Galit na galit si Samuel, gusto niyang sampalin ulit si Marilyn sa mukha.“Dad, wag!”Agad na kumalma si Samuel sa mahinang boses ni Brody.“Brody, gising ka na. Ano? Ano ang pakiramdam mo ngayon?” Mabilis na dumiretso si Samuel sa kama, pinipigilan niya ang galit niya.“Ako ay…” Bumukas ang bibig ni Brody para magsalita, ngunit tumigil siya nang maalala niya na hindi na siya isang buong lalaki.“Brody, alam ko na masama ang loob mo ngayon. Kahit na gamitin ang huling natitirang pera ng pamilyang ito, pababagsakin ko si Leon para ipaghiganti ka!” Hinampas niya ang kamao niya sa mesa at kinagat niya ang ngipin niya.“Dad, wag!” Sumigaw si Brody, halos bumangon siya sa kama kung hindi lang siya puno ng galos.“Brody, anong problema mo?” Ang nalilitong tanong ni Samuel.“Dad, hindi niyo naiintindiahn. Baka nga isang ulila si Leon, pero nagawa niyang kaibiganin ang mga Shear, ang mga Young, at si Fane Poole. Ang tatlo sa Five Forces sa Springfield City ay papayag na kalabanin sina
Magbasa pa