Home / Romance / The Billionaire's Mistress / Chapter 1 - Nagigipit

Share

Chapter 1 - Nagigipit

Author: MM16
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 1 - Heart

TINATANTYA niya ang sariling kilos nang buksan ang pintuan ng opisina ng kanyang Manager. Agad na sumalubong sa mukha ni Heart ang malamig na simoy ng hangin mula sa loob, dahil sa malakas na air condition doon. Kasama nun ay ang mabangong amoy, amoy ng pabango ng kanyang manager sa restaurant na iyon.

She saw Vandros Montero sitting on his chair with a cigarette in his hand. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi niya mawari. Parang maiiyak na siya, wala pa man lang nasasabi. Ni mga paa nga niya ay halos hindi pa nakakapasok sa nakaawang na pintuan.

Vandros looked her way and motioned his fingers, 'come in'. Wala itong ekspresyon. Seryosong nilalang si Vandros. Hindi ito ngumingiti at nakakailang itong tingnan pero, napakabait nitong tao. Hindi ito mayabang at hindi ito naninigaw sa kanila. He always speaks to them with ethics and respect, pero kaakibat ng mga taglay na pag-uugaling yun ang katapatan dapat nila sa trabaho, dahil baka lumitaw ang tunay na kulay nito.

That's what Heart did. She shut the door and started to gently rub her palms on the sides of her skirt, to calm her roaring emotion as she walked toward this man. She's nervous but at the same time she has other agenda in her mind. Kagat niya ang labi dahil suntok sa buwan ang pagpasok niya para magbakasakali na humiram ng pera sa kanyang manager, kahit na ang rason ng pagpapatawag nito sa kanya ay ang nagawa niyang pagkakamali kanina sa isang customer, ang lalaking matiim kung tumitig sa kanya, na para siyang kakainin nang buo.

"Hi, Heart," ngumiti si Vandros pagkasabi nun sa kanya pero hindi malaman ng dalaga kung ngingiti rin ba siya.

She stood still in front of his table and just gave a very light smile in return for that greeting.

"What happened? I need the reason why it happened," anito sa kanya sa napakalumanay na boses, tapos ay humithit ng sigarilyo.

Alam ng dalaga na ang tinutukoy nito ay ang tungkol sa pagkakatabig niya mga pagkain sa mesa ng mayamang lalaking iyon kanina.

Hindi iyon umimik. Hindi siya minura o pinagsalitaan ng kung anong masakit, na magpapamukha sa kanyang isang dakilang tanga sa harap ng marami, na serbidora na nga lang siya, wala pa siyang utak. She was wiping that man's trouser when he lifted his hand to stop her. Napaawang lamang siya at sumunod sa utos nun. Pagkatapos niyang humingi ng paumanhin nang paulit-ulit ay umalis na lamang iyon, kasama ang isa pang lalaki na kasama sa iisang mesa. Nasa meeting siguro ang dalawa, o baka bakla ang isa sa mga iyon. Hindi niya alam. Mukha namang parehong lalaki pero marami namang ganun ngayon. Bihis lalaki pero pusong mamon.

Doon siya natauhan sa pagkatulala niya, nang layasan siya ng dalawang customer na iyon. Naapektuhan na ang trabaho niya sa bigat ng problema. Pasensya na lang pero hindi siya mayaman, na hindi iniinda ang halagang limandaang libong piso para sa pagpapa-opera. At di hamak na mas mabigat doon ang kaisipan na anumang oras ay pwede na siyang mawalan ng ama. Isipin pa lang niyang nahihirapan ang Tatay niya, parang mas mauuna pa siyang mautas.

"S-Sorry po, sir Van..." hingi niya ng dispensa habang nakayuko, nasa harap ang mga kamay, magkahawak, "Nakatanggap po kasi ako ng masamang balita galing probinsya kaya po…w-wala ako sa sarili ko," dagdag paliwanag pa niya.

"Alam mo bang walang bayad ang mga naorder nila dahil sa nagawa mo? That means, kalugihan yun para sa restaurant na pinagtatrabahuhan mo. Due to that mistake also, your co-workers are affected. Tataas ang expense dahil sa pagkasayang ng mga pagkain, wala namang income."

Kinagat niya ang labi nang sulyapan ito.

"Ang halaga ng pagkain sa mesa niya ay thirty-two thousand. When you signed your contract here, did you read the policy?"

Hindi niya binasa yun dahil napakarami at napakahaba. Tiwala naman siya na wala yung laman na masama dahil management naman ng restaurant ang gumawa. Si Vandros na rin ang manager noong makapasok siya rito, mahigit isang taon na ang nakalilipas.

"Salary deduction ang mangyayari ngayon, Heart," anito kaya napaangat siya ng tingin at nakanganga sa lalaki.

