Home / Urban / Realistic / The Ex-Husband's Revenge / Chapter 381 - Chapter 390

All Chapters of The Ex-Husband's Revenge: Chapter 381 - Chapter 390

450 Chapters

Kabanata 381

“Ngayon at nasa panig mo sina Harvey at Fane, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon; kapag hinayaan mo si Xander ngayon, magpapanggap ako na walang nangyari at hahayaan kita na umalis dito ng walang nasasaktan. Pero kapag hindi ka pumayag, matatanggap mo ang kahihinatnan ng galit ko!” Nagsisimula nang magalit si Anson.Isang bagay para ipahiya siya ni Harvey sa harap ng lahat—tutal, pareho sila ng katayuan at wala siyang magagawa tungkol dito, ngunit hindi ito pareho para kay Leon.Walang hiya ang ulila na ito na tumanggi sa kanyang peace offering!Nagalit si Anson dahil dito.“Kasi…” Sasagot na sana si Leon nang biglang sumingit si Janice ng may nag aalala na ekspresyon, “Leon, bakit hindi na lang natin ito hayaan? Tutal, hindi naman ako nasaktan.”Hinila niya ang manggas ni Leon upang makuha ang atensyon nito.Akala niya ay ang pagkakaibigan ni Leon sa mga Shear at kay Fane ay nagkataon at swerte lang, ngunit ngayon, pagkatapos masaksihan na pilit na pinagtatanggol nila Harvey
Read more

Kabanata 382

Bukod pa dito, ang koneksyon niya kay Leon ay hindi kasingtibay ng tulad ng kay Harvey, kaya maiintindihan na magdadalawang isip siya.Mabilis na napansin ni Anson na nagdadalawang isip si Fane at ngumiti siya. “Mag isip ka ng mabuti, Fane! Ang kapangyarihan ko ay kapantay ng kay Harvey, at pareho kaming mahusay sa laban, pero hindi ito masasabi para sayo. Si Mr. Lynch ay mas makapangyarihan sayo, wala kang laban sa kanya! Kapag ipinagtanggol mo si Leon Wolf, siguradong magdurusa ka!”Habang sinasabi ito, tumingin ng makahulugan si Anson kay Jacob, at agad itong naintindihan ni Jacob.“Tama si Mr. Collins! Kapag pinili mo na umatras ngayon, Fane, pwede ako magpanggap na hindi ito nangyari, pero kapag nagpatuloy ka na lumaban sa akin, hindi ako magpapakita ng awa! Hindi ako magiging responsable sa kahit anong mangyari—kahit na mapilay ka sa laban na ito o masugat ang gwapong mukha mo at mapahiya ng buong buhay mo!” Ang sabi niya upang subukan na takutin si Fane.Kapag umatras si Fan
Read more

Kabanata 383

Alam nilang dalawa ang koneksyon nila Leon at Iris at alam nila na nandito siguro si Iris para kay Leon!Samantala, hindi alam ni Anson ang tungkol dito. Sa halip, ngumiti siya ng nakakaakit at lumapit siya kay Iris. “Ano ang ginagawa mo dito, Iris? Pumunta ka ba dito para tulungan ako?”Kahit na nakangiti si Anson, may pagnanasa sa kanyang mga mata nang tingnan niya ang mukha ni Iris.Si Iris ang pinakamaganda sa top four beautiful women, at ang itsura niya ay humuhuli sa puso ng karamihan!Si Anson ang isa sa kanila—sinubukan niyang hulihin ang puso ni Iris ng dalawang taon na ngayon.Naging sabik siya na isipin na pumunta si Iris dito para tumulong sa kanya dahil sa biglang pagdating nito. Sigurado siya na hindi darating si Iris para sa isang ulila na tulad ni Leon Wolf! “Lumayas ka! Nandito ako para tulungan si Leon, hindi ikaw!” Ang sabi ni Iris, malamig ang tingin niya kay Anson.Si Anson ang isa sa pinakamalaking playboy sa bayan at labas pasok siya sa mga relasyon na ma
Read more

