All Chapters of The Billionaire's Mistress: Chapter 141 - Chapter 150
214 Chapters
5
5.THIS woman is unbelievable. Iyon ang laman ng isip ni Lush habang nanlalaki ang mga mata ng babae sa kanyang company I.D.Kapagkuwan ay tumingin ito sa mukha niya at lumunok ng laway. Tapos, inilapit nito ang mukha sa mukha niya at sinipat-sipat siya.“Baka retokado ka at impostor, baka hindi ka ang tunay na mukha ng may-ari. Kasi ang may-ari, hindi maninilip sa isang hamak na janitress,” she said and scrutinized his face.Nanunulis ang labi na naiiwas niya ang mukha rito. Hindi niya alam kung siya ba ay maiinsulto o matutuwa. Hindi kayang paniwalaan ng Ruth Eduardo na ang mukha niya original na mukha ng isang CEO.Kung sabagay, ang mundo ngayon ay puno ng retokada kaya hindi niya ito masisisi kung inaakala nitong may gumaya ng mukha niya.May dapat pala na piliin ang mga mata niya ng babaeng sisilipan. Ang boss pala ay bawal manilip sa isang janitress.“Baka paniwalaan mo ako kung ngayon na ngayon din ay sisantehin kita,” he said when he looked at her face again.Nanlaki ang mga ma
Read more
6
6.“PINAGTATAKHAN ng mga kasama natin ang pananahimik mo, Ruth. Nagtatanong sila kung anong nangyayari sa iyo at bakit parang kang namatayan,” sabi sa kanya ng kaibiyang si Bernadet nang mag-lunch break sila.Aligaga na naman siya sa mga oras na iyon dahil daig pa ang mga paa niya ng tinubuan ng mga alipunga, kinakati na maglayas at humanap ng isang private investigator.Isinukbit niya ang bag tapos ay tumingin sa orasan niya. Baka hindi siya makaabot ng time ng hapon, malintikan siya sa head nila.Parang nakamata pa naman iyon sa kanya sa buong umaga na nagdaan.Napaidlip lang siya kanina dahil sa antok, sinermonan na siya. Pati ang ganda niya ay idinamay pa. Sabi naman ng mga kasamahan niya, bwisit lang daw yun dahil binabasted niya parati.May gusto kasi sa kanya ang matandang binatang head nila na iyon. Palipad hangin ang gawa ng lalaking iyon, pero nang malaman na may nobyo na siya, bigla na iyong nagalit sa kanya at masyado siyang pinag-iinitan sa trabaho.Muli niyang ibinaba an
Read more
7
7.ANNE'S presence makes Lush so annoyed. Gusto niyang pagsisihan kung bakit pa siya lumabas ng kanyang opisina, sana ay nakapagtago siya sa babaeng ito.Pagkapasok niya ay iminuwestra lang niya kay Annelyn ang silya at dumiretso siya sa lalagyan niya ng sigarilyo. Nagsindi siya.Iyon ang paraan niya para magtaboy ng masamang elemento na naligaw sa loob ng kanyang opisina. Anne is allergic to cigarettes.“Oh my god!” Bulalas ng babae sabay hablot sa sigarilyo niyang nakaipit na sa labi niya, at sisindihan na sana niya, “Gusto mo na ba akong maospital? Allergic ako sa sigarilyo!”“I forgot,” pagsisinungaling niya saka niya sinarili ang buntong hininga.Lush was about to turn his back but Annelyn immediately hugged his nape and kissed him. At dahil matangkad ito ay mabilis nitong nagawa ang gusto.Hindi siya tumugon sa ginagawa nito sa kanya pero ang bilis ng kamay nitong humawak sa kanyang pagkalalaki at hinimas himas iyon sa may zipper ng kanyang pantalon.“Oh shit. I miss this so muc
Read more
8