Maya-maya ay hindi na niya napigil ang sarili. Napaiyak siya dahil doon. It sinks in her mind. Sa sahod na lang siya umaasa, kung mababawasan pa, paano na? Hindi na niya maipaopera ang Tatay niya, wala pa ba siyang maipapadala sa mga kapatid niya? Mababalewala na ba ang pagsasakripisyo niya para makapag-aral ang kambal dahil kung hindi siya titigil ay baka di na makapagtapos ng hayskul ang mga iyon.

"Sir…" humihikbi na sambit niya.

Umangat ang mga kilay ni Vandros.

"Tuliro lang po ang isip ko. Nasa ospital po si Tatay at ooperahan sa puso. Wala po ako sa sarili kanina kaya yun nangyari. B-Baka naman po pwedeng sa mga susunod na sahod ko na lang bawasin. Huwag lang po ngayon, sir," lumuluhang pakiusap niya, "Problemado na po ako. Gusto ko nga pong makiusap na i-advance na po ang mga sahod ko p—"

"That is not possible."

Kinapalan ni Heart ang mukha at naupo siya sa silya, sa harap ng mesa ni Vandros.

"Sir, Van, please po. Kahit po ako ang makiusap kay Senyora Carmen. Kahit po isandaang libo lang na pang down payment. Please po, sir," puno ng luha ang mga mata na pakiusap niya.

Sa pagkakaalam niya ay mabait si Carmen Montesalvo. Minsan lang niyang nakita ang babae roon at hindi na naulit pa pero palangiti iyon at nakikihalubilo sa mga tauhan. Baka maawa iyon sa kanya at payagan siya.

"Kilala mo ba ang natapunan mo ng pagkain kanina sa damit niya? He wears a Brioni or Armani suit almost everyday. Apo siya ni Lola Carmen, ni Senyora."

Diyos ko.

Napapikit ang dalaga. Wala na talaga siyang pag-asa rito. Baka magpakamatay na lang siya dahil sa mga nangyayari sa buhay niya. Parang di na niya kakayanin pa. Ayaw na niya.

"Pakisabi po huwag naman nila akong sisantehin. Sir, alam niyo naman po na ito lang ang trabaho ko. Sana po patawarin nila ako ngayon. Unang beses ko lang naman po itong nagawang pagkakamali," pakiusap niya, "Saka baka naman po payagan nila akong bumale."

Bumale? Bumale ng ganun kalaking halaga?

Yumuko na ulit siya at suko na. Sinong mayaman nga ba naman ang magpapautang sa kanya ng ganung halaga? Para sa mga mayayaman ay barya lang yun pero mahalaga.

"Kailan dapat operahan ang Tatay mo, Heart?" Pag-iiba ni Vandros sa topic nila.

Umiling siya. Kilala ni Vandros ang ama niya. Minsan na iyong bumisita sa kanya sa Maynila at sa trabaho. Libre yung pinakain sa restaurant. Sa isang taon ay dalawang beses pwedeng dumalaw ang mga kapamilya ng mga empleyado sa trabaho, libre ang pagkain doon sa loob ng dalawang araw.

" H-Hanggang bukas daw po. Downpayment ang kailangan ko. Kapag hindi ay pauuwiin na nila si Tatay at wala na silang magagawa."

"Tapos paano ang balanse sa ospital? For sure they will not permit your father to leave until the bills are fully settled."

Umiling siya muli. Hindi niya alam kaya napaiyak siya.

"W-wala akong alam, sir. Di ko na po alam," tila tuluyan siyang nawalan ng pag-asa kaya wala na siyang magawa kung hindi ang umiyak nang umiyak.

"Umuwi ka na, Heart. I'll see what I can do. May kakausapin akong tao. Tatawagan kita. Leave me your number."

Tila nabuhayan siya ng katiting na pag-asa at sunod-sunod ang kanyang naging pagtango. Mas mabilis pa sa alas kuwatro niyang isinulat ang numero niya sa sticky note na iniabot sa kanya ni Vandros.

"Kahit ano, sir na trabaho o side line, o anong gusto ni Senyora Carmen na ipagawa sa akin. Sana po ay mapakiusapan niyo pong makuha ko na ang pera agad-agad para kay Tatay," aniya nang isulong yun pabalik sa manager.

"I'll see what I can do."

"Salamat po," mahinang sagot niya. Sapat na yun salita ng manager niya para makakita siya ng kaunting liwanag man lang sa madilim na kinalalagyan niya ngayon.

Tumayo na siya para umalis na. Wala ng dahilan para magtagal pa siya roon. Sana ay mapakiusapan na rin nito ang may-ari na saka na siya singilin sa pagkakamaling nagawa niya kanina. Huwag naman na sana iyong makisabay pa sa hirap ng buhay niya ngayon. Kahit na yun naman na lang sana ay makabawas na sa isipin niya.

Pagkalabas niya sa opisina ay dumiretso na siya sa locker room para kunin ang kanyang bag. Iyon ang sabi ni Vandros, umuwi na muna siya. Baka mga naman sa katangahan niga ay maulit pa ang nangyari kanina at makaaksidente na naman siya ng tao. Baka sa halip na makaipon siya para sa amang may sakit ay makaipon siya ng bayaran sa damages na magagawa niya, dahil sa pagka tuliro.