Kabanata 384

Ang katotohanan ay nabigla siya na ang apat sa anim na major forces ay nagtipon ngayon dito.Mabuti na lang, klaro na ang mga Shear at si Fane Poole ay nasa panig ni Leon.Gumaan ang loob niya nang makita niya ito. Kung lahat sila ay lumaban kay Leon, walang chansa si Iris laban sa kanila, kahit na ano ang kapangyarihan ni Iris.“Leon, ikaw…” Matatanong pa sana si Iris nang makita niya ang pisngi ni Leon. Pagkatapos ay tumingin siya kay Janice, na siyang nakatayo sa likod ni Leon na may suot na coat sa balikat, at sumimangot siya. Mabilis niyang nilunok ang mga salita niya at lumingon siya palayo, ayaw niyang tumingin sa mga mata ni Leon.“Anong problema, Iris?” Nalito si Leon dito.Lumapit si Louisa kay Leon at binulong niya ng may nakakatawang tingin, “Mr. Wolf, may marka ng lipstick sa pisngi mo. Sino kaya ang nag iwan nito doon?”“Ano?” Agad na pinunasan ni Leon ang pisngi niya at nabigla siya nang makita ang pulang marka sa kamay niya. Bigla niyang naalala na hinalikan siya
Read more

Kabanata 385

Ang tingin niya ay agad na napuno ng karagdagang kamuhian para kay Leon.Samantala, hindi alam ni Harvey ang bagong tensyon sa kwarto. Sinira niya ang katahimikan at sinabi niya, “Jacob, Anson, ito ay tatlo laban sa inyong dalawa. Ano ang masasabi niyo tungkol dito?”“Ito ay…” Nawala ang kulay sa mukha ni Jacob.Kahit na si Iris ay hindi isang martial artist, ang mga tao na dinala niya dito ay walang duda na mahusay. Kapag lumaban sila, sila ni Anson ay siguradong matatalo sa sitwasyon na ito!“Sigurado ka ba na gusto mong tulungan ang walang hiya na ito, Iris?” Ang tanong ni Anson ng may pag asa. Umaasa siya na magbago ang isip ni Iris at piliin siya nito at hindi is Leon!“Tama! Kaibigan ko si Leon, at ang kalaban niya ay kalaban ng mga Young!” Ang malamig na sagot ni Iris na may siguradong pag uugali.Kahit na medyo nagseselos pa rin siya sa marka ng lipstick, payag pa rin siya na pumanig kay Leon ng hindi nagdadalawang isip, dahil ito sa lahat ng ginawa ni Leon para sa kanya
Read more

Kabanata 386

Ang energy center ay ang core ng training ng isang martial artist, at kapag nawala ito, mawawala ang lahat ng kapangyarihan ng isang tao at magiging isang karaniwang tao sila.Hindi gusto ni Leon na patayin si Xander, ang gusto niya lang ay ang kunin ang energy center ni Xander upang wala na itong kapangyarihan, ngunit buhay pa rin.Ito lang ang makakaya niyang gawin!“Mason, dalhin mo silang dalawa sa hospital at siguraduhin mo na walang mangyayari sa kanila,” Ang utos niya.Sina Brody at Xander ay may mga galos mula kay Leon at kailangan nila ng treatment. Kapag hindi agad sila pumunta sa hospital, may masamang mangyayari, at hindi kailangan ni Leon na sundan siya ng mga pulis ngayon.“Okay.” Sumenyas si Mason sa mga tauhan niya na sumunod sa kanya, pagkatapos ay umalis sila kasama sina Brody at Xander.“Mr. Poole, Mr. Shear, at ikaw din, Iris; salamat sa inyo sa pagtulong niyo. Hindi ko ito magagawa kung wala kayo.” Hindi nakalimutan ni Leon na pasalamatan ang mga kaibigan niy
Read more

Kabanata 387

Hindi niya maintindihan kung paanong ang isang divorced na lalaki na tulad ni Leon ay naging sikat sa mga babae!“Kung wala ka nang kailangan, Mr. Wolf, mauuna na kami ni Cynthia.” Ang sabi ni Harvey ng walang alam sa tahimik na kompetisyon sa pagitan nila Ctnthia at Iris.“Magkikita ulit tayo sa susunod, Mr. Wolf!” Ang sabi ni Fane, paalis na rin siya.“Mukhang minaliit kita, Leon. Hindi lang sa may koneksyon ka sa mga Shear, pero ngayon, kaibigan mo rin si Fane Poole, ang anak na lalaki ng Southern King!” Tumingin ng malamig si Iris kay Leon pagkatapos panoorin umalis sina Harvey, Cynthia, at Fane.Alam niya ang tungkol sa pakikipagkaibigan ni Leon sa mga Shear, at kaya naman ay hindi siya nabigla sa presensya nila harvey at Cynthia dito.Ngunit wala siyang ideya na kaibigan din ni Leon si Fane Poole, at nabigla talaga siya.Ngunit, hindi ito ang pinakamahalagang bagay; ang mahalaga ay kung paano naging sikat si Leon sa mga babae.Ito ba ang parehong Leon Wolf na nakilala niya
Read more

