LUTANG ang isip niya habang naglalakad, hawak ang tray na may lamang mga pagkain na ang halaga ng isang plato ay nasa sampung libo siguro ang pinakamababa. Wala siyang direksyon dahil sa balitang gumulantang sa kanyang buong sistema kanina. Halos mabitiwan niya ang cellphone dahil dun, nang mag-umpisa siyang humagulhol sa banyo.
"Ang tatay mo, nasa ospital, nag-aagaw buhay!"The voice of her mother thundered in her ears and now still echoing inside her head. Limandaang libong piso ang kailangan para maoperahan ang ama niyang inatake sa puso, habang hila ang baka sa kabukiran, kanina rin mismo, sa kanilang probinsya sa Oas, Albay. Tubong Legazpi City siya, Bicolana, na napilitan siyang lumuwas at itigil ang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa buhay. Maganda siya, kung sa maganda pero kulang siya sa height para ipambato sa beauty contests, kaya hindi siya kailan man nakuha bilang kandidata.If she was only blessed with height, she'd probably earn and help herself when it comes to her studies. Kaya lang ay pandak siya. 5'1 lamang siya. Hindi pa siya nakapagtapos ng first year College kaya ang kinauwian niya ay pagiging waitress. Hindi rin siya qualified, kung tutuusin. That's what the manager said during her interview. Nadala raw ng galing niyang makipag-usap, self-confidence at sa ganda ang kakulangan niya sa edukasyon. Mukha naman daw siyang matalino kaya ipinag-hire pa rin siya. Hulog yun ng langit sa kanya.Luminga siya sa paligid, laman ng isip ang problema. Saan siya kukuha ng 500 thousand? Baka naman kumalas na ang tinggil niya sa pagiging serbidora sa five star restaurant na ito ay hindi pa rin siya nakakapag-ipon ng pera. Manila rate siya, libre ang tirahan pero hindi ang pagkain. Nagpapaaral siya ng dalawang kapatid na nasa high school, ang kambal niyang mga kapatid na sina Lexa at Lexus.She's helping her parents. Isang hamak na magsasaka ang ama niya, nakikisaka at nagtatanim ng mga gulay sa bukid. Ang Nanay niya ay tagabenta naman sa palengke ng mga iyon. Sa pagtawid sa araw-araw na buhay ay nakakatawid naman sila, pero kulang sa iba pang mga gastusin para makaahon sa kahirapan. Ang lupang kinatitirikan ng bahay nila sa probinsya ay hindi kanila. Sa may-ari yun ng lupa, na minsang nag-alok sa kanya ng hindi maganda ang matandang balo. Hindi niya 'yun ipinarating sa tatay niya dahil baka magalit ay awayin ang lalaki. Baka palayasin sila, wala silang malilipatan.Heart forced herself to give what her siblings needed to study. She provided them WIFI, computer and other gadgets. Salary deduction iyon at binabayaran pa rin niya hanggang ngayon. Kung may ipon man siya, kakarampot iyon at wala pa sa singkwenta mil. Paano yun makakapagpa-opera sa ama niyang mamamatayin?Ang sabi ng Tatay niya ay huwag na raw paoperahan dahil magagastusan lang siya. Hayaan na raw iyon. Kung hanggang doon na lang daw ang buhay ay tanggapin na. Hindi niya kaya na ganun lang. Napakasakit bilang anak na wala siyang magawa para sa mga magulang na nangailangan. Napakahirap na maging mahirap. Mabuti pa ang mga tao sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya, mga walang pinoproblema, nakakapaggastos ng halos trenta mil sa isang kainan, para sa dalawang tao lang. Sana, ibinibigay na lang niya yun sa mga taong nangangailangan.Halos mapahikbi si Heart sa mga salitang yun na naalala niya. Pinigil niya ang sarili.She looked for VVIP table 09. Alam naman niya na kapag VVIP ang pagsisilbihan, kailangan ay mas maingat pa siya sa maingat. Mas higit pa sa VIP ang VIP. VVIP are considered billionaires. Doon siya naka-assign dahil sa karisma niya at ganda. Ang suot niyang unipormeng itim na halos tumakip lang sa pwet niya ay bagay na bagay sa kanya. Kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan. Frankly speaking, Macho Café and Restaurant is generally visited by men. May mga babae rin dun pero karamihan ay lalaki, dahil lahat ng empleyado roon ay babae, pwera lamang sa mga bagador at sa mga Chefs. Iyon talaga ang konsepto ng restaurant na yun, ang mang-akit ng mga lalaking mayayaman dahil magaganda ang mga waitress at mga sexy. At talagang dinarayo sila.Nakita ni Heart ang table na hinahanap niya nang tumingin siya sa gawing kaliwa. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking naroon. Dalawa ang kumakain, dalawang lalaki. Matiim ang titig sa kanya ng lalaki pero sanay na siya sa ganung titig. Ang pagkakaiba lang, sa lahat siguro ng gwapong pumapasok doon, ito lang ang may kakaibang karisma.Inialis niya ang mga mata sa lalaki at nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa mesang yun.She smiled, like usual. Bawal dun ang nakasimangot sa customer. Kulang na nga lang ay turuan silang kumindat sa lalaki. Sinulyapan niya ang isang lalaking nasa kabilang side ng mesa. Nakatitig din iyon sa kanya pero tuloy na siya sa paglapag ng pagkain."Heart…?" The man on her right said.Agad siyang napasulyap dito. Hinahagod siya nito ng titig at parang gusto niyang mapaso. Hindi ito purong pinoy o baka nga walang dugong pinoy dahil sa itsura nito. Napakagandang lalaki nito, matangos ang ilong, pink ang labi, magaganda ang mga mata, ang buhok ay buzz cut ang pagkakagupit. Alam na alam niya ang ganung gupit dahil kay Lexus. Ganun parati ang ipinagugupit ng kapatid niya.She shivered because of his tone. It was a baritone."Sir?" She asked softly."We didn't order anything," he said and her face was in real horror.She looked at the number again and now it isn't 09, it is number 06! Nataranta siya. Kaya pala puno ang mesa ng dalawa dahil mali siya."S-Sorry, sir," nagmamadali niyang kinuha ang mga inilapag niyang mga pagkain habang paulit-ulit sa paghingi ng paumanhin.Sa sobrang kalituhan niya ay natabig na niya ang iced tea nito sa baso kaya halos mapatili siya nang bumuhos iyon sa may zipper nito."Diyos ko, pasenya po," hindi siya magkadaugagang hingi ng paumanhin. Napatayo ang lalaki at tiningnan ang pantalon na nabuhusan niya ng inumin.Nasaan ba kasi ang tablecloth nito? Nabasa tuloy ang zipper nito.Sa kalituhan ay dinampot niya ang napkin at agad na pinahiran ito sa harapan. Paulit-ulit siya sa paghingi ng dispensa habang ginagawa ang dapat, pero bigla siyang natilihan dahil medyo matigas na bagay ang kanyang nasasaling.She looked up and met his eyes again. Mas matiim yun ngayon kaysa kanina kaya napalunok siya.That hard thing was his manhood! Diyos ko!Chapter 1 - HeartTINATANTYA niya ang sariling kilos nang buksan ang pintuan ng opisina ng kanyang Manager. Agad na sumalubong sa mukha ni Heart ang malamig na simoy ng hangin mula sa loob, dahil sa malakas na air condition doon. Kasama nun ay ang mabangong amoy, amoy ng pabango ng kanyang manager sa restaurant na iyon.She saw Vandros Montero sitting on his chair with a cigarette in his hand. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi niya mawari. Parang maiiyak na siya, wala pa man lang nasasabi. Ni mga paa nga niya ay halos hindi pa nakakapasok sa nakaawang na pintuan.Vandros looked her way and motioned his fingers, 'come in'. Wala itong ekspresyon. Seryosong nilalang si Vandros. Hindi ito ngumingiti at nakakailang itong tingnan pero, napakabait nitong tao. Hindi ito mayabang at hindi ito naninigaw sa kanila. He always speaks to them with ethics and respect, pero kaakibat ng mga taglay na pag-uugaling yun ang katapatan dapat nila sa trabaho, dahil baka lumitaw ang tunay na kulay nit
Chapter 2 - Lux"WHO'S that?" Buong-buo na tanong ni Lux sa kanyang Abuela nang makapasok siya ng mansyon ng mga Montesalvo. Kahahatid lang niya sa kaibigang nasiraan ng sasakyan. He made a promise to his seventy-eight year old grandmother, Carmenzita Almendrez-Montesalvo that he was going to spend an afternoon with her inside her favorite salon. Kasama raw siya nitong ipapa-foot spa, papalinisan ng mga kuko at pagugupitan. Damn! He doesn't need grooming, for Pete's sake.Wala siyang magawa. Masaya ang kanyang Abuela na ginagawa pa rin siyang maliit na bata hanggang ngayon, kahit na trenta y uno anyos na siya. Sabagay, mula at sapol naman ay sila lang talagang dalawa ang magkasama."Oh, here you are," anito na kabababa lamang ng telepono.His grandma doesn't have a smartphone. Ito ang kaisa-isang tao sa mundo na umaasa pa rin sa linya ng telepono. She has a phone and a registered sim card but she is not using it. Wala rin itong social media. Hindi ito marunong gumamit ng mga makabago
Chapter 3 - HeartNaghihintay ng tawag si Heart alas singko na ng hapon sa loob ng apartment, pero wala pa rin. Para na siyang pusang di mapaanak sa kinatatayuan niya. Sumisilip na rin siya sa bintanang kahoy at tinatanaw ang daan, baka sakaling may maligaw na mamahaling Nissan Calibre sa harap ng gate nila, na pag-aari ni Vandros.Hindi na siya matahimik habang hawak ang kanyang cellphone. Paroon at parito siya, uupo at tatayo, saka maglalakad na namang muli.Walang humpay ang pagsulyap ng dalaga sa orasan. Pakiramdam niya ay ang bilis ng takbo ng oras. Panay ang lagitik nito sa tainga niya, sabay sa puso niyang kumakabog.Malayo ang isip niya, nakatuon sa amang hindi niya alam kung ano na ang sitwasyon sa mga sandaling iyon. Ang isip niya ay negatibo na. She has stupid imaginations, that her father is already dying.Napatigil siya at napahikbi. Baka nahihirapan na ang Tatay niya.Diyos ko. Napatakip si Heart sa mukha niya gamit ang sariling mga palad. Hindi tama ang mga nai-imagine
Chapter 4 - HeartPARANG nakahinga nang maluwag si Heart nang pumasok sa SCash wallet niya ang 75 thousand na paunang bayad sa kanya. Bukas na lang daw ang another 75K. Nasa sasakyan pa lang siya ni Vandros, para ihatid siya papauwi ay agad na niyang balak tawagan ang ina para maghanap ng mapapadalhan ng seventy-five thousand. Hindi niya alam kung may mawi-withdrawhan pa iyon sa ganitong oras. Kailangan na niyang mapaoperahan ang ama.They have to hurry. Lumilipas ang sandali. Habang tumatagal ay nagiging kritikal lalo ang lagay ng kanyang ama."Heart…" ani Vandros sa kanya kaya napatingin siya sa amo."Po?" Malungkot ang mga matang tunghay niya rito."Why don't you ask the doctor if it's still possible for your father to be transferred here? Philippine Heart Center, you know? Ang five hundred thousand ay pwede niyong mapababa up to two hundred. That's a big difference. Kaunti na lang ang kakailanganin mong pera. Kakausapin ko si Senyora Carmen, baka payagan kang mag-salary deduction."
Chapter 5 - HeartHINDI halos makahakbang si Heart nang tuluyang isara ni Vandros ang pintuan ng condo unit. Naroon na siya sa loob. Naihatid na siya. Napakaganda ng unit na yun, napakalaki na parang isang malaking pamilya ang pwedeng tumira. Napakayaman talaga ng lalaking bumili sa puri niya. Walang simpleng may kaya ang kayang bumili ng ganun klase ng condo unit. Hindi lang basta may kaya si Kerokeroppi, ubod yun ng yaman sigurado.Ano pa bang gagawin niya, tatayo na lamang? Nag-text ang nanay niya na malapit na ang mga iyon sa Maynila. Kailangan na niyang magmadali sa pag-aasikaso ng certificate na siya ay virgin.Tuluyan ng humakbang ang dalaga matapos niyang makapag-chat kay Gigi na naroon na siya sa bago niyang tirahan.Tirahan nga ba o lugar ng parausan? Kahit ano pa man, wala na rin siyang magagawa. Kahit na ilang milyong beses man niyang tanungin ang sarili, ulit-ulitin sa sarili, wala na. Tapos na. Pagmamay-ari na siya ng isang lalaking mahilig sa sex.Heart walked. May mga