Susko. Bakit naman sa dami ng tao sa mundo ay ang mismong amo pa niya ang natapunan niya ng pagkain kanina? Parang sobra ang dagok sa kanya ngayon. Patung-patong na sa ulo niya ang mga problema at isipin sa buhay.

"Kumusta?" Biglang tanong sa kanya ni Gigi na nasa may pintuan.

Best friend niya ito at kababata niya. Ito ang kasabay niyang lumuwas ng Maynila. Parehas sila ng kapalaran na magkaibigan, ang pagkakaiba lang nila ay nakapagpatuloy na si Gigi sa pag-aaral ng Kolehiyo, habang siya ay napag-iwanan na. Wala naman kasing sinusuportahan si Gigi. Wala itong kapatid.

"Anong nangyari?" Dagdag na tanong nito kay Heart.

"Pinauuwi na ako ni Sir Van. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin, Gi."

Tumingin siya sa dala-dala nitong plato. Lunch break na nila at toka-toka lang ang pagkain nila. Hindi pwedeng maubos ang lahat ng serbidora sa restaurant kapag sabay-sabay na nananghalian.

"Anong ibig mong sabihin? Masisesante ka dahil sa nangyari na yun? Sino ba kasi ang nakaimbento ng number 9 at 6, isa-salvage ko na? Nalito ka tuloy."

Natawa siya nang kaunti. Sira ulo talaga si Gigi.

"Huwag naman sana," malungkot na sagot niya.

"Ano ba ang totoong nangyari? Magsabi ka nga habang lunch break pa ako. Alam ko may nangyari. Hindi ka pa nagkakaganito sa trabaho. Ikaw ang most outstanding waitress of the year. Ikaw ang pinakamagaling sa atin. Alam mo 'yan. Bakit nagkaganun ka kanina, Heart?"

Napatigil siya sa pagsasara ng zipper ng bag at yumugyog na naman ang mga balikat. Hindi niya napigilan ang muling pag-iyak.

"Hoy…" nataranta si Gigi na pumasok sa kwarto na yun para aluin siya.

Inilapag nito ang plato sa mesa at inakbayan siya kaagad. Yumakap siya sa kaibigan.

"Si Tatay…"

"Diyos ko! Anong nangyari kay Tatang?" Naitikal siya nito.

"Kailangan operahan at hindi biro ang gagastusin. Five hundred thousand, Gi. Saan ako kukuha nun? Wala naman kaming yaman."

Halos dumausdos siya sa paghagulhol. Napakahirap maging dalawang kahig, isang tukha. Parang pakiramdam ni Heart ay hindi patas ang mundo.

"Tahan na. Alam ko mahirap sabihin pero gagawa tayo ng paraan. Bukas, magpapatulong ako sa mga magdi-day off. Papupuntahin ko sa mga ahensya ng gobyerno. Tapos hihingi ako ng tulong sa kanila. Kahit mahirap ang five hundred thousand na makuha, kakayanin."

Diyos ko. Paano kakayanin? Hindi niya alam. Hindi naman siya nawawalan ng pag-asa pero alam niya ang kalakaran sa mundo. Hindi madali ang mabuhay na isang pobre.

"Humingi ako ng tulong kay Sir Van. Maghihintay ako ng tawag kung papayag si Senyora Carmen sa salary deduction."

"Oo, oo," maluha-luha na rin ito at pinahid ang mga luha niya sa mga mata. Malapit ito sa mga magulang niya. Halos magkapitbahay lang sila at magkalaro noong mga bata pa sila. Parati si Gigi sa kanilang bahay at minsan nga ay doon na ito kumakain. Kulang na lang ay doon ito makiligo at makitulog dahil sa sobrang close nilang dalawa.

Matatag siya pero pag tungkol sa pamilya ay napakahina niya. Nawawalan siya agad ng lakas kapag pamilya niya ang apektado. She has nothing except for her family. Ang isipin na mawawalan siya ng ama ay napakasakit para sa kanya.

"Mag-usap tayo pag-uwi ko ha. Matatapos na ang oras ko sa break. Mag-ingat ka ha."

She nodded when she wiped her tears. Wala na siyang magagawa kung hindi ang maghintay sa maitutulong ni Vandros, at habang lumilipas ang sandali ay parang lalo siyang nanghihina.

Tinanaw niya ang kaibigan na lumabas ng locker room. Lumingon pa si Gigi at puno ng pakikisimpatyang ngumiti sa kanya. Tuluyan niyang isinukbit ang bag para umuwi na. Kahit siya man ay gusto niyang umuwi para makapag-focus sa pag-iisip ng solusyon sa problema, hindi iyong nasa trabaho siya pero okupado ang buong utak niya ng problema.

