' ang pangalan ko. At malay ko ba na ako pala ang kinakausap mo, " I answered coldly. "Can you please answer my question? " pagalit na singhal niya. "Bakit mo sa akin tinatanong kayo ang palaging magkasama ng asawa ko, " tumaas rin ang boses. She crossed her arm looked at me intently. "Alam ba ni Razen na masama ang ugali mo? Na nagbait baitan ka lang kapag kasama mo siya pero ang totoo isa kang tuso?."Aba, at binaliktad pa ang sitwasyon naming dalawa. Baka kamo
last updateHuling Na-update : 2023-09-28
Magbasa pa

Chapter 37

Gueene pov. Kailan ko pa siya minahal? Tulong lang. Hindi dapat masali dito ang pagmamahal. Pero sarili ko mismo ang tinalo ko dahil minahal ko siya higit pa sa kaibigan na nangangailangan lang ng tulong ko. Siguro ganoon ko nalang siya ka bilis minahal dahil sa kabutihan at kabaitan na pinapakita niya sa akin. Na sa kanya ko lang nakikita at naramdaman ang hinahanap ko sa isang lalaki. O baka ang dali ko lang talaga mahulog kahit alam kong wala naman akong mapapala. Pagkatapos ng kontrata, wala na rin akong halaga sa kanya. Napapikit ako ng gumuhit sa aking lalamunan ang pait na lasa ng alak nang tunggain ko ito sa bote. Pabagsak na inilapag ko iyon sa mesa ng makaramdam ng hilo. Umikot ang paningin ko pagkamulat ko. Kaunti palang ang nainom ko pero tinamaan na ako.Dinampot ko ang cellphone ko ng tumunog iyon. Tumatawag si Inay. As usual, pagkasagot ko boses ni Azane ang narinig ko. "Mama, nandiyan ba si Mister--ay si Sir Razen pala. "Nagsusumigaw na saya na wika niya. Tumat
last updateHuling Na-update : 2023-09-28
Magbasa pa

Chapter 38

Gueene pov:Nagising ako na masakit ang aking ulo at parang binugbog ang buong katawan ko. Mariin akong napapikit sapo ang aking ulo nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Pakiramdam ko panaginip lang ang nangyari sa amin ni Razen. Pero hindi. Totoo talaga na Razen and I had sex last night. Alas-onse na. Kaya pala kumakalam ang sikmura ko. Wala si Razen sa tabi ko. Ngunit may suot na akong damit. Siguro binihisan niya ako kagabi. Napagiwi ako ng maramdaman ang hapdi sa ibaba ko. Nag init ang magkabilang pisngi ko ng maalala kung gaano ako ka wild kagabi sa ibabaw ni Razen. Napatingin ako sa terrace. Naroon siya nakatayo. Walang pang itaas na damit at tanging pajama lang ang suot. Napasinghap ako kasabay ang pag-awang ng aking labi ng makita ang mga pulang marka sa likod niya. Para masiguro kung ano iyon nagmadali na bumaba ako sa kama at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. "Oh my god! " bulalas ko ng makita ang maliit na pulang marka s
last updateHuling Na-update : 2023-09-30
Magbasa pa

Chapter 39

Gueene pov:Totoo nga ang narinig ko. Na hindi peke ang kasal namin. Hindi ko na kailangan ng pruweba dahil si attorney na mismo ang nagsabi. Ngunit kailangan ko parin malaman kung bakit at ano ang dahilan. Paano ko nalang ito matatakasan balang araw? "Hindi ko alam itong sinasabi mo, Gueene, " aniya. May kinuha siya sa kanyang bag at inabot iyon sa akin. "Narito ang address ng law firm ko at ng numero ko. Puntahan mo ako o kaya tawagan kapag may oras ka. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin iyan. Mukhang may pupuntahan ka pa. ""S-Salamat, attorney."Mahina niya akong tinapik sa balikat saka umalis. Nanghihina na umupo ako sa gilid pinapakalma ang sarili ko. Hindi muna ito ang iisip ko. Ang anak ko na nandoon sa loob muna ang alalahanin ko. Siya muna. Siya ang mahalaga dito ngayon. May natanaw akong bakery sa kabilang kalsada. Bibili muna ako ng chiffon cake para sa anak ko. Panigurado matutuwa iyon lalo na kapag nalaman niyang kay Razen ito galing. "Mama... "Mahigpi
last updateHuling Na-update : 2023-09-30
Magbasa pa

Chapter 40

Gueene pov:Malalim na ang gabi ngunit narito parin ako sa gilid ng bintana nakatanaw sa kawalan. Iyong anak ko kanina pa humihilik. Kung hindi ko pa pinagsabihan si Razen hindi pa matigil ng pag-uusap nila kanina. Gusto kong magalit sa kanya. Sa pagsisinungaling niya sa akin. Sa paglihim tungkol sa kasal namin. Okay sana kung pareho kami ng nararamdaman, ngunit hindi. Ako lang kasi iyong nagmamahal. At hindi na ako aasa na mahalin niya rin ako katulad kung paano ko siya mahalin. Ang hindi ko lang alam ngayon ay paano siya haharapin at umakto na walang alam sa nangyari sa kasal namin. At lalo na ngayong napatunayan kong siya at si Zen ay iisa. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Mama... "Bumalik ako sa kama at tinabihan siya. Kaagad siyang sumiksik sa bisig ko ng yakapin ko siya. Maya-maya hinila na ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.Nagising ako ng marinig ang isang hagikhik. Pagmulat ko iyong anak ko kaagad ang nakita ko, nasa tainga nito ang cellphone at may kausap
last updateHuling Na-update : 2023-10-04
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status