Chapter 6 - HeartDIOS mio, Marimar!Her eyes widened.Hindi mabilang ni Heart kung ilang beses siyang lumunok ng laway matapos niyang makita ang text galing sa isang unknown sender. Malalaki ang mga mata niyang nakatunghay sa screen ng kanyang phone. Hindi niya alam kung nananadya ba ang bulok niyang Android phone dahil blinking ang screen nito, habang nagbabasa siya ng nakakatakot na message na iyon.Ang tangka niyang pagsubo ng pagkain ay hindi na niya nagawa. Nasa ibaba siya ng condo building, sa tabi ng mini grocery. She's having her dinner. Tila nawalan na siya ng gana dahil sa nabasa niyang message. Agad-agad? Maglinis daw siya ng sarili dahil darating na raw si boss sa loob ng isang oras. Magbababad ba siya sa muriatic acid para siya ay madisinfect?Para siyang nahiya. Maglilinis, ibig sabihin ay magkuskos siya at magsabon nang mabuti. Nakakatakot ang utos na yun dahil parang iba ang gagawin sa kanya ng lalaki. Baka tulad sa mga palabas na nauuso ngayon ay hahampasin siya at k
Chapter 7 - LuxLux casually stepped out of his White Bentley GTC, parked in , the car that was made to suit his personality. Isa lang yun sa mga sasakyan niya pero yun ang paborito niya sa lahat. Isa pa ay bago yun. Bata palang siya ay mahilig na siya sa kotse. Marami siyang koleksyon ng mga laruan na parang makatotohanan pero ngayon ay mga totoong sasakyan ang koleksyon niya.He uses them for four months, six or even eight, and then he sells them. Kapag sawa na siya ay ibinibenta na niya, pero nang lumaon ay iginagarahe na lang niya. Binubuksan niya ang garage para sa mga vloggers o content creators. Walang bayad ang pag-feature sa mga luxry cars niya, but the vloggers had to face their consequences once his cars got a tiny scratch.He walked to reach the entrance of the condominium, one of the condominiums he owns. Kaswal siyang naglalakad pero napatigil siya at napa-second look sa medyo pamilyar na lalaking napakalaki ng katawan. Nakatayo iyon at busy sa pakikipag-usap sa hawak na
Chapter 8 - HeartHEART'S world giddied when she abruptly sat on the bed. Bigla siyang natumba at nandidilim ang dati na niyang madilim na paningin. Para siyang bangag na hindi niya maintindihan.Masakit ang kanyang balakang. Masakit ang kanyang sentro. She's sore. Muli siyang nakaramdam na parang iiyak pero pinigil niya. Iiyak pa ba siya? Tanga siya at mapagpanggap kung gagawin pa yun dahil nagustuhan din niya ang ginawa ng lalaking hindi niya kilala.Kinapa niya ang kama dahil baka may tao pa roon. Natatakot siyang baka mamaya ay magtanggal siya ng piring sa mga mata, yun pala ay may tao pa.She tried to clear her throat. Anong oras na ba? May naaamoy siyang pabango ng lalaki, nakadikit sa balat niya, nakadikit sa unan, sa balot ng kama. Mabango. The scent is sweet and not tangy. Mild ang amoy na yun kahit na amoy lalaki.Masasabi ni Heart na si Mister K ay may magandang sense sa pagpili ng pabango. This kind of scent will make a woman fall for it. Hindi iyon tipikal na masangsang na
Paulit-ulit ako. hahahah.Ito po ay final story na ng sequel ng libro na ito. Nalulungkot ako, kaloka. hahha. ang story po nina Lush at Ruth ay agaran na demand lang po sa akin ni Sir. Nataranta ako kasi isang araw pinag-decide niya po ako kung tatanggpi ko na right on that very day ay uumpisahan ko ang chapter one. Wala akong idea, wala akong Title. Bigla ko na lang pong naisip na isunod sa kwento ng mga magulang ni Lush ang istorya ng buhay niya. Akala ko mawawala ako sa sarili kong libro. Sana po ay napasaya ko pa rin kayo kahit na hindi ko po napaghandaan ang kwento.Hanggang sa mga susunod pong kwento, kita-kits po tayo.Mamimiss kayo ng buong angkan ng mga Montesalvo.🫶 balikan niyo po ang kwento kapag na-miss niyo.
