"Assumera ka lang, bhie. Halata naman na sa baby mo niya 'yon sinabi, hindi sa'yo. Tsaka, bakit naman siya mag-i love you sa'yo, aber? Jowa mo ba siya?"Matapos makaalis ni Kaiden sa unit nito, naiwan si Dreams na puno ng katanungan sa kanyang isipan. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sinabi ni Kaiden. Nakikipagkompetensya pa siya sa kanyang anak sa tatlong salita na 'yon na narinig niya sa doktor. May parte sa kanyang nag-aassume siya na para 'yon sa kanya, may parte naman na baka tama si April na para sa anak nito dahil nagsisimula ng matanggap ito ni Kaiden. Kahit hatinggabi, binulabog niya si April na noon ay mahimbing na ang pagkakatulog. Kinakailangan niya ng makakausap ukol sa bagay na 'yon at hindi na niya kayang ipagpabukas pa. Papatayin siya ng sarili niyang utak hangga't hindi niya nalilinawagan sa bagay na 'yon. Ayaw niyang mag-assume dahil baka sa huli ay mali siya ng akala. "Bes, kakaibang-kakaiba 'yong paraan ng pagtitig niya sa akin kanina. Alam mo ba 'yong mga nak
Last Updated : 2023-06-30 Read more