Kabanata 388

Umiling si Leon. Kahit na sinagot niya ang tanong ni Janice, ang atensyon niya ay nasa malayo; iniisip niya si Iris at kung paano niya ipapaliwanag ang lahat kay Iris.“Mabuti!” Nakahinga ng maluwag si Janice, at nagkaroon ng ngiti sa mukha niya.Kahit na tumanggi si Leon na sila na ni Iris, alam ni Janice sa tono ni Leon na interesado din si Leon kay Iris.Gayunpaman, hindi ito mahalaga, may matibay na pundasyon sila sa relasyon nila, baka gusto rin siya ni Leon ng hindi nito nalalaman.Basta’t hindi pa magkasintahan sina Iris at Leon, may pag asa pa rin si Janice na mapunta sa kanya si Leon!Bukod pa dito, sila ni Leon ay may pitong taon na panahon ng pagsasama, at imposible na malampasan ito ni Iris!“Ano ang sinabi mo, Janice? Hindi kita marinig ng maayos,” Ang tanong ni Leon.“Wala…” Kinagat ni Janice ang labi niya.Hindi niya mapigilan na maalala ang payo ng nanay niya; ang nanay niya ay tama na si Leon ay isang mabuting lalaki at kailangan niyang kunin ang pagkakataon na
Read more

Kabanata 389

Gumulong ang mga mata ni Louisa kay Leon.“Ano ang dapat kong gawin ngayon? Dapat mo akong tulungan, Louisa.” Tumingin ng desperado si Leon kay Louisa.“Pumunta ka dito ng walang dala at wala kang ipapakita para sa sinseridad mo, paano ako tutulong sayo?” Ang galit na sinabi ni Louise.“Ano ang ibig mong sabihin, sinseridad?” Napahinto sa pagkalito si Leon.“Ano sa tingin mo?” Gumulong ang mga mata ni Louisa kay Leon, pagkatapos ay sumenyas siya kay Leon para lumapit ito sa kanya. Binulong niya sa tainga ni Leon, “Tanga ka! Kung gusto mo na mabawasan ang galit ng pinsan ko, dapat kang bumili ng bulaklak o regalo para ipakita ang sinseridad mo. Kung hindi, paano siya makikinig sayo? Dapat ba siyang maniwala sa lahat ng sasabihin mo?”“Ah…” Agad na naintindihan ni Leon kung ano ang sinasabi ni Louisa. “Naiintindihan ko na ngayon, Louisa. Salamat, babalik ako!”Pagkatapos, tumalikod siya at tumakbo palayo.Sa loob ng kwarto, mas nagalit si Iris noong marinig niya ang walang tigil n
Read more

Kabanata 390

Tumayo si Iris at binuksan ang pinto."Creak—"Biglang may isang malaking bouquet ng mga bulaklak ang napunta sa harap ng mukha niya. Bago pa niya malaman ang nangyayari, pumasok na si Leon sa kwarto niya at sinara ang pinto sa likod nito.“Leon, ano… anong ginagawa mo dito?” Naging malamig ang ekspresyon ni Iris nang mapagtanto siya na naloko siya sa plano nila Leon at Louisa.“Iris, ang magandang mga bulaklak na ito ay para sa isang magandang babae na tulad mo. Sana ay magustuhan mo ang mga ito…” Hawak ni Leon ang bouquet sa harap ni Iris, nakangiti siya.“Sino ang may pakialam sa mga bulaklak?” Lumingon palayo si Iris, sinubukan niyang hindi pansinin si Leon.“Alam ko na galit ka pa rin sa akin, Iris, pero pakiusap, makinig ka sa akin. Walang namamagitan sa amin ni Janice, at yun ang katotohanan… Hinalikan niya ako sa pisngi dahi sa pasasalamat sa pagligtas ko sa buhay niya, at yun lang…” Sinubukan ni Leon na ipaliwanag ang sarili niya.“Wala akong pakaialam kung ano ang mero
Read more
PREV
1
...
3738394041
...
45
DMCA.com Protection Status