SA PAGLABAS niya sa restaurant ay may pahabol sa kanya ang katrabaho niya. Pinakikisuyo na makipadala ng pera sa Eagle Express para raw sa mga magulang na nasa probinsya. Tinanggap naman niya yun kasi wala naman siyang gagawin. Mabuti iyon at malilibang pa siya sa paglalakad sa tabing kalsada, habang nag-iisip, papunta sa Eagle Express. Huwag lang siyang mawala sa sarili at baka masagasaan na siya o dahil sa katangahan ay siya ang bumangga sa sasakyan.

Hawak niya ang bag at naglalakad nang marahan nang may biglang may humablot doon mula sa likuran, kaya naman ganun na lang ang panlalaban ni Heart.

Biglang humalakhak ang lalaki at binitiwan ang bag niya nang lumingon siya.

"Bigat ah!" Sabi ni Franco kaya ganun na lamang ang paghinga ni Heart nang maluwag.

"Akala ko kung sino na," tinatamad na sambit niya.

Nasulyapan niya ang lalaki. May dala itong bag.

"Saan ang punta mo, baby ko?"

Naalibadbaran siya sa itinawag nito sa kanya pero wala siya sa mood na makipag-bangayan. Masyado na siyang maraming iniisip para dumagdag pa si Franco Rodriguez.

Kalapit-upahan nila ito. Nasa katabi itong apartment, dangan lang na sila ay libre ang tirahan, habang ito naman ay nagbabayad ng upa para sa kakapirasong kwarto na inuukupa nito. Franco is working in an Accounting firm.

Mabait naman si Franco, matulungin din kaya lang ay napakayabang nito lalo na sa mga kwento pagdating sa babae. May mga itinuturo ito sa kanilang mga babae sa di kalayuan ng apartment, mga naging girlfriend daw nito, at ang iba ay one-night stand. She doesn't know if it's true. Who cares?

Siya naman ay matiyaga nitong sinusuyo. Siya lang daw ang niligawan nito dahil kakaiba raw siya. At kapag daw sinagot niya ito, ipakilala siya nito kaagad sa mga magulang na taga Laguna.

Tumingin siya sa mukha nito. Gwapo si Franco. Mukha itong Bombay pero hindi naman ito purong Bombay. Kwento nito ay Bombay ang ina nito pero nang maghiwalay ang mga magulang ay napunta ito sa sa kustodiya ng ama at doon na naghirap ang buhay. Inayawan na raw ito ng ina kaya matindi raw ang galit nito sa mga babaeng gumugusto sa mga mayayaman para lang sa pera.

Ano kaya kung sagutin na niya ito para makahingi siya ng tulong para sa Tatay niya?

Kumurap siya at ngumiti.

Bigla itong napahilamos ng mukha, "Ganda naman talaga. Anong problema, Heart? Parang lutang ka."

Nag-umpisa muli siyang lumakad. "Nasa ospital si Tatay at ooperahan."

"Ha?" E, saan punta mo ngayon?"

"Sa Eagle Express, may pasuyo si Aiza para sa family niya. Ikaw?"

"Dun din. May papadala rin akong bayad para sa documents. Mukhang malaking pera ang kailangan mo, Heart."

Tumango siya, malungkot.

"May pera ka pa ba?"

She doesn't know how to answer it. Oo, may pera siya pero kulang na kulang.

"May ipon ako," sabi nito pero agad siyang umiling.

Ayaw niya. Maghahanap na lang siya sa iba. Pakiramdam niya kapag tumanggap siya rito ay mababaon siya sa utang na loob at hindi na niya pwedeng bastedin ito.

"H-Hindi na, Franco. Kailangan mo yun," mahina niyang sagot.

"Sus sa kailangan. Ayaw mo lang."

Lumipad ang mga mata niya rito.

"Feeling mo maniningil ako."

"H-Hindi naman sa ganun, Franco. Nakakahiya naman kasi."

"Bakit ka naman mahihiya? Kailangan mo naman ng pera. Ang masama ay kung hindi. Wala naman akong hihingin na kapalit. Utang naman yun."

Hindi siya umimik at ibinaling ulit ang mga mata sa dinaraanan. Gipit na gipit talaga siya. Kung pwede lang niyang ibenta ang kaluluwa niya ng isandaang ulit para kumita, ginawa na niya. Sumasagi na nga iyon sa isip niya sa totoo lang. Baka mag GRO na lang siya kapag wala na siyang makapitan.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Gina Boncato
interesting story
goodnovel comment avatar
Eve Lais
hindi nman natapos ang isang story
goodnovel comment avatar
Cristy Joy Patarlas
more pa please....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Mistress   Chapter 2 - Ang Buhay ni Lux

