Laging dala ni Katrina ang cell phone niya. Ni hindi niya ito pinapahawak kay Eugene dahil hindi pwedeng malaman ng iba ang mga nakatago sa phone niya.Binabalak pa niyang sabihin ang tungkol sa mga sikretong nasa cell phone niya kung talagang pipilitin siya ni Eugene na gawin ang ayaw niyang gawin. Hindi madaling makakatakas si Eugene kung papahirapan siya nito.'Pero paano ito nalaman ni Barbara?'Habang nakatingin sa natatarantang ekspresyon ni Katrina, mas lalong naniwala si Barbara sa sinabi ni Maisie.'Mayroon ngang laman ang phone ni Katrina na magagamit para bantaan si Eugene.'Hindi rin tanga si Eugene. Napansin niya ang maliliit na pagbabago sa ekspresyon ni Katrina, kaya hiningi niya kay Katrina ang phone nito, pero tumanggi si Katrina.Hanggang sa inutusan ni Barbara ang bodyguard na padapain siya sa sahig. Nagpumiglas si Katrina. "Yelena Chase, anong balak mong gawin? Dahil alam mo ang tinatago ko sa phone ko, bakit ang lakas ng loob mong gawin ito? Hindi ka ba
’Siya ang nagbulgar ng scandal sa pagitan nina Eugene at Katrina at nagpadala sa akin ng address ng Stanford manor, sinabi niya sa akin na makikita ko si Eugene at Katrina doon. Ginawa niya ba itong lahat para nandoon ako at mapanood yun nang live?’Ngumiti si Barbara. “Wala akong ibang intensyon. Gusto ko lang makita mo ang pangyayari at pag-isipan ang desisyon mo sa divorce niyo ni Mr. Boucher.”Sandaling natulala si Samantha at hindi na nagsalita.Dinagdag pa ni Barbara, “Gustong makapasok ni Katrina sa pamilya ng mga Boucher, pero hindi kailanman papayag ang mga Boucher dun. At hindi ko rin siya hahayaan. Nakita mo na ang naging kapalaran niya. Wala talagang intensyon si Mr. Boucher na pakasalan siya, kaya kung hindi dahil sa mga insidente na yun, tatanggapin ni Katrina ang posisyon niya sa buhay at mamumuhay bilang kerida ni Mr. Boucher, habang hindi naman tatapusin ni Mr. Boucher ang relasyon sa kaniya.”Nagdesisyon na si Samantha na gusto niyang ituloy ang divorce, at naiint
Tiningnan silang dalawa ni Ryleigh. “Medyo sikat ang ex-girlfriend niya, Xyla Mayweather ang pangalan. Isang supermodel, at chairman ng Royal Crown Entertainment Co. ang tatay niya.”Natigilan si Maisie.‘Xyla Mayweather? Parang pamilyar ang pangalan na yun.’Saka siya nagtanong, “Siya ba yung international model na madalas lumabas sa Sheena Jewelry Show?”Tumango si Ryleigh.Ngumiti si Maisie. “Ibig sabihin, kilala ko siya. Pumirma siya ng kontrata sa Luxella noong nasa Stoslo pa ako, at siya ang ambassador ng Luxella sa Eurasia continent. Sinuwerte ako na makita siya nang ilang beses noon sa Stoslo. Sobrang ganda nga niya.”Umirap si Ryleigh. “Ang liit talaga ng mundo, ano?”Hinawakan siya sa balikat ni Barbara. “Ryleigh, huwag kang panghinaan ng loob. Naghiwalay pa din sila kahit na gaano pa siya kaganda, hindi ba? Baka ayaw ni Mr. Lucas sa mga tipo niya?”Tumingin sa kaniya si Ryleigh. “Anim na taon naging sila kahit na ayaw niya sa mga katulad ni Xyla?”“Anim na taon?” Na
Mabilis na tumayo si Ryleigh dala ang kaniyang coat, tumakbo papunta sa kotse, binuksan ang pinto, at sumakay sa passenger seat sa harap bago suotin ang seatbelt. “Helios, sobrang bait mo! Alam ko talagang hindi mo ako pababayaan!”Lumingon siya sa lalaking nakaupo sa driver’s seat, at agad na nanigas ang ngiti sa kaniyang mukha. “Bakit ikaw?””Napatingin siya sa bakanteng back seat.Naamoy ni Louis ang malakas na amoy ng alak sa katawan ni Ryleigh. Hindi nagbago ang ekspresyon niya habang binababa ang bintana ng kotse. “Walang oras ang pinsan mo para alagaan ka.”“I… pinapunta ka ba ni Helios?” Namangha si Ryleigh.Naisip niya bigla kung bakit ang bilis pumayag ni Helios kanina nang tumawag siya.‘Pumayag siya pero wala talaga siyang balak na personal na pumunta! Pambihirang pinsan yan!’Hindi na nagsalita si Louis.“Mas mabuting tawagan ko na lang ang tatay ko para pagbuksan ako ng pinto.” Inalis ni Ryleigh ang seat belt at bubuksan na sana ang pinto ng kotse.Bigla naman ni
