NANG TULUYAN NANG UMALIS SA PARKING SPACE ANG TRUCK ni Gene ay saka pa lang pinakawalan ni Trini ang kanina pa kinikimkim na emosyon. Nanlalambot ang mga tuhod na napa-upo siya pabalik sa mesang inupuan niya kanina at bagsak ang mga balikat na sinapo niya ang ulo.Kanina pa masikip ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak, kanina pa mahapdi ang mga mata niya."Ma'am Trini..." si Anna na lumapit at hinawakan siya sa balikat. "Okay lang po ba kayo?"Nakayuko siyang umiling. "N-Nahihilo lang ako, Anna."Si Mari na nanatili sa kinatatayuan ay pumalatak. "Sabi ko na, eh."Nilingon ito ni Anna. "Itikom mo 'yang bibig mo, Mari, walang n
Huling Na-update : 2024-01-18 Magbasa pa