    Chapter 2 - Lux"WHO'S that?" Buong-buo na tanong ni Lux sa kanyang Abuela nang makapasok siya ng mansyon ng mga Montesalvo. Kahahatid lang niya sa kaibigang nasiraan ng sasakyan. He made a promise to his seventy-eight year old grandmother, Carmenzita Almendrez-Montesalvo that he was going to spend an afternoon with her inside her favorite salon. Kasama raw siya nitong ipapa-foot spa, papalinisan ng mga kuko at pagugupitan. Damn! He doesn't need grooming, for Pete's sake.Wala siyang magawa. Masaya ang kanyang Abuela na ginagawa pa rin siyang maliit na bata hanggang ngayon, kahit na trenta y uno anyos na siya. Sabagay, mula at sapol naman ay sila lang talagang dalawa ang magkasama."Oh, here you are," anito na kabababa lamang ng telepono.His grandma doesn't have a smartphone. Ito ang kaisa-isang tao sa mundo na umaasa pa rin sa linya ng telepono. She has a phone and a registered sim card but she is not using it. Wala rin itong social media. Hindi ito marunong gumamit ng mga makabago

  • The Billionaire's Mistress   Chapter 3 - Kasunduan ng Kalaswaan

    Chapter 3 - HeartNaghihintay ng tawag si Heart alas singko na ng hapon sa loob ng apartment, pero wala pa rin. Para na siyang pusang di mapaanak sa kinatatayuan niya. Sumisilip na rin siya sa bintanang kahoy at tinatanaw ang daan, baka sakaling may maligaw na mamahaling Nissan Calibre sa harap ng gate nila, na pag-aari ni Vandros.Hindi na siya matahimik habang hawak ang kanyang cellphone. Paroon at parito siya, uupo at tatayo, saka maglalakad na namang muli.Walang humpay ang pagsulyap ng dalaga sa orasan. Pakiramdam niya ay ang bilis ng takbo ng oras. Panay ang lagitik nito sa tainga niya, sabay sa puso niyang kumakabog.Malayo ang isip niya, nakatuon sa amang hindi niya alam kung ano na ang sitwasyon sa mga sandaling iyon. Ang isip niya ay negatibo na. She has stupid imaginations, that her father is already dying.Napatigil siya at napahikbi. Baka nahihirapan na ang Tatay niya.Diyos ko. Napatakip si Heart sa mukha niya gamit ang sariling mga palad. Hindi tama ang mga nai-imagine

  • The Billionaire's Mistress   Chapter 4 - Kerokeroppi

    Chapter 4 - HeartPARANG nakahinga nang maluwag si Heart nang pumasok sa SCash wallet niya ang 75 thousand na paunang bayad sa kanya. Bukas na lang daw ang another 75K. Nasa sasakyan pa lang siya ni Vandros, para ihatid siya papauwi ay agad na niyang balak tawagan ang ina para maghanap ng mapapadalhan ng seventy-five thousand. Hindi niya alam kung may mawi-withdrawhan pa iyon sa ganitong oras. Kailangan na niyang mapaoperahan ang ama.They have to hurry. Lumilipas ang sandali. Habang tumatagal ay nagiging kritikal lalo ang lagay ng kanyang ama."Heart…" ani Vandros sa kanya kaya napatingin siya sa amo."Po?" Malungkot ang mga matang tunghay niya rito."Why don't you ask the doctor if it's still possible for your father to be transferred here? Philippine Heart Center, you know? Ang five hundred thousand ay pwede niyong mapababa up to two hundred. That's a big difference. Kaunti na lang ang kakailanganin mong pera. Kakausapin ko si Senyora Carmen, baka payagan kang mag-salary deduction."

  • The Billionaire's Mistress   Chapter 5 - Rejected

    Chapter 5 - HeartHINDI halos makahakbang si Heart nang tuluyang isara ni Vandros ang pintuan ng condo unit. Naroon na siya sa loob. Naihatid na siya. Napakaganda ng unit na yun, napakalaki na parang isang malaking pamilya ang pwedeng tumira. Napakayaman talaga ng lalaking bumili sa puri niya. Walang simpleng may kaya ang kayang bumili ng ganun klase ng condo unit. Hindi lang basta may kaya si Kerokeroppi, ubod yun ng yaman sigurado.Ano pa bang gagawin niya, tatayo na lamang? Nag-text ang nanay niya na malapit na ang mga iyon sa Maynila. Kailangan na niyang magmadali sa pag-aasikaso ng certificate na siya ay virgin.Tuluyan ng humakbang ang dalaga matapos niyang makapag-chat kay Gigi na naroon na siya sa bago niyang tirahan.Tirahan nga ba o lugar ng parausan? Kahit ano pa man, wala na rin siyang magagawa. Kahit na ilang milyong beses man niyang tanungin ang sarili, ulit-ulitin sa sarili, wala na. Tapos na. Pagmamay-ari na siya ng isang lalaking mahilig sa sex.Heart walked. May mga