Sinara na ni Louis ang pinto.Nakatayo pa rin sa labas ng pinto ang kasambahay, nagdadalawang-isip kung dapat niya bang sabihin ito kay Mrs. Lucas kinabukasan.Lumingon si Ryleigh, kinamot ang pisngi at nagsalita habang tulog.Naupo si Louis sa kama, nilapag ang hangover remedy sa bedside table at pinagmasdan si Ryleigh. “Ryleigh.”Hindi ito nagising, kaya lumapit si Louis at tinapik ang balikat nito. “Huy, gising.”“Manahimik…manahimik ka.” Kinaway ni Ryleigh ang kamay, aksidente niyang tinamaan ang kamay ni Louis, at nakalmot ang kwelyo nito kaya natanggal ang isang butones ng damit.Gumulong ang butones sa ilalim ng kama, hinawakan naman ni Louis ang mga kamay nito. “Ryleigh Hill, ikaw…”Pero nagkataon naman na lasing si Ryleigh at mahimbing na natutulog.Pinagmasdan niya ang mukhang ilang pulgada lang ang layo sa kaniya. At mukhang ang amoy ng alak na nagmumula kay Ryleigh ay sapat ng nakaka-enganyo para mapalunok siya ng laway.Agad siyang napaupo nang tuwid, pinakalma ni
Nilapag ni Louis ang mangkok at pinunasan ng panyo ang kaniyang mga labi. “Mom, sigurado ka bang gusto niyo agad bigyan ng konklusyon ‘to?”Magsasalita na sana si Larissa nang may biglang sumigaw sa taas. “Louis Lucas, tarantado ka!”Galit na galit na tumakbo pababa si Ryleigh nang hindi na nagsusuot ng sapatos. Namamaga pa ang mga mata niya dahil sa pag-iyak kagabi. “Hindi ba’t sinabi kong ihatid mo ako sa hotel? Bakit mo—-”Nang makita niya sina Larissa at ang kasambahay sa tabi ni Louis, nanghina ang mga tuhod niya, at napahawak siya sa handrail ng hagdanan, muntik na siyang matumba at gumulong sa hagdan.Nagulat si Larissa. “Ryleigh!?”Isang naiilang na ngiti ang lumitaw sa mga sulok ng labi niya.‘Heto na, na-misundertood na ako.”Sa Soul Jewelry…Nakaupo si Maisie sa kaniyang opisina at gumagawa ng mga sketches ng designs nang makatanggap siya ng message sa kanyang cell phone mula kay Nolan.[Huwag mo kalimutan ang parents’ meeting ng mga bata bukas.]Ngumisi siya haban
Tiningnan nang mabuti ni Maisie, at napansin niya na pamilyar ang katawan ng lalaki.At nung umakyat na sila ng hagdan ay nakilala na siya ni Maisie. Hindi siya nakilala ni Maisie nung una, siguro dahil nakasuot siya ng suit.'Si Francisco ang lalaking yun. 'Dahil tatlong taon ko siyang hindi nagkikita, halata na naging mas kalmado siya at confident, mas naging matatag ang ugali niya at mukha na siyang mas mature ngayon.'Nakita na rin siya ni Francisco, at bahagyang nagulat ang ekspresyon niya. "Little… Little goddess?"Nagulat si Maisie at lumingon sa tingin sa kaniya ni Francisco.'Si Maisie Vanderbilt ba yun?'"Francisco, tagal na nating hindi nagkita." Magalang na ipinakilala ni Maisie si Francisco kay Madam Nera, "Lola, siya ang pangalawang pinakabatang tagapagmana ng mga Boucher."Ngumiti si Madam Nera at tinanguan siya.Mukha lang mature at kalmado si Francisco pag hindi siya nagsasalita, at parang bumalik siya sa kung sino talaga siya three years ago nang ma
Hindi lang sa malakas ang Taylor Jewelry sa jewelry industry pero isa rin itong malaking kumpanya sa business circle at sa entertainment industry. Bukod pa roon, ang mga artista sa entertainment industry sa buong mundo ay laging sinusubukan na makipag-kompetensya para maging endorser ng mga jewelry product ni Madam Nera. Hindi nga man lang siya nanghingi ng tulong kay Nolan o sa mga Lucas dati, kaya bakit siya matatakot sa mga Hannigan?Sinasabi na hindi iyon dahil kung gaano kalakas ang background ni Madam Nera kundi dahil sa hindi siya takot sa mga awtoridad. Lagi siyang prangka, nakakatakot, at walang awa nung bata pa siya, at ang mga taong nakakakilala sa kaniya ay nirerespeto siya dahil doon.Nang makitang hindi makapagsalita si Maizie, makahulugan siyang tiningnan ni Madam Nera. "Ang tatay mo, si Nathaniel Hannigan, hindi siya nakikipag-usap sa akin ng tulad sa ginawa mo. Lalo na't junior ka pa lang sa circle. Hindi mo dapat basta minamaliit ang iba."Ngumiti si Maisi
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell