Share

Kabanata 681

Nilapag ni Louis ang mangkok at pinunasan ng panyo ang kaniyang mga labi. “Mom, sigurado ka bang gusto niyo agad bigyan ng konklusyon ‘to?”

Magsasalita na sana si Larissa nang may biglang sumigaw sa taas. “Louis Lucas, tarantado ka!”

Galit na galit na tumakbo pababa si Ryleigh nang hindi na nagsusuot ng sapatos. Namamaga pa ang mga mata niya dahil sa pag-iyak kagabi. “Hindi ba’t sinabi kong ihatid mo ako sa hotel? Bakit mo—-”

Nang makita niya sina Larissa at ang kasambahay sa tabi ni Louis, nanghina ang mga tuhod niya, at napahawak siya sa handrail ng hagdanan, muntik na siyang matumba at gumulong sa hagdan.

Nagulat si Larissa. “Ryleigh!?”

Isang naiilang na ngiti ang lumitaw sa mga sulok ng labi niya.

‘Heto na, na-misundertood na ako.”

Sa Soul Jewelry…

Nakaupo si Maisie sa kaniyang opisina at gumagawa ng mga sketches ng designs nang makatanggap siya ng message sa kanyang cell phone mula kay Nolan.

[Huwag mo kalimutan ang parents’ meeting ng mga bata bukas.]

Ngumisi siya haban
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status