"Hindi pa naman ganoon kalala ang lagay ni Kaizer, Dreams, pero inaadvice ko na ng maaga na bantayan siya ng mabuti. He's just five years old, hindi pa siya masyadong aware sa mga nangyayari sa kaniya. Hangga't maaari, magdoble bantay ka sa kaniya. Hindi biro itong sakit niya. Brain tumor is a very serious disease, nakakabahala lalo na't bata lamang siya. Also, here's the list of the tablets you need to buy."Napahilot si Dreams sa kaniyang sentido nang makita ang mga gamot na iinumin ni Kaizer panlaban sa brain tumor niya. Isang tableta pa lamang ay may kamahalan na. Namomoblema siya ng sobra kung saan siya kukuha ng pera pangtustos sa gamutan nito. Pati na rin 'yong mga pambayad sa ospital kapag sinusugod ito. May ilang utang pa siyang hindi nababayaran dahil nagkasabay-sabay na sinumpong si Kaizer ng kaniyang sakit."At bago ko makalimutan, Dreams, kinakailangan mo ng maghanda ng gagastusin dahil as soon as possible, maooperahan na si Kaizer. Malaki-laking pera ang kakailangan mo."
Huling Na-update : 2023-08-30 Magbasa pa