  • The Billionaire's Mistress   Chapter 6 - Paalam Na

    Chapter 6 - HeartDIOS mio, Marimar!Her eyes widened.Hindi mabilang ni Heart kung ilang beses siyang lumunok ng laway matapos niyang makita ang text galing sa isang unknown sender. Malalaki ang mga mata niyang nakatunghay sa screen ng kanyang phone. Hindi niya alam kung nananadya ba ang bulok niyang Android phone dahil blinking ang screen nito, habang nagbabasa siya ng nakakatakot na message na iyon.Ang tangka niyang pagsubo ng pagkain ay hindi na niya nagawa. Nasa ibaba siya ng condo building, sa tabi ng mini grocery. She's having her dinner. Tila nawalan na siya ng gana dahil sa nabasa niyang message. Agad-agad? Maglinis daw siya ng sarili dahil darating na raw si boss sa loob ng isang oras. Magbababad ba siya sa muriatic acid para siya ay madisinfect?Para siyang nahiya. Maglilinis, ibig sabihin ay magkuskos siya at magsabon nang mabuti. Nakakatakot ang utos na yun dahil parang iba ang gagawin sa kanya ng lalaki. Baka tulad sa mga palabas na nauuso ngayon ay hahampasin siya at k

  • The Billionaire's Mistress    Chapter 7 - Pain and Pleasure(spg)

    Chapter 7 - LuxLux casually stepped out of his White Bentley GTC, parked in , the car that was made to suit his personality. Isa lang yun sa mga sasakyan niya pero yun ang paborito niya sa lahat. Isa pa ay bago yun. Bata palang siya ay mahilig na siya sa kotse. Marami siyang koleksyon ng mga laruan na parang makatotohanan pero ngayon ay mga totoong sasakyan ang koleksyon niya.He uses them for four months, six or even eight, and then he sells them. Kapag sawa na siya ay ibinibenta na niya, pero nang lumaon ay iginagarahe na lang niya. Binubuksan niya ang garage para sa mga vloggers o content creators. Walang bayad ang pag-feature sa mga luxry cars niya, but the vloggers had to face their consequences once his cars got a tiny scratch.He walked to reach the entrance of the condominium, one of the condominiums he owns. Kaswal siyang naglalakad pero napatigil siya at napa-second look sa medyo pamilyar na lalaking napakalaki ng katawan. Nakatayo iyon at busy sa pakikipag-usap sa hawak na

  • The Billionaire's Mistress   Chapter 8 - Boss na Pogi

    Chapter 8 - HeartHEART'S world giddied when she abruptly sat on the bed. Bigla siyang natumba at nandidilim ang dati na niyang madilim na paningin. Para siyang bangag na hindi niya maintindihan.Masakit ang kanyang balakang. Masakit ang kanyang sentro. She's sore. Muli siyang nakaramdam na parang iiyak pero pinigil niya. Iiyak pa ba siya? Tanga siya at mapagpanggap kung gagawin pa yun dahil nagustuhan din niya ang ginawa ng lalaking hindi niya kilala.Kinapa niya ang kama dahil baka may tao pa roon. Natatakot siyang baka mamaya ay magtanggal siya ng piring sa mga mata, yun pala ay may tao pa.She tried to clear her throat. Anong oras na ba? May naaamoy siyang pabango ng lalaki, nakadikit sa balat niya, nakadikit sa unan, sa balot ng kama. Mabango. The scent is sweet and not tangy. Mild ang amoy na yun kahit na amoy lalaki.Masasabi ni Heart na si Mister K ay may magandang sense sa pagpili ng pabango. This kind of scent will make a woman fall for it. Hindi iyon tipikal na masangsang na

  • The Billionaire's Mistress   Chapter 9 - Inilalapit ng Tadhana

    Chapter 9 - LuxHIS sinful eyes followed Heart's butt, and her hips were swaying as she walked towards the door. Sinarili niya ang pagkagat sa labi. Tinatayuan siya kahit na kagabi ay naka pito siguro siya. His libido is really high. Kahit na thirty na siya mahigit, kaya pa rin niyang ikumpara ang sarili sa mga lalaking nasa bente dos pataas ang edad.M*****g na asawa lang ang wala siya, kaya kapag sila ni Diana ang nagsi-sex, maswerte na ang dalawang rounds sa kanila sa magdamag. She easily gets tired. Isa pa, parang walang kakati-kati si Diana sa katawan. Pakiramdam niya ay nakikipagtalik siya sa bangkay.Parang mas gusto na niyang baguhin ang rules and regulations. Gusto niya ay gising na si Heart sa tuwing magsi-sex sila, para naman may participation sa kanya.Lux really enjoyed last night.Masarap si Heart.Napangiti siya at sinarili sa isip ang imahinasyon ng mga malalaswang bagay na ginagawa niya sa katawan nun."Sir," anang kahera kaya napatingin na siya rito, "Sa vault na po t

Latest chapter

  • The Billionaire's Mistress   Pasasalamat

    Paulit-ulit ako. hahahah.Ito po ay final story na ng sequel ng libro na ito. Nalulungkot ako, kaloka. hahha. ang story po nina Lush at Ruth ay agaran na demand lang po sa akin ni Sir. Nataranta ako kasi isang araw pinag-decide niya po ako kung tatanggpi ko na right on that very day ay uumpisahan ko ang chapter one. Wala akong idea, wala akong Title. Bigla ko na lang pong naisip na isunod sa kwento ng mga magulang ni Lush ang istorya ng buhay niya. Akala ko mawawala ako sa sarili kong libro. Sana po ay napasaya ko pa rin kayo kahit na hindi ko po napaghandaan ang kwento.Hanggang sa mga susunod pong kwento, kita-kits po tayo.Mamimiss kayo ng buong angkan ng mga Montesalvo.🫶 balikan niyo po ang kwento kapag na-miss niyo.

