Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 671 - Chapter 680

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 671 - Chapter 680

2769 Chapters

Kabanata 672

Binuhat siya ni Nolan papunta sa mesa at niyakap siya nang mahigpit sa malalakas nitong braso. Pinagdikit ni Nolan ang kanilang mga noo at tusong ngumiti. “Paano mo naman ako babayaran?”Pinulupot ni Maisie ang mga binti sa baywang ni Nolan at muli itong hinalikan.“Gamit ang katawan ko? Ano sa tingin mo?”“Gusto ko iyan,” Seryoso at walang pag-aalinlangang sagot ni Nolan.Kinaumagahan, sumilip ang sinag ng araw sa mga kurtina. Tumagilid si Maisie pero wala siyang nakita sa tabi niya. Dahan-dahang bumabalik ang senses niya hanggang sa narinig niyang mayroong nagta-type sa keyboard.Dahan-dahan siyang dumilat at umupo sa kama. Hindi niya alam kung kailan nagising si Nolan. Nakaupo ito sa likod ng desk, nagta-type sa keyboard nito habang nakatutok sa computer.Tiningnan niya ang orasan—-7:00 a.m. Tinaas ni Nolan ang tasa ng kaniyang kape, tumingala siya at nakitang gising na si Maisie. Malambing niya itong nginitian at saka tinanong, “Bakit hindi ka pa matulog nang mas mahaba? Nagi
Read more

Kabanata 673

Nang makita ni Maisie na nakatitig lang si Nolan sa screen, nang-aasar siyang nagtanong, “Mahilig ka ba sa mga ganitong videos?”“Hindi…” Sagot na lang ni Nolan. Pero, bigla siyang huminto bago pa niya matapos ang sasabihin nang mayroon siyang mapagtanto. Habang nakangiti, taas-noo niyang sinabi, “Bakit pa ako titingin ng mga videos kung nandiyan ka naman?”Namula ang mukha ni Maisie.Hindi na siya inasar ni Nolan at sinabi, “Sige na, bumalik na tayo sa business. Ito ba ang video na hinahanap mo?”Dahan-dahang lumingon si Maisie sa screen. Wala na ang mga nakakadiring videos, at ang binuksang video ni Nolan ay isang backup clip na ilang taon ng naka-save.Nasa sahig sa Barbara at mayroong lalaki sa ibabaw niya. Nagpupumiglas siya pero walang nangyayari. Dalawang minuto ang haba ng video, at sa dulo nito, sinaksak ni Barbara ang lalaking pagsasamantalahan siya gamit ang isang kutsilyo sa mesa.“Oo! Ito na nga yun! Ito ang video!” Tumango si Masie.Kinopya ni Nolan ang video at bi
Read more

Kabanata 674

Tinulak ni Eugene palayo si Katrina.Gulat na gulat si Katrina. “Eugene…”Naglabas si Eugene ng isang kaha ng sigarilyo at nag-ipit ng isa sa kaniyang mga labi. Gamit ang lighter ay sinindihan niya ito at sinabing, “Kahit na gusto kitang pakasalan, hindi ako papayagan ng mga Boucher. Alam mo dapat yun, Katty.”Nanigas ang ngiti sa mukha ni Katrina. Dahan-dahan itong naglaho habang sinasabi niya, “Ibig sabihin, nagsinungaling ka sa akin?”Nawala na ang pasensya ni Eugene sa kaniya. “Manor, kotse, pera, kaya kong ibigay sa iyo ang lahat ng gusto mo, bakit hindi ka pa rin masaya?”Nanginig ang mga balikat ni Katrina. Sinimulan niyang makipag-relasyon sa 48-year-old na si Eugene sa edad niyang 25, siya ang naging “invisible” lover nito sa nakalipas na limang taon para sa iisang dahilan.Gusto niyang maging asawa ni Eugene para magawa niya ang plano niyang paghihiganti sa mga Chase. Pero ngayon, pumalpak ang plano niya.Nagalit siya at sumigaw, “Pinaglalaruan mo ba ako, Eugene?”Sin
Read more

Kabanata 675

Natigilan si Samantha. Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Eugene nang sakalin siya nito. Kahit na hindi ganun kalakas ang pwersa, hindi pa rin siya makahinga.Nagtanong si Eugene, “Nilabas mo ba ang tungkol sa relasyon namin ni Katrina para pwersahin akong pirmahan ang divorce papers?”Tumawa si Samantha. “Sa tingin mo ay ako ang gumawa nun?”Walang sinagot si Eugene.Kasabay nito, isang babae ang pumasok kasama ang dalawang bodyguards. Walang iba kung hindi si Barbara.Nagulat si Katrina nang makita si Barbara. “Yelena?”Yelena ang pangalan ni Barbara bago niya ito paltan. Wala ng iba pang mas pamilyar sa mukha ni Barbara bukod kay Katrina.“Bumalik ka na?”Alam ni Eugene na miyembro ng mga Chase si Yelena. Sadyang hindi niya lang inaasahan na magpapakita ito dito.Walang anumang takot si Barbara nang makita si Eugene. Hindi niya pinansin si Katrina at sinabi kay Eugene, “Balita ko ay hinahanap mo ang taong nagbulgar ng scandal mo, Mr. Boucher?”Pagkatapos marinig yun,
Read more

Kabanata 676

Laging dala ni Katrina ang cell phone niya. Ni hindi niya ito pinapahawak kay Eugene dahil hindi pwedeng malaman ng iba ang mga nakatago sa phone niya.Binabalak pa niyang sabihin ang tungkol sa mga sikretong nasa cell phone niya kung talagang pipilitin siya ni Eugene na gawin ang ayaw niyang gawin. Hindi madaling makakatakas si Eugene kung papahirapan siya nito.'Pero paano ito nalaman ni Barbara?'Habang nakatingin sa natatarantang ekspresyon ni Katrina, mas lalong naniwala si Barbara sa sinabi ni Maisie.'Mayroon ngang laman ang phone ni Katrina na magagamit para bantaan si Eugene.'Hindi rin tanga si Eugene. Napansin niya ang maliliit na pagbabago sa ekspresyon ni Katrina, kaya hiningi niya kay Katrina ang phone nito, pero tumanggi si Katrina.Hanggang sa inutusan ni Barbara ang bodyguard na padapain siya sa sahig. Nagpumiglas si Katrina. "Yelena Chase, anong balak mong gawin? Dahil alam mo ang tinatago ko sa phone ko, bakit ang lakas ng loob mong gawin ito? Hindi ka ba
Read more

Kabanata 677

’Siya ang nagbulgar ng scandal sa pagitan nina Eugene at Katrina at nagpadala sa akin ng address ng Stanford manor, sinabi niya sa akin na makikita ko si Eugene at Katrina doon. Ginawa niya ba itong lahat para nandoon ako at mapanood yun nang live?’Ngumiti si Barbara. “Wala akong ibang intensyon. Gusto ko lang makita mo ang pangyayari at pag-isipan ang desisyon mo sa divorce niyo ni Mr. Boucher.”Sandaling natulala si Samantha at hindi na nagsalita.Dinagdag pa ni Barbara, “Gustong makapasok ni Katrina sa pamilya ng mga Boucher, pero hindi kailanman papayag ang mga Boucher dun. At hindi ko rin siya hahayaan. Nakita mo na ang naging kapalaran niya. Wala talagang intensyon si Mr. Boucher na pakasalan siya, kaya kung hindi dahil sa mga insidente na yun, tatanggapin ni Katrina ang posisyon niya sa buhay at mamumuhay bilang kerida ni Mr. Boucher, habang hindi naman tatapusin ni Mr. Boucher ang relasyon sa kaniya.”Nagdesisyon na si Samantha na gusto niyang ituloy ang divorce, at naiint
Read more

Kabanata 678

Tiningnan silang dalawa ni Ryleigh. “Medyo sikat ang ex-girlfriend niya, Xyla Mayweather ang pangalan. Isang supermodel, at chairman ng Royal Crown Entertainment Co. ang tatay niya.”Natigilan si Maisie.‘Xyla Mayweather? Parang pamilyar ang pangalan na yun.’Saka siya nagtanong, “Siya ba yung international model na madalas lumabas sa Sheena Jewelry Show?”Tumango si Ryleigh.Ngumiti si Maisie. “Ibig sabihin, kilala ko siya. Pumirma siya ng kontrata sa Luxella noong nasa Stoslo pa ako, at siya ang ambassador ng Luxella sa Eurasia continent. Sinuwerte ako na makita siya nang ilang beses noon sa Stoslo. Sobrang ganda nga niya.”Umirap si Ryleigh. “Ang liit talaga ng mundo, ano?”Hinawakan siya sa balikat ni Barbara. “Ryleigh, huwag kang panghinaan ng loob. Naghiwalay pa din sila kahit na gaano pa siya kaganda, hindi ba? Baka ayaw ni Mr. Lucas sa mga tipo niya?”Tumingin sa kaniya si Ryleigh. “Anim na taon naging sila kahit na ayaw niya sa mga katulad ni Xyla?”“Anim na taon?” Na
Read more