Epilogue “DIYOS KO!” nausal ni Lush at halos maiitsa niya ang hawak na smartphone nang makita niya ang anak na si Dean, na umaakyat sa sofa. Daig pa niya ang bakla na mapapatili, at kahit na ang pagsara ng kanyang zipper ay hindi na niya nagawa. “Anak!” Hiyaw niya at iika-ika na tumakbo papunta sa anak niyang long hair. Nagpupumilit itong makasampa sa upuan kahit na hindi naman nito kaya. Ano ba ang kanyang magagawa ay takot ito sa ibang tao? Ayaw nito ng yaya kaya sakripisyo siya dahil nag-aaral na si Ruth. Kaka-birthday lang ng anak nila, ika isang taon na. Nakakalakad na itong mag-isa pero naman napakakulit. Heto nga at nakarating na sa sofa. Napakasaya pa naman niya sa ibinalita ng kanyang lawyer. Dumating na sa law firm nun ang decree ng annulment nina Ruth at Baron. Napakabilis ng proseso kaya sobrang tuwa niya, na halos nakaligtaan niya ang anak habang umiihi siya. May arinola na nga siya sa may mesa niya para mabilis siyang maka-ihi. “Lush?” Tawag sa kanya ni Attorney M
69ITO ang unang araw na muling lumabas si Ruth sa penthouse. Naroon lamang siya pagkatapos niyang maospital ng dalawang araw. On the third day, she was dismissed.Nalulungkot siyang talikuran ang kanyang bagong trabaho na pinasok. She has to keep resting more often for her baby.May history na kasi siya ng bleeding kaya kailangan na niyang mag-ingat. Mabuti na lang at hindi bumitaw ang kanyang isang buwanin na anak. Her child was strong. Lalaki itong matapang at matatag, tulad niya.Si David ay patuloy pa rin na ipinagagamot ng mga Montesalvo. Medyo maayos na ang lagay ng driver ngayon. Stable na iyon kaya laking pasasalamat din ni Ruth. Hindi niya matatanggap kung nagbuwis ng buhay si David para sa kanilang mag-ina.Ipinagbukas siya ni Lush ng pinto ng sasakyan. Papunta sila ngayon mansyon ng mga Montesalvo. Sayang daw at di niya makikilala si Love dahil nasa Australia.“Ruth sandali!”Iyon ang sigaw na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Lush. Si Baron iyon.Kitang-kita niya kung paa
68.THERE was light and it was so bright. Hindi maimulat ni Ruth ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay masakit ang kanyang buong katawan at umaalog siya. She heard noise and a loud thug. Iyon ang nagpatalsik sa kanyang hawak na cellphone.That was after David yelled.“Babangga!” Sigaw ni David, “Kapit, Ma'am. Kapit!”Iyon ang huling sigaw ni David sa kanya bago niya makita ang pader at sumalpok ang harap ng sasakyan doon.Ang cellphone niya, nasaan? Ite-text Dapat niya si Kush ng I love you pero hindi na niya naisend. Baka isipin nun ay hindi niya mahal. Napahikbi siya. Baka magtampo iyon sa kanya at isipin na mas mahal pa rin niya si Baron. There's no comparison. Wala siyang ibang mahal kung hindi ang ama ng kanyang anak.Daig pa niya ang binagsakan ng isang buong gusali sa tindi ng pagyanig. Ang seatbelt na nakayakap sa kanya ay halos parang bumaon sa kanyang mga kalamnan. Para siyang lilipad papalabas ng windshield.She cried when she felt pain but cried more when she saw David.