  • The Billionaire's Mistress   Epilogue

    Epilogue “DIYOS KO!” nausal ni Lush at halos maiitsa niya ang hawak na smartphone nang makita niya ang anak na si Dean, na umaakyat sa sofa. Daig pa niya ang bakla na mapapatili, at kahit na ang pagsara ng kanyang zipper ay hindi na niya nagawa. “Anak!” Hiyaw niya at iika-ika na tumakbo papunta sa anak niyang long hair. Nagpupumilit itong makasampa sa upuan kahit na hindi naman nito kaya. Ano ba ang kanyang magagawa ay takot ito sa ibang tao? Ayaw nito ng yaya kaya sakripisyo siya dahil nag-aaral na si Ruth. Kaka-birthday lang ng anak nila, ika isang taon na. Nakakalakad na itong mag-isa pero naman napakakulit. Heto nga at nakarating na sa sofa. Napakasaya pa naman niya sa ibinalita ng kanyang lawyer. Dumating na sa law firm nun ang decree ng annulment nina Ruth at Baron. Napakabilis ng proseso kaya sobrang tuwa niya, na halos nakaligtaan niya ang anak habang umiihi siya. May arinola na nga siya sa may mesa niya para mabilis siyang maka-ihi. “Lush?” Tawag sa kanya ni Attorney M

  • The Billionaire's Mistress   69

    69ITO ang unang araw na muling lumabas si Ruth sa penthouse. Naroon lamang siya pagkatapos niyang maospital ng dalawang araw. On the third day, she was dismissed.Nalulungkot siyang talikuran ang kanyang bagong trabaho na pinasok. She has to keep resting more often for her baby.May history na kasi siya ng bleeding kaya kailangan na niyang mag-ingat. Mabuti na lang at hindi bumitaw ang kanyang isang buwanin na anak. Her child was strong. Lalaki itong matapang at matatag, tulad niya.Si David ay patuloy pa rin na ipinagagamot ng mga Montesalvo. Medyo maayos na ang lagay ng driver ngayon. Stable na iyon kaya laking pasasalamat din ni Ruth. Hindi niya matatanggap kung nagbuwis ng buhay si David para sa kanilang mag-ina.Ipinagbukas siya ni Lush ng pinto ng sasakyan. Papunta sila ngayon mansyon ng mga Montesalvo. Sayang daw at di niya makikilala si Love dahil nasa Australia.“Ruth sandali!”Iyon ang sigaw na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Lush. Si Baron iyon.Kitang-kita niya kung paa

  • The Billionaire's Mistress   68

    68.THERE was light and it was so bright. Hindi maimulat ni Ruth ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay masakit ang kanyang buong katawan at umaalog siya. She heard noise and a loud thug. Iyon ang nagpatalsik sa kanyang hawak na cellphone.That was after David yelled.“Babangga!” Sigaw ni David, “Kapit, Ma'am. Kapit!”Iyon ang huling sigaw ni David sa kanya bago niya makita ang pader at sumalpok ang harap ng sasakyan doon.Ang cellphone niya, nasaan? Ite-text Dapat niya si Kush ng I love you pero hindi na niya naisend. Baka isipin nun ay hindi niya mahal. Napahikbi siya. Baka magtampo iyon sa kanya at isipin na mas mahal pa rin niya si Baron. There's no comparison. Wala siyang ibang mahal kung hindi ang ama ng kanyang anak.Daig pa niya ang binagsakan ng isang buong gusali sa tindi ng pagyanig. Ang seatbelt na nakayakap sa kanya ay halos parang bumaon sa kanyang mga kalamnan. Para siyang lilipad papalabas ng windshield.She cried when she felt pain but cried more when she saw David.

  • The Billionaire's Mistress   67.1

    67.1LUSH felt that he couldn't bear to hear what the doctor would say after a long moment of waiting.Habang siya ay kabadong naghihintay sa resulta sa loob ng emergency room, may coordination siya sa kanyang tauhan na nasa presinto, at sa mga pulis na humahawak sa kasong ito.Nasa may tapat siya ng chapel, paroon at parito habang hindi matigil sa pagdutdot sa kanyang aparato.Umalis na rin ang kanyang ama at pupuntahan si Benito. Alam naman niyang hindi niya iyon mapipigil. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago si Lux bilang isang responsableng ama sa kanila.“Lush!”Naulinigan niya ang boses ni Delight kaya agad siyang tumingin sa likod niya.“Kuya,” aniya nang makita ang nakatatandang kapatid.“What the hell? imposible na si lola ang ipinupunta mo rito. Kagagaling ko lang sa mansyon bago ako mag-duty ngayon.”“It's Ruth, Kuya.”“Hell, no,” parang kinabahan na sabi nito sa kanya.“Nabangga ang kotse. She was bleeding. She was almost losing our baby. S-She Was almost gone…no. I

