Nawalan ng balance si Daisie at natumba sa bisig ni Nollace at agad naman siyang sinalo nito. Nang umalis na ang doctor, agad na pumasok si Daisie sa kwarto. “Mia!”Nakahiga si Mia sa kama at may IV drip sa kaniyang kamay, maayos na ang sitwasyon niya pero mukhang mahina pa rin. “Ayos lang ako, ma’am…”Tinanong ni Daisie, “Mia, sabihin mo sa akin, may gamot ka bang ininom?” Nagtaka si Mia. “Gamot? Wala.” Tiningnan siya ni Daisie. Mukhang hindi naman nagsisinungaling si Mia. Kung umiinom siya ng gamot, alam niya dapat kung ano ang ininom niya pero wala naman siyang iniinom na kahit ano, paano nangyari na…Dahan-dahang umupo si Mia at sumandal sa pader, “Nagsimulang sumama ang pakiramdam ko matapos ang dinner.” Nag-iba ang ekspresyon ni Daisie. “Ang pagkain ko na kinain mo sa kwarto?” Tumango si Mia, may naalala siya. “Mabuti na lang at hindi kayo ang kumain o baka napunta pa kayo sa kapahamakan. Pero nakakapagtaka. Hindi naman ako naglagay ng kahit ano sa pagkain kaya bakit
Magbasa pa