“Tama, officer, paanong makakapatay ang nanay ko? Hindi ba kayo nagkakamali?!” Walang ideya si Willow sa nangyayari.“Walang nagawang mali ang mga pulis.” Dumapo ang tingin ni Maisie sa mga Vanderbilt, at marahan siyang nagpaliwanag, “Tinest ni Dr. Watson ang naiwang epithelial cells sa mga kuko ni Tita Yanis na galing sa pumatay. Ang DNA na yun ay match sa DNA ni Leila Scott.”Kaagad na namutla ang mukha ni Leila.‘Mga kuko… Posible bang nakalmot ni Yanis ang anit ko noong sinasabunutan niya ako?’Nakangiting tumango si Joe, kinuha niya ang DNA verifications results sa folder at inabot yun sa mga Vanderbilt/Kinuha ni Stephen ang report, binasa ang laman nito, tumalikod at pinanlisikan ng mga mata si Leila. “Ikaw pala ang gumawa nun!?”“Hindi, hindi ako yun! Wala, wala akong pinatay, hindi ako yun. At saka, bakit ko papatayin si Yanis? Wala akong dahilan para patayin siya!” Kinakabahang paliwanag ni Leila.“Wala ka ngang dahilan para patayin siya.” Dahan-dahang bumaba ng
Read more