67.1LUSH felt that he couldn't bear to hear what the doctor would say after a long moment of waiting.Habang siya ay kabadong naghihintay sa resulta sa loob ng emergency room, may coordination siya sa kanyang tauhan na nasa presinto, at sa mga pulis na humahawak sa kasong ito.Nasa may tapat siya ng chapel, paroon at parito habang hindi matigil sa pagdutdot sa kanyang aparato.Umalis na rin ang kanyang ama at pupuntahan si Benito. Alam naman niyang hindi niya iyon mapipigil. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago si Lux bilang isang responsableng ama sa kanila.“Lush!”Naulinigan niya ang boses ni Delight kaya agad siyang tumingin sa likod niya.“Kuya,” aniya nang makita ang nakatatandang kapatid.“What the hell? imposible na si lola ang ipinupunta mo rito. Kagagaling ko lang sa mansyon bago ako mag-duty ngayon.”“It's Ruth, Kuya.”“Hell, no,” parang kinabahan na sabi nito sa kanya.“Nabangga ang kotse. She was bleeding. She was almost losing our baby. S-She Was almost gone…no. I
67.“BELLE!” malakas na tawag ni Lush habang papalapit siya. Hindi ito patay!“Asawa niya ako!” Ani pa niya at daig pa niya ang isang nasa palabas sa telebisyon. Gusto niyang lumabas sa scenario na iyon at bumalik sa maayos at masayang buhay.Kanina lang makausap pa sila. Paano naman nangyari na bigla ay ganito na?“Kailan namin siyang madala sa ospital. Kanina pa siya walang malay,” anang medic sa kanya at kahit na gusto niyang abutin ang kamay ni Ruth ay wala siyang magawa.“Tell me she's alive.”“May pagdurugo siya, Sir.Fuck no.“Buhay siya, diba? Buntis siya! Tang-ina, buntis siya!” Galit na sabi niya kaya parang lalong napamadali ang mga ito.Nasapo niya ang ulo gamit ang dalawang kamay, habang nakatitig sa mukha ni Ruth. Ni hindi niya matingnan ang mga binti nitong may mga dugo. Hindi niya kaya.Gusto niyang gumawa ng paraan pero ano naman ang gagawin niya? Hindi siya doktor, at mas lalong hindi siya Diyos.His baby.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango at saka siya wala s
66.WALANG reply. Tila sumama ang loob ni Lush dahil hindi nag-reply si Ruth sa kanya. He was starting to ovethink and went out of focus.Eric just informed him a while ago that Baron met Ruth at the restaurant.Pinalipas niya ang selos niya dahil nag-usap daw ang dalawa, yet, walang ibinalita sa kanya si Ruth na pumunta roon ang asawa nito.Eric didn't know what those two talked about. He was hoping that it was just some normal conversation, despite his jealousy. Hindi naman niya masisi ang kanyang sarili kung siya man ay nakakaramdam ng selos. Gusto niyang manatili sa paniniwala na hindi na siya ulit pagsisinungalingan ni Ruth.He wants a happy life with her, and he must start it with believing in her.Humugot siya ng malalim na hininga. This is the first time he ever fell in love. He was acting a bit kind of possessive. He must not.I must not. She’s mine.Ramdam naman niya ang sinasabi ni Ruth na pagmamahal sa kanya. The way how she touches him shows how much she's into him. And h
65.“SIR, your girlfriend is here.” Melo whispered almost behind Lush during his meeting.Nakaupo siya at nakikinig sa palitan ng mga opinyon ng kanyang mga kasamahan, pero pumasok si Melo para i-imporma sa kanya na narito ang girlfriend niya.“Girlfriend?”“Si Miss Mirabelle po.”Mirabelle, yes!“We'll take a break!” Agaran niyang sabi nang walang pagdadalawang-isip. Ni hindi nga siya nag-isip at basta na lang iyon lumabas sa kanyang bibig.Tumingin sa kanya ang lahat pero mabilis siyang tumayo. It's twenty minutes before twelve. Alas dose pa sana sila magbi-break pero dahil dumating si Ruth ay break time na kaagad.Wala siyang pinansin na kahit sinuman. Agad na siyang lumabas.“Take your break as well, Melo.”“Yes, sir. Miss Mirabelle is inside your office.”“Thank you,” he said and walked tersely toward his office.Walang katok na pumasok siya sa loob at nakita niya ang dalaga na nakaupo sa kanyang swivel chair.She smiled sweetly while swinging his chair.“May dala akong pagkain
64.“AND who told you she'd go with you?” Lush asked as he stepped out.He was behind the car when he heard Baron. Tumingin si Ruth sa kanya, at parang gulat nang lumabas siya.He was looking at Baron's hand, extended toward Ruth. Tumingin siya rito dahil nakatitig ito sa kanya.“Don't meddle in. Masyado kang pakialamero na kahit cellphone ng asawa ko ay ikaw ang may hawak. Did you even forget who you are?” Baron said with sarcasm, “She just sold herself to you…for me…”Lush pursed his lips, “I certainly know that. I am her second man. Yun ba ang gusto mong sabihin? Why don't you ask Belle if she wants to go with you.”Tumingin siya kay Ruth.“Wala ng pangalawang pagkakataon Para sa iyo, Baron. Tinuruan mo akong gumawa ng isang bagay na ni sa hinagap ay di ko akalain na magagawa ko. Pinababa mo ako. Pinababa mo na nga ako, iniinsulto mo pa ang pagkatao ko. Wala ka ng maloloko, Baron,” Ruth spat.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan pero hindi nito mabuksan. Muntik siyang matawa dahil h