8.WALA sa mood na nakatayo si Ruth sa harap ng kanyang head, na si Dennis Bustamante. Ipinatawag siya nito patapos ang kanyang paglilinis sa banyo.Nakaupo ito sa may mesa at bumubusiklat ng mga records. Naiinis siya sa karakas ng lalaki dahil astang CEO. Dinaig pa nito si Lush Miguel kung maka-aura. Ang mga tao talagang trying hard ay napaghahalataan na sobra.“Bakit absent ka ng tatlong araw? May dala ka bang katibayan na nagkasakit ka?” Umpisa na ni Dennis sa kanya.“Wala po akong sakit, sir. Masama lang po ang pakiramdam ko kaya ako nag-absent.”“Pasalamat ka sa akin at hindi kita hinainan ng termination paper.”“Ngayon po ang final day kung sakaling magpapa-terminate ako. Iyon po ang nasa policy, natatandaan ko. Kaya hindi pa po ako pwedeng i-terminate dahil pumasok ako ngayon,” aniya rito at hindi lang niya masabi na wala siyang utang na loob sa lalaking ito, tulad ng gusto nitong palabasin sa kanya.Nakita niyang nanigas ang panga nito dahil sa sinabi niya pero hindi ito maka
Read more
9
9.NAPABUNTONG-hining.a na bumangon si Ruth mula sa kutson. Tulog na ang ate Rose niya at parang pagod na pagod sa maghapong paghahanap ng trabaho.Sana siya rin ay nakakatulog dahil sa pagod pero hindi. Kahit na parang mahihimatay na siya sa sobrang pag-aalala at pag-iisip, hindi siya madalaw-dalaw ng antok.Nagsuot siya ng tsinelas at naglakad papunta sa pintuan.“Ruth…”Agad siyang napalingon sa ate niya. Nakita niyang nakamulat ito at pupungas-pungas.“Labas lang ako, te. Iinom lang ako ng kape.”“Di ka makakatulog sa kape. Maligamgam na gatas ang inumin mo. May natira pang Swak sa lalagyan.”Tumango siya, “Sige, te. Sorry, nagising ka pa.”“Sus. Nag-aalala kaming lahat sa iyo. Si Nanay, walang tigil ang kakakumusta sa iyo. Baka raw mag-suicide ka.”Nalabi siya, “Si Tiya naman. Wala naman sa isip ko ‘yan.”Aba, di natin alam. Ang tao kapag depressed di nakakapag-isip nang matino. Mahirap na kalaban ang depresyon sa lahat, Ruth Mirabelle.”Napasimangot siya sa sinabi ng nakatatandan
Read more
10
10.LUSH MIGUEL was immediately dragged by his father when he hopped out of his car. Ipinasok siya nito sa elevator saka ito namulsa. Daig pa nito ang holdaper kung makaasta. “What are you up to with dela Vega, son?” Tanong nito sa kanya.“You mean Don Claudio dela Vega?” Umangat ang mga makakapal na kilay ni Lush sa taas ng kanyang suot na salamin sa mata.“Yes. He's here. Aren't you aware?”“And you dragged me here because?” Tanong niya muli kay Lux.Alam niya kasing may gustong ipahiwatig ang kilos nito sa kanya ngayon kaya siya dali-dali nitong hinila.Hindi niya rin naman alam na narito ang ama niya nang ganito kaaga.“Because I want you to turn down whatever offer he has to make.”“Because?”“Because I didn't like what he did to one of our employees earlier. Ang sasakyan nila parang bullet train sa bilis tapos sinabihan ang janitress na estupida.”Napatanga siya saglit sa mukha ng ama.Janitress, “Who?”“I didn't ask for her name but she's lovely and young, parang Mommy mo rin
Read more
11
11.LUSH MIGUEL couldn't brush this woman off his head. Nasa gitna siya ng trabaho pero sumisirit sa kukote niya ang janitress na iyon. Hindi niya makalimutan ang katawan nun, to be exact.Naibaba niya ang sign pen na hawak at sumandal sa headrest ng kanyang executive chair.Is there a possible way wherein he can have that woman?Shit. Parang nawalan siya ng lakas ng loob na mag-utos kay Melo na alukin iyon ng isang bagay na hindi disente.Ewan niya pero disente ang tingin niya sa babae.Muli niyang itinikal ang likod sa sandalan at inilapit ang sarili sa laptop. He accessed the utility personel department and this is the first time hw did that. So what?Kahit na janitress basta maganda at maayos naman, bakit hindi? Pwede niyang bilhin kung gusto niya.May mga babae pa nga na bulgar kung makaalok at may kasama pang hubad kaagad sa harap niya, ito ay siya ang nawiwindang kung paano mapapasakanya.He just wants to have a taste for a few nights and days, just that. Pagkatapos nun ay bibi
Read more
12
12.Termination paper ang nakahain sa harapan niya ngayon. Hawak niya iyon sa loob ng banyo sa lobby, kung saan siya umiiyak.Iyon ang kopya na ibinigay sa kanya ni Dennis kanina, at mukhang tototohanin ng matandang yun ang pagpapatalsik sa kanya.Ang sama-sama ng loob niya. Ang sabi nun, lumapit lang daw siya at magpakumbaba, pwede pa raw na magbago ang isip nun.Ano ba iyon? Isang uri ng bullying. Dahil hamak siyang janitress ay inapak-apakan siya ni Dennis?Peste naman na buhay ito. Mamomroblema na nga siya at halos hindi na makakain, dumagdag pa ang matandang ito. Hindi pa alam ni Berna ang nangyari na ito. Maagang umuwi ang kaibigan niya dahil may emergency.Nasa presinto raw ang kapatid nun dahil nahuli ng pulis na nagtitinda sa bawal na lugar.Ayaw na niyang makadagdag pa sa problema ng kaibigan niya. Sasarilinin na muna niya ito ngayon.Nakakapeste na.Ang sama-sama ng pakiramdam niya. Gusto na nga niyang makaipon para sa pagkuha ng investigator, ito namang bwisit na head niya
Read more
13
13.HE is single. Wala siyang problema na pumasok sa isang kainan na may kasama siyang babae. Hindi naman siya nagpapaunlak ng mga interview, hindi siya nagpapakodak.His security is just roaming around, eyeing him. Kapag may kumuha sa kanya ng litrato na taga media, na walang permiso niya, hindi lang litrato ang buburain, pati na ang aparato ay sisirain.Yes, he is a billionaire but he wants his privacy. Hindi siya taga showbiz para pag-fiestahan ng mga tao at gawing kontrobersyal ang buhay.Lush had experienced it before. Kahit na kasal na ang mga magulang niya at nasa elemantarya na siya ay may bumubuhay pa rin ng istorya, na ang nanay niya raw ay isang kabit.That didn't make sense for him. He knew his mother and knew the story. Malaki ang respeto niya sa kanyang ina, at ang titulo na isang kabit ay hindi kayang palitan ang kabutihan ni Heart sa kanila.He pulled a chair for Ruth when they reached the table.Napatingin pa ito sa kanya nang gawin niya iyon.“Gusto mo ba na ako ang
Read more
14
14.TOTOO na ito. Nagkasundo na sila at pumayag na siya sa alok niya. Oo, siya ang nag-alok ng kanyang sarili. Mapapatay siya ni Baron kapag nalaman nun ang ginawa niya.Yun ay kung buhay pa ang asawa niya.“Can't we go tonight, Ruth?” Biglaan ang tanong na iyon ni Lush Miguel sa dalaga.Nagmamaneho ito papunta sa lugar niya. Ihahatid daw siya nito sa labasan at wala naman siyang magawa.Anong ibig nitong sabihin na go tonight?“A-Ang ibig mong sabihin ay m-mag-aano?” Naiilang na tanong niya.Susko.Handa ba talaga siya? Hindi pa man lang ay naiiyak na siya. Pinag-ingatan nga niya ang sarili para kay Baron tapos ay bigla na lang na ibebenta niya ang sarili niya.Ngayon, sa isang iglap lang ay mawawala na iyon at ibang lalaki na ang makikinabang.Isang pangyayari ito sa buhay niya na ililihim niya habang buhay. Kahit na si Baron ay hindi na makakaalam. Saglit lang namang ang walong beses na may mangyayari sa kanila ng boss niya.Gasino na iyon.Pikit-mata, Ruth. Paalala niya sa sarili.
Read more
PREV
1
...
1314151617
...
22
DMCA.com Protection Status