LUTANG ang isip niya habang naglalakad, hawak ang tray na may lamang mga pagkain na ang halaga ng isang plato ay nasa sampung libo siguro ang pinakamababa. Wala siyang direksyon dahil sa balitang gumulantang sa kanyang buong sistema kanina. Halos mabitiwan niya ang cellphone dahil dun, nang mag-umpisa siyang humagulhol sa banyo."Ang tatay mo, nasa ospital, nag-aagaw buhay!"The voice of her mother thundered in her ears and now still echoing inside her head. Limandaang libong piso ang kailangan para maoperahan ang ama niyang inatake sa puso, habang hila ang baka sa kabukiran, kanina rin mismo, sa kanilang probinsya sa Oas, Albay. Tubong Legazpi City siya, Bicolana, na napilitan siyang lumuwas at itigil ang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa buhay. Maganda siya, kung sa maganda pero kulang siya sa height para ipambato sa beauty contests, kaya hindi siya kailan man nakuha bilang kandidata.If she was only blessed with height, she'd probably earn and help herself when it comes to
Last Updated : 2024-10-29 Read more