  • The Billionaire's Mistress   67

    67.“BELLE!” malakas na tawag ni Lush habang papalapit siya. Hindi ito patay!“Asawa niya ako!” Ani pa niya at daig pa niya ang isang nasa palabas sa telebisyon. Gusto niyang lumabas sa scenario na iyon at bumalik sa maayos at masayang buhay.Kanina lang makausap pa sila. Paano naman nangyari na bigla ay ganito na?“Kailan namin siyang madala sa ospital. Kanina pa siya walang malay,” anang medic sa kanya at kahit na gusto niyang abutin ang kamay ni Ruth ay wala siyang magawa.“Tell me she's alive.”“May pagdurugo siya, Sir.Fuck no.“Buhay siya, diba? Buntis siya! Tang-ina, buntis siya!” Galit na sabi niya kaya parang lalong napamadali ang mga ito.Nasapo niya ang ulo gamit ang dalawang kamay, habang nakatitig sa mukha ni Ruth. Ni hindi niya matingnan ang mga binti nitong may mga dugo. Hindi niya kaya.Gusto niyang gumawa ng paraan pero ano naman ang gagawin niya? Hindi siya doktor, at mas lalong hindi siya Diyos.His baby.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango at saka siya wala s

  • The Billionaire's Mistress   66

    66.WALANG reply. Tila sumama ang loob ni Lush dahil hindi nag-reply si Ruth sa kanya. He was starting to ovethink and went out of focus.Eric just informed him a while ago that Baron met Ruth at the restaurant.Pinalipas niya ang selos niya dahil nag-usap daw ang dalawa, yet, walang ibinalita sa kanya si Ruth na pumunta roon ang asawa nito.Eric didn't know what those two talked about. He was hoping that it was just some normal conversation, despite his jealousy. Hindi naman niya masisi ang kanyang sarili kung siya man ay nakakaramdam ng selos. Gusto niyang manatili sa paniniwala na hindi na siya ulit pagsisinungalingan ni Ruth.He wants a happy life with her, and he must start it with believing in her.Humugot siya ng malalim na hininga. This is the first time he ever fell in love. He was acting a bit kind of possessive. He must not.I must not. She’s mine.Ramdam naman niya ang sinasabi ni Ruth na pagmamahal sa kanya. The way how she touches him shows how much she's into him. And h

  • The Billionaire's Mistress   65

    65.“SIR, your girlfriend is here.” Melo whispered almost behind Lush during his meeting.Nakaupo siya at nakikinig sa palitan ng mga opinyon ng kanyang mga kasamahan, pero pumasok si Melo para i-imporma sa kanya na narito ang girlfriend niya.“Girlfriend?”“Si Miss Mirabelle po.”Mirabelle, yes!“We'll take a break!” Agaran niyang sabi nang walang pagdadalawang-isip. Ni hindi nga siya nag-isip at basta na lang iyon lumabas sa kanyang bibig.Tumingin sa kanya ang lahat pero mabilis siyang tumayo. It's twenty minutes before twelve. Alas dose pa sana sila magbi-break pero dahil dumating si Ruth ay break time na kaagad.Wala siyang pinansin na kahit sinuman. Agad na siyang lumabas.“Take your break as well, Melo.”“Yes, sir. Miss Mirabelle is inside your office.”“Thank you,” he said and walked tersely toward his office.Walang katok na pumasok siya sa loob at nakita niya ang dalaga na nakaupo sa kanyang swivel chair.She smiled sweetly while swinging his chair.“May dala akong pagkain

  • The Billionaire's Mistress   64

    64.“AND who told you she'd go with you?” Lush asked as he stepped out.He was behind the car when he heard Baron. Tumingin si Ruth sa kanya, at parang gulat nang lumabas siya.He was looking at Baron's hand, extended toward Ruth. Tumingin siya rito dahil nakatitig ito sa kanya.“Don't meddle in. Masyado kang pakialamero na kahit cellphone ng asawa ko ay ikaw ang may hawak. Did you even forget who you are?” Baron said with sarcasm, “She just sold herself to you…for me…”Lush pursed his lips, “I certainly know that. I am her second man. Yun ba ang gusto mong sabihin? Why don't you ask Belle if she wants to go with you.”Tumingin siya kay Ruth.“Wala ng pangalawang pagkakataon Para sa iyo, Baron. Tinuruan mo akong gumawa ng isang bagay na ni sa hinagap ay di ko akalain na magagawa ko. Pinababa mo ako. Pinababa mo na nga ako, iniinsulto mo pa ang pagkatao ko. Wala ka ng maloloko, Baron,” Ruth spat.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan pero hindi nito mabuksan. Muntik siyang matawa dahil h

DMCA.com Protection Status