Kabanata 679

Mabilis na tumayo si Ryleigh dala ang kaniyang coat, tumakbo papunta sa kotse, binuksan ang pinto, at sumakay sa passenger seat sa harap bago suotin ang seatbelt. “Helios, sobrang bait mo! Alam ko talagang hindi mo ako pababayaan!”Lumingon siya sa lalaking nakaupo sa driver’s seat, at agad na nanigas ang ngiti sa kaniyang mukha. “Bakit ikaw?””Napatingin siya sa bakanteng back seat.Naamoy ni Louis ang malakas na amoy ng alak sa katawan ni Ryleigh. Hindi nagbago ang ekspresyon niya habang binababa ang bintana ng kotse. “Walang oras ang pinsan mo para alagaan ka.”“I… pinapunta ka ba ni Helios?” Namangha si Ryleigh.Naisip niya bigla kung bakit ang bilis pumayag ni Helios kanina nang tumawag siya.‘Pumayag siya pero wala talaga siyang balak na personal na pumunta! Pambihirang pinsan yan!’Hindi na nagsalita si Louis.“Mas mabuting tawagan ko na lang ang tatay ko para pagbuksan ako ng pinto.” Inalis ni Ryleigh ang seat belt at bubuksan na sana ang pinto ng kotse.Bigla naman ni
Read more

Kabanata 680

Sinara na ni Louis ang pinto.Nakatayo pa rin sa labas ng pinto ang kasambahay, nagdadalawang-isip kung dapat niya bang sabihin ito kay Mrs. Lucas kinabukasan.Lumingon si Ryleigh, kinamot ang pisngi at nagsalita habang tulog.Naupo si Louis sa kama, nilapag ang hangover remedy sa bedside table at pinagmasdan si Ryleigh. “Ryleigh.”Hindi ito nagising, kaya lumapit si Louis at tinapik ang balikat nito. “Huy, gising.”“Manahimik…manahimik ka.” Kinaway ni Ryleigh ang kamay, aksidente niyang tinamaan ang kamay ni Louis, at nakalmot ang kwelyo nito kaya natanggal ang isang butones ng damit.Gumulong ang butones sa ilalim ng kama, hinawakan naman ni Louis ang mga kamay nito. “Ryleigh Hill, ikaw…”Pero nagkataon naman na lasing si Ryleigh at mahimbing na natutulog.Pinagmasdan niya ang mukhang ilang pulgada lang ang layo sa kaniya. At mukhang ang amoy ng alak na nagmumula kay Ryleigh ay sapat ng nakaka-enganyo para mapalunok siya ng laway.Agad siyang napaupo nang tuwid, pinakalma ni
Read more

Kabanata 681

Nilapag ni Louis ang mangkok at pinunasan ng panyo ang kaniyang mga labi. “Mom, sigurado ka bang gusto niyo agad bigyan ng konklusyon ‘to?”Magsasalita na sana si Larissa nang may biglang sumigaw sa taas. “Louis Lucas, tarantado ka!”Galit na galit na tumakbo pababa si Ryleigh nang hindi na nagsusuot ng sapatos. Namamaga pa ang mga mata niya dahil sa pag-iyak kagabi. “Hindi ba’t sinabi kong ihatid mo ako sa hotel? Bakit mo—-”Nang makita niya sina Larissa at ang kasambahay sa tabi ni Louis, nanghina ang mga tuhod niya, at napahawak siya sa handrail ng hagdanan, muntik na siyang matumba at gumulong sa hagdan.Nagulat si Larissa. “Ryleigh!?”Isang naiilang na ngiti ang lumitaw sa mga sulok ng labi niya.‘Heto na, na-misundertood na ako.”Sa Soul Jewelry…Nakaupo si Maisie sa kaniyang opisina at gumagawa ng mga sketches ng designs nang makatanggap siya ng message sa kanyang cell phone mula kay Nolan.[Huwag mo kalimutan ang parents’ meeting ng mga bata bukas.]Ngumisi siya haban
Read more
PREV
1
